Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 11

"Mamahinga na muna tayo," ani ni Prinsipe Ravi matapos patigilin ang kabayo.

Lumingon ako para tingnan si Prinsipe Nesh na nakahinto na rin ngayon. Nanguna siya kanina sa pagpapatakbo pero agad din naman namin siyang naabutan ni Prinsipe Ravi. Tila sanay na sanay na ang magkapatid sa pangangabayo. Gan'to rin kaya kagaling ang tatlo pa nilang mga kapatid?

Napahawak ako nang mahigpit sa bandang leeg ni Angelito nang bumaba si Prinsipe Ravi dahilan para gumalaw ang kabayo. Nakababa na rin si Prinsipe Nesh at kasalukuyang itinatali ang kaniyang kabayo sa isang puno. Kailangan ding mamahinga ang dalawang kabayo dahil mahaba-haba rin ang itinakbo nito.

Paano naman kaya ako bababa ngayon? Tatalon na lang yata ako? Tiningnan ko kung gaano kataas ang tatalunin ko para makababa. Parang mas gusto ko na lang umupo rito sa kabayo at maghintay hanggang sa umuwi na kami. Natatakot ako dahil baka mamali na naman ang pag-apak at pagbalanse ng dalawang paa ko dahil baka pagkahulog na naman ang magiging kahihinatnan.

"Huwag mong talunin at baka mapilayan ka pa. Hayaan mong alalayan kitang makababa nang maayos," nakatingin na wika ni Prinsipe Ravi sa 'kin. Tila nabasa niya ang aking nasa isip.

Inayos niya muna ang nakakabit na apakan sa kabayo bago inilahad ang kaniyang palad sa 'kin. Kumalabog na naman ang puso ko sa 'di malamang dahilan. Dahan-dahan akong umapak sa apakan habang hawak ang kaniyang kamay. At nang tumalon na ako para tuluyang makababa, 'di ko na-tant'ya kung gaano siya kalapit kaya nasobrahan ang pagtalon ko to the point na napasubsob ako sa kaniyang dibdib nang makaapak na sa lupa ang aking mga paa. 'Di ko sinasadyang hawakan ang kaniyang kaliwang balikat at ramdam ko naman ang kaniyang kamay na nakasuporta sa likod ko para 'di kami tuluyang ma-out of balance. Halos magkayakap na kami sa posisyon namin ngayon.

Sa kaniya ba nanggagaling ang malakas na heartbeat? Pinakiramdaman ko ang dibdib niya pero wala akong marinig. Mukhang sa 'kin nanggagaling ang mabilis na tibok ng puso. Kinakabahan akong baka marinig niya rin.

"Ayos ka lang ba?"

Unti-unti akong tumingala at nakita ko ang perpekto niyang mukha na nakayuko para tingnan ako. Nakaramdam ako ng pagka-ilang nang marealized kung ano ang posis'yon namin ngayon kaya dali-dali kong inalis ang pagkakahawak ko sa balikat niya at umayos ng tindig.

Mahina akong napatikhim. Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya. "A-Ayos lang ako. Pasensiya po, Prinsipe Ravi."

"Wala 'yon," an'ya. "Pumaroon muna kayo ni Nesh sa talon ng Hubun at susunod na lamang ako. Hahanapan ko pa si Angelito nang maayos na masisilungan," dagdag pa nito.

Ilang segundo ko lang siyang tiningnan at agad na yumuko at saka ako lumapit kay Prinsipe Nesh. I took a deep breathe. Feeling ko ang init-init!

"Hindi ko mawari kung anong dahilan ng pamumula ng iyong pisngi. Hindi naman mainit, sa katunayan nga ay napakapresko rito sa gitna ng kagubatan." Kasabay ko si Prinsipe Nesh sa paglalakad papunta sa falls na sinasabi ni Prinsipe Ravi.

Hinawakan ko ang magkabilaang pisngi ko. Luh, am I blushing right now? Marahan kong tinapik-tapik ito para mawala ang pamumula.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa kaya napakunot ang aking noo. Anong tinatawa-tawa niya?

"May nakakatawa ba?" nagtataka kong tanong.

"May tanong ako, Zariya..." Huminto ito at seryosong lumingon sa 'kin.

Dapat ba akong kabahan? Sa boses palang niya, ipinapahiwatig nitong dapat lang akong kabahan.

"A-Ano?" nauutal kong tanong ulit.

"Bakit tila iba ang pakikitungo mo sa aking kapatid na si Ravi? Bakit pagdating sa kaniya, napakabait mo samantalang sa 'kin o sa iba ko pang mga kapatid ay napakasungit mo? Hindi pantay ang iyong pakikitungo sa amin, Zariya."

Hindi ako agad nakasagot sa tinanong nito. Kailan ako nagsungit sa kanila? Kung anu-ano ang napapansin niya! Ganito lang naman talaga ako.

"Hindi ako masungit!" dipensa ko.

Attitude lang ako.

Nauna na akong maglakad kahit 'di ko alam kung saan ang tamang daan, matakasan lang ang tanong niya.

Sinundan ko na lang kung saan nagmumula ang malakas na agos ng tubig. Hindi imposibleng may waterfall dito dahil nasa gitna nga kami ng kagubatan at madalas ay may mga tagong talon talaga rito. Napapatingala ako sa nagtataasang mga puno. Hindi ordinaryong puno ang mga ito dahil tila may buhay silang sumasayaw sa ihip ng hangin. Sa bawat pag-apak ko ay maririnig ang langutngot ng mga tuyong dahon na naaapakan ko. Marami nang mga tuyong dahon ang naipon roon dahil wala namang naglilinis dito.

Huminto ako at lumingon para siguraduhin na nakasunod pa rin sa 'kin si Prinsipe Nesh. Mahirap na't baka mawala ako rito. Napanatag naman ako nang makita ko siyang nakasunod pa rin sa likuran ko. Ngumiti pa nga ito nang magtama ang mga mata namin kaya pilit na ngiti rin ang binalik ko. Hindi ko natuloy ang paghakbang muli dahil halos salubungin ako nang malakas na hangin kasabay ng mga tuyong dahon sa lupa. Napapikit ako dahil baka mapuwing ako sa sobrang lakas ng hangin na halos tangayin ang mga dahon kasama na ang buhangin. Tila may ipo-ipong paparating sa kinaroroonan ko. Pinatigas ko ang buo kong katawan para hindi rin matangay.

Kasabay nang pagtalikod ko ang siya namang paglipad ng buhok ko sa lakas ng hangin. Nakalugay lang ako kaya for sure, gulong-gulo ngayon ang buhok ko. Ang bruha pa naman tingnan ng buhok ko kapag nililipad ito. Unti-unti akong napamulat nang wala na akong maramdamang malamig na simoy ng hangin. Sobrang tatag ko na ba kung sabihin kong nakatayo pa rin ako rito at 'di natangay? Nakita ko ang maraming tuyong dahon na nakapalibot na sa 'kin. Ang ayos naman ng simoy ng hangin kanina kaya ba't bigla na lang nagkaro'n ng ipo-ipo? Nakakapagtaka.

Agad kong tinignan si Prinsipe Nesh upang alamin kung anong nangyari sa kaniya, kung ayos lang ba siya. Pero laking gulat ko nang kalma lang itong nakatayo habang nakatitig sa 'kin na parang walang nangyari. Napansin ko na walang nagbago sa mga dahon na nakapaligid sa kaniya. Hindi rin nagulo ang maayos niyang buhok. Walang bahid sa kaniyang katawan na dinaplisan ng malakas na hangin. Parang 'di siya nahagip ng ipo-ipo.

Tila ako lang ang tinamaan ng malakas na hangin.

"Hindi ka ba nahagip ng malakas na hangin?" nagtatakang tanong ko.

Imbes na sagutin agad ang tanong ko, naglakad siya papalapit sa 'kin. Natanaw ko na rin si Prinsipe Ravi na papunta na sa kinaroroonan namin.

"Amihan ang tawag sa kaniya, ang tagapag-alaga ng hangin maging ang ulan. Gano'n niya salubungin ang bagong napadpad sa gitna ng kagubatang ito," wika nito habang inaayos ang mga mala-bundok ng tuyong dahon gamit ang kaniyang paa. "Huwag kang matakot sapagkat mabait naman si Amihan."

Ang creepy naman pero at the same time, ang cool! Maging ang hangin ay tila may buhay sa mundong ito. Lahat nga ng bagay ay posible sa panahon na ito.

"Oh, anong ginagawa niyo rito? Tara na sa talon nang makapagpahinga tayo at makabalik na sa palasyo."

Tumalima naman kami agad ni Prinsipe Nesh. Nangunguna na ngayon maglakad si Prinsipe Ravi. Habang naglalakad ay panay pa rin ang pagtingala ko sa nagtataasang puno. Napamangha ako nang mapansing nag-iiba ang kulay nito. Kung kanina ay kulay luntian, ngayon ay kulay kahel na. Feeling ko tuloy nasa ibang bansa ako at autumn season.

"Bakit nag-iiba ang kulay ng mga dahon?" bulong ko kay Prinsipe Nesh.

"Nag-iiba talaga ang kulay nito habang papalapit tayo sa nakatagong talon dito sa gitna ng kagubatan. Ipinaparating nila na tayo ay malapit na sa paroroonan natin. Isa rin ito sa nagbibigay ganda at kulay sa nasabing talon."

Nagpatango-tango ako. Nakakamangha ang lahat ng nararanasan ko ngayon!

"Alam mo ba..."

Ang diretsong tingin ko sa dinadaanan ay napunta ngayon sa kaniya. Nakakaintriga ang tono ng boses niya.

"Hindi pa. Malamang ay hindi ko pa alam," mapanloko kong sagot.

"May taga-pangalaga rin sa talon na narito. Ang sinasabi ng mga nakakatanda, 'di na nakakabalik ang sino mang matipuhan ni Alabaro."

"Alabaro?"

"Tama, si Alabaro nga. Ang nakakatakot na halimaw sa talon. May dalawang sungay, matutulis na pangil at mahahabang mga kuko. Tila isang lamang-lupa na bigla-bigla na lang susulpot at kukunin nang biglaan ang kaniyang natipuhan. Madalas na puntirya niya ay ang mga babaeng dayo, ang bago sa kaniyang mata. Ang ginagawa niya sa mga nakukuha niyang nilalang ay binibihag niya muna bago gawing pagkain. May malaki siyang kawali na may kumukulong tubig at doon niya nilalagay nang buhay ang mga nilalang na nakuha niya para iluto at gawing pagkain." Kinilabutan ako dahil sa mapanakot niyang boses. Bakit niya ba sinasabi ang mga ito? Gusto ko na tuloy umatras at huwag na lang tumuloy.

Nanatili akong nakatayo at ramdam ko ang malamig na pawis na tumutulo na sa 'king noo. Nagdadalawang-isip na ako ngayon kung tutuloy pa ba ako sa talon.

"B'waaaah!!!" malakas na sigaw ni Prinsipe Nesh.

Halos lumundag ang puso ko sa sobrang gulat. Kulang na lang ay atakihin ako sa puso. Magpasalamat siya dahil lumayo agad ito kung 'di, kanina ko pa siya nabatukan.

Walang tigil sa pagtawa si Prinsipe Nesh. Hawak niya pa ang kaniyang tiyan sa sobrang paghalakhak. Mangiyak-ngiyak pa ito. Nababaliw na ba siya? Sana ay ayos pa siya.

"Ang iyong reaksiyon," turo niya sa 'kin at tumawang muli.

Pinagtritripan niya ba ako? Ngayon ko lang napagtanto na walang katotohanan ang mga sinabi niya tungkol kay Alabaro, ang halimaw sa talon.

"Alam mo, nakakainis ka talaga! Bahala ka nga r'yan! Maihi ka sana sa salawal mo sa kakatawa."

Nagmamaktol akong naglakad muli. Iniwan ko siyang hanggang ngayon ay walang tigil sa pagtawa. Tumakbo ako para masabayan si Prinsipe Ravi.

"Nasaan si Nesh?" tanong nito nang maramdamang nasa tabi na niya ako na kasabay sa paglalakad. Lumingon ito at hindi niya nakita na kasama ko ang nakababata niyang kapatid.

Nagkibit balikat lamang ako. Hindi ko sinabing iniwan ko siya ro'n na halos mamatay na sa kakatawa. Ayokong sabihin na naisahan na naman ako ng kapatid niya sa kalokohan nito. Kung bakit ba kasi sa paraan ng pagpapaliwanag niya, aakalain mong totoo ang lahat ng sinasabi niya.

Malapit na yata kami sa talon dahil mas lumakas na ang naririnig kong agos ng tubig. Mga katamtamang laki na mga bato na rin ang dinadaanan namin ngayon.

"Kaya mo ba? Gusto mo bang alalayan kita? Madulas ang mga batong narito," babala ni Prinsipe Ravi na agad ko namang tinanggihan.

"Naku! Huwag na, Prinsipe Ravi, kaya ko naman." Nahihiya na ako sa kaniya dahil kanina pa niya akong inaalalayan. "Sanay naman ako sa ganitong daan."

"Sigurado ka?"

I nodded at him. Mag-iingat na lamang ako at dahan-dahang maglakad. Sanay na rin naman akong dumaan sa ganitong maraming bato dahil napapadalas din ang punta namin sa mga falls t'wing outing namin noong high school. Naglalakihang mga bato pa nga ang dinadaanan namin noon kaya walang-wala itong mga bato na ito ngayon.

Walang arte kong hinawakan ang bawat batong dinadaanan ko, 'wag lang madulas. Kahit 'di ako tumingin kay Prinsipe Ravi, ramdam kong nakatingin ito sa 'kin. Marahil ay inaabangan niya kung madudulas ba ako upang maalalayan niya ako kapag nagkataon. Pero sabi ko nga na sanay na ako kaya walang daplis na sugat akong natamo hanggang sa makarating kami sa talon.

"Wow!" Napahalukipkip ako ng bibig dahil sa amazement.

Nasa harap ko na ang sinasabing talon na tago sa kagubatang ito. Sobrang ganda! Ang tubig na rumaragasa mula sa malalaking bato ay pinaghalong kulay asul at berde. Napakalinis, sobra! Hindi naman ganoon kalakas ang pag-agos ng tubig kaya walang rason upang matakot ako.

Nanatili pa rin kami ni Prinsipe Ravi sa naglalakihang bato na nasa gilid. Sumandal muna ako roon upang mapagmasdan nang mabuti ang napakagandang talon na ito.

"Nauuhaw ka ba?" tanong niya sa 'kin.

"M-Medyo," pag-tango ko. Kanina pa ako hinihingal at wala man lang kaming dalang tubig na maiinom. Tuyo na ang labi ko at kailangan ko na talagang uminom ng tubig.

Inalis niya ang suot niyang combat boots. Inilislis rin niya ang jeans niya at pati na rin suot niyang long sleeve na hanggang siko na niya ngayon. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa ilog na nanggagaling sa talon.

Nabasa na ngayon ang mga binti niya. Hindi naman malalim ang ilog na 'yon dahil hanggang tuhod niya lang ito. Ginamit niya ang dalawang palad niya para makainom. Wala kaming dalang baso o bottle kaya palad talaga ang gagamitin para makakuha ng tubig na maiinom.

"Halika, Zariya. Tamang-tama ang lamig ng tubig."

Inilislis ko na rin ang jeans at long sleeve ko. Humawak ulit ako sa mga batong naroon upang magsilbing suporta para 'di ako madulas.

Pag-apak ko sa tubig, ramdam ko ang lamig nito. Ang sarap siguro maligo rito tuwing summer. Hinugasan ko muna ang mga kamay ko bago kumuha ng tubig na maiinom. Nabasa ang bandang baba ko dahil sa pag-inom pero 'di ko alintana 'yon. Matapos uminom ay ang siya naman pagkarating ni Prinsipe Nesh. Hindi ko siya pinansin dahil naiinis pa rin ako sa kaniya. Muntik na akong napaniwala kanina at may balak pa akong magpaiwan na lang. Kung saan niya ba naman kasi nahagilap ang kwentong iyon!

Gaya namin ni Prinsipe Ravi, uminom din ito ng tubig. Sobrang nakakapagod ang mangabayo at tanging tubig at pahinga lang ang magbibigay lakas ulit sa kanila. Naupo kaming tatlo sa naglalakihang bato. Nasa bandang kanan ko si Prinsipe Ravi at sa bandang kaliwa ko naman si Prinsipe Nesh. Nasa gitna ako ng dalawang Prinsipe.

"Alam mo ba, Zariya, may mahiwagang k'wento ang talon ng Hubun na ito," panimula ni Prinsipe Ravi pero ang kaniyang paningin ay nasa rumaragasang tubig. Dumapo rin ang paningin ko sa direksiyon na iyon.

This time, maniniwala ako sa ano mang k'wento na 'yon dahil legit source itong si Prinsipe Ravi. Hindi katulad ng bunsong kapatid niya na si Prinsipe Nesh na puro fake news at kalokohan ang iniaabot sa akin.

"Ang sabi nila, kung pumunta rito ang dalawang magkasintahan at humingi ng basbas sa tagapangalaga sa talong ito, ay makakasiguro na... sila na talaga hanggang dulo." Nilingon niya ako at nahuli niyang nakatitig ako sa kaniya. "Kaya may balak akong ipunta rito si Haya Kaira para humingi ng basbas. Na nawa'y kami na hanggang dulo. Na siya na nga ang babaeng inilaan para sa akin."

May konting kirot man akong naramdaman, ngumiti pa rin ako sa kaniya. Bakas sa kaniya na sobrang mahal niya nga talaga si Haya Kaira. Swerte ng babae dahil napunta siya sa mabait at mapagmahal na Prinsipe.

"Hinihiling ko na kayo na nga ni Haya Kaira ang itinadhan," pagsang-ayon ko.

Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Hindi na naman ako mapakali dahil tila may nakamasid na naman sa amin ngayon. Hindi ba nararamdaman nila Prinsipe Ravi at Prinsipe Nesh? Naalala ko na naman ang dalawang taong nakita ko kanina papasok sa kagubatang ito. Tama kaya ang hinala ko na si Prinsipe Arsh 'yon? Kung siya nga, sino naman ang babaeng kasama niya?

Namayani na ang takot at kaba sa 'kin. May mga mata talagang nakamasid sa amin ngayon. Hindi ko alam kung ba't ko nararamdaman ito pero sigurado akong may nakatagong nilalang na nagmamasid sa amin. Kaya naman nag-aya na ako sa kanila na bumalik na sa palasyo. Hindi naman sila tumanggi. Hinayaan kong alalayan na ako ni Prinsipe Ravi para mas mapabilis ang pagbalik namin sa pinaghintuan namin kanina. Inalis na ng dalawang Prinsipe ang tali sa kanilang kabayo. Muli, inalalayan na naman ako ni Prinsipe Ravi sa pag-sakay.

Walang imik naming binabaybay ang daan pabalik ng palasyo. Tumingala ako at magdidilim na ang kalangitan, malapit na mag-gabi. Kung gayon, buong araw akong wala sa palasyo. Kailangan na naming makabalik bago pa magdilim ang buong paligid.

Mabilis naman ang pagpapatakbo nilang dalawa. Bago tuluyang kainin ng dilim ang paligid, nakarating na kami sa bungad ng kanilang ekta-ektaryang bukirin.

Nang makarating kami sa malawak na bukirin nila, 'di ko inaasahan na nakaabang doon ang dalawa pang Prinsipe, sina Prinsipe Cozen at Prinsipe Dern. Anong ginagawa nila rito? Eh, malapit na gumabi.

Nang mamataan nila kaming huminto na sakay ng kabayo ay agad silang lumapit. Unang bumaba si Prinsipe Ravi. Siya ang ine-expect ko na mag-aalalay sa 'kin pababa pero laking gulat ko nang nasa harap ko na si Prinsipe Cozen. Inayos nito ang apakan at 'di na ako nakatanggi kaya dahan-dahan niya akong inalalayan pababa mula kay Angelito.

"Bakit hindi niyo ako inayang mangabayo?" Bakas ang pagtatampo sa tono ni Prinsipe Dern.

"Hindi kita nakita kanina," sabat ni Prinsipe Nesh. "Aayain sana kita kanina ngunit hindi kita nakita sa palasyo."

"Dapat ay hindi niyo isinama si Zariya. Alam niyo kung gaano kadelikado ang gubat na 'yon!"

Napatingin kaming lahat kay Prinsipe Cozen na magkasalubong na ang kilay ngayon. Galit ba siya? Sasagot sana ako para sabihing 'di naman ako sinasadyang isama pero inunahan ako ni Prinsipe Ravi. Hinarap niya si Prinsipe Cozen nang walang pag-aalinlangan.

"Wala kang dapat ikabahala sapagkat kasama niya naman kami ni Nesh. Hindi naman ako papayag na may mangyaring masama kay Zariya."

Ba't feeling ko may namumuong tensiyon sa kanilang tatlo? Susubok na naman sana akong magsalita para maiba ang atmosphere pero 'di na naman natuloy.

"Tara na, ihahatid na kita, Zariya," mungkahi ni Prinsipe Dern.

Nagtaka ako dahil walang paalam na kinuha ni Prinsipe Cozen ang kamay ko. "Sa akin sasabay si Zariya sa pagbalik sa palasyo."

T-Teka...

"Ako ang kasama ni Zariya na umalis kaya ako ang may obligas'yon na ihatid siya pabalik," sabat na rin ni Prinsipe Ravi. Nakatitig ito nang seryoso kay Prinsipe Cozen.

Mas lumaki pa yata ang tensiyon sa pagitan nila. Tiningnan ko si Prinsipe Nesh para humingi sana ng tulong para mapakalma ang tatlo niyang kapatid pero tila nag-eenjoy pa siyang nanonood sa amin. Pangiti-ngiti pa ang kupal!

"Teka nga, ba't ba kayo nagtatalo kung sinong maghahatid sa 'kin pabalik? Pala-desis'yon kayo, ah!" Huminto ako at tumingin kay Prinsipe Nesh. Ngumiti ako sa kaniya dahilan mapangiwi naman ito. "Ikaw na lang ang maghatid sa 'kin pabalik, Prinsipe Nesh."

Ang kaninang pangiti-ngiti niya ay napalitan ng pagkunot-noo. "Ha? Bakit ako?"

"Kasi hindi sila? Kaya ikaw."

Kahit dito man lang ay mabawian kita sa pangtri-trip mo sa 'kin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro