DEATH: XV
Dedicated to: @wangson- for the new cover uwu
KATATAPOS lang namin kumain at sabay kami ngayon ni Zen sa paglalakad patungo sa aming classroom. May natitira pang dalawang subjects bago ang uwian.
Kanina pa ako nagpipigil ng tawa dahil sa kung anong tumatakbo sa aking isipan. Siguro ay malaking achivement para kay Zen kung mabubuo niya ang isang araw na hindi nagcu-cutting? At mukhang ito na nga ang araw na iyon.
"Can't you stop making that expression? You look like an idiotic monkey."
Bigla tuloy ako napasimangot sa sinabi niya. Kahit kailan talaga ang sama magsalita ng lalaking 'to. He is a freaking scumbag! I hate him!
Sa sobrang asar ko ay binilisan ko ang lakad ko, pero hindi pa man ako nakakalayo ay mabilis na hinili niya ako sa braso.
"Diba ang sabi ko wag kang aalis sa tabi ko?"
I raise my eyebrow, "Anong akala mo sakin, batang paslit na isinama mo sa palengke?"
Bigla namang nagsalubong ang kilay niya.
"Are you my father? Should I call you 'Dad' from now on?"I sarcastically said.
"You really loves to pissed me off tsk!"
Marahas na binitawan niya ang braso ko na hawak niya kanina. Tinalikuran niya ako at nagsimulang magmartsa palayo.
I sighed.
Mukhang malabo yung iniisip ko kanina na papasok siya sa klase like what a regular and a normal student do.
Napailing nalang ako. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid ng hallway na kinatatayuan ko. Hanggang ngayon ay nakatingin parin ang lahat ng students sa akin.
Base sa itsura nila, mukhang nakasaksi sila ng drama sa telebisyon kanina. Habang ako ay nanatili lang na nakatayo roon.
"Anong nangyari?"
"I think she was dumped."
"As expected, she's just a mere toy after all."
"More like a whore, she had Marcus first then now she's flirting with Zen."
"Serves her right."
Napabuga nalang ako ng hangin dahil sa mga narinig ko. Relax Zariah, you need to compose yourself. Hindi ka dapat pumatol sa mga ahas. That's an act of animal abuse.
Akmang aalis na 'ko sa lugar na iyon ngunit may tumawag sa pangalan ko.
"Miss Umehara, can you give me a minute?"
"O-okay, sure."
"Please follow me."sabi nito at ngumiti ng bahagya.
Halos ubos narin ang mga estudyante sa labas dahil nasa kanya-kanya na silang classroom dahil tapos na ang oras ng lunch break. Naisip kong hindi nalang rin siguro ako tutuloy pa sa mga susunod na subjects dahil tinatamad narin akong pumasok.
"A-ano hong gusto niyong sabihin?"hindi ko maipaliwanag kung bakit tensyonado ako ngayon sa taong kaharap ko. Lalo pa't kami lang dalawa ang nandito sa likod ng building ng school.
He slowly walk towards my direction. Halos pigil ang hininga ko at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
Ngumiti lang siya ng makahulugan,"I'm sorry but are you scared of me?"
Lumunok ako at huminga ng malalim,"Sir Anton, ano ba talagang kailangan niyo sakin?"
-----
Parang wala ako sa sarili habang naglalakad ako sa kung saan. Hindi ko na namalayan kung saang direksyon ba ako papunta. Kanina pa lumilipad ang utak ko dahil sa huling pag-uusap namin ni Sir Anton bago siya umalis.
"Lagi mong tatandaan ang mga sinabi ko sayo, Zariah. Makatutulong iyon sainyo."tinapik niya ng marahan ang balikat ko bago siya umalis at tuluyan nang nawala sa harap ko.
Nabalik lang ako sa tamang pag-iisip nang may maaninag akong isang pamilyar na bulto ng tao papalabas sa isang matayog na building. Luminga-linga muna ito bago mabilis na tumakbo papunta sa pinaka-boundary ng building at ng school. Maingat na lumusot ito sa mga fences na nakapalibot doon.
Sa pagkakaalam ko, matagal nang hindi ginagamit ang building na iyon na dating parte ng campus dahil sa hindi matukoy na dahilan. At isa rin sa pinaka-rules ng school ay bawal ang paglapit o pagpunta roon ng kahit na sino man.
Pero paanong galing doon si Jendy? Hindi ba't absent siya kanina kaya impossibleng nandito lang siya sa school. Baka namamalikmata lang ako?
Ngunit hindi parin talaga ako matatahimik hanggat hindi ko nakukumpirma!
Mabilis na lumapit ako sa babaeng nakatalikod sa pwesto ko. "Jendy ikaw ba yan?"
Mukhang naalarma siya sa biglaang pagsulpot ko kaya naman mabilis na tumakbo siya palayo. Nakasuot siya ng school uniform kagaya ng suot ko at sa postura palang kilalang-kilala ko na siya. Pero kailangan ko parin makita ng malapitan ang mukha niya para malaman kung totoong siya nga ito.
"Jendy sandali!"
Pinilit kong habulin siya pero pagliko niya sa isang pasilyo ay bigla nalang siyang nawala sa paningin ko. Hingal na hingal na napakapit ako sa pader.
Shit! Hindi ako pwedeng magkamali.Sigurado akong si Jendy nga 'yon. Pero bakit siya tumakbo nang makita niya ako?At ano bang ginagawa niya sa lugar na yon?
"Ako nga pala si Minerva. I'm the Student Council President."
Nagulat ako dahil may ibang tao pa pala dito. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Mabuti pa siguro ay umalis na ako sa lugar na ito at tatawagan ko nalang siguro si Jendy para tanungin.
"I said go away! I'm not fucking interested!"
Natigilan ako sa paglalakad nang marinig ko ang napakapamilyar na boses na 'yon. Sumandal ako sa pader at dahan-dahang sumilip sa kung saan nanggaling ang mga boses.
At tama nga ang hinala ko, si Zen nga!
Mukhang hindi maganda 'to. Kailangan kong gumawa ng paraan.
"Mr.Vertallia, gusto ko lang malaman mo-" hindi na natapos ng babae ang dapat niyang sasabihin dahil naglikha ng malakas na ingay ang nabasag na vase na sinipa ko.
Pareho silang napatingin sa gawi ko. Kita ko naman ang pag ngiwi ng babae nang makita nya ako. Samantalang nakangisi naman ang mokong.
But as soon as I realized kung ano ang ginawa ko, natampal ko ang sarili kong noo.
Paano ko ngayon ie-explain sa Dean ang ginawa ko? Mukhang alam ko na ang parusang ipapataw sa akin. Damn it! I wanna hide right now!
"Buti naman at nandyan ka na. Let's go."he grabbed my wrist and pulled me closer to him.
"Miss President, you know what to do." He placed his index finger on his lips which means,'you need to fuckin' shut your damn mouth' and wink at her as we left her dumbfounded.
Mabilis naman na naglalakad si Zen habang hila-hila parin ako. Hindi naman ako makapalag dahil mas malakas siya. Pero nang makahanap ako ng tyempo ay kaagad na hinila ko ng marahas ang kamay ko kaya nabitawan na niya ako sa wakas. Nakasalubong ang kilay na hinarap naman niya ako.
"What's your problem woman?"
"Where are you taking me? I wanna go home alone."
"No. You're not going home."
"What?!" I ridiculously exclaimed.
Kanina pa 'ko naaasar sa lalaking 'to. I badly wants to strangle him to death!
"Since I didn't have the chance to ask Manang's permission, then consider this as kidnapping."hindi pa ako nakakapagreact nang bigla niya akong buhatin sa balikat niya na parang isang sako.
"You jerk! Bitawan mo ko!" pilit na nagpupumiglas ako kahit alam kong wala akong laban. Sa tangkad at laki ng katawan niya, nagmumukha lang akong patpat na isinampay niya sa balikat niya.
"There's no use even if you try so hard to resist, babe." My eyes widened in horror when I felt him slap my ass! My head boiled in anger and embarassment! Damn this guy!
"You fucking pervert! Go to hell! Argghh!!"I exclaimed at the bottom of my lungs!
Mas lalo lang akong naasar nang marinig ko ang pagtawa niya. Pagkatapos non ay ibinagsak niya ako sa front seat ng sasakyan niya.
"Fasten your seatbelt, baby. We're going to hell." He said and winked at me.
How I badly wants to choke him and grab his eyeballs and murder him nonstop! Oh! Lord please spare me for my sinful thoughts!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro