Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

DEATH: XIII

NAALIMPUNGATAN ako nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Kinapa ko ito mula sa side table. Nag flash kaagad sa screen ng cellphone ko ang text message mula kay Zen. Tinignan ko muna ang oras bago ito buksan.

It's already 7:30pm. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako kanina sa sobrang pag-iisip. Ni hindi na ako nakababa kanina para kumain ng inihandang merienda ni Manang.

'Wake up, sleepyhead. Time to eat your dinner.'

Paano niya kaya nalamang nakatulog ako? 'Di bale na nga.

Kinusot ko muna ang mga mata ko bago gumapang pababa ng kama. Napansin kong naka-uniform pa pala ako.

Maghihilamos muna ako bago ko harapin si Manang. Maghahanda na ako dahil alam kong tatadtarin ako ng tanong non tungkol samin ni Zen.

-----

"Ano masarap ba, hijo?"

Natigilan ako sa paglalakad nang marinig ang boses ni Manang Lourdes mula sa kusina. Napakunot-noo naman ako. Mukhang hindi pa nakakaalis si Zen.

Bigla namang nag pop-up sa utak ko ang mga nangyari kanina. Uminit na naman ang pisngi ko. Gusto ko tuloy sampalin ang sarili ko dahil masyado akong apektado pagdating sa lalaking yun. Hindi ko na tuloy maintindihan ang nararamdaman ko.

"Syempre naman po Manang."tugon naman ni Zen. Duon ko na nakompirma na nandito parin siya hanggang ngayon .Bakit ba kasi hindi pa umalis ang mokong na yun? At ano bang pinag-uusapan nila?

Pasimple naman akong nagtago sa malaking vase na naka-display dito sa pwesto ko. Sumilip ako ng bahagya para makita kung anong ginagawa nila. Pareho silang nakatalikod sa pwesto ko kaya imposibleng mapansin nila ako.

"Mas masarap kapag hinog na. Sa ngayon hilaw palang, pero huwag kang mag-alala, sayo ko lang ibibigay kapag hinog na."rinig ko namang banat ni Manang sabay hagikgik na parang isang evil witch! Oh no! May binabalak ba silang masama?

"You're the best, Manang. Malakas talaga ako sayo."pambobola naman ng isa.

I don't know pero nagsi-tayuan lahat ng buhok ko sa katawan. Parang nag gi-green ang utak ko. Iniisip ko na parang may kakaibang meaning ang pinag-uusapan nilang dalawa. I feel betrayed!

But first, I need an escape plan! Kailangan kong makaalis ngayon dito.

So I tiptoed quietly to avoid making any noise but luck is not with me cause I slipped and accidentally hit the vase! Shit!

Naglikha ito ng malakas na ingay dahil sa pagkabasag. That's why they rushed here towards me.

"Anong nangyari? Ayos ka lang ba,hija?"nag-aalalang tanong ni Manang habang pilit na itinatayo ako mula sa pagkakasalampak.

Napasilip naman ako sa likod niya at nakitang prenteng nakatayo doon si Zen habang nakasimangot na nakatingin sa akin.

God knows how much I wanted to run away from here. I'm so embarrased.

Pilit ako tumatayo pero hindi ko talaga kaya. Holyshit! Ang sakit ng pwet ko plus I also injured my ankle dahil siguro sa pagkakadulas ko. I wanna cry because of my stupidity! Huhu.

"Come, I'll carry you."

I was shocked when he lifted me up and carry me like a bride. Nag-init na naman ang mukha ko at sigurado ako na namumula ako ngayon. Sa sobrang hiya, isiniksik ko nalang ang mukha ko sa dibdib niya. Ayokong makita nilang ganito ang mukha ko.

Gosh! I can smell his manly scent! At hindi na ako magsisinungaling pa dahil talaga namang nakaka-adik ang amoy niya.

Dahan-dahan naman niya akong ibinaba sa kama ko. Nakayuko lang ako dahil hindi ko kayang harapin ang malalim na titig niya. Para kasing may ginawa akong kasalanan sakanya na hindi niya nagustuhan.

"Manang, where is the ice pack?"

"Ahh, sandali ako na ang kukuha."manang replied.

Naiwan tuloy kami ni Zen dito sa kwarto ko. Ilang beses na naman akong napalunok. Shit! Ano bang pinag-iisip mo, Zariah?

"Tss. Stupid."

Naramdaman kong lumubog ang gilid ng kama dahil umupo siya sa tabi ko. Naalarma naman ako nang hawakan niya bigla ang paa ko. Inangat lang pala niya ito para tignan ang paa ko na nagtamo ng injury dahil sa katangahan ko.

"Lean on the headboard."

"Ha?"

"Don't make me repeat myself, woman."

"H-ha?"tanong ko ulit.

"Tsk!"he hissed.

Nanlaki ang mga mata ko nang itulak niya ako sa headboard ng kama. Sumampa din siya sa kama malapit sa akin hanggang sa magkapantay na kami ng posisyon. Sobrang awkward ng position namin dahil napakalapit ng katawan niya sa akin.

"I don't have a lot of patience so do as I say."masungit na aniya at hinawakan na naman ang legs ko. Napaigtad tuloy ako. Mukahang napansin niya na natetense ako kaya ngumisi siya.

"Don't worry, babe. I won't bite."nang-aasar na sabi niya. He licked his lips and looked at me like he's seducing me. Damn this guy!

He touch my thigh and squeeze it. Napasinghap ako. Mukhang inaabuso niya ang kahinaan ko ngayon.

He encircled his hand on my soft skin and after that he slide it down slowly on my swelling left foot. He elevate the injured ankle on the pillow. Pagkatapos non ay tumayo na siya na may mapang-asar na ngisi sakanyang labi.

What the hell! He really loves to tease me!

Sakto namang dumating na si Manang na may dalang ice pack.He insisted na siya na raw ang mag-aapply ng ice pack sa paa ko. Si Manang naman agad ding umalis dahil kukuha naman daw siya ng makakain ko.

While applying ice, he look at me intently. Sinubukan kong labanan ang nakakapasong titig niya pero hindi ko magawa. Kaagad din akong umiwas ng tingin.

"Stop being an idiot. Lagi mo nalang pinapahamak ang sarili mo. You're such a dummy."he stated with an irritated expression.

Is that the way he tell someone to be careful next time in a sarcastic way?

I can't stop but to roll my eyes but smile at the same time. I don't know why.

"Does it still hurt?" sa isang iglap naging malambot ang expression ng mukha niya. He looks concern. But I don't want to assume. Siguro napuwing lang ako?

He slightly massage my ankle. Hindi ko mapigilang hindi mapatitig sakanya. Kung ganito siya palagi, hindi mo iisiping makakagawa siya ng masama. Para siyang isang maamong tupa. I admit, he looks like an angel with his soft features. Pero hindi mo gugustuhing makita ang kakaibang ugali niya. He has this possessive and a very impatient traits. If you angered him, you'll definitely see the hell out of him.

"Ehem."pareho kaming napatingin sa may pinto nang marinig ang pagtikhim ni Manang Lourdes. Nakatayo siya doon na may malawak na ngiti sa labi. Mukha siyang kinikilig na ewan.

Napatayo naman si Zen at tinulungan ang matanda sa bitbit nitong tray na puno ng pagkain.

"Ano yan? Bakit ang dami? Para namang bibitayin nako nyan eh."pagmamaktol ko.

"Aba dapat lang na kumain ka ng marami. Tignan mo at mukha ka ng malnourished. Baka ipagpalit ka ni Zen sa babaeng mas sexy."pang-aasar pa ni Manang.

"Eat."utos naman ni Zen matapos ilapag sa kama ko ang tray.

"Osya, maiwan ko na kayong dalawa at ako'y magb-beauty rest pa."masayang sabi ni manang habang taas-baba ang mga kilay. Parang may pinahihiwatig siyang kung ano. Weird.

"At nga pala, bago ko makalimutan. Dito ka na muna magpalipas ng gabi, hijo. Gabi na at delikado na sa daan. At nalinis ko narin nung isang araw pa yung guest room kaya pwede mo ng gamitin."

What?! Dito siya magi-stay ng isang gabi? Hindi pwede! Baka gapangin ako nyan mamayang mahimbing ang tulog ko!

"No way—" hihirit pa sana ako nang sumabat siya "Okay, thanks Manang."sinamaan ko naman siya ng tingin.

Ewan ko pero nagiging masyadong paranoid na ko dahil sa lalaking 'to.

Nang tuluyan ng makaalis si Manang, nag-iisip parin ako ng paraan kung paano ko mapapaalis si Zen dito sa bahay. Pakiramdam ko hindi ako safe kapag nandyan siya sa paligid. Parang may hindi magandang nangyayari sa akin.

"Makikipagtitigan ka nalang ba dyan sa pagkain or... you're waiting for me to feed you?"

Nabalik ako sa realidad dahil sa sinabi niya. Ang kapal talaga ng mukha!

"Paa ko lang ang may diperensya at hindi ang mga kamay ko. So kaya kong kumain mag-isa, mister."masungit na sabi ko.

I heard him chuckle,"Then eat now, your highness."

Inirapan ko lang siya at marahas na tinusok ng tinidor ang patatas sa plato ko. Akmang isusubo ko na ito nang matigilan ako sa ere."Why the hell are you looking at me? Balak mo bang titigan ako ng ganyan habang kumakain?"

"Then what do you want me to do?"kalmadong sabi niya at prenteng sumandal sa pader ng kwarto ko habang nakapamulsa.

"Get out!"

"No."

"Umalis ka na. Shooo! Don't you know the word privacy?"pagtataboy ko ulit.

"No."pagpupumilit niya.

Kaya sa huli, wala na naman akong nagawa at kahit na naiilang ako ay itinuloy ko nalang ang pagkain dahil narin gutom na talaga ako.

Bigla naman akong may naalala, "K-kumain ka na ba?"nahihiyang tanong ko. Kahit papaano ay bisita ko parin siya kaya nakakahiya kung gugutumin ko siya no.

Hindi naman siya sumagot at patuloy parin ang pagtitig sa akin. May mali ba sa mukha ko?

"I'm not concern about you, okay? I don't care whether you are dying because of hunger but the point here is that you are on my house as my guest, ayaw ko namang magmukhang bastos—"natigilan ako nang sa isang iglap ay nasa harap ko na siya. He lean forward on me kaya naman na-corner na naman ako sa headboard.

"W-what are you doing?"

Dahan-dahan niyang itinaas ang kamay niya kaya naman napapikit ako ng mariin. Pero ilang segundo ang lumipas at wala naman akong kakaibang naramdaman.

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata nang maramdaman ko ang paghagod ng daliri niya sa gilid ng labi ko. Sobrang lapit niya kaya naman dama ko ang mainit na hininga niya sa mukha ko.

"Eat like a lady."sabi niya at iniwan akong nakatulala sa kwarto ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro