DEATH: X
Dedicated to: @snowyssa Thanks for the owzaam cover!
---
"Magandang umaga sayo, Anak."nakangiting bungad sa'kin ni Manang Lourdes habang tamad na bumababa ako mula sa hagdan. I yawned before greeting her,"Morning manang."
"Nakapagluto na ako ng almusal mo. At siya nga pala...—"hindi na niya natapos pa ang sasabihin dahil may biglang sumulpot at nagsalita sakanyang likuran.
"Good morning,babe."hindi ako kaagad nakapagreact nang halikan niya ako sa pisngi.
Nakangangang hinila niya ako sa braso," Eat your breakfast before you leave. Baka lalo kang pumayat niyan kapag hindi ka kumakain."sabi nito at hinila ako papunta sa kusina.
"What the hell are you doing here?!"sabi ko nang makabawi ako sa pagkabigla. Hindi naman siya sumagot at prenteng umupo lang sa harap ng lamesa. Aba't masyadong feel at home ang ungas na 'to!
"Hoy, tinatanong kita! Anong ginagawa mo dito sa bahay ko?!"
"Hmm? I'm just making sure that you're still breathing."pormal na sambit niya habang nakangisi.
"Kinakausap kita ng maayos." iritadong sabi ko at tinignan siya ng masama.
Umagang-umaga siya na agad ang bubungad sa akin para sirain na naman ang araw ko.
"Just eat, okay? Masamang pinaghihintay ang pagkain at masamang tumanggi sa grasya. Sabayan mo nalang ako dito."sabi niya at sumubo ng fried rice. I sighed out of frustration.
Ibang klase. Parang siya ang may-ari ng bahay na 'to kung makaasta siya na alukin akong kumain! God!
Dumaan naman si Manang Lourdes sa harap namin na mahinang humahagikgik. Kinindatan naman siya ni Zen and she start giggling. Seriously? Pati ba naman sa matanda malakas ang karisma niya?
"Hindi mo naman sinabi sa akin na napakagwapo ng boypren mo, hija."ani Manang Lourdes.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Manang. Hindi ko alam kung anong ire-react ko.
Nakita ko namang nakipag-apir pa ang mokong kay Manang at ngisi-ngising tumingin sa akin.
I hissed,"He's not my boyfriend!"nakasimangot na umupo ako sa harap ni Zen at tinitigan siya ng masama. I know masyado ng gasgas ang linyang ito pero kung nakakamatay lang ang titig, kanina pa siya bumulagta sa harap ko. I'm staring at him like I was shooting daggers.
Napataas naman ang isang kilay ko nang makitang alagang-alaga ni Manang ang pesteng lalaking 'to. As if siya ang totoong alaga dito. Hindi naman sa nagseselos ako pero masyado na siyang binibigyan ni Manang Lourdes ng special treatment. Pinaghanda pa siya ng maraming pagkain sa lamesa. Konti nalang at subuan pa siya.
I rolled my eyes at uminom nalang ng gatas na nasa harap ko.
"Here, eat these."alok niya—or should I say, utos niya at inilapag sa harap ko ang isang platong puno ng pagkain."Kumain ka ng marami para magkalaman ka naman kahit papaano. I don't want you to be sick. Konsensya ko pa kapag nagkasakit ka at namatay."
Napa-irap ako sa sinabi niya."It's none of your fucking business kung magkasakit at mamatay man ako. And besides, I don't need your concern."
"Really,huh? What if I say, I care for you? You're my business now. May magagawa ka ba?"
Natigilan ako sa sinabi niya. I shooked my head in disbelief.
I pouted, "W-why are you here,anyway?"yumuko ako at umiwas ng tingin sakanya.
"Don't you remember? I'm your master. Gagawin ko ang lahat ng gusto kong gawin."
"Neknek mo."mahinang bulong ko sa aking sarili.
"Stop murmuring."madiing sabi niya bago nagpatuloy sa pagkain.
Tumikhim naman ako,"Just make sure that this will be the first and the last time you'll go here in my house."kalmadong sabi ko at inirapan siya.
Kumunot naman ang noo niya at tinapunan ako ng masamang tingin. He glared at me using his cold grayish eyes.
"No."tipid lang na tugon niya.
He continue eating as if he doesn't care about my decision. Yeah he really does. And he's making me so pissed off. I'm so damn mad right now. Gusto kong ibaon siya sa lupa kung kaya ko lang.
"Whether you like it or not, makikita mo na ako araw-araw. Kahit saan ka pumunta hahanapin kita. Hindi mo ako mapipigilan." He declared.
I sighed out of frustration. "Agghh! Fine! Do whatever you want. I don't care!"I irritatedly exclaimed.
A playful smirk formed into his lips,"Good. Now eat."he said.
I rolled my eyes. Umayos na ako ng upo at nagsimula nang kumain ng tahimik. Alam ko namang wala akong laban sa lalaking 'to. Kahit anong gawin ko, siya parin ang nasusunod.Damn this manipulated jerk! And Damn him for ruinning my life!Sana lang ay mahuli na siya ng mga pulis para mawala na siya sa tahimik kong buhay. Iyon nalang ang hinihintay ko para makatakas mula sa mga kamay niya.
---
As expected, sabay nga kaming pumasok sa school. As if I have a choice. I think, this will be the start of my hell life.
And as if on cue, I started hearing gasps everywhere. Well, hindi ko sila masisisi kung ganyan ang magiging reaksyon nila na makita akong bumababa mula sa magarang sasakyan ng iniidolo nila dito sa campus.
Mas lalo silang napasinghap nang akbayan ako ni Zen. Ako rin naman nagulat pero hindi ko masyadong pinahalata. Sa loob ko, imbes na kiligin katulad ng common reaction ng mga babae kabaligtaran ang nararamdaman ko ngayon. Gigil na gigil ako sa galit para sa de pungas na lalaking nasa tabi ko.
Pasimpleng sinikuan ko si Zen na mahinang napamura. Pilit na ngumiti lang siya ng malawak sa akin para ipakita sa mga babaeng nakatingin sa amin ngayon. Mas lalo naman niya akong hinigit papalapit sakanya kaya halos magkayakap na kami. Bwiset, bakit ba ang bango ng ugok na 'to?
Nagsihawian ang mga estudyante nang makita kami. They are all looking at me sharply. Envy, hatred, or anger is written all over their face. Kanya-kanya sila ng reaksyon.
Narinig ko namang tumikhim ang katabi ko kaya napatingala ako sakanya. I was stunned when he suddenly wraped his hand around my waist. Mas lalo lang tuloy lumakas ang bulungan sa paligid.
"W—what are you doing?"mahinang usal ko habang pilit na lumalayo sakanya. Pero masyado siyang malakas kumpara sa akin kaya hindi ko magawang kumawala sakanya.
"Proclaiming my territory."kalmadong sabi niya habang iginagaya ako sa paglalakad. Sinubukan kong alisin ang mga kamay niya sa beywang ko pero mas lalo lamang niyang hinigpitan ang pagkaka-kapit sakin. Sa huli, sumuko nalang ako at hinayaan siya.
"Can't you see? Maraming nakatingin sa atin. Baka ano pang isipin nila."walang emosyong sabi ko.
He just shrugged," That's my agenda. Dapat nilang malaman na pagmamay-ari kita at walang sino man ang pwedeng lumapit sayo. 'Cause you're mine, Zariah."dire-diretsong sabi niya na parang wala lang sakanya ang mga pinagsasabi niya. Na parang pagmamay-ari niya talaga ako. Na parang...
Napabuntong-hininga ako nang maalala kong pumayag nga pala ako sa ganitong set-up namin. Ang magpanggap.
"Hindi nga pala kita maihahatid pauwi mamaya."
"Okay."tipid na tugon ko. Mas mabuti na rin yon. Hindi ko naman kasi sinabing dapat niya akong ihatid-sundo pa dito sa school. I have my own driver pero sadyang makulit siya, he still insist.
I heard him hissed frustatedly,"You don't really care, huh? Miss ice princess."madiin niyang tawag sa akin.
"Hindi mo 'ko masisisi."walang emosyong sabi ko. Tinapik ko ang kamay niya na nakakapit sa akin at inunahan siyang maglakad.
Natigilan lang ako sa paglalakad nang makita ko ang isang napaka-pamilyar na lalaki sa hindi kalayuan. Si Marcus. May kasama itong babae na halos pumulupot na sakanya. Kinukulit siya nung babae pero hindi niya pinapansin iyon dahil nakatingin siya sa direksyon namin. Or should I say matiim na nakatitig siya sa tabi ko habang salubong ang mga kilay niya.
Hindi ko inalis ang tingin ko sakanya. Napansin naman ni Zen na may tinitignan ako kaya huminto rin siya sa paglalakad. Nagtatakang tumingin din siya sa direksyon kung saan ako nakatingin.
" Shit! Don't look at him."mahina ngunit madiing sabi ni Zen kaya naman napalingon ako sakanya. Naka-kuyom ang kamay niya habang salubong ang kilay.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Lumingon ulit ako sa pwesto nina Marcus pero wala na sila r'on.
"Ano ba?! Sinabi kong huwag kang tumingin sakanya!"napapitlag ako nang bigla siyang sumigaw. Nagbulong-bulungan na naman ang mga taong nasa paligid namin.
"A—ano bang problema mo? Bakit ka sumisigaw?"
"Aminin mo nga, may gusto ka ba sa lalaking 'yon?"inis na inis na sabi niya. Hindi ko siya maintindihan kung bakit ganyang ang inaasta niya ngayon.Wala naman akong ginawang masama.
"Ano bang pinagsasabi mo? Pwede ba tumigil ka na?"
Marahas niyang hinila ang braso ko at bumulong sa tenga ko" Gusto mo bang mapahamak ang lalaking 'yon?"pagbabanta niya. Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Tinatakot niya ako na papatayin niya si Marcus. Pero wala namang kasalanan yung tao dito para idamay niya! At wala naman akong ginagawang hindi maganda para takutin at pagbantaan niya ako ng ganito!
"A—aray bitawan mo 'ko. N-nasasaktan ako...ano ba Zen!"napaigik ako dahil ramdam ko ang pagbaon ng kuko niya sa braso ko.
"Ang sabihin mo, nilalandi mo siya sa tuwing magkasama kayo—"hindi na ako nakapagpigil pa at nasampal ko na siya. Napasinghap na naman ang mga taong kanina pa nanunood sa amin. Sa totoo lang naiirita na talaga ako dahil ayokong may nanunood sa bawat galaw ko. Mas gusto kong walang pumapansin sa akin.
At nagbago ang lahat nang dahil lang sa lalaking ito. Siya ang may kasalanan ng lahat.
"Wala kang karapatan para sabihan ako ng gan'on dahil hindi mo ako kilala. Wala kang karapatan para husgahan ako." walang emosyon na sabi ko. I clenched my jaw and gritted my teeth. Pinipigilan ko lang ang galit ko dahil baka ano pang masabi ko lalo na't marami ang nanunood sa amin ngayon.
Marahas na tumalikod ako pero bago umalis bumulong ako sapat lang para marinig niya," Huwag ka na munang magpapakita sa akin, Zen. Kahit ngayon lang, please. Hindi ko alam kung anong pwede kong gawin kapag nakita paulit kita."mahinang sabi ko bago siya iniwan sa lugar na iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro