DEATH: IV
NAKAYUKO ako habang naglalakad sa corridor. Sinasalubong ako ng bawat estudyanteng madadaanan ko ng masamang tingin at mga bulungan tungkol sa akin.
Bwiset! Inaasahan ko na 'to. Bakit ko pa kasi naisipang pumasok ngayon?
"Zariah! Buti naman at maaga ka ngayon. Sakto! Manghihiram ako ng notebook mo. Wala kasi akong nagawang assignment kahapon hehe!"she grinned habang kamot-kamot ang ulo.
She snap her fingers infront of me,"Hey! Are you okay?"dun lang ako natauhan. Hindi ko namalayang nakatulala pala ako kanina pa.
"Ha? A-ano ulit?"ngumuso naman siya at sinuri ako.
"Is there something bothering you? May sakit ka ba? Ano, sabihin mo?"nag-aalalang sabi niya at sinalat pa ang noo ko.
"Ahh...w-wala."
Pinaningkitan niya ako ng mata,"Sure?"mabilis na tumango naman ako."O-oo naman."
"Eh bakit may sugat 'yang labi mo?"mapanuring sabi niya.
"Uhm..wala 'toh. N-nakagat ko lang."mukhang nakumbinsi naman siya sa wakas at malapad na ngumiti sa akin.
"Pahiram ng assignment, pretty please!"she said with a puppy eyes.
Nangunot naman ang noo ko,"Assignment? Meron ba?"
"Ofcourse! Yung pinapagawa ni Miss Nikki! Gosh! Don't tell me nakalimutan mo?"gulat na gulat na sabi niya.
Marahang tumango naman ako habang nakangiwi."Unfortunately yes."
Napasapo naman siya sa noo," May problema ka nga, friend. I don't mind if you tell me. Malay mo makatulong ako."
Umiling nalang ako at pilit na ngumiti sakanya. Hindi lang kasi mawala sa isip ko yung hayup na lalaking nagnakaw ng halik sa akin kahapon. Malakas ang kutob ko na may mali tungkol sakanya. At ako mismo ang aalam non!
---
*CANTEEN*
"Hey!"
Anong ginagawa na naman niya dito?
d>_<b
"Girls, pwedeng maki-share ng table?"
"A-ah Oo naman! Sure! Halika!"todong ngiti ni Jendy na kaharap ko ngayon sa lamesa.
"Hi Babe!"he said while grinning.
Psh! Mukha syang aso!
At sa'kin pa talaga siya tumabi ah! Eh ang dami namang space dun sa pwesto ni Jendy!
"Omygash! Bakit kasama na naman nila si Marcus?"
"At tumabi pa talaga kay Marcus yung freak na yun! Arrgghh!"
"Ang landi talaga ng babaeng yan! Sumo-sobra na siya."
"Akala mo naman kung sinong maganda. Hmmp!"
Inis na napalingon ako dun sa mga babaeng ang lakas-lakas magbulungan. Eh rinig na rinig naman!
"How are you baby ko?"si Marcus.
Psh! Baby ko?! Seriously! Nasusuka ako.
"Ayiieeeh! Ang sweet naman ni Fafa Marcus. Hay naku, syempre ayun, wala paring pinagbago yang si Zariah. Wala pa ring pake sa mundo hehehe!" pa-epal na sabi naman ni Jendy. Bakit ba siya ang sumasagot?
Humanda talaga siya mamaya sa'kin!
Tiningnan ko ng masama si Marcus pero hindi man lang siya natinag. He just shrugged at inakbayan pa ako kaya halos napasinghap ang mga students na nakatingin sa pwesto namin.
"And ang chismis, pati daw si Zen inaakit niya!"
"I can't believe it! Isa siyang mang-aagaw!"
"Tsk! What a Flirt!"
"If I know, mangkukulam yan! Ginayuma niya ang mga asawa natin."
"Famewhore ang p*ta!"
Hindi ko nalang sila pinansin. Pero nagulat ako nung biglang tumayo si Marcus at lumapit dun sa mga babaeng kanina pa nagbubulungan ng malakas.
"Ohmygod! Palapit na siya sa'kin."
"Hoy! Hindi kaya! Sa akin kaya siya papunta."
"Siguro nagsawa na siya dun kay Freak haha!"
"Yeah right!"
Huminto si Marcus sa harap nila.
"H-hi..Marcus!"
"I'm Britney nga pala."
"Want to join us?"
Sabay-sabay silang nagpa-cute sa harap ni Marcus. Bale nakatalikod siya mula sa pwesto namin ni Jendy kaya naman hindi ko alam kung anong gagawin niya dun sa mga babae.
"All of you! Get the fuck out of my sight, now!" ma-awtoridad na ani ni Marcus. Mukha namng nagulat yung mga babae dahil hindi nila inaasahan yun, kahit naman ako. Ang akala ko makikipag-landian lang itong si Marcus. Wala pa namang hindi sinasanto ang lalaking yun.
"B-but Marcus-"
"I don't want to see your effin' faces anymore. At mas lalong ayaw ko nang marinig pa yang mga nakakairitang niyong boses."
Wala nang nagawa pa yung mga babae kanina. Sabay-sabay pa silang nag-unahan sa pag-alis.Tsk!
Bunch of Pathetics.
"Pffft! BWAHAHAHA ang epic ng mga pagmu-mukha nila."malakas na tawa ni Jendy.
d-.-b
"Babe ko, let's go. Baka ma-late tayo nyan. Alam mo naman si Miss Reyes, masyadong strikto yun hahaha!"sabi ni Marcus habang nakamot sa kanyang batok. Tumango naman ako.
Tumayo na ako at nagdire-diretsong naglakad. Hindi ko na sila hinintay pa at hindi na ako nag-aksaya pang lumingon dun sa dalawa. Ang babagal kasi.
"Hoy Zariah! Hintayin mo naman kami ni Marcus! Ang bilis mo namang maglakad."si Jendy.
"Haha So cute!" narinig kong mahinang sabi ni Marcus habang marahang tumatawa.
"Sabi ko na eh, bagay talaga kayo. Boto talaga ako sayo Marcus!"kinikilig na sabi ni jendy habang humahagikgik.
Sheeeeet ka talaga Marcus!!
Akmang lilingon ako sa gawi nina Jendy ay sakto namang nabundol ako sa isang tao kaya nadapa ako sa lakas ng impact.
"Aww!" napapikit ako sa sakit. Naramdaman kong nagasgas na naman ang siko ko.
Nang imulat ko ang aking mga mata, isang lalaking nakahoodie at black mask ang bumungad sa akin. He has a cold gray eyes.
Lumapit siya sa pwesto ko kaya akala ko ay tutulungan nya akong makabangon pero nagkamali ako dahil balak lang pala niya akong takasan at nilagpasan niya ako pero mabilis ang mga senses ko kaya kaagad kong nahawakan ang kamay niya at yun ang ginamit para makatayo ako.
"Teka lang sandali, wala ka bang balak magsor-"halos ma-out of balance ako nang marahas niyang hinila ang kamay niya mula sa akin."Get off!"yun lang ang sinabi niya at mabilis pa sa kidlat naglakad palayo.
Napatanga naman ako.
Dahan-dahan kong itinaas ang kaliwang kamay ko na nanginginig. I was shocked. Horrified.
"Zariah!" mabilis na napalingon ako kay Marcus na nasa likod ko na pala. Mabilis na itinago ko ang kamay ko sa likuran ko.
Balisang napalingon-lingon ako sa paligid.
"Hey, are you okay?"nag-aalalang tanong niya. He cupped my face and look directly into my eyes.
"Ahhh...O-oo!"
Mukhang hindi naman siya naniniwala pero ngumiti nalang siya at hinila ako papalayo sa lugar na iyon.
Nagpaalam na si Marcus dahil hindi naman namin siya kaklase ni Jendy. Inihatid niya muna kami bago siya dumiretso sa kabilang side ng building.
"Tara na Zariah. Paparating na nyan si Miss Karen."akmang hihilahin na ako ni Jendy papasok sa classroom pero pinigilan ko siya.
"Ahm...ano...k-kailangan ko kasing...ahh..R-restroom?"paalam ko.Nangunot naman ang noo ni Jendy.
"Tawag ka ba ng kalikasan?"nakangiwing aniya.
"Oo eh."sagot ko nalang para hindi na siya magtanong pa ng kung anu-ano.
"Ayy ganun ba? Sige hindi ko ipagkakalat. Naku! Kanina mo pa siguro pinipigilan kasi nandyan si Marcus. Nakakahiya nga naman yun. Wag kang mag-alala naiintindihan kita. Kasi ganyan din ako nung date namin nung ex ko. Alam mo ba-" I cut her off. Mali pala ako ng akala. Marami talaga siya reserbang sasabihin palagi."Ahh...hindi ko na kaya. Sige, alis na ko."mabilis na akong sumibat at aligagang nagtungo sa restroom. Mabilis na hinugasan ko ang kamay ko na mayroong natuyong dugo.
Naramdaman kong tumulo na naman ang mga pesteng luha na matagal ko nang pinipigilan. Tinignan ko ang kaawa-awa repleksyon ko sa salamin. Natatakot ako.
Biglang bumabalik ang mga alaala ko sa nakaraan. Dugo. Ayoko ng dugo! Natatakot ako. Nabahiran na naman ng dugo ang balat ko.
Ilang beses na akong naghugas ng kamay pero ramdam ko parin ang malapot na likidong kumapit sa palad ko. Nanginginig ang mga kamay ko.
Naghilamos ako ng mukha,"Tama na. Maawa ka!"pinagsasampal ko ang mukha ko para mahimasmasan ako."Ayoko na!"tinitigan ko ang mukha ko sa salamin. Nababaliw na ba ako?
Umiling nalang ako at bumuntong-hininga. I need to calm myself. Dapat bago ako lumabas sa lugar na ito, wala nang bakas ng kahinaan sa mukha ko. Ayokong makita nilang duwag at mahina ako dahil baka saktan na naman nila ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro