DEATH: III
HINIHINGAL na napasandal ako sa locker ko. I clench my fist and close my eyes. Ilang araw na rin ang nakalipas at may dalawa na namang biktima. Kating-kati na ang mga kamay ko para patayin ang hayop na mamamatay taong yun. Kinasusuklaman ko ang mga katulad nilang demonyo na nag e-exist sa mundo.
I took a deep breath and tried to compose myself. Baka mag trigger na naman ang asthma ko at iyon pa ang ika-matay ko. Hindi naman talaga siya ganuong kalala, pero sabi ng doktor dapat ay mag-ingat parin ako. Napa-iling nalang napagpasyahan nang magpalit ng damit dahil baka matuyuan pa ako ng pawis. Galing lang kasi kami sa gym at naglaro ng volleyball. Wala namang nagbawal sa akin dahil wala namang nakakaalam tungkol sa asthma ko.
Nang buksan ko ang locker ko, may nahulog na note.' Hi Miss Beautiful!'
Tsk!
Marcus Sanders.
Alam kong kanya na naman galing 'to.
Maliban kasi kay Jendy na ayaw tumigil sa kakadikit sa akin, isa pa 'tong mokong na 'to na ayaw magpatalo.
He's been tailing me for about three weeks for Pete sake. I don't know why. And it's making me so irritated. He's annoying.
I crumpled the sticky note and throw it in the trashcan.
Nang makalabas na ako ng locker area, dumiretso muna ako sa paborito kong tambayan dito sa school. Hindi ko na kinuha yung mga books para sa next subject dahil nawalan na ako ng gana. Basta parang hindi ko feel na pumasok muna ngayon sa susunod na subject. Tutal naman last subject nalang at uwian na.
Dahan-dahan akong umupo sa lumang upuan na lagi kong tambayan dito sa garden. Mas nagiging payapa ang isip ko kapag ako lang mag-isa at walang kung sino mang gumugulo sa akin.
"Woah! Destiny nga naman. Look who's here! Nagka-cut class ka na pala ngayon." without looking up I said,"Get Lost!"
Aisst! Here we go again. Bakit nga ba nandito itong lalaking ito? Kahit kailan talaga.
"Want to grab some lunch with me? My treat."umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako. Kaagad ko naman siyang siniko sa tagiliran at lumayo ako sakanya.
"Ouch! It hurts you know." hindi ko siya pinansin. Sumandal nalang ako sa puno then I close my eyes. I really love the fresh air and the sound of humming birds.
Narinig kong bumuntong-hininga ang katabi ko.
"Ang sungit mo talaga,babe." Halos mangilabot ako sa itinawag nya sakin.
Inirapan ko lang siya at sumimangot. Pagkatapos n'on ay nagkunwari nalang akong tulog at hindi siya pinapansin sa mga sinasabi niya.
" Bakit nga ba ayaw mong sumali sa amin? You know, you can become a big help plus you can see my handsome face everyday and anytime. I'm all yours." Pagyayabang niya.
"You see, kung magtutulungan tayo, mas madaling matutukoy ang totoong killer."
Simula ng pangyayaring iyon, hindi na ako tinantanan ni Marcus. He always invite me to join their club on solving the killer's case but I always ignore him. And what really pissed me off is that ginagamit niya ang kalandian niya sa akin. Wala talaga siyang sinasanto.
Naramdaman ko ang paghapit niya sa bewang ko kaya naalarma ako at kaagad na napatayo. Pinaningkitan ko siya ng mata at inismiran.
"Kapag sinabi kong ayoko, ibig sabihin ayoko talaga. Ano bang hindi mo maintindihan duon,Mr. Sanders? Pwede ba, tigilan mo na ako dahil wala kang mapapala sa akin." Inis na sabi ko saka tumalikod na at mabilis na nagmartsa paalis at iniwan siya.
Saktong namang oras na pala para umuwi. Kaagad na nakisabay ako sa kumpulan ng mga estudyante na nag-uunahan sa paglabas ng classroom. Nakatungo ako habang mahigpit ang hawak sa strap ng bag ko.
Habang naglalakad, hindi ko namalayan na mabubungo pala ako sa pader. Nang itaas ko ang ulo ay napasinghap ako gulat nang malamang hindi pala ito pader at isang tao.
Nagtaka naman ako nang marinig ang maraming singhap sa paligid. And to my surprise, lahat sila ay nakatingin sa amin, or should I say sa akin.
"Are you an oaf?"napatingala ako sa matangkad na lalaking nasa harapan ko. Nakakakilabot ang paraan ng pagtitig niya sa akin gamit ang kulay abong mga mata. Matangos ang kanyang ilong at may mapulang labi na nakaka-akit.
"Ha?"
Napailing-iling siya ,"Such a clumsy slow-witted woman."ibinulsa niya ang kanyang mga kamay sa suot na hoodie na kulay itim. At walang emosyon na tumitig sa akin.
I gritted my teeth,"Come again,Mister. Ano nga ulit ang sinabi mo?"kalmado pero mariing sabi ko.
"I said you're an idiot."pang-iinsulto nyang muli sakin. Ramdam ko parin ang titig ng mga estudyanteng nanunuod sa amin. Ang hindi ko lang matanggap ay ang insultuhin ako ng gagong lalaking ito na para bang ako na ang pinakatanga sa buong mundo dahil aksidenteng nabangga ko lang naman siya.
Marahas na napabuga ako ng hangin,"How dare you insult me, dickhead!"
I heard everyone gasped. Para bang gusto na nila akong patayin sa uri ng titig nila sa akin.
Nanlaki naman ang mga mata ng lalaking nasa harapan ko at nakita kong umigting ang panga niya.
"What?!" halos dumagundong ang buong pasilyo dahil sa sigaw nito. Naramdaman ko namang nanginginig na ang mga tuhod ko sa takot pero mas pinili kong magkunwaring matapang at sinalubong ang nag-aapoy na tingin nya sa'kin.
"K-kung maka-asta ka parang hari at santo ka. Hoy! A-akala mo ba natatakot ako sayo? "pagsisinungaling ko pero ang totoo ay gusto ko nang umalis sa lugar na ito.
Humakbang ako para lagpasan siya pero laking gulat ko nang hilahin niya ang braso ko at marahas na iniharap ako sakanya habang mahigpit na nakahawak siya sa panga ko.
Napaigik ako sa sakit at pilit na nilalabanan ang masamang tingin niya sa akin.
"Aray! B-bitawan mo 'ko!"nagpupumiglas ako pero mas malakas siya kaya wala akong magawa.
"You don't know me,woman. So let me intorduce myself..."marahas at mapusok na sinakop niya ang labi ko. Naramdaman kong kinagat niya ang ibabang labi ko kaya mas lalo lang ako nagpupumiglas.
"Hmmmmp!!"ilang segundo pa bago niya pinakawalan ang labi ko.
"I am your hell."walang emosyong sabi niya at iniwan akong nakatulala sa kawalan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro