Umiibig ka pa ba o Adik na?
Love. Love ang reason kaya ka nasa relasyong iyan. Well, hindi lang 'yan dahil marami pang elements pero 'yan ang pangunahing need to be in a relationship dahil kung hindi destructive na 'yon.
Ngayon, don't mistake love sa pagiging adik mo ha?
Ang ibig kong sabihin ay dapat sane ka sa relasyong iyan. Oo jowa mo 'yan pero hindi ka niya 100% responsibility and vice-versa. Yes, masaya kayo sa isa't-isa and all pero hindi 'yan dapat nakadepende sa bawat isa.
Trust me, been there. And kahit anong libro pa at research sa iba't ibang approach, science, astrology, psychology at law of attraction hindi talaga dapat nakadepende sa isa't isa ang happiness.
Maging masaya ka sa sarili mo, oy. Huwag mong ibaling sa kaniya. (Kung siya ang ganito, pwes pabasa mo 'to sa kaniya)
Maging independent kayo, uulitin ko. Jowa mo 'yan at hindi porket tinatawag kang bebe ay aasta kang parang magkadugtong ang umbilical cord niyo at iniluwal ka niya dahil kahit sa nanay nga natin ay hindi dapat tayo sobrang pabigat. duh.
Eh, hindi naman ako dependent ah. Pero siyempre, kapag sad ako siya may kasalanan.
baby, it does not work that way okay?
Kasi masisira kayong dalawa kung you always seek validation from your jowa, like isa kang avatar sa isang laro na 'yong ang gagawin mo sa sarili mo kung paano ka pinrogram. ano ka si Aji 3? no, tao ka sis tao ka!
You're not a robot. huwag kang feeling robot porket hindi ka naverify ng chrome kahit na nasagot mo 'yong weird puzzle na bigla nalang susulpot to confirm na isa kang buhay na nilalang.
Oo, andoon na ako, sino ba ang hindi kikiligin at matutuwa sa compliment at appreciation di ba? Form of love 'yan eh. pero sana malaman mo na magkaibang-magkaiba ang appreciation sa validation.
huwag kang adik na sucker for your partner's attention. tipong kapag 2 minutes siyang hindi nakareply feeling mo na-ghost ka na. tipong nag-appreciate siya ng wonderful creature you start questioning yourself already.
don't take it against you, yung mga ganoong bagay.
dapat bago ka pumasok diyan sa relationship, buo ka.
at kung buo ka nga, dapat ma sustain niyo. you are in the relationship to help each other build the better version of yourselves.
at hindi don kasama ang pagiging codependent.
know that you are a wonderful person.
when you are in doubt, something like hey gusto pa ba niya ako? bakit parang biglang cold and all?
kahit na alam naman ng rational mind mo na hindi, na it is just you thinking too much, keep in mind na ikaw ang mahal niya.
kung nasa ganito kang stage na nagdududa na sa lahat ng bagay, tipong oo masaya at kilig ka kapag magkasama kayo. todo kiss at hug sa each other pero the moment that he stepped his foot out of your house o hindi kayo magkasama, you are starting to feel anxious then you have a problem.
eh, siya kasi he made me feel that way
ngayon, dalawa lang 'yan. stay or leave, di ba? accept him as a whole or leave nalang dahil tangina niya.
yes, mayroong adjustments na mangyayari pero it does not mean na magigign completely different person na ang isang nilalang di ba?
at isa pa, he does not make you feel that way, it is your insecurity.
at oo, hindi madali yan. hindi ko minamaliit ang insecurity dahil alam ko sa sarili ko how destructive it is pero gusto ko lang ma-realize mo na hindi yan ang mundo mo. hindi yan ang fact, ang insecurity that is not the real situation.
you can do something about it.
you can open up to your partner about your insecurity para maintindihan ka niya and you try to fix it. kasi walang tutulong sayo kundi ang sarili mo.
ang family friends at jowa mo, they are there to support you pero ang matanggal yang pagiging adik mo sa approval ng ibang tao, ikaw lang ang makakagamot.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro