Post Pictures
This might sound childish sa inyo but trust me, it is helpful.
It is something I wish I learned earlier.
Ang dami naming sweet moments ng boyfriend ko before. Picture sa date, medals at pag-accomplish ng clearance.
Hindi ako nagppost kasi nga ayaw kong makita ng babaeng pinagseselosan ko na akala ko kapag nakita kaming masaya, she would continue doing a move to break us apart. Ang tanga 'no?
May mga instances na madalas siya ang nagtatag sa boyfriend ko, nagppost ng pictures kahit luma na. Minsan mga salita lang about memories na mayroon kuno sila kahit na 2 months lang sila nagkakilala, tapos habol lang siya ng habol.
She always make it appear na sobrang close nila to the point na naniwala ako. Kasi bakit ganoon, di ba?
Sobrang insecure ko sa relationship namin kahit pa masaya kami. Kapag magkasama, ang saya lang parang cloud 9 pero tge moment na mawala siya sa paningin ko. Grabe.
Dagdag pa na panay ang update sa social media ng babae. Madalas siyang mag tweet o status ng mga bagay na tinatamaan ako to the point na sobrang tiklop ako.
Ilang beses kong pinilit na makipagbreak sa boyfriend ko dahil sa ganito, nararamdaman kong toxic na.
Mahal ko siya, oo pero sobrang nilalamon ang ng insecurities. Pakiramdam ko ako ang kontrabida sa sarili kong story.
To be clear, never naging sila. Never niya ring niligawan ang babaeng yun.
At oo, never din akong naniwala not until noong later na, sobrang kinahihiya ko to dahil hindi ko lubos akalain na gagawin ko nga na basahin ang messenger niya. Binigay niya sa akin kusa pero never naman akong nagtangka buksan noong smooth-sailing kami.
That is something na red flag kasi para sakin, dahil to be honest, ayaw ko ng ganoon. Bf man, nanay o kaibigan, pakiramdam ko ang bastos.
Pero... To the point na binali ko yung belief ko na yun, hiyang-hiya ako sa sarili ko.
Doon, nabasa ko na palagi siyang free kasing magreply sa babaeng yun at palagi niya rin binubura after ng convo nila. Oo, nababasa ko kasi simula noong masimulan kong buksan hindi ko na inuulit pang i log in... Kasi hindi ko naman na nillog out.
Hindi niya dinederetsa na hindi niya gusto yung babae, hindi rin niya ako masyadong binabanggit.
Pero kung sa usapan naman ng tropa niya. Malinaw kong nabasa na hindi niya gusto ang babaeng yun, ang mali patuloy niyang sinasakyan lalo na kapag hindi kami in good terms.
Isang bagay na maaaring nagpahinto sana sa ganoon, na palaging paglapit at dikit ng babae sa kaniya ay ang pagpapakita kong masaya kami.
Kasi nagpadaig ako, eh.
Parang nailipat ko ang power ko bilang official girl niya sa babaeng hindi naman dapat nasa picture.
Ang sakit at nakakahinayang lang kapag naiisip ko.
Kasi ultimo magpost lang, sa fb hindi ko masyadong magawa dahil pakiramdam ko, hindi niya gusto dahil kahit siya rin madalang niya akong i-post sa soc med. Which is hindi ko naman hinihingi kasi nga hindi naman doon ang batayan,
Pero hindi ko maiwasang mainsecure lalo na kapag natingin ako sa Facebook niya, picture ng babae ang nakikita sa wall niya. Na tagged sa kaniya.
Nalulungkot ako kasi sana pala nilunod ko ng picture namin yun para kahit papaano nag back off siya. (o hindi rin?)
O kaya naman, ako ang nag reply sa kaniya.
Nabuksan ko ang account ng boyfriend ko pero znever akong nagreply. Sana pala ginawa ko, siguro masasabi kong kahit papaano naipaglaban ko?
O kaya naman dapat i confronted her?
Sa totoo niyan alam ko naman deep inside minsan ang sagot pero kapag ganitong puso ko nauuna, nawawala ang pagiging rasyonal ko.
Pero sa totoo lang, hindi ko naman need na ipaglaban na siya kung siya mismo ang tumatayo para sa relasyon namin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro