One Foot In, One Foot Out: Pwede bang Magpabebe Muna?
Kung gusto mo, go for it.
I am not saying na ipakita mo kung gaano ka kapatay na patay sa taong gusto mo bagkus sinasuggest ko na MAGPAKATOTOO KA.
Ilang litro pa ba ng Sprite ang kailangan mong inumin para maging truthful ka, ha? Oy, hindi to sponsored ah. Malay ga ng sprite dito.
There is a big difference sa pa-hard to get at talagang high-valued woman. It comes naturally, okay? Hindi 'yan pinipilit. At alam ng mga lalaki 'yan (at ng kung sino mang taong gusto mo) kung totoo ka pa ba o nagpapakaplastic ka na, kunwari walang gusto pero deep inside you're dying to hold him na.
Nararamdaman nila 'yon.
Dapat talagang i-secure mo muna kung talaga bang malinis ang intentions sa'yo ng tao pero not to the extend na iparamdam mo sa taong may gusto sa'yo na na-aappreciate mo ang ginagawa niya at ang paghanga sa iyo.
Buti sana kung totoong wala ka ngang pakialam, buti sana kung wala ka ring feelings sa kaniya kahit kaunti. Paano kung during the pagsuyo stage nahuhulog ka na pala?
Ngayon, kung nainip siya then it is his lost. pero kung nawala siya dahil sa constant rejection at pananakit at pagpapaasa mo then mamaya you're going to act na parang hindi siya kilala, sinasabi ko magsisisi ka kung may kilig factor ka nang nararamdaman.
Pahalagahan mo 'yong tao habang nandiyan pa. Kung gusto mong nandiyan siya at masaya ka sa ginagawa niya, appreciate. Ano ba naman ang i-acknowledge mo ang existence at effort niya para sa'yo?
Hindi ko sinabing pag ilikeyou niya, agad-agad i like you too ka rin with matching talon at kiss.
Ang akin lang, magpakatotoo ka. huwag kang mag-act na balewala lang pero kung wala siya halos mabali naman ang leeg mo kakalingon sa paligid para makita kung nandiyan na ba siya sa paligid o kaya naman panay ang tingin mo sa parking space kung nandiyan na ba ang sasakyan niya.
Trust me, nakakaramdam 'yan sila, tao yan eh. At nakakadisappoint 'yong pagiging plastic natin sa totoong nararamdaman natin dahil ang labas niyan parang pinaglalaruan mo 'yong taong may gusto sa'yo kahit na ang gusto mo lang mangyari ay mapatunayan kung totoo ba siya.
How dare you ask that person na maging totoo sa'yo kung ikaw mismo sa sarili mo hindi?
Love love,
mfollower (pamc)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro