100 Percent Effective Technique
May ayaw ka bang gawin ng jowa mo? Kung mayroon, this chapter is for you.
Alam kong may urge kang patigilin at diretsahin siya na itigil na 'yon, maaaring by this time ay nagawa mo na nga.
Oo, effective ang pagbabawal pero alam mo kung ano ang downside niyan? Pansamantala lang 'yan.
Kahit pa sana willing naman tumigil ang jowa mo sa isang bagay na ayaw mo, kung ikaw ay paulit-ulit ay masasakal mo siya at ang resulta ay gagawin niya lang ito ulit. it is either itatago lang niya sa'yo o hayagang susuwayin ka niya.
Ngayon, ano ba ang dapat?
Well, okay din naman ang ginawa mong pagsabi ng diretsa sa kaniya. Maganda nga iyon, malinaw. Pero gusto ko lang sabihin ito sa iyo: there's a hundred ways to kill a chicken. Ibig sabihin, sa maraming paraan pwede mong sabihin ang isang bagay nang hindi iyon ang direktang sasabihin mo pero makukuha mo ang resultang gusto mo.
Malinaw ba?
I'll explain further.
Basta ito ang lagi mong tatandaan, kasintahan ka. Jowa ka at hindi nanay. Mas lalong hindi ka batas, okay? Kaya dapat lahat ng kilos mo, it is coming from your love for him and hindi mula sa pride na 'ah, jowa niya ako kailangan sundin niya ako' kasi iba ang tema kapag doon ka nagmula, magccause lang ng misunderstanding sa inyo 'yan.
Oh, for example, medyo nawawalan na ng time sa'yo ang jowa mo dahil sa mobile legends. Tapos ito pa matindi, kalaro pa niya doon ang pinagseselosan mo, tangina hindi ba? Okay, sorry wala naman akong hugot dito pramIsSs.
Ngayon, ang gusto mong mangyari ay tumigil na siya kaka-ml. Pero, ito ang tanong ko sa'yo bakit? Sasabihin mo, eh, ayaw ko eh. Tanong ko ulit sa'yo, at bakit ka naman niya dapat sundin?
Eh, jowa niya ako, dapat lang!
Ops. Hep hep hep, ano ka batas? It doesn't work that way, oo titigil 'yan pansamantala pero ang ending maggu-good night lang 'yan sa'yo tapos makikita mo sa ml yellow at green doon sa avatar niya. Bakit ganoon?
Bago ka magalit, isipin mo. Inhale-exhale ka muna, be rational. Tao rin 'yang jowa mo, the way na pinigilan mo siya at kung saan ka nagmumula ay nakakasaling ng pride niya lalo na bilang lalaki. Ang pakiramdam niya ay under mo siya. Eh, totoo naman, under ko siya.
Edi huwag mo nang ipamukha! Usto mo mawalan ng power, ha?
Eh, ano palang gawin ko? Hayaan ko lang?
Eh, ano ka nga ba? Di ba jowa ka?
Try backtracking, ano na bang pinag-uusapan niyo lately, bakit mas nais pa niyang maglaro kaysa mag-bebe time. I am not putting the blame on you, I am simply telling na kung gusto mo, kaya mong paayunin ang relasyon niyo sa daloy at direksyon na gusto mo.
Ganito kasi 'yan, ang jowa mo, hindi 'yan sibuyas at bawang para gisahin mo at hindi sila labahin para sabunin niyo, okay?
Sa pagbabacktrack mo ba ay napansin mo na mas lamang ang nagging mo kaysa sa makabuluhang paglalandian --- i mean, pag-uusap?
Puro ba bawal ka ganito, bawal ganiyan?
Kung oo, instead na napigilan mo siya na-ignite mo pa lalo ang fire within him na gawin ang pinagbabawal mo lalo na kung kulang sa lambing ang pahayag mo.
Ang mga sumusunod ay ang mga pahayag o acts na pwede mong gawin para gawin niya ang gusto mo without telling it ng harshly.
Gaya ng sabi ko kanina at gusto kong ipagdiinan, dapat galing sa love ang mga actions mo.
Pwede mong sabihin na concern ka sa health niya, sa mata niya, kung nakakapagpahinga pa ba siya, sa studies niya kaya gusto mo siyang i-advice na i-limit ang ginagawa niyang pagpapakasasa sa computer games.
Ngayon, ang gusto mong mangyari ay bigyan ka niya ng time na gaya ng binibigay niya noong bago pa kayo, edi sabihin mong namimiss mo siya at make sure naman na makabuluhan ang pinag-uusapan ninyo at hindi puro away. Dahil kahit sino naman ay maririndi sa puro away at mas gugustuhing makasama ang robot.
Iparamdam mo rin kahit char-char lang na hindi ka gaanong kontra-bida sa bagay na gusto niya. Ang simpleng "mahal, paano ba 'yan? install ko nga 'yan para makapag-bonding naman tayo. paturo ha?"
Tingin mo ba tatanggi 'yan? Tingin mo ba mas pipiliin pa niyan kalaro 'yong pinagseselosan mo? (Oh, I have a separate chapter about this one.)
Hindi 'di ba? Ikaw kasi ang jowa. Kung oo sagot mo, aynako ha. stay tuned talaga sa e-book ko na 'to.
Ngayong nagpakita ka ng interes kahit na wala ka namang hilig diyan, pero dahil sa kaniya willing kang matuto, hindi ba't nakakatuwang malaman 'yon?
Iisipin niya, ikaw nga willing mag-push ng extra mile to meet him, siya pa kaya? Ang mga jowa niyo, competitive 'yan. Sa relationship, inunurture nila ang binibigay mo. Nagpakita ka ng pagmamahal at concern, ibabalik nila sa'yo 'yan kahit hindi mo hingin, it works that way talaga.
Instead na paulit-ulit mong ipagbawal ang isang bagay, magfocus ka sa bagay na gusto mong mangyari at sa pamamagitan no'n kunin mo ang atensyon niya at kapag ginawa niya at masaya ka, ipakita mong masaya ka.
Appreciate your jowa, praise their act ng pag-text sa'yo, ng paglambing, ng paggawa ng bagay na gusto mo.
Affirmation ang sagot sa problema mo. Be appreciative sa mga qualities na gusto mo sa kaniya at be vocal na natutuwa ka sa ginagawa niya instead ng ipagdikdikan ang negative tapos dadagdagan mo ng pagbabawal.
Be positive and happy sa relationship niyo. Ipakita mo na masaya ka sa kaniya at i-share mo sa kaniya ang nararamdaman mong happiness.
Reward your jowa (best 'to by communicating your partner's love language) kapag gumawa siya ng gusto mo, that way you encourage him to do what makes you happy at kusa siyang aavoid sa ayaw mo without you being the antagonist.
Okay ba?
Love love,
Mfollower (pamc)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro