Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8- Puzzle Problem (P-P2)


ICE CREAM

Elle's POV

PALAGI na lamang busy si kuya sa paghahanap kay Thea. Hindi niya man lang ako magawang maasikaso pero alam ko naman na mas kailangan ni Thea si kuya.

Pero... bakit naman ganito?

Hays! Nakakatampo naman.

Lumabas na lamang ako ng bahay sa kadahilanan na nagugutom ako at nagcrave ako ng ice cream.Hindi na ako nakapag paalam pa kay kuya kasi alam ko naman na busy siya at tsaka sasandali lang naman ako sa Ministop na malapit sa bahay namin.

Naglakad na nga ako at nakabili na ako ng paborito kong chocolate ice cream. Naglalakad na rin ako pauwi dahil baka hinahanap na ako ni kuya.

"ELLE NASAAN KA!" sigaw ni kuya kaya nagmadali akong pumasok sa loob ng bahay.

"K-Kuya?" takang tanong ko habang dumidila sa ice cream ko.

Lumingon ito sa akin at niyakap ako bigla.

"Sh*t! Saan ka ba galing ha! Pinag-aalala mo ako," malungkot niyang sabi

Inubos ko muna ang laman ng bibig ko bago magsalita.
"Sorry po kuya, I'm just craving po kasi, kaya lumabas ako saglit," malumanay kong sabi.

Ngumiti lamang ito at ginulo ang buhok ko.

"Okay na Elle. Mas mabuti na siguro na sumama ka akin para hindi na ako nag-aalala okay?" saad nito na siyang ikinataka ko. "Saan po ba tayo pupunta kuya?" tanong ko dito habang patuloy sa paglasap sa ice cream ko.

Tumingin muna ito at tsaka nagsalita, "Pupunta ako kanila Kuya Shawn mo. May itatanong lang naman ako at kailangan ko rin malaman ngayon ang sagot." sagot nito kaya napatango na lamang ako at nagpaalam para makapagbihis man lang.

Umakyat na ako sa itaas at pumasok sa kwarto ko. Kinuha ko na rin ang cellphone ko at nagpalit ng susuutin. Sandali lamang ako nag-ayos at bumababa na rin ako.

PAST

Vince's POV

NANDITO  kami sa loob at nakita ko ng nag-uusap sila kuya at kuya Shawn at habang naglilibot ako sa bahay nila ay bigla na lamang ako nabunggo ng kung sino.

"Aray!" mahina kong sabi at napahawak ako sa ulo ko isang matangkad na lalako kasi ang nakita ko at nang lingunin ko siya ngumiti ng kay lapad at sabay yakap sa akin.

"Bitawan mo nga ako!" inis kong sabi at nagpupumilit na kumawala sa yakap niya.

"Hindi mo ba ko naalala Helen? Ako 'to si Vince yung nobyo mo," saad nito na siyang ikinataas ng kilay ko.

"Ha? Okay ka lang po ba? Sino po ba yung tinutukoy mo? Mali ka po ata ng tinutukoy, si Elle po ako hindi si Helen." pagpapaliwanag ko dito.

Tumingin lamang ito sa akin at pinagmasdan ang kabuuan ko na oara bang kinikilala ako ng lubusan.

"P-Pero alam ko ikaw 'yon. At kamukha mo talaga si..." naputol ang sinasabi niya ng biglang nagkaroon ng gulo sa itaas ng kwarto ni kuya Shawn kung saan doon sila nag-uusap.

Napaakyat kaming dalawa ng lalaking kasama ko at doon nakita ko na duguan ang may kaunting dalos ang mukha ni kuya Shawn.

"Bro, pinagkatiwalaan kita at tinuring na kaibigan pero ano? Bakit nasa sayo ang kapirasong larawan na ito at kailan pa!"inis na sabi ni kuya kaya nagtaka naman ako dahil wala akong naiintindihan

"Maniwala ka naman. Yung naospital ako nagulat ako dahil may box na maliit doon at nakita ko na lang yan tinabi ko kasi baka importante." buong inam niyang pagpapaliwanag.

Nagkatitigan ang dalawa at kahit kami ni Vince ay nagtataka sa nangyayari.

Napatingin sa akin si kuya at sabay tingin kay Vince.

"Hi bro. Anong pinag-aawayan ninyo ni kuya? Pwede bang makisali?" singit nito kaya bigla ko na lamang siya binatukan.

"Ano bang pinagsasabi mo? Kapatid ka pala ni kuya Shawn?" akang tanong ko dito at napatango na lamang siya sa akin bilang pagsagot ng oo.

Napaupo si kuya at nakita ko sa mga mata niya ang galit at lungkot at kita ko rin ang mahigpit niyang paghawak sa kapirasong larawan na ang tingin ko ay hugis puso ito.

THOUGHTS REVEAL

Xian's POV

Napaupo ako sa galit at inis. Hindi ko na alam ang paniniwalaan ko ayoko naman sana magpadala pero sa pag-uusap namin ni Shawn hindi ko makita ang sinseridad niya.

FLASHBACK

"Pre, may ibibigay sana ako sayo tsaka ano pala ang sasabihin mo?" takang tanong niya habang nakatingin sa akin ng diretso.

Nagbuntong hininga muna ako bago magsalita.

"Ilang araw na kasing nawawala si Thea at tsaka alam mo naman yun. Nagkita kami ng tauhan nito at may inabot na naman sa akin na puzzle, ikaw kasi ang tinutukoy." pagpapaliwanag ko at nakita ko ang pag-iiba ng awra nito. Hanggang sa may inabot na siya sa akin. Nagulat ako ng buksan ko ang maliit na box na iyon at hindi nga ako nagkamali dahil nasa kanya ang maliit na kapiraso nito.






Kinuha ko agad iyon nilabas ang hawak ko na may kulang na piraso na itim na puso at aking pinagtagpi at hindi ako nagkamali dahil puso nga ang nabuo. Sakto sa kapirasong papel na mayroon si Shawn. Subalit nabuo nito ay isang lalaki.


"Sh*t pre! Ayan ba ang sinasabi mo?" tanong nito na siyang ikinainit ng ulo ko.


END OF FLASHBACK

Nawala ako sa sarili at bigla ko na lamang siya nasapak. Nagdilim ang paningin ko at bigla na lamang lumitaw si Elle at si Vince na kapatid nito. Nahimas-masan ako ng magpaliwanag siya pero malaking pagtataka pa rin ito sa akin.

Lumapit siya sa akin at tinapik ako sa likuran.

"Bro? Alam ko nagtataka ka pero wala akong alam, ang sasabihin ko sana sayo ay may nag-abot sa akin niya'n. Bago kasi ako makalabas ng ospital ay saktong nakuha ko iyan." pagpapaliwanag nito.

"Sorry bro, nasapak pa kita. Pasensiya na. Hindi ko na kasi malaman bakit ginaganito ako ng babae na iyon." pagpapaliwanag ko sa kanya.

Ngumiti naman ito at sabay sabing "Naiitindihan kita, bro. Nandito lang naman ako. Tutulungan kita mahanap si Thea." sagot nito na siyang ikinangiti ko.

Tumigil na kami sa drama namin at pinag usapan ang susunod na hakbang samantalang nakita ko naman si Elle at Vince na nagtatalo.

"Huwag mo nga ko sundan pwede ba!" inis na sabi ng kapatid ko habang ai Vince ay palaging nakabuntot sa kanya. Napansin din ata ako ni Shawn sa pagtingin sa gawin nila Elle.

"Namimiss pa rin talaga ni Vince si Helen pre at saktong kahawig ng kapatid mo si Elle." pagpapaliwanag nito na siyang ikinataka ko.

Naalala ko na may kinukwento sa akin si Elle na may crush daw siya.Isinantabi ko na lamang ang iniisip ko at pinag usapan na lang namin ni Shawn ang dapat gawin.

Pero habang nag-uusap kami hindi ko pa rin mapigilan isipin ang nakaraan. Siya kaya ang nobyo niya na sinasabi niyang crush niya lang?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro