Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 35-Finale Battle

WHAT IS TRUTH?
Xian’s POV

Katahimikan ay namayani at tila nagising ako sa matinding liwanag.

"B-bro ayos ka lang ba?" bungad ni Shawn habang ang flashlight ng phone nito ay nakatapat sa akin.

"Shit! Ibaba mo na nga 'yan ang sakit sa mata!" inis kong sabi at ibinaba niya naman niya ito agad. " Sorry," saad nito at tinulungan akong makatayo.

"Teka, n-nasaan si Elle?" takang sabi ko at hinanap agad siya ng mga mata ko.

Tumingin ako sa paligid medyo dim light lang ang kabuuan at dalawa lang kami rito ni Shawn. Hindi ko alam kung nasaan na naman ang mahal kong kapatid. Bakit ba lagi siyang nawawala?

"Hindi ko alam bro. Nagkita nga tayo nawala naman ang kapatid mo tsaka nasaan na pala si Massikibyino?" takang sabi nito habang ako ay panay pa rin ang paghahanap baka kasi nasa sulok lang ito o nasa tabi lang.

"Hindi ko alam! Wala akong paki sa mokong na 'yon! Mahalaga sa akin ngayon yung kapatid ko." Seryoso kong sabi habang palinga-linga pa rin. Nagbabakasakali na baka nandito lang siya.

"Chill! Alam ko tutulungan kita,mag-ingat na lang tayo. Lalo na hindi natin alam kung nasaan na ba tayo." Suhestiyon nito.

Tama naman siya, simula ng makapasok kasi kami rito ay talagang kailangan namin mag-ingat dahil hindi na namin alam ang pwede pang mangyari. Masyadong mabilis ang mga kaganapan at kailangan talaga maging alerto.

Sana lang talaga nasa mabuti siyang kalagayan. Mahahanap rin kita, Elle.

Naglakad na lang kami ulit at patuloy na umaasa na sana makaalis na kami at mahanap ko na ang kapatid kong si Elle.

Habang naglalakad kami sa kahabaan ng espasyong ito,nakakita ako ng isang papel. Papel na para bang may ituturong daan.

Kinuha ko iyon at sinuri.Simpleng papel lang naman iyon ngunit may nakahandang sulat.

Napatigil tuloy kami ni Shawn at natuon roon ang oras naming dalawa.

"Basahin mo nga bro!"utos nito kaya binasa ko na lamang dahil baka may punto 'tong papel na ito.

Binasa ko nga at isa itong liham.

Dear Xian and Shawn,

Hi sa inyong dalawa! Oh, kaya ninyo pa ba? Huwag kayong mag-alala dahil safe naman sa kamay ko si Elle. Nagpapahinga na siya nahilo yata sa adventure ninyo. Anyways, prepare yourself. Dumiretso lang kayo sa paglalakad at sa pintong dadaanan ninyo sa #206 doon ninyo makikita ang surpresa ko. Focus lang! Goodbye!

-Mr.Kiby

Sinong Kiby? Bago na naman ba o siya rin si Kib na nagkidnap sa kapatid ko?

"What?! May surpresa na naman? Wow naman! Daig niya pa si Santa Claus sa mga regalo niya!" inis na sabi ni Shawn habang tinuturo pa ang papel.

Halos mapunit ko na ang papel sa panggagalaiti. Hindi nakakatuwa ang pinaggagawa niya. Malaman ko lang na si Kib,Kiby at Massikibyino ay iisa talagang ako na ang bahala sa kanya.

Matatapos na siya!

"Hindi ako papayag na maging Santa Claus na naman siya! Tara na Shawn!" pagyayaya ko sa kanya at naglakad na nga kami.

"Lalaban tayong dalawa, Xian. Kailangan na natin makaalis rito." Saad nito habang patuloy kami sa paglalakad.

Para na naman kaming tanga na naglalakad dito. Kaya pala nasabi dumiretso dahil wala naman ng iba pa. Tila halatang planado na. Alam ko na kung sino ang may pakana nito. Alam kong siya na talaga!

Habang naglalakad kami ni Shawn hindi naman inaasahan na sa bawat gilid ay nakakita kami ng tatlong cards. Kulay berde,asul at pula ang mga ito. Katamtaman ang laki na para bang normal lang naman. Ayoko naman sana pakialaman ngunit nais kong malaman kung para saan ba talaga iyon.At tila umaagaw talaga sa aming pansin ni Shawn.

Kinuha ko nga ang tatlong cards na iyon. Ang kulay berde ay may nakasulat na "GO & BE WATCHFUL" ang kulay asul naman ay "I'M ON MY WAY!"-Kiby" at ang huling card na kulay pula,"YOUR TIME IS RUNNING! [@57{3"

Para saan 'to? tsaka ano yung nasa dulo?

Halos mapataas na lang talaga ang mga kilay namin ni Shawn, dahil sa labis na pagtataka at napapaisip na rin.Kaya't napatigil kami at nag-isip muna.

"Ang weird niyan bro ha?" takang sabi nito habang natatawa pa nang bahagya.

Kahit sino naman talaga ay mapapaisip at matatawa pero sa ganitong pagkakataon, kailangan maging seryoso at maging alerto. Nawala'y sa'min si Elle at nag-aalala talaga ako.

"Oo nga pre! Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng something. Feeling ko warning sa atin 'to. At feeling ko siya na talaga 'yon!"seryosong sabi ko sabay balik ng tingin sa kulay asul na card.

Ito talaga ang patunay na siya ang mismo ang may pakana ng lahat. Alam ko rin na plano niya talaga ito. Base na rin sa pinaparamdam niya mula ng kumain kami hanggang sa mga banat niya kay Elle. Huwag niya lang talaga masaktan ang kapatid ko, dahil ako mismo ang tatapos ng buhay niya.

Pinagmasdan ko rin ulit ang kulay pulang card. Agaw pansin sa akin ang mga numero't simbolo sa ibabaw nito. Sandali akong nag isip dahil medyo pamilyar sa akin ang nakalagay.

[@57{3, ganito kasi ang nakalagay.

"Teka, detective code 'to!" sigaw ng isip ko.

"FASTER!" sigaw ko na na-alarma rin si Shawn.

"Faster ang sagot. Isa itong detective code. Pansinin mo ang symbols and numbers." sambit ko rito ang pinatingin sa kanya ang pulang card.

Kinuha njya sa akin at pinagmasdan niyang mabuti. "Oo nga! Tara na! Baka ano pang mangyari kay Elle." saad nito sa akin at mabilis naming nilakad ang espasyo ng hotel, upang makarating sa pintuan na iyon-Ang labasan!

Habang naglalakad na kami doon bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako natatakot,nangangamba ako sa maaaring mangyari. At habang ang daming bumabagabag sa isip ko, taimtim din akong nanalangin na sana matapos na, at sana rin nasa maayos na lagay ang kapatid ko. Nais ko na rin matapos at mabuo kaming tatlo.

Kasabay din 'nun, ang pagbukas ng pintuan. Lumabas ang dalawang lalaki at ang isang babae.

Tila napatigil kami ni Shawn, tila isa nga itong surpresa.

"Kamusta Xian? Nabuo mo na ba lahat?" takang sabi nito na may halong pang-iinis. Hawak niya ang kapatid ko, tahimik lamang ito kaya't mas lalong kumulo ang galit ko.

"Anong ginawa mo kay Elle?Tsaka ano bang nais mo ha? Massikbyino Rey na A.K.A Kiby and Kib. Alam ko na ikaw!" sigaw ko rito ngunit siya'y nakangiti at nanatiling kalmado.

Binigyan niya ako na magarbong palakpak na animo'y nang iinsulto talaga. Ngunit hindi ko iyon pinansin kahit ngayon naglalakad na ito palapit sa akin.

At bago pa siya tuluyang makalapit pinaramdam ko sa kanya ang tindi ng galit ko.

Diretso ko siyang sinuntok dahilan ng kaniyang pagbagsak sa sahig at nagtamo ng pagdudugo sa ilong at bibig.

"Kung galit ka sa'kin Kiby, sana sa akin mo binuntong yang galit mo, hindi sa kapatid ko. Hindi yung kikidnapin mo at dadalhin mo rito sa pesteng hotel mo. At kahit naman kailan wala akong ginawang mali sayo. Masyado ka lang nagpapadala sa pag-iisip mo na nasasapawan kita!" galit kong sabi. Hindi ko napigilan ang sarili ko at huli na para pigilan ako ni Shawn.

Alam kong maling manakit ng kapwa pero dahil nakaharap ko na siya hindi naman ako papayag na ganito. Kahit hindi maganda ang nangyari sa amin ni Elle mahal ko pa rin ito at dahil lang iyon sa sakit niya.

Umayos ito at pinunasan ilong gamit ang kamay niya.

"Oo ikaw na ang mahusay! Masaya ka na ha?! Nagawa kong kidnapin 'yang kapatid mo dahil mahal ko siya. Pero hindi, dahil kahit anong pagpaparamdam ko sa kanya iba pa rin ang laman ng puso niya. At oo ako nga ay may pakana ng lahat kaya nandito kayo sa hotel ko." pagpapaliwanag nito habang diretso ang kaniyang mga mata na nakatingin sa akin.

Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng lungkot sa kanya. Matagal na pala niyang gusto pero hindi siya gusto ng kapatid ko.

"K-kuyaaaaaa!" biglang sigaw ni Elle habang inilalayo siya sa amin ng lalaking kasabwat ni Kiby.

Bigla siyang tumawa nang malakas habang ako naman ay tumakbo nang mabilis,ngunit huli na dahil sumakay na sila elevator.

"Gusto mong makuha ang kapatid mo 'diba? Then let's play. When you win, go and out in my paradise hotel. But when I win, akin na ang kapatid mo." Saad nito habang nakangiti sa akin.

Hindi na ako nag isip pa sa halip pumayag na agad ako. Alam kong kaya ko siyang matalo. At kapag natalo ko siya ako mismo ang magpapadala sa kanya sa mental. Nababaliw na kasi siya.

"Go on! Deal!" seryosong sabi ko.

"Pre sure ka?!" takang sabi ni Shawn pero hindi ako sumagot sa kanya kundi nakatingin lang ako kay Kiby.

"Maghanda ka na!P'wede naman kayong magtulungan pero ikaw ang tatapos Xian." dagdag nito at tsaka inabot sa akin ang isang papel.

"Read it, nandiyan lahat ng dapat ninyong gawin. Bilisan ninyo lang kung ayaw ninyong malagay ang buhay ninyo sa peligro." sambit nito at biglang tumawa.

Lalapit sana ako pero bigla niya na siyang nawala, nawala dahil sa tinatapakan niya ay bumaba.

Peste! Naisahan niya na naman ako.

Wala na akong nagawa kundi basahin ang papel na hawak niya ngunit biglang dumating si Troy ang assistant ni Elle.

"A-anong ginagawa mo rito?" takang tanong ko habang siya'y napayuko at hinihingal pa rin.

"Hindi na mahalaga iyon. Kailangan na natin magmadali. Alam ko kung nasaan si Ms. Hell este Ms. Elle. Tara na!" pag-aayaya nito kaya't tumakbo na kami ni Shawn at sinundan ang dinaanan niya.

Xian's Battle

Kasalukuyan na kaming narito sa isang silid. Silid na kakaiba taglay dahil nasa gilid nito'y puro kagamitan habang sa paglalakad namin ni Shawn ay hindi namin inaasahan ang aming nakita.

"B-bro si Elle oh," sambit niya na siyang ikinadurog ng puso ko.

Lumapit ako roon at nakita ko na nasa isang malaking pahaba siya at walang malay.

"E-elleeeeee!!!!" sigaw ko.

Teka ano 'yong nasa itaas?

"Wala na tayong oras Xian, kilala ko ang kapatid ko. Kapag ginawa niya talagang mangyayari kaya't pigilan na natin habang may 21 seconds pa." Saad ni Troy.

"Ano bang kailangan nating gawin? Teka nandito ba sa papel?" takang sabi ko.

At tiningnan ko na nga ang hawak kong papel. Nakasaad doon ang gagawin.

At ito ang nakalagay;

Ito na ang huli kaya't gawin mo nang maayos. Kung hindi buhay ninyong lahat ang mawawala rito. Kailangan mong mabuo ang kabuuang detalye na nakalagay sa ibaba at pagkatapos ay isigaw mo. Kapag may isa kang mali mabilid na aandar ang oras at boooom! Goodluck,Xian Synthecia.

Halos kumirot ang mga mata ko sa nakasaad sa papel, pero hindi ako nagpadaig dito sa halip nagfocus ako lalo. At binigyan ko ng atensyon ang nasa ibaba.

A an here for you. I'm zorry for everything. Still, thank yuu for youd'de love,kuta."

-Elle

Halos mapaluha ako ng mabuo sa isip ko ang iniwan niyang wrong letter. Walang ano-ano ay sinigaw ko na.

I'M SORRY!

Kasabay nang pagsigaw ko ang luhang nagbabadya sa mga mata ko at doon mas tumaas ang bilang ng oras nagkaroon ng usok.

Mas nataranta ako pero bumukas na rin at madali kong kinuha ang kapatid kong si Elle.

"E-elleeee!"sigaw ko at niyakap ko siya nang mahigpit. Dumating na rin ang ilang mga pulis.

"B-bro ayos na. Nasabi na pala agad ni Troy ang mga nangyari sa pulis. We're safe now!" Masayang balita sa akin ni Shawn.

"Salamat bro at salamat sayo Troy," saad ko at tumingin na ako sa lagay ni Elle. Dahan-dahan na itong yumakap sa akin.

"K-kuyaaaa!"masayang sambit niya habang nakayakap sa akin.

"Elleeee!" tugon ko rito at niyakap din siya.

Halos mapaluha pa ako pero nilabanan ko. Tinulungan ko na din siyang makatayo para makaalis na rin dito.

"Tara na," sambit ko at nakalabas na rin nga kami sa hotel na iyon sa tulong ni Troy.

"Pasensiya na ngayon lang ako, last time nawala ako dahil hinahanap ko na agad sila. Nilubos ng kapatid ko ang sakit ng kapatid mo Xian kaya umabot sa ganito. Sorry talaga." Seryosong pagpapaliwanag niya.

Nag-usap pa kami at nagkapatawaran na rin. Nalutas na rin ang problema. Ginamit pala ni Kiby ang kapatid ko. Mabuti na lang natapos na rin.

Nakulong na rin si Kiby pero pinacheck muna sa doctor. Baka may dinadamdam rin na sakit ngunit wala naman parte lang pala lahat iyon ng paghihiganti niya.

At doon natapos ang lahat at sabay-sabay kaming bumalik sa Laguna ng may ngiti sa labi.

WAKAS






Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro