Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 32- Reveal or Not?


White and Black
Maskib’s POV

HINDI ko namalayan na nalagyan pala nang pampatulog ang carbonara na kinain niya.

Ang tanga! Nag-aalala ako!

Kaya pala white something 'yon.

Napasabunot na lang talaga ako sa sarili kong buhok sa labis na pagkainis ko.

Mag-ingat naman kasi!

Sana naman ayos na siya. Pero kahit ganoon atleast tumugma ang mga plano ko para kay Xian. Sorry,Hell nagamit pa kita.

Babawi ako sayo. Hintayin mo lang. Sorry talaga.

Alam ko naman na masasagutan nila iyon. Hindi nga sila nagpadala ng pulis o ano eh. I know they can handle it. Ayoko muna magpakilala sa kanila. I'm not totally ready para 'don.

Sandali akong nagmasid sa kabuuan ng paligid ko. Mag-isa lang kasi ako sa room ko sa 4th floor. Nasa 2nd floor naman na kasi sila at nakita ko na nalutas na nila ang pinakamadaling pasabog ko para sa kanila.

Mula sa kalayuan nakikita ko ang kanilang paglalakad. Oo, nandito ako sa room ko, pero I have CCTV para panuorin bawat galaw at salita nila.

Ako lang kasi ang mag-isa rito, namiss ko tuloy siya. Panira naman.

"Are you ready?" wika ko. Gumamit ako ng microphone para akala nila kasama na nila ako. Pero ang totoo sa paglabas nila sa 2nd door ay boses ko lang ang maririnig nila doon.

"Nasaan ka magpakita ka?" sambit ni Xian. Kita ko dito ang pagkainis niya pero nanatili siyang kalmado.

"Bakit namimiss mo ba 'ko agad ha?" pang-aasar ko.

Ngumisi lamang ito. Salamat na lang talaga sa CCTV dahil nakikita ko sila. Nagmamasid si Shawn sa paligid samantalang ang babaeng kasama naman nila ay nanatiling kasama.
Actually planado ko naman lahat, sumang-ayon din ang lang lahat sa akin.

"Bakit ba ayaw mong magpakita ha?! Ano bang problema mo at dinadamay mo si Elle rito?Paalisin mo na lang kami!" inis nitong sabi.

"Soon makikilala mo rin ako. Malalaman mo rin bakit ginusto kong makasama 'yang kapatid mo." seryosong saad ko.Ngumisi ako.

Just wait, Xian. Once everything is okay malalaman at malalaman mo rin.

"Just enjoy your trip," masayang sabi ko at tumawa pa para mas mainis siya.

Pinatay ko na dahil baka ano pa ang maging usapan namin.Hindi pa ako tapos para magpakita na ako sa kanila. Nasa kalagitnaan pa lang naman sumusuko na siya agad.

After all gusto kong makita niya na ako lang. And I want to get Hell to him. Hindi ko alam pero simula ng lahat ng nangyari gusto ko na lang paglaruan at ipabatid na kailangan maging alerto't handa siya.

Kinuha ko ang wine ko lamesang nasa harapan ko. Habang pinapanuod ang pagkadismaya at paglalakad nilang muli hindi ko maiwasan na mapangiti. Hindi dahil natutuwa ako sa nangyayari kundi dahil may naiisip na naman akong balak ipagawa sa kanila.

Yung bagay na mas masusubok sila. Magaling naman sila pero hindi ko alam kung kakayanin nila hanggang dulo ang mga inihanda ko.

Sa paghaharap natin. Ipaparamdam ko sayo ang dapat. At aking aangkinin si Hell. She is mine. Only mine.

Alam ko naman na hindi niya ko babaliwalain. Nararamdaman kong may pag-asa ako sa kan'ya. Hell is crazy girl pero binaliw niya ko.

Nilagok ko muli ang baso na may laman na wine. Inubos ko ang laman nito. Gusto kong lakasan pa ang loob ko.

Habang patuloy ang pagtagay ko. Pinagmamasdan ko silang patuloy sa paglalakad. Malaking espasyo at kapasidad ng hotel ko. At kapag baguhan ka at walang nag-asikaso mahihirapan ka talaga lumabas dito.

Binili ko 'to nung nakaraang taon lamang. Kakaiba hirap muna ang naranasan ko bago ko masigurado na sa huli akin lang 'to.

I am hardworking and responsible person. I know what is the best kaya ngayon nararanasan ko 'to. Nagbago lang ang lahat ng makilala ko siya.

Yeah, she is my only girl of my life.

Tinigil ko muna ang pag-iisip nang kung ano.Nagfocus ako sa dapat. Pinagmasdan ko muna sila.

Ang sarap ninyong paglaruan. Goodluck!

Napangisi na lamang ako dahil hanggang ngayon hindi pa rin nila makita ang labasan. Bago ko kasi ipatayo ito. Pinapareho ko talaga ang bawat silid at kahit sa bawat floor. Nakakalito talaga dahil panay black and white lang ang makikita mong kulay. Although may iilang kulay pero depende na lang sa room na nakaassign sayo.

May palantandaan naman kaso kailangan mapagmasid ka lang sa paligid at talagang nag-oobserba ka. Hindi naman ganoong kahirap basta marunong kang tumansya at higit sa lahat ay makiramdam.

Hinahanap pa rin nila ang labasan. Nasa 3rd floor na sila umakyat pa sila dahil namali sila ng pasok.

Hindi ko rin maalis ang paningin ko sa babaeng kasama nila. Ang buhok niyang anong kislap. Ang labi niyang natural ang kulay ng pula at higit sa lahat ang kurba niya na nakakaagaw-pansin.

Sino ka ba at nababaliw na'ko sayo?

Ano bang ginawa mo?

Nagmumukha akong tanga sa pag-iisip ko. Nilagok ko na lamang ang huling laman ng wine. At habang inuubos ang laman nito nakita ko ang pagpasok nila sa isang gusali na alam kong maguguatuhan nila.

Pinagmasdan ko sila ng mabuti. Nakakapit ang babae sa braso ng isang lalaki samantala nangunguna naman ang isang lalaki.

Nakakatuwang pagmasdan ang ganito.
Sa bawat aksyong ginagawa nila ang nalalaman ko kaagad. At naririnig ko rin ang pinag-uusapan nila dahil may nilagay akong audio device na magdedetect sa bawat boses na masasagap nito. Recorded pa ito kaya't kahit anong sabihin nila talagang alam ko.

"Boss, pinapatawag ninyo raw po ako?" takang tanong ni Kaye. Si Kaye naman ang nag-iisang tauhan ko na naiwan. Wala naman na siyang uuwian kaya nagstay siya dito.

"Oo. Maghanda ka lang. Maghanda ka lang ng masasarap na pagkain.Ibigay natin sa bisita ang pinakamasarap na putahe." masayang sabi ko.

Tumango naman ito bilang pagsang-ayon."Iyon lamang po ba?" takang tanong niya. "Oo 'yon lang muna. Salamat!" sambit ko.

Umalis na ito at ginawa ang ipinag-uutos ko.

Ilang saglit na lang. Magtatagpo at magkakaharap tayo.

Maghanda ka na lang talaga.

Waiting is Real
Xian’s POV

AKALA  namin ni Shawn tuluyan na kaming makakaalis dito, pero heto nandito pa rin kami. Nakakagutom lang talaga.

"Pre? Nagugutom na ako. Ano ba naman kasi 'tong hotel na 'to wala man lang pagkain," malungkot na sabi ni Shawn.

"Kaya nga. Gusto ko na rin makauwi tayo. Ang laki-laki naman kasi rito pero wala man lang pagkain at nakakainis pa dahil mukhang nais niya pa talaga tayong paglaruan.Makakalabas din tayo rito." matapang kong sabi.

Tumango lang ito at umayon sa akin. Habang si Elle naman ay nanghihina na rin. Nakakainis kasi wala akong magawa para tuluyan na kaming makaalis rito.

Nagpatuloy na lamang kasi sa paglalakad hanggang sa narating na nga namin ang isang cafeteria rito at doon may isang lalaking nagwelcome sa amin.

"Good evening, sir and ma'am." Bati nito.

"Sino ka?" takang tanong ko naman.

"I am Kaye po the only person here. Nakapagluto na po ako para sa inyo. Don't worry po walang lason ito," Sambit nito at sabay turo kung saan ka dapat kumain.

"Paano kami makakasigurado riyan ha? Mamaya may balak ka pala ha?!" inis na sabi ni Shawn. Umalma ako dahil baka magkaroon pa ng gulo.

"Sigurado po ako sir. Wala akong balak na lasunin kayo dahil makakasabay ninyo na rin naman po ang boss ko rito. Pasensiya na po kung ngayon lang po ako nagpagkita." Pagpapaliwanag nito.

Napaisip naman ako sa sinasabi nito. Sapagkat nakakapanghinala ang pinagsasabi niya. Napakunot-noo na lamang ako at tiningnan ang kabuuan niya.

Ang tangkad niya ay natatansya kong 5'8", moreno, matangos ang ilong at pormal ang pananamit nito.

"Paumanhin po sa lahat. Alam kong nagugutom na po kayo. Kaya sana sabayan ninyo na lamang po ako at ng boss ko at ako na po ang bahala sa inyo na makalabas." Dagdag nitong sabi.

Gusto kong maniwala pero mahirap na magtiwala dahil baka mamaya matibong lang 'to ni Maskib. Baka nga mamaya siya nga pala ito tapos nagbabalat-kayo lamang.

Gusto kitang patayin! Sino ka ba talaga ha?!

"Kung totoo ang pinagsasabi mo, sige pero dapat ikaw muna ang kakain bago kami at ipakita mp sa amin kung sino ang bossing mo rito." Seryosong saad ko.

"Masusunod. Tara idadala ko na po kayo sa loob." Sambit nito at kaming tatlo nga'y sumama at syempre naghanda na rin kami.

Tama ba ang ginawa kong pagtitiwala?

Sino ba talaga siya?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro