Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 31-Red Door Surprises


"Unlocked me first, before you enter."
Xian's POV

KAHIT ramdam ko ang kaba ay nilakasan ko pa rin ang loob ko. Narating na nga namin ang labas ngunit hindi pa nalalapit sa katotohanan.Buhat ko pa rin si Elle hindi ko alam kung kailan siya magigising, sana mamaya ay magising na siya.

Please, Elle wake up!

"Nasaan na ba tayo, Xian?" takang tanong nito.

Nilinga ko ang paligid at batid kong nasa limang palapag kami base na rin sa nakikita ko 5th floor sa itaas ng pader.

"Nasa 5th floor na tayo." sagot ko.

"Paano mo nalaman?" takang sabi nito.

Hindi na ako sumagot pa, sa halip kahit nahigirapan ako tinuro ko na lang ang nakita kong 5th floor na nakasulat sa itaas.

Napatango naman ito at napakamot-ulo.
Naglalakad pa rin kami at pilit hinahanap ang labasan.

Bakit ba kasi nandito kami?

Wala kasi kaming makitang elevator. Nangangapa tuloy kami.Pero, mas nag-aalala ako sa buhat ko si Elle. Hindi pa kasi ito nagigising. Sana natutulog lang talaga siya.

Hindi talaga kita mapapatawad,Maskib!

Habang naglalakad kami ni Shawn ang siyang paggalaw ni Elle.

"K-kuya?" mahinang sabi nito.

"Elle!!" masayang abi ko kaya't napatahimik ako at niyakap siya.

"Finally, Elle you're awake." masayang turan ni Shawn.

Napangiti ako nang bahagya tila nakalimutan ko ang alahanin ko at ang balak namin na makaalis sa pesteng hotel na 'to.

"Nasaan po tayo?" takang tanong ni Elle. Binababa ko na rin siya dahil okay naman na siya.

"Morina Hotel, Elle. Kamusta ka? Ano bang nangyari at nandoon ka sa kwarto na iyon at wala kang malay?" tanong ko rito habang nakatingin sa kan'ya.

"Someone's bring me here. Pero ang naalala ko nasa garden ako 'nun and after 'nun wala nakong maalala." saad nito.

"But, I remembered a guy. Kaso hindi ko alam ang name niya." dagdag nito.

Napabutong-hininga na lang talaga ako dahil wala namang ibang gagawa 'nun. Si Maskib lang naman ang dumukot sa kan'ya.

"Sige Elle. Mamaya na tayo mag-usap kailangan muna natin makaalis dito." saad ko.

"Sure po kuya." sagot nito.

Sinabi ko na rin na kumapit siya sa kaliwang braso ko dahil baka mamaya may kumuha na naman sa kan'ya. Hindi ko hahayaan iyon. Naglakad na naman kami sa mahabang espasyo ng hotel na 'to.

Parang walang dulo panay na lang kasi kami lakad. Ano ba kasing klaseng hotel 'to?

Naiinis na talaga ako dahil parang walang katapusan.

"Ayos ka lang ba Elle?" takang tanong sa kapatid ko habang naglalakad pa rin kami at naghahanap kung saan na ba talaga.

"Opo,kuya. Inaalala ko lang ang mga nangyari. Kaso blanko po eh. Nasaan na po ba tayo?" sambit nito.

"Huwag mo muna isipin,Elle. Kailangan makaalis muna tayo dito." mahinahomg sabi ko.

Tumango naman ito bilang pagsang-ayon.

Napansin ko rin ang labis na pagkunot-noo ni Shawn.

"Uy, pre! Ayos ka lang ba?" saad ko sabay tapik sa balikat nito.

"O-oo p-pre." utal niyang sabi.

"Sure ka ba?" saad kong muli.

"Kinakabahan lang ako,Xian. Pero hayaan mo na. Hanapin na muna natin ang hagdan." sagot nito.

Tumango na lang ako dahil kahit ako kinakabahan. Pero mahalaga kasama ko na ang kapatid ko. Sana lang bago magdilim ay makauwi na kami at sana magpakita muna yung Maskib na 'yun oara makasapak man lang ako ng malutong.

Halos sampung kwarto na ang nalagpasan namin. Ano ba naman kasing klaseng hotel 'to? Hunted Hotel? Pero hindi naman siya creepy, attractive naman wala nga lang tao.

Hanggang sa napapansin kong parang malapit na nga kami at sumigaw nga si Shawn. Nauuna kasi siyang maglakad sa amin ni Elle.

"X-xian! Malapit na tayo!" sigaw ni Shawn.

Halos magliwanag ang mga mata ko ngunit akala lang pala, natunghayan namin ang pintuan na kulay pula.

Nasilayan namin ang pintuang may padlock na itim. Iyon na kasi ang labasan pero bago iyon ay kailangan magbuksan namin iyon.

"Oh, my! Ano na naman 'to?" takang sabi ni Shawn.

Ang pintuan ay may kadena at padlock na ang kulay ay itim at may numero ito sa gilid na dapat malaman namin. Kumbaga password para tuluyan kaming makaalis.

Nakakita ako sa ibaba ng sobre. Kinuha ko iyon. At sa loob na iyon ay may papel at may nakasulat.

Hi, Xian. I know makakarating na kayo sa labasan pero syempre hindi pa tapos. Nakuha ninyo na ba si Elle? Kamusta na siya? Pasabi naman namimiss ko na siya.
Enjoy the last trip. Sana last na nga. Keef safe,friend.

-Handsome Maskib-

Pagkatapos kong mabasa ang letter halos kumulo ang dugo ko. Ngayon lang nga nagising ang kapatid ko at wala pang maalala sabay kakamustahin mo pa? Loko ka pala eh.

Sa sobrang inis kicrumple ko yung papel niya. Letse siya!

"Ano ba 'yan Xian? Bakit binasura mo?" takang tanong ni Shawn. Abala kasi ito sa pagtingin sa password sa kadena.

"Tingnan mo na lang dude. Nakakasira ng mood eh. Ayaw na lang kasi harapin ako!" inis na sabi ko.

Dinampot niya na lang ang papel at binasa ito habang si Elle naman ay nagmamasid lang sa paligid.

"Oo nga pre! Ang kapal ng mukha ng lokong 'to!" inis niyang sabi.

"Pagtuunan na lang natin ng pansin 'to Shawn. Tara alamin na natin kung ano ba ang password ng makalayas na tayo dito sa hotel niyang hunted naman." saad ko.

"Sige pre." sagot nito at binitawan niya na muna ang kan'yang hawak.

Nakatutok na nga kami ni Shawn sa pinto na may itim na kadena. Medium size naman ang kadena kaya hindi naman hassle sa pagtingin sa numerong nasa gilid.

Tumingin muna ako sa likod ko, chineck ko lang si Elle dahil baka mamaya mawala na naman. Lalo na hindi ko siya mabantayan.Hinila ko siya at tinabi sa tabi ko.

"Elle, dito ka lang ha? H'wag na h'wag kang lumayo ha?" seryosong sabi ko rito.


"Opo kuya, dito lang po ako." sagot nito.

Tumango ako at ngumiti.Binalik ko rin ang atensyon ko sa padlock na kailangan ng password.

Sa gilid kasi nito ay may dalawang limang column kumbaga by partner. Ganito ang kanilang posisyon;

12
34
56
78
910

Pinagmasdan muna namin ang kabuuan. Simpleng padlock lang naman ito na may password kaya parang wala lang. Pero ang nakakapressure kasi nakakadena at talagang saradong-sarado.

Ano kayang ibig sabihin nito? Tsaka bakit pula na naman ang pintuan?

Napuno na naman ako ng mga katanungan sa'king isip. Mabuti na lang nga wala naman oras na ibinigay dahil kung hindi dagdag pressure lang iyon. Uso kasi sa kan'ya ang orasan kami.

Pero paano nga ba namin malalaman ang password kung walang kahit anong clue? Nakakapagtaka naman iyon. Tumingin muna ako sa relo ko at pasado alas-kuwatro na pala nang hapon.

"Ano Xian may clue ka na ba? Feeling ko kasi kapag ganitong kadena hanggang apat na numero o higit pa ang p'wedeng gawing password eh." sambit ni Shawn.

Napaisip nga ako sa sinabi niya. "Wala pa kasi akong maisip dude. Kailangan natin humanap ng kahit anong clue dahil mahirap na ganito, nangangapa tayo sa kawalan." suhestiyon ko.

Nilingon ko si Elle at may hawak siyang kung anong box na itim.


"Kuya oh? Check this one. Baka makatulong Nakita ko lang 'to sa gilid." saad ni Elle sabay turo kung saan niya nakita at kinuha ang hawak niyang maliit na box.

Kinuha ko na lang iyon at binuksan. At nakita ko nga doon ang dalawang pirasong papel. Napakunot-noo na lang ako kasi nakakaramdam ako ng kakaiba at feeling ko makakatulong talaga ito.

"Salamat Elle. Clues ito." sambit ko at lumapit naman sa amin si Shawn.


"Ano 'yan pre?" takang saad nito.

"Clues ito.Sa iyo na ang isa at akin ang isa. Para maging mabilis tayo at matapos na natin at malaman na ang sagot." saad ko.

Tumango ito at kinuha ang inabot kong papel sa kan'ya. Nagsimula na nga kaming alamin ang password.

Pagkabuklat ko ng papel halos maduling na naman ako sa umagaw ng pansin ko. Mga numero lang naman iyon. Mga jumble letters. At nakita ko rin sa loob ng box ang extra paper at 2 ballpen.


Exam na naman ba 'to?

Hindi ko muna pinansin iyon. Mas pinag-ukulan ko nang pansin ang hawak kong papel.

Binasa ko muna ang pangungusap na nasa itaas.

You should fix first the jumbled letters by the clues of mine given.

RDOOTXENHETINMAI- JUMBLE LETTERS

---CLUES---
Be ready! (1)
See you! (2)
6 words (3)

What it is?
_ __ __ ___ ____ ____.
This is the pattern.
I'm not using any codes here just use this as your guidelines.

Be watchful and aware because I already give the answers. Maybe in this paper or the other one. Be wise and enjoy!

-Handsome Maskib-

Halos hindi mawala ang mga mata ko sa mga linyang binigay niya para maging pattern namin.

Kasalukuyang nakatingin din sa akin si Elle habang abala naman si Shawn. Tig-isa na kami para magawa at matapos na namin agad.

Napansin ko nga na may numero pero bago ko i-sure na iyon nga kailangan malaman ko muna kung ano ba itong Jumbled letters niya.

Sinubukan kong unawain at dahil sa clues na 6 words daw, I try to look for every single letter. I get the paper included with the pen. Sinulat ko muna doon at tsaka ko binasehan ang clues niya.

Tinawag ko na lang din si Shawn para magteam work na lang kami para mas mabilis.

"Hey, baka need mo ng paper and ballpen? Ano pala ang sayo Shawn?" tanong ko dito habang abala pa rin siya sa pagtingin sa papel.

"Shawn!" sigaw ko dahil hindi ako pinapansin masyado na siyang abala.

"Sorry. oo kailangan ko talaga. Can I have one? Ito kasi yung akin, Xian." saad niya sabay abot ko muna ng extra paper and ballpen. Tiningnan ko na rin ang kan'ya at mas mahirap ang hawak niya.

"Do you have any idea, Shawn? Mas mahirap pala ang hawak mo. This is mine, check this baka alam mo. Subukan ko rin 'yan." sambit ko.

Para kaming nasa klase na nagawa ng project. Naalala ko tuloy ang highschool life namin na we always give and take sa ganitong bagay at hindi nawawala ang team work sa isa't-isa.


Ang laman naman ng kan'ya ay puro numbers and symbols. I try to analyze pero kailangan unawain ang given clues para makonekta namin ang bawat isa.

Ito ang content ng paper ni Shawn.

Are you tired? Please don't. You already in the middle part of our game. Just decode the given provided and goodluck!

151405 202315 2008180505 190924
(CLUES: There are 4 numbers, the 2 odd numbers and 2 even numbers.)

2-1=? 1x2=? 6-3=? 1x2=?+4=? ---->Answer this math equation so that you may know the password.

Goodluck! :)
-Handsome Maskib-


Halos mapawow na lang talaga ako sa pinapasagutan sa amin. Pero kung yung last ang magiging basehan namin we will already know the answer.


"Shawn, try muna natin yung math equation. Mas madali baka malaman agad natin ang password at kung ano pa ang mga meaning ng iba." suhestiyon ko rito.


"Oo mas okay 'yan Xian." sagot nito.

Ginawa na nga namin ang naisip ko. We solved the math equation. We sum up to the answers; 1, 2, 3 and 6.

At napansin kong nakalagay na ito sa papel ko kanina. Pero bago namin ilagay iyon sa kadena we solved the other problems.

Sinubukan namin alamin ang kahulugan ng nasa Jumbled letters at inisa-isa namin. Napansin ko rin na wala sa ayos ang bawat letra kaya halos maka-apt na trial kami ni Shawn, tumulong na rin sa pag-iisip si Elle.

RDOOTXENHETNIMAI
ROODNTXETHEINAI
DOORNEXTTHEINAMI
I AM IN THE NEXT DOOR

Natuwa kaming tatlo ng matumpak na namin ang sagot dahil nagmatch sa provided lines. Pagkatapos 'nun sinubukan na namin alamin ang last paper.

Nagbase kami sa clues and we find out na connected lang naman iyon sa given answer. Inisip lang namin kung anong klaseng codes iyon. More on numbers siya at napansin ko na by partner lang din naman.

I write in the paper of the spelling of numbers. ONE, TWO, THREE, SIX

Pinakita ko iyon kay Shawn at doon sinubukan na namin isipin ang codes. May naalala ako na sa Latin nagsisimula sila sa 01 until the last number na 26 sa alphabet.

Sinulat ko nga at hindi ako nagkamali.

"Shawn, Latin code ang ginamit. 'Diba it started in 01 to 26?" takang tanong ko.

"Oo 'yon nga!" Masayang sabi nito.

"Finally! Try na natin ilagay sa padlock yung password," wika ko.

Ginawa naman ni Xian ang sinabi ko at tama nga ako. Ang sagot ay 1,2,3,6, ito ang password. Nagbukas na ang padlock at natagal na namin ang kadena. Sabay kaming tatlo na pumasok. Kasabay din 'non ang pagsalita ng isang lalaki na batid ko kung sino.






Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro