Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 29-The Greetings


Plans and Surprises
Third POV

HINDI nila batid na may patibong ang ginawa ni Maskib. Sa sobrang kampante nila hindi nila alam na sila'y mapapahamak.

Napadpad sila sa isang madilim ngunit may kaunting liwanag naman. Liwanag na mula sa iisang lampara na may ilaw sa loob. Kulay pula ito kaya ang kinalaban ang pula rin. Sa Isang kwarto na napakaganda naman sila napadpad ngunit hindi mo nanaisin magtagal sa sobrang tahimik at kakaiba ang iyong magiging pakiramdam.

Nagising sila dahil sa kakaibang tunog. Unang napabangon si Xian at ginising niya kaagad si Shawn.

"Pre! Bangon na!" sigaw ni Xian.

Habang ginigising ang kasama ay siyang paglibot ng mga mata niya sa paligid. Nasa isang kwarto sila na para bang isang misteryo, dahil sa mga disenyo at kabuuang gamit na nasa loob.

Napabangon na rin si Shawn, "Nasaan na ba tayo?" takang tanong nito sa katabi niyang si Xian na patuloy sa pagsusuri sa paligid.

"Hindi ko rin alam. Ang naaalala ko lang ay nasa Morina Hotel tayo. Ang nakakapagtaka bakit wala si Elle dito?" takang sabi ni Xian.

Hindi na nakasagot pa si Shawn dahil kahit siya ay naguguluhan. Masyadong mabilis ang pangyayari tila masusubok ang kanilang mga abilidad at lalo na ang pasensiya.

"Nakakainis! Nakakagago! Nasaan na ba si Elle tsaka yung Maskib na iyon?!" inis na sabi ni Xian habang panay ang lakad dahil naisahan siya.

"Chill pre! We need to think now! Hindi tayo p'wedeng magpakain na lang sa galit, we should make our ways para makaalis sa kwarto na 'to." seryosong suhestiyon ni Shawn kay Xian.

Pilit naman kumalma si Xian, tama naman kasi si Shawn kailangan na nilang mag-isip dahil kung hindi ma-stock na lamang sila sa loob.

Nagplano sila at sinubukang alamin ang lagusan palabas. Mahirap man pero inisip nila ang dapat. Nag-usap nga ang dalawa hanggang sa bigla na lamang bumukas ang tv na mayroon sa loob.

Nagslide doon ang paalala ni Maskib. Hindi man siya nakavideo pero boses niya ang ginamit. Nilatag niya doon ang pag-welcome niya sa dalawa at pagkatapos ay may sinabi siya na kailangan muna nilang dumaan sa pagsusulit, bago nila tuluyang makuha si Elle.

Nakinig nang mabuti ang dalawa, si Xian at Shawn. Hindi man nila alam ang susunod o ang p'wedeng mangyari, basta't gagawin na lamang nila ang dapat para makita't makasama na si Elle.

Ganito ang panuto na ibinigay ni Maskib sa dalawa;Una buksan ninyo ang pinto sa kaliwang bahagi ng kwarto na iyan. Pumasok kayo doon at maghanda. Pangalawa, kailangan sagutan ninyo ang mga katanungan at iilang mga nakatagong impormasyon na dapat ninyong tuklasin at ang huli, sa huling kwarto doon ninyo malalaman ang kapanabik-nabik kong regalo.

Pagkatapos 'nun ay nawala ang nagsasalita sa tv at ang naiwan na lamang ay ang panuto ni Maskib.

"What? May pa-test pa siya?" takang tanong ni Shawn.

"Oo! Hindi na'ko nagtataka pa. Kaya natin 'yun pero daig niya pa ang propesor natin." biglang biro ni Xian.

Natawa nang bahagya ang dalawa at naisipan na lamang gawin ang mga panuto. Wala naman silang magagawa kundi isagawa ang mga iyon. Mahirap man ngunit ito ang dapat para makita na't makuha si Elle kay Maskib.

"Sinabi mo pa! O'siya! Tara na.Kailangan na natin gawin ang mga panuto," sambit ni Shawn.

Kumilos na nga sila at hinanap ang pinto sa kaliwa. Nakita naman nila ito at doon nasaksihan nila ang pagsusulit na susubok sa kakayahan nila. Kakayahan mag-isip at umunawa.

Ang lugar ay tahimik at malawak. Halatang nasa hotel sila dahil taglay nito ang kalawakan, ka-sosyalan at higit sa lahat ay nasa kaayusan.Wala ring tao ang makikita pero nakahanda doon ang kanilang dapat gawin at sagutan.

Ginawa na nga nila ang nakasaad pinasok na nila ang kaliwang pintuan. Kahit nagbabadya ang panganib sila'y buong lakas na iniharap ito.

"Pre?!" sigaw ni Shawn.

Napasigaw ito sa kadahilanang madilim ang nasa loob. "Pre, nandito ako sa likod mo," sambit ni Xian at hinawakan sa niya braso ang kaibigan. Ginamit niya na ang cellphone para magkaroon ng flashlight.

Nakarating na nga sila sa isang kwarto na puno ng katanungan. Nasa lapag ang mga papel na may kalakip na katanungan. Hinanap muna ni Xian ang switch para sa ilaw at hindi naman siya nahirapan dahil nakita niya rin ito.Nakita niya sa bukanang bahagi lamang.

"Unahin na natin 'to dude. Sundan lang natin ang pattern para marating natin ang ikalawang pintuan." sambit ni Shawn.

"Oo pre!" sagot nito at kumuha na nga siya ng isang papel.

Sa pagkadampot niya ng papel ay unang tanong ay (1) Nasaan kayo? Sabihin ang sagot nang malakas bago magproceed sa susunod. Siguraduhin na tama ang isasagot. Nagulat naman sila sa kanilang nabasa. Napaka simple lang nito. Kaya sinagot agad ni Xian ang katanungan na ito. At sinabi niya ay "Nandito kami ngayon sa Morina Hotel." at pahkatapos ay nagproceed na sila sa ikalawa.

"Ilan ba ang mga tanong Shawn? Nakikita mo ba ang kabuuan?" takang tanong ni Xian.

"Mula dito ay may tatlo na, hindi ko pa matansya pre. Mas mabuting bilisan na lang natin para makausad tayo." suhestiyon nito sa kaibigan.

Binasa na nga ni Shawn ang ikalawa at ito ang nakalagay (2) Sino ako? Iyon lamang ang nakalagay sa papel kaya hindi agad sila sumagot. Nakulangan sila pero nabatid agad ni Xian na iisa lang naman ang may gawa 'nun, kundi si Maskib ang lalaking kumuha sa kapatid niya at may pakana ng lahat ng ito.

Sumagot na siya, "Ikaw ay si Maskib." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay dinampot niya agad ang ikatlong papel.

Ang nilalaman naman ng ikatlong papel ay ganito, (3) Handa na ba kayo? Ito na ang huling papel. Sa mga susunod ay mga letra na lamang na dapat ninyong tandaan at pag nasa dulo na kayo sabihin ninyo ang kabuuan at ito'y may punto. Hurry up!"

Nagsitinginan pa ang dalawa at sabay silang sumagot nang "OO!" pagkatapos 'nun ay ginawa na nilang buksan ang mga susunod. Puro nga ito letra. Kinuha na nila bawat papel at ito ang kabuuan

I A M W A I T I N G F O R Y O U.

"Ano ang kabuuan Shawn?" takang tanong ni Xian.

"16 letters lahat at I AM WAITING FOR YOU ang kabuuan nito." sagot nito at kasabay 'nun ang pagkadating nila sa pangalawang pinto. May password doon na dapat nilang sabihin bago tuluyan itong magbukas.

"Pre may password. Kailangan mong sabihin pero once lang." saad ni Shawn.

Tiningnan na muna ni Xian ang sinasabi ni Shawn, hindi niya kasi ito napansin agad dahil ang mga mata niya'y nagmamasid.

Lumapit siya at nakita niya na hindi ito ordinaryo na pintuan dahil kakaiba ang disenyo at ang nakakamangha pa ang TELL ME THE PASSWORD na nakalagay sa itaas nito.

Ito ay parihaba at taglay ang mga letra't numero. May bilog na button doon na ang icon ay mic dahil kailangan sasabihin mo ang password bago tuluyang magbukas ang pinto.

"Ano pre? Iyon ba ang sagot doon?" takang tanong ni Shawn. Ngunit hindi siya sinagot ni Xian.

"Pr-" magsasalita pa sana ito ngunit natigil dahil pinatahimik muna siya ni Xian.

"Alam ko na pre. Chill ka lang," kalmadong saad ni Xian sa kaibigan.

Tumapat ito sa mic button at sinabi ang password.

" I AM WAITING FOR YOU."

At ilang minuto ay nagbukas ang pintuan at doon nakita nila ang mahimbing na natutulog na si Elle.

--The Sleeping Beauty Girl--
Xian POV

Halos magmadali akong lapitan si Elle sa kan'yang kama. Nakaramdam ng kaba't takot dahil tulog ito nang madatnan na namin. Masyado kasi kaming pinaikot muna at pinaglaruan ni Maskib.

"She is breathing pare. Natutulog lang siya," sambit ni Shawn.

"Elle?E-elle?Gising! Nandito na kami ni Kuya Shawn mo." sambit ko habang inaalog ito.

Mabilis ko kasi siyang nilapitan sa kama at eto ginigising ko. Halos ilang minuto ako sa pahbanggit niyang pangalan niya pero hindi pa rin ito sumasagot at nagigising.

"Elle, wake up!" sigaw ko na naman ngunit wala tila tulog na tulog pa rin siya.

"Fuck Shawn! Hindi pa rin siya nagigising!" inis na sabi ko sa kaibigan ko.

Parehas kasi kaming nag-aabang pero wala pa rin.

Para kasi siyang walang naririnig at panay na ang tapik at alog namin sa kan'ya pero wala, walang nagreresponse at hindi pa siya magising kaagad.

Hindi ko alam bakit hindi pa rin siya nagigising. Nakaramdam na ako ng takot at kaba dahil hanggang ngayon tulog pa rin siya.

"Elle? Gumising ka na oh? Nandito na si kuya. Please! Gumising ka na." pagmamakaawa ko habang patuloy pa rin sa paggising sa kan'ya.

Bigla na lamang kaming napatigil ni Shawn dahil sa kakaibang boses. Buo ito at tila gumagamit ng miktinig sa kung saan para marinig namin.

"Kamusta? Kinakabahan ka na ba? Antagak mo naman kasi Xian. Sabi ko sayo bilisan mo diba?"

"Anong oinagsasabi mo Maskib ha?! Alam kong ikaw 'yan! Anong ginawa mo kay Elle? Bakit hindi mo'ko maharap ha?!" sigaw ko.

"Oh chill! Naglaro kasi kami at kumain ni Elle. Damn! Ang ganda talaga ng kapatid mo noh? She is sleeping. Kaya hindi pa rin siya nagigising."

Habang patuloy siya sa pagsasalita gusto ko siyang makita, pagkatapos bugbugin hanggang sa dumugo ang nguso at hindi na makagalaw pa.

Nakakagigil pa ang mga sinabi niya.

"Ano ngang ginawa mo?!" inis kong sabi.

Tumawa muna ito nang malakas at sinabing
"Hintayin mo lang siyang magising. Don't worry wala akong ginawa sa kapatid mo. Kalma ka lang Xian. See you!"

Kasabay din 'non ang pagtahimik ng paligid. "Maskib! Magsalita ka!" sigaw ko ngunit wala na, wala nang nagsalita pa. Kinarga ko na lamang si Elle at nanatili pa rin tulog.

Tinaoik ako ni Shawn para kumalma. Sa totoo lang nanggagalaiti na ako sa galit at inis. Wala akong magawa kundi ang sumigaw lang. Hindi ko kasi alam kung saan ko hahanapin ang lokong lalaki na iyon.

"Chill bro! Wala na siya. Pero kailangan na natin umalis dito," sambit ko ngunit siya'y abala sa mukhang may hinahanap.

"Shawn, kailangan makaalis na tayo. Kailangan maiuwi ko na ang kapatid ko." sambit ko sa'king kaibigan.

"Oo Xian! Hinahanap ko na nga. Delikado na tayo dito lalo na't hindi pa nagigising si Elle," saad nito.

Habang buhat ko ang kapatid ko. Naghanap na kami. Mabuti na lamang hindi na madilim ngunit tahimik ang paligid. Kailangan naming maging alerto dahil mamaya may pasabog pala ang lalaking iyon tapos hindi pa namin alam.

Ang lugar na iyon ay isang silid din. Lumabas na rin kami. Nakita ko ang kagandahan at sobrang lawak dahil nasa hotel pa rin naman kami. Nakakapagtaka nga lang walang katao-tao. Napaisip ako kung kanya ba talaga 'to o ano?

Ang daming gumugulo sa isip ko. Ang daming tanong na walang kasagutan. Pilit kong winagwaglit dahil hindi kailangan kong magconcentrate para makalabas na kami dito sa pesteng hotel na 'to.

Elle, alam kong natutulog ka lang. Sana mamaya magising ka na. Hindi ko kakayanin na mawala ka. Mahal kita, kapatid ko.

Tila nakakaramdam ako ng pagluha sa kaliwang bahagi ng mata ko. Natatakot ako dahil ganito hindi pa rin siya nagigising.

Patuloy pa rin kaming naglalakad, ang haba naman kasi at ang mga elavator dito ay sarado na lahat. Talagang nanadya 'tong lalaki na ito.

Abala pa rin si Shawn sa paghahanap. Hindi ko akalain na ganito tutulungan niya ako pagkatapos ng mga namagitan sa aming dalawa.

"Pre! Mukhang malapit na tayo.Alam ko dito tayo nanggaling kanina bago natin marating ang 8th floor." saad ni Shawn.

"Oo nga. Naalala ko. Sana naman makaalis na talaga tayo." Wika ko.

Naglakad pa nga kami hanggang sa may dalawang pintuan na nasa dulo. Mukhang panibago na naman ito.

"Saan tayo dadaan?Wala naman 'yan kanina ah? o hindi natin napansin iyon." sambit ni Xian. Isa rin siya na naguguluhan. Nandito na kasi kami itim at pula lang ang pintuan at bago namin iikot ang doorknob ay may warning ito na kailangan basahin namin.

Pinagmasdan ko muna ang dalawang pintuan. Hindi naman kasi p'wedeng papasukin na agad namin at hindi uunawain ang paalala.

"Pre! Sabi dito sa itim na pintuan ay ganito,


"Dilim na kukubli sayong katauhan,
tatangis ka sa kapighatian
ngunit subukan mong pasukin
baka matagpuan mo ang tunay.

-D i t o-"

Sinubukan ko munang alamin at unawain bawat salita't kabuuan. Alam ko bawat letra o salita ay may punto.

"Yung pula pre? Anong sabi?" takang tanong ko. Hindi kasi ako makalapit dahil buhat ko si Elle.

"Teka pre, babasahin ko." saad niya pero hindi agad siya nagsalita.

"Pre?"

"Teka pre numero kasi ang nakalagay sa una kaya hindi ko alam kung ano. Babasahin ko na lang sayo ang numero.
79 80 69 78 Nakasaad pa dito ay ganito,

Dugo ang simbolo ng aking kabuuan,

buhat sa misteryong aking tahanan
hayaan mong ika'y mabaliw sa pag-iisip
hanggang sa mapagtanto mo na dito lang ako sa'yong tabi.

-PULANG MASKARA-


Nagkatitigan at napaisip pa kami ni Shawn. Napaisip kami sa numero kung ano nga ba ang kahulugan 'nun. Napaupo muna ako dahil nabibigatan na ako kakabuhat kay Elle.


Ang bigat mo kasi!

Tiningnan kong mabuti ang maamo niyang mukha. Sana nga lang wala kang kinalaman dito. Pero buo ang pagtitiwala ko dahil isa ka sa naging biktima niya.

"Ano pre? Saan tayo papasok?" biglang sabat ni Shawn.

"Gets mo ba ang kahulugan ng numero?" takang tanong ko rito.

Nag-isip tuloy siya dahil palagay ko hindi niya rin naman agad alam kong ano ba iyon.

Pilit ko rin piniga ang aking sarili dahil kailangan makaalia na kami sa pesteng Morina Hote na 'to.

"Ano ba ulit Shawn yung numero?" takang sabi ko.

"70 80 69 78, pre." sagot naman nito.

Inulit-ulit ko pa sa isip ko.

70 80 69 78

70 80 69 78

70 80 69 78

Bigla kong naisip na baka part ito ng ascii yung decimal. Inalala ko nga iyon at kinumpirma ko kay Shawn.

"Pre?Naalala mo pa ba yung topic natin dati na ASCII ba 'yun? Parang familiar kasi," takang sabi ko.

Napataas pa ito ng kilay na palagay ko iniisip niya.

"Wait pre, parang oo? Kasi yung 69 alam ko signified 'yan sa E diba?" takang sabi niya.

Para akong nabuhayan ng dugo dahil tama kami ni Shawn nang iniisip. Ano bang dapat gawin kapag papasok ka sa pintuan? Papasukin mo so ibig sabihin yung 4 digits na may mga kapareha ay para sa apat na letra?

What if kung ang letra na 'yun ay-

"Pre naalala ko na! Yung una na number is O yung 70." sambit niya na siyang ikinaalarma ko.

"Tapos yung 80 is for P? then ang 69 is E naman ang letter? at ang huli ay-" dagdag nito nang bigla kong putulin ang sinasabi niya.

"So, OPEN ang sagot!" sigaw ko. Binuhat ko na si Elle at sabay naming pinasok ang pulang pintuan.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro