Chapter 27-One Move, One Kill
WARNING: "Don't move and don't speak."
Third POV
PINUNTAHAN nga nila ang CCTV room kung saan doon nanggaling ang pagsabog. Mabilis naman narating nila Xian at Shawn ito. Bigla lang nag-init ang isa sa tv na nakaset-up sa bandang room ni Elle at sa kusina.
Nakapasok nga sila at kasabay 'nun ay ang pagsasalita sana ni Mr. Klein ngunit bigla itong nawalan ng malay. Tumaob ito sa kinauupuan kasabay ng pagputok ng mga pc's.
"Sh*ts!"
Sobrang bilis ng pqngyayari. Hindi nila alam kung bakit,paano at ano talaga ang nangyayari. Mabilis naman nilang nilapitan si Mr. Klein na isa sa katiwala rin sa CCTV na kasalukuyan ngayon na walang malay.
Chineck naman nila ang pulso nito at medyo humihinga pa. Kaya nagmadali sila tumawag ng abulansiya.
Dumating naman agad ang abulansiya at inasikaso ang walang malay na si Mr.Klein. Nagpatawag na rin sila ng pulis para maasikaso ang nangyaring pagsabog. Ngunit, ang kataka-taka dito kung paano at saan nagmula?
Mabuti na lamang ligtas ang iba ngunit kasalukuyang 50/50 ang buhay ni Mr.Klein. Hindi naman nila mai-check ang mga CCTV dahil nawalan na ng connection ang bawat isang tv nakavideo set-up sa bawat parte ng bahay.
Nag-interview na nga ang pulis sa kanila.
"Ano po bang nangyari Mr.Synthecia?" takang tanong ni PO-35, Mr. Byugen Tyrone ang pulis na naka-assign para interviewhin sila.
"Abala po kasi kami ni Shawn sa pagcrack ng codes. Nawawala rin kasi ang kapatid ko na si Elle. Halos 4 na oras na po siyanh nawawala. Tapos, narinig naman ang biglang pagsabog at nadatnan namin si Mr. Klein na biglang nawalan ng malay." mahabang pagpapaliwanag ni Xian. Nakinig naman sa kan'ya nang maayos si PO-35, Mr. Byugen Tyrone.
Tinawag na rin ang iilang kasambahay at bodyguards at syempre si Vince. Mabuti na lang na ligtas sila ni Thea.
Ang lahat ay hiningian ng statement para makasigurado na wala isa sa kanila ang gumawa ng maling aksyon. Napatingin din sa paligid si Xian at Shawn dahil may nararamdaman silang kakaiba't nababatid din nila na parang planado ang lahat.
Dumating na nga ang apat na maids at tatlong bodygurds. Kasabay din nun ang huling pagdating ni TB.
Ito ay pawis na pawis at tila galing sa giyera dahil animo'y nakipaghabulan sa kung saan o sino dahil sa pagod na awra nito.
"Anong nangyayari?Bakit may pulis? Nasaan si Ms.Elle?" takang tanong nito.
Napaupo na lamang siya dahil dama niya ang pagod, kasalukuyan kasi silang nasa sala. Bahid pa rin sa pagmumukha ni TB ang pagtataka.
"Nagkaroon ng pagsabog. Nasaan ka ng panahong iyon?Ano ang patunay mo na wala kang kinalaman? At kaano-ano mo ang biktima?" paunang mga tanong ni Sir.Tyrone sa unang maid na si Shiela.
Tila tahimik na ang lahat lalo na si Xian dahil nais niyang kumpirmahan na sana mali siya ng iniisip. At gusto niyang makasigurado na wala sa bahay nila ang taong gumagawa ng anumang aksidente.
"Ako po si Sheila Breyd. Isa po akong maids dito. Kaibigan ko na rin po si Mr. Klein parang tatay na rin po ang turing ko sa kan'ya. Yung panahon po na nagkaroon ng pagsabog sa 3rd floor, nasa kusina po ako nagluluto at kasama ko po 'nun si Lea. Bandang mag 11 am na po iyon." pagpapaliwanag nito. Normal naman ang kan'yang paglalahad at higit sa lahat halatang totoo dahil tutok ang tingin nito sa pulis na nagi-interview sa kan'ya.
Karagdagang impormasyon;
-Isang morenang dalaga, wala pang asawa at nasa 5'3" ang height.
-Taga Maynila.
-Si Shiela Breyd ay nasa 28 taong gulang.
-5 taon ng kasambahay.
-Walang rason para gumawa ng aksidenteng pagsabog dahil hindi naman siya galit sa biktima o kahit anuman.
Natapos nang mainterview si Shiela, kaya naman ang kasunod niyang tinanong ay si Lea.
"Ikaw ba si Lea? Nasaan ka ng panahon na iyon? Kaano-ano mo ang biktima?" takang tanong muli ni Sir.Tyrone sa kanya.
"Ako po si Lea Vinishia Dela Torre. Isa rin po akong kasambahay dito. Nasa kusina po ako kasama si Shiela, nagluluto na po kasi kami ng para sa tanghalian, baka po kasi mapagalitan kami ni Ms.Elle kapag wala pang pagkain. Kaibigan po ako ni Mr.Klein parang kapatid ko na nga po iyan." pagpapaliwanag nito. Base sa awra niya, tila kinakabahan siya pero nilahad niyang lahat ang kailangang malaman. Medyo matanda na ito kaya't kita sa kan'ya ang namumuong wrinkles sa noo niya.
Karagdagang impormasyon;
-Morena at medyo nasa katandaan na at nasa 5'5" ang height nito.
-Taga probinsiya.
-Siya si Lea Vinishia Dela Torre.
- Edad ay 38 anyos.
- 8 taong kasambahay.
-Matalik na kaibigan ni Mr.Klein at walang issue o away sa pagitan nilang dalawa.
Sunod naman na tinanong ang isa sa pinakabatang maids ni Ms. Elle. Base sa awra nito ay baguhan pa lang at impossibleng gumawa ng kahit anumang krimen o aksidente na ikakapahamak ng ibang tao. Ito ay babaeng maputi, mahabang buhok ngunit pango ang ilong.
"Nasaan ka ng panahong iyon at kaano-ano mo ang biktima?" saad ni Sir. Tyrone sa dalagita.
" Ako po si Maine Lyn Vergara. Baguhan po akong maid dito last year lang po. Nasa garden po ako 'nun at naglilinis kasabay po 'nun na napansin ko ang parang kakaiba dahil sa usok sa 3rd floor hanggang biglang sumabog na po. Tila ama na po sa akin si Mr.Klein siya po yung laging nandiyan para tulungan at samahan po ako sa lahat ng bagay." buong inam nitong pagsasalaysay. Ngunit, bakas sa kan'ya ang pagiging aligaga at tila may nais pang ilahad.
"Ayos ka lang ba Ms. Maine?" takang tanong ni Xian.
"A-ayos lang po.P-pasensiya na p-po kinakabahan lang po a-ako." sagot nito habang nauutal pa.
Napatango na lang si Xian at pilit isinantabi ang kan'yang napapansin. Ngunit, hindi niya maiwasang magmasid ang mapatingin sa hawak niyang tablet dahil hindi pa nila ito natatapos sagutan ni Shawn.
Pilit na nag-concentrate si Xian habang patuloy sa pag-obserba sa mga taong sumasagot sa tanong ni Sir.Tyrone.
Karagdagang impormasyon;
-Siya si Maine Lyn Vergara.
-Ang edad ay 22 anyos.
- 5'4" ang kan'yang height, walang nobyo.
-Halos mag iisang taon na kasambahay.
-Ama ang turing sa biktima sa biktima.
Sunod na tinanong ang huling kasambahay. Siya ang pinakamatanda sa kanila dahil base sa tawag sa kan'ya ay Manang o kaya minsang ay nanay.
"Nasaan po kayo ng panahon na iyon at kaano-ano ninyo po ang biktima?" tanong ni Sir.Tyrone sa matanda.
" Ako po si Joy Fuentos halos isang dekada na ho ako dito sa tahanan ng aking amo na si Ms. Elle. Matanda na ho ako para gumawa pa ng eksenang ganoon. Nasa sala ho ako naglilinis at nag aayos sa cover set nitong sofa hanggang sa makarinig ako ng pagsabog. Matalik na kumpare ko na 'yan si Klein, nakakapagtaka lang na ngayon ay ganito ang nangyari sa kan'ya." malungkot na pagpapaliwanag ni Nanay Joy.
Karagdagang impormasyon;
-Halos isang dekada ng kasambahay at naglilingkod kay Ms.Elle.
-Medyo maputi at 5'5" ang height nito.
-42 years old
-Siya si Joy Fuentos.
-Kumare ni Mr.Klein at walang anumang tampuhan o pagkakataong away.
-Tila sila'y magkapatid na ang turingan.
Natapos ng malaman at magbigay ng mga statements ang mga kasambahay at sunod naman na tinanong ang 3 bodyguards.
Maskulado ang tatlo at halatang huli na nila malaman ang pagsabog lalo na't palagi naman silang nasa labas para magbantay.
"Nasaan po kayo ng panahon na iyon at kaano-ano ang biktima?" tanong muli ni Sir Tyrone ngunit sa pagkakataong ito ay sabay na silang tatlo na tinanong.
"Ako po si James Uno Go. Halos 4 na taon na po akong nagtatrabaho bilang gwardiya. Nasa labas po kaming tatlo na nagbabantay at nung una po ay hindi po talaga namin alam dahil medyo mahina po talaga pero nung nagkaroon ng pagsigaw at lumakas na umakyat na po kami 3rd flloor. Mabait po 'yang si tay Klein.Ang sama nga ng gumawa 'nun hindi man lang naisip na may mapapahamak." pagpapaliwanag nito.
Karagdagang impormasyon;
-Matangkad at maskuladong lalaki.
-Siya si James Uno Go.
- Siya ay nasa 26 anyos.
- 4 na taon ng naglilingkod bilang gwardiya.
- Kinilalang ama na si Mr.Klein nang pumanaw ang totoong ama nito simula ng iwan sila ng kan'yang ina.
"Ako naman po si Bleyy Ken Cinco, isa po sa bodyguards ni Ms. Elle. Tama po si James nasa labas po kami. Pero, nakita ko po na may usok kaya nagtaka na po ako 'nun, at madalas po talaga na nagmamasid ako hanggang sa may sumabog na nga raw po dahil pumunta na po dito si Lea. Tropa na po kami niyan ni Klein. Hindi naman po nagkakalayo ang edad namin.Wala rin akong galit sa taong 'yun. Sana nga magkamalay na siya." malungkot na paglalahad nito.
Karagdagang impormasyon;
-Moreno't maskulado ang pangangatawan.
-5'8" ang height.
- 6 na taon ng nagtatrabaho bilang gwardiya sa Synthecia.
- Ang edad ay 37 anyos.
-Kumpare ni Klein, at walang anumang away o tampuhan.
Huling sumagot ang pangatlo at huling gwardiya. Base sa itsura nito ay kalmado naman ngunit nagpapawis ang kan'yang noo. Maskulado rin pero maputi naman at isa sa pinakamatangkad na gwardiya sa pamilyang Synthecia.
"Nasa pinakaentrance po ako kaya hindi ko po alam na may naganap na palang pagsabog. Wala po akong galit kay Kuya Klein, sobrang bait po niyan." sagot nito.
Karagdagang impormasyon;
-Maputi at may 6f ang height.
-Maskulado ang isa sa pinakamatagal na gwardiya ng Synthecia.
-Kuya ang tawag kay Mr.Klein, walang away o galit dito.
Huling iinterviewhin sana si TB ngunit nawala ito bigla, kakasabi lamang niya na magbabanyo lamang ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin.
Nagkaroon tuloy ng myotibo si Xian na baka si TB ang mastermind dahil sa pagkawala nito bigla.
Bigla na lamang umilaw ang tablet na hawak ni Xian.
May mensahe siyang natanggap mula sa sender at ang lalaking nasa likod ng pakidnap kay Elle.
It's me again! I know may kaganapan diyan sa bahay ninyo at makikigulo ako, don't ever move or speak kindly answer the last challenge baka hindi lang isa ang mawalan ng malay baka lahat kayo. Be ready! Enjoy!
(Received, 4:00 pm)
Natahimik ang lahat at tila nagtaka sa pagbabasa niya. Nakatingin lamang ang lahat sa kanya pero nagsenyas ito na 'wag muna silang gumawa ng kahit anong ingay o salita. Hindi nila sigurado ang p'wedeng mangyari kaya dapat silang mag-ingat.
Naunawaan naman nilang lahat at sumang-ayon sila sa sinabi ni Xian, kahit si Sir. Tyrone ay nalagay na rin sa alanganin. Hindi naman ito takot pero pinakiusapan na lang dahil baka sa maling aksyon nila kung ano pa ang mangyari na ikararamay ng lahat.
--CHALLENGES #3
(Analyze and Answer it)--
Xian POV
Nakakapagtaka ang pagkawala ni TB. Ngunit hindi ko na muna iyon inisip dahil importante itong Challenges #3. Tumawag naman na ang nars kung saan isa sa nag-asikaso kay Mr.Klein na mabuti na ang lagay nito.
Naging kampante na rin ako kahit papano dahil base sa mga statements nila wala naman sa kanila ang gagawa 'nun. Dahil wala naman talaga sa kanila ang suspek, nakaalis na.
Minabuti ko na lamang basahin at sagutan ang huling challenge.Para itong math problems na kailangang pag-isipang mabuti.
Ito ay pinamagatang Challenges#3:"Think of me and Solve me as faster as you can" (3) I am one minus You are three, plus the seven workers of mine times
two divided by two. How many I am?
Pinatingin ko na rin si Shawn at Vince sa tablet para tatlo kaming mag-isip. Simple lang naman ang sagot if we just understand the simple math logic kuno niya. The answer is 5 dali-dali ko itong tinype at hindi naman ako nagkamali pero pagkatapos ng YOU ARE CORRECT! Bigla na lamang ito napunta sa finale round.
5
"Akala ko ba iyon na? Bakit may finale round pa? " takang tanong ni Vince. Tila ang lahat ay nagtataka rin kahit ako. Para kaming nanalo kanina sa lotto ng tumama ang sagot kaso biglang may bago na naman at sabing huli na raw ito.
Gusto ko na lamang basagin itong tablet na 'to. Masyadong pinapatagal ayaw na lang sabihin kung nasaan ang kapatid ko.
Kamusta na kaya si Elle?
Kumain na kaya siya?
Sana ayos lang siya.
"Pindutin mo na ang GO button pre. Tapusin na natin para magkaalaman na talaga." suhestiyon ni Shawn.
Napatango naman ako dahil tama naman siya. Dapat kung ng bilisan dahil marami na akong nasasayang na oras.
Ito ay kakaiba at talagang CHALLENGE dahil sa mga codes, tila kakaibang usapan na ito. Mapapalaban yata kami ni Shawn, si Shawn kasi ay isa rin sa mahilig sa codes kaya pinindot ko na ang GO button para sa huling pagsubok na nilaan ng sender A.K.A Maskib.
Sa wakas magkikita na rin tayo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro