Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 25- Sweet Scenario


Secret Place

Kiby’s POV

Kasalukuyan akong nandito sa SP namin o yung Secret place namin. Abala kami ni Hell sa pagpapaplano. Kilala niya kasi si Xian panigurado magiging mas maingat at alerto pa ang lalaking iyon. We need to have double time, dahil baka maunahan pa kami.

"So,what's your plan? Magpapakilala ka na ba or hahayaan mo maging misteryo ka, gaya ko? HAAHAAHA! I know him. He is great in everything pero minsan naiisahan ko siya." aniya nito sabay tawa nang bahagya.

Napaisip tuloy ako sa sinabi niya dahil sa totoo lang magaling naman talaga siya kahit minsan kaunting clues lang alam niya na agad ang sagot. But, I know his weaknesses. Gusto ko sanang gamitin 'yun bilang alyas ko sa kan'ya. I know him a lot, maaaring mas maguluhan or maapektuhan pa siya.

"Hey Kiby! Are you with me? Kanina pa kaya ako nagsasalita dito!" inis nitong sabi.

"I'm sorry Hell, nag-iisip din kasi ako lalo na't nagbigay ako ng letter sa kaniya kahapon. I know macucurious at magiging handa na siya." sagot ko dito habang patukoy na iniikot sa baso ko ang yelong natira sa alak na iniinom ko.

I was so exhausted sa mga bagay-bagay. Gusto ko na nga lang sana wakasan na lang pero masyado naman akong mabilis kong papatayin ko sila. I want to take it slowly.

"Fine Kiby! I need to go. Just called me if you need something okay? Kailangan ko ng matulog at itigil mo na rin 'yang kakainom ng alak ha? Goodnight!" pagpapaalam nito at tuluyan na nga akong iniwang mag-isa.

She is really caring girl. From the start, lagi na siyang nandiyan kaya ayokong sayangin ang opportunity na makabawi man lang sa kan'ya. I want to be her man. Not now but soon. She is mine. At sa huling pagkakataon, nilaklak ko na lang yung kaunting natitira sa bote. I need to take a rest also, para makapaghanda at makapag-isip.

Itinabi ko na rin ang bote at umakyat na rin sa kwarto ko. Masakit na rin ang ulo kaya minabuti ko nang ipahinga rin.

----

Tomorrow

Nagising ako sa matinding sikat ng araw at sobrang sakit ng ulo ko. "Shits!" sigaw ko. Napahawak na lang ako sa ulo ko dahil parang pinupukpok kabilaan. Naparami yata ang inom ko. Hindi naman kasi ako palainom, napapainom lang kapag kailangan o sabihin na natin stress ang isang tao. Hindi ko kasi gawain ang mag-open up sa tao unless na lang kung yung tao na malapit sa akin ang mangungulit.

Nag-unat muna ako at pilit na bumangon dahil marami pa pala akong aasikasuhin. Kailangan ko na rin kumilos at gumawa ng aksyon, mahirap na baka makilala ako ng maaga at mabatid niya talaga kung sino ba ako.

Naghilamos muna ako para mahimasmasan at mamaya magluluto na lang ako ng almusal ko. Mag-isa lang naman kasi ako dito sa condo. Lalo na day-off ko.

Mabilis lang ang kilos ko at naligo na rin ako para pagkatapos ko magluto kakain na lang.

Almost 15 minutes lang akong naligo. Hindi naman ako babae para magtagal. Tsaka, kailangan ko nang mabilisang kilos dahil may dadaanan pa ako.

Nagbihis na agad ako ng pang-bahay muna dahil magluluto pa ako. Nagluto lang naman ako ng fried rice,hotdogs,bacon and eggs. Isa lang naman ako pero talagang naghanda ako para mabusog ako.

Habang nagluluto ako hindi ko inaasahan ang kakaibang yapak. Yapak na nagbibigay kaba sa akin.

Palapit ito nang palapit hanggang sa bigla na lang niya akong niyakap.

"Good morning, Maskib!" masiglang bati nito.

Napabutonghininga na lang talaga ako nang malakas dahil isang tao lang pala iyon, walang iba kundi si Hell. I prefer to call her Hell kasi malademonyita ang paglaban but she is sweet for me.

"F*ck, Hell! Bakit ka ba nanggugulat?!" inis kong sabi.

Tumawa muna ito bago nagpaliwanag. Gawain niya kasi ang manggulat.

"Hey, sorry na! Kasi naman bukas lagi ang pinto mo kaya ayan nandito na'ko. Alak pa ha?! Makikijoin lang din naman ako. Ayoko muna kasi sa bahay. Besides, para maghanap sila. Anyway, sunog na yung hotdogs mo!" sigaw nito kaya nabalik ako sa wisyo at inasikaso ang niluluto ko.

Grabe kasi, masyadong maganda siya sa umaga at hindi ko namalayan nakatutok na pala ako sa kaniya. Even she is just wearing a simple black dress mukha siyang goddess para sa akin.

"Ayan ha? Masyado ba kong maganda ha? Yiee! Aminin!" sambit nito habang kinukurot pa ako sa tagiliran.

"Hindi! Maghanda ka na lang kaya para makain mo 'tong hotdog ko, este itong niluto kong hotdog." Pagpapaliwanag ko, tumalikod na ako kasi nadulas pa talaga ako.

"Sige na nga! Maghahanda na nga ako at para mapag-usapan na rin natin ang plano." sagot nito at kumuha na rin siya ng plato, kubyertos at nagtimpla na rin siya ng kape namin.

Hell is my type of girl. Hindi dahil nagkakasundo kami kundi pinaramdam niya sa'kin yung ganito. She always take care of me and besides simula ng walang-wala ako nandoon din siya para samahan at tulungan ako.

Ayoko man pero tama ba itong nararamdaman ko? I am fall inlove with her? Hays! Pilit ko munang isinantabi ang mga gumugulo sa isip ko at nilagay sa malinis at babasagin plato ang mga naluto ko.

Nilagay ko na nga ang mga iyon sa lamesa at umupo na rin. Halos magkatapat lang kami ni Hell sa hapagkainan.

"Sorry aga-aga buraot ako ha? Namiss ko lang yung luto mo kasi and besides kamusta pakiramdam mo? Naparami ka kasi ng inom kagabi. Sorry maaga rin akong nakauwi 'nun." malungkot niyang sabi sabay halo sa kape niya.

"Okay lang. Mas okay 'to nang may kasabay ako diba? Tsaka we will talk din naman kaya no problem. Nasaan yung kape ko?" sambit ko na may halong paglalambing.

Bigla niya na lang inabot sa akin ang kapeng tinimpla niya. I really loved her coffee. Ang tapang man pero ang sarap ng pagkakatimpla. Hindi ko alam kung inaral niya ba or may kasamang pagmamahal lang talaga iyon?

"Ayan na po kamahalan! Kape is life ka rin kasi," saad nito sabay tumatawa pa.

"Oo na salamat! Kumain na nga tayo nalamig na ang pagkain," saad ko dahil totoo naman nauuna pa kasi ang kung ano-ano.

Bigla na lamang siya naglabas ng gamot. Hindi ko alam kung para saan pero nakaramdama ako ng kakaiba. Kakaiba dahil inabot niya iyon sa akin habang nakangiti pa.

"Kiby, inumin mo 'yan ha? Make it sure na iinumin mo. Alam ko masakit 'yang ulo mo. Alas diyes na kasi ng gabi nainom ka pa. Kapag may problema sabihan mo lang ako." malambing niyang sabi.

Napatitig tuloy ako sa kan'ya. Ilang segundo rin iyon pero natauhan din ng bumababa siya ng tingin at kumain na lamang. Binuksan ko ang supot na dala-dala niya. Biogesic lang pero ang laking tulong na rin.

"Salamat, Hell! Opo magsasabi naman ako. Sige na kumain na muna tayo." sagot ko.

Tila nagkaroon pa ng katahimikan dahil sa nangyari. Pero, kinikilig talaga ako. Simpleng ngiti na lang ang tinugon ko pero nakuta ko ang pamumula niya. Ngayon ko lang ulit iyon nakita kaya napatawa tuloy ako.

"Kibyyy! Huwag ka tumawa. Kasalanan mo'to kasi aga-aga ginagawa mo'kong kamatis!" inis niyang sabi.

"I'm not doing or saying anything. Sadyang kamatis ka lang pag nangiti ako." pang-aasar ko sa kan'ya.

Tinaasan niya na lang tuloy ako ng kilay at sunod-sunod ang pagsubo niya ng pagkain. Hindi ko na ginatungan pa baka maasar siya lalo kaya't minabuti ko na lang din ang kumain at pag-iiba ng usapan.

"Hell, ano pa lang plano mo? Tsaka bakit ka pala umalis? Wala silang alam na umalis ka ng bahay? I mean, kahit paalam man lang?" takang tanong ko.

Inubos niya na muna ang laman ng kaniyang bibig bago magsalita.

"Wala silang alam even our maids. Sinadya ko talaga para magpanic sila at nag-iwan din ako ng something sa bahay para atleast maalarma sila. You know me, I loved playing and manipulating someone. Lalo na siya!" pagpapaliwanag nito.

Napatango na lang ako at napaisip kung ano bang p'wedeng idagdag sa ginawa niya.

"Ano pa lang iniwan mo? Letter?" takang tanong ko ulit.

"Ang sarap ng hotdog mo ha? este itong hotdog na niluto mo kahit nasunog na. Ay, oo ganun nga. Babalik naman ako or else may gagawin ka para idagdag sa ginawa ko?" saad nito.

Binulong ko sa kaniya ang plano ko at tumatango-tango naman siya.

At doon natapos ang usapan namin. Inubos na muna namin ang aming kinakain bago isagawa ang susunod na pagkilos.

Pagkilos na alam kong ako lang ang mas may alam.









Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro