Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14- Surprises

Ano kayang nangyari kay Xian? Ano yung naamoy niya at bakit nawalan siya ng malay? Kagagawan ba iyon ni Elle o may ibang tao sa likod nito? Matapos na kaya ang sunod-sunod na lihim at kuntsyabahan ni Elle at TB?

Nagising si Xian at nasilayan niya ang kapatid na si Thea na mahimbing na natutulog sa kanyang tabi. Ngunit ang nakakapagtaka ay nasa puting silid sila na kwarto at lamesa lang ang mayroon.

"Nasaan na ba kami? At anong lugar ba 'to?" takang sabi nito sa sarili. Napaupo ito at hinayaan muna matulog ang bunsong kapatid na si Thea. Naglakad na rin siya at tinungo ang pinto ngunit ito'y nakalock at kahit yung tao sa loob ay hindi magawang makalabas.
Kumatok-katok siya at gumawa ng ingay ngunit tila nasa kweba yata sila dahil walang nakakarinig hanggang magising na lamang si Thea.

"Kuya? Ano pong ginagawa mo? Nasaan po tayo? Tsaka bakit po nandiyan ka sa pintuan?" sunod-sunod nitong habang nagpupunas sa mata dahil bagong gising lamang ito.

Napahinto si Xian sa ginagawa niya at lumapit ito sa kanyang bunsong kapatid.

"Hindi ko alam bunso. May naalala ka ba mula kanina bago tayo mapadpad dito?" takang tanong nito kaya napaisip ang kan'yang kababatang kapatid.

"Simula po kasi kanina magkayakap po tayo diba? kasi sa wakas nagkita na tayo tapos po nawalan ka ng malay at umiiyak po ko 'non sabay biglang may nagtakip po sa ilong ko ng panyo at sobrang tamang ng amoy.

Nawala na rin po ako ng malay." Pagpapaliwanag nito. Napatango naman ako dahil talagang buong detalye niya itong sinabi.

"Si ate Elle mo nakita mo ba or napansin mo kanina?" takang tanong nito ngunit umiling lamang ito. Biglang hinanap sa bulsa ni Xian ang cellphone ng makapa niya sa kaliwang bulsa ay dali-dali niya itong binuksan.

Subalit, sa kasamaang palad walang signal sa looban. Bigla na lamang bumukas ang pinto at isang hindi kilalang lalaki ang may dalang pagkain at inumin.

"Pinapasabi ni madam na kumain at uminom daw muna daw kayo. Mamaya may inihanda siyang surpresa," saad ng matangkad at matipunong pangangatawan ng lalaki kasabay ng pag-alis at lock agad nito sa pinto.

"Sh*t! Sino ba ’yon! Malaman ko lang talaga sinong madam yan, ako mismo ang tatapos sa kanya," inis na sabi ni Xian.

Napayakap na lamang ang bunsong kapatid nito. Lumapit siya sa lamesa at pinagmasdan ang dinala.

Kumuha agad si Thea ng isang kapirasong fried chicken ngunit ito'y kinuha ni Xian at binalik sa lamesa.

"K-Kuya bakit mo po kinuha at binalik?" takang sabi ni Thea.

"Hindi tayo kakain o iinom ng binibigay nila. Baka mamaya may lesson ang lahat ng mga 'yan. Nandito ka na sa tabi ko Thea, ayokong may mangyari na naman sayo." Magtiis ka muna ha, gagawa ng paraan si kuya," sambit nito kaya napatango na lamang si Thea sa kanya.

Umupo muna ulit sila sa kama habang si Xian ay nagmasid sa kabuuan ng kwarto normal naman ito ngunit may napansin siyang kakaiba. May maliit na camera sa gilid ng lamesa.

Kinuha niya ito at inalis. Maliit lamang ito pero kapag pinagmasdang mabuti mahahalata mong maliit na camera iyon.

"Kuya ano po yang hawak mo?" takang tanong ni Thea sa kuya nito.

"Small camera lang. Ito at ang gamit nila para macheck nila tayo. Kailangan mas maging maingat tayo okay? Lagi ka lang sa tabi ni kuya ha?" sambit ni Xian sa kababatang kapatid at pilit na kinukumpirma na dapat makinig lamang ito kanya. Halos mag iisang oras na ang lumipas.

Ngunit si Xian ay malapit na ring maubusan na ng pasensiya. Bigla muling bumukas ang pinto at si TB naman ang pumasok sa loob.

"Nagustuhan mo ba ang surpresa namin sayo?" tanong nito sabay tumatawa pa ng bahagya.

"So, plano ninyo lahat ng 'to ha! Hintayin ninyo lang makalabas kami dito at ako mismo ang magdadala sayo sa kabaong mo!" madiin at galit na winika ni Xian sa kausap niyang si TB.

Ngunit nang-aasar talaga dahil nagawa niya pang tumawa sa harapan nito.

"Kung kaya mong makaalis. Hindi pa panahon para magtuos kayo. Pasalamat ka nga kasama mo na si Thea eh, kung hindi bak—" naputol ang sinasabi niya sa paglapit ni Xian at sunod-sunod na suntok ang binigay niya kay TB.

"At baka ano? May ginawa ka ba sa kapatid ko ha! Sumagot ka!" galit na tanong ni Xian habang si Thea ay umiiyak na sa likuran nito.

"Wala akong ginawa sa kapatid mo. Mali ang pagkakaintindi mo. Galing mo sumapak ha?" saad ni TB habang napahawak sa nguso at ilong dahil nagtamo ito ng kaunting pagdudugo at iilang sugat.

"Hintayin mo lang ang mga inihanda niya. Dahil kahit lumabas ka dito sa pintuan na ito hindi mo rin alam ang lugar na ito para makauwi ka sa inyo!" galit na sabi nito.
Umalis na lamag ito at binitawan ang isang papel na magdadala sa kanila ng sagot o kung hindi sa kapahamakan.

Napasinghal na lamang si Xian at nang makita niya ang kapirasong papel ay kinuha niya ito at may iilang numero na batid niyang magiging sagot para makaalis sila sa kwarto na iyon.

Lumapit muna siya kay Thea at pinatahan ito.

Umupo muna siya ulit sa kama kasama ang kababatang kapatid at doon niya pinag aralan ang mga numero.

ABCD...
Sing it and answer this :)

1, 18, 5
25, 15, 21
18, 5, 1, 4, 25?

___.

Once you said your answer, kindly touch the red button in the left side of the door. You will see my biggest and wonderful surprise for you, my love Xian.

-Your loved in the darkness
Helen

Halos mapamura na lang si Xian ng mabasa ito dahil isang hidden message naman ang iniwan gamit ang mga random numbers na pag-iisipan niyang muli. "Fudge! Sino ka ba talaga?" pabulong na sabi ni Xian habang ang kapatid niyang si Thea naman ay kumakanta ng Alphabetical letters.

"Itigil mo muna yan, Thea!" inis na sabi ni Xian kaya napanguso na lamang ang bunso nito.

"Sorry po, kuya. Sumabay lang naman po ako doon sa nakasulat eh." Malungkot na sagot ni Thea hanggang sa...

"Oww, sh*t! Oo nga!'Pasigaw na sabi ni Xian na ikinagulat ng kapatid nito.

Solving the Case
ABC...

Xian’s POV

Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari pero ang mahalaga kasama ko na ang kapatid ko. Hindi ko pa rin lubos na matukoy kung siya ba talaga pero nararamdaman ko na si Elle ang may pakana ng lahat. Kasalukuyan kaming natrap dito sa kwarto na 'to. Hindi ko alam paano kami aalis dahil sobrang higpit at talagang bawat daanan mapapasubok ako.

Ngayon, may iniwan na naman siyang problem case. Nakakapagtaka bakit nakasama dito ang alphabet letters. Pinagmasdan ko ang bawat numero at napansin ko nga sa bawat numero ay tila katumbas ng letra.

"Bunso? Ilan ang lahat ng alphabet?" takang tanong ko sa kapatid ko.

Alam ko naman ang sagot pero gusto ko lang kumpirmahin at masigurado na tama ako. Nag-isip muna si Thea bago sumagot. "Ang alam ko po kasi kuya 26 letters po ang lahat. Bakit po? Nakalimutan muna po agad, kuya?" sagot nito na kahit pilosopo pa hinayaan ko na lamang at kinuha ko muna ang cellphone ko at doon nagtype ng bawat letra.

Ginawa ko iyon sa kaing notes para mas makuha ko talaga ng maayos.

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26

Inisa-isa ko at sinubukan kong i-type sa cellphone ko.

1-A
18-R
5-E

25-Y
15-O
21-U

18-R
5-E
1-A
4-D
25-Y

Napatayo ako at sinubukan sagutin ang tanong niya na ARE YOU READY . Humarap ako sa nasabing pinto at hinawakan ko ang kamay ni Thea dahil hindi na ako makakapayag pa na mawala siya ulit.

"Bunso, dito ka lang sa tabi ni kuya ha? Humawak ka lang sa kamay ko at 'wag na wag hihiwalay sa akin, okay?" diin kong pagpapaliwanag sa kan'ya. Pinindot ko muna ang red button ng nasabing pintuan at sinabi ang magic word.

"YES!" madiin kong pagsagot at biglang bumukas ang pinto at ibinababa kami muli sa isang silid.

Nasaan na naman ba kami?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro