Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

The Joke is on Us

***

"ANO'NG tawag sa manliligaw na hindi sinasagot?" pabulong na tanong ng isang binatilyo habang binubuksan ang dali ng kaniyang choko-choko na chocolate stick.

Nilingon siya ng dalaga na abala sa pagbabasa ng libro at tinaasan ng kilay. "Ano?"

"E di . . . Basted!"

Cassandra rolled her eyes at the guy in front of her. The same guy who had been trying to grab her full attention since the strike of three.

"Hanggang kailan talaga, Kevs, ang corny!" usal niya sabay abot ng libro sa Chemistry at pinatong sa kaniyang notebook. "Hindi ka na nagbago!"

"Hoy, 'di a! Malay ko ba na hindi mo alam ang tawag." Pagkikibit-balikat niya at saka sumandal sa upuan habang sinusupsop ang tsokolate.

"Tse! At isa pa, bawal kumain dito. Nakalimutan mo bang nasa library tayo?"

"Alam mo, sa lahat ng sinabi mo . . . 'yung 'tayo' lang ang tumatak sa 'kin," aniya sabay kindat.

"At alam mo, isa pang pambobola at pag-aaksaya ng oras ko, ihahampas ko sa 'yo 'tong libro," masungit niyang anas.

Humalumbaba si Kevin habang nakatitig kay Cassandra. "Kahit ang sungit mo, ang cute mo pa rin."

Cassandra rolled her eyes for the nth time. Naaalibadbaran siya sa binata. Masiyado kasi itong presko at papansinin.

Aminado si Cassandra na guwapo si Kevin. Sa katunayan, maraming nagkakagusto sa kaniya . . . pero para sa kaniya, lagi lang silang magkapareha alphabetically.

Mapapila sa flag ceremony o 'di kaya ay pila sa sayaw kapag intrams, laging sila ang nagtatagpo kahit na 'M' ang kanilang apelyido — Mapya at Malacas.

'Wow, hindi mo crush dati? Weh?' She mocked herself. A childhood crush that went wrong niya si Kevin. A big fat regret.

Kung siguro noong isang taon siya tinatrato nang ganoon ni Kevin, baka naging marupok siya. She would have taken his advances seriously because she had a crush on him before.

Iyon nga lang, he broke her heart . . . and humiliated her feelings like a joke.

***

ARAW ng mga puso at kasama niya sa canteen ang mga Kagrupo na Alam ang Lihim, Arte at Tsismis — KALAT Club. They just call it that, but they were a group of close friends who grew up from the same place.

Hindi sila magkakaklase dahil hindi naman sila magkakaedad. Magkakasama sila sa iisang paaralan at pinipilit na magkitakita tuwing break time nila.

Pinakamatanda at pinakamatangkad si Chel sa grupo. Kaklase nito ang pinsan na si Selle na ilang buwan ang agwat. Lumaki sa ibang bansa si Selle bago lumipat sa Pilipinas. Isang taon naman ang tanda nila sa pinsan na si Cassandra. Silang tatlo ay mula sa angkan ng Mapya.

Magkatabi naman sina Soledad at Louise na magkaklase at magkalaro mula pa pagkabata. Sa grupo, sila ang matinong kausap patungkol sa malalalim na paksa.

Kasama rin nila si Endee, ang pinakabonggang kaklase ni Cassandra na hindi nagpapakabog sa makeup. Madalas itong makikitang may liptint na pula, mas mapula pa sa kulay ng presa at kamatis. Madalas din itong makikita na nakasuot ng pulang turtleneck kahit napakamaalinsangan ng panahon sa Pilipinas. Sa kanilang anim, siya ang natatanging may listahan ng mga crush na parang listahan lang ng mga may utang na kay hirap singilin.

At dahil miyembro sila ng isang club, may kaniya-kaniya silang mga palayaw. Si Chel ang 'madam' ng grupo dahil ito ang nakatatanda. Sumunod si Selle na 'boss'. Si Cass ang 'bibi' ng grupo dahil sa matampuhin ito, si Endee ang 'muse' dahil sa dami ng pangalan sa listahan niya ng crush, si Sol ang 'mare' nila, at si Louise ang 'besh' ng bayan.

"Kaya mo 'yan, Cass! We support na landiin mo na si Kevs!" usal ni Endee nang makainom ng iced tea. Kinagat-kagat pa nito ang yelo.

"Grabe naman 'yung term na landi. Puwede naman na she will just profess her feelings to him," sambit ni Soledad bago humigop sa kaniyang milktea.

"Nahihiya talaga ako, mga mamsh! Baka kasi mapahiya ako kapag lumapit ako sa kaniya." Cassandra sulked.

"Baka naman ashumera ka lang tungkol d'yan?" tanong ni Chel.

"Huy, grabe si Madam! Hindi ako ashumera, 'no!"

"Hindi raw. Pero kanina kung matitigan mo sa klase ay parang tutuklawin mo," ani Endee. "Sawa ka, gurl? May pa-hiss-hiss, ganern?"

"Grabe kayo! Hindi naman, e!"

"Bibi," tawag ni Selle. "Ano ba'ng iniisip mo?"

"Hindi ko rin alam, Boss."

"Sus, hindi raw alam," ani Chel sabay akbay sa nakababatang pinsan. "Ang sabihin mo, nahihiya ka lang."

"Given na 'yun! Ano ka ba, Madam?!"

"Hiya ka? Shuta ka."

"Hay naku, Bibi! Bawal ang mahiyain sa angkan natin! Anak ka kaya ng isang Mapya. Sige ka, baka itakwil ka ni Tita-Mama niyan," biro ni Selle bago muling uminom ng milktea. Tinutukoy niya ang nanay ni Cassandra na Tita-Mama ang tawag nilang lahat.

"Boss, naman!"

"Payong cute na pinsan, Bibi . . . " panimula ni Selle. "Kung gusto mo na malaman kung ano ka sa kaniya, walang masamang magtanong. Malay mo, pareho pala kayo ng nararamdaman niyang Kevs mo."

"'Yung Kevs mo na mukhang na-je-jebs," pabirong dagdag ni Endee sabay ang pag-twirl ng kaniyang buhok sa sariling hintuturo.

"Hoy, Endee! Grabe ka kay Kevin!" nayayamot na pagtawag ni Cassandra.

"Uy, namumula si Bibi!" biro ni Louise at nakipag-apir pa kay Soledad.

"Eeeeeeh! Huwag nga kayong magulo!"

"Madam," pagtawag ni Selle sa nakatatandang pinsan.

"O?"

"Sabihin mo nga kay Tita-Mama na ibili ng bagong So-En si Bibi. Mukhang ilang beses mahuhulog ang panty sa sahig."

"Ate!" namumula niyang hiyaw.

Hindi talaga nila tinantanan ang pang-aasar kay Cassandra. Hanggang sa matapos ang breaktime, nadikdik nang husto si Cassandra sa kanilang mga biruan.

Sa huli, nagpagdesisyunan niyang umamin na nga kay Kevin na may gusto siya rito.

Tama naman nga ang mga pinsan at kaibigan niya. Kung hindi niya gagawin ngayon, kailan pa?

Nang matapos ang klase, pinadalhan niya ng text si Kevin na gusto niya itong makausap sa garden. Ngunit lingid sa kaalaman niya ay nakamasid ang ibang kaklase nila nang palihim.

"G-gusto kita, Kevin," pag-amin niya.

Nang bitiwan niya ang mga salita na matagal niyang pinagkaisipan, biglang nagsisisigaw ang mga estudyante sa paligid. Napatalon pa si Cassandra at napalingon din si Kevin sa biglang hiyawan ng mga estudyante.

"Kevin and Cassandra, sitting on a tree! K-I-S-S-I-N-G! First comes love, then comes marriage. Then comes a baby in the baby carriage!" koro ng mga ito.

"Oy, huwag nga kayong magulo," paninita ni Kevin. Ang kaniyang mukha ay gusot na gusto habang nakatitig sa mga estudyante.

"Sagutin mo na 'yan, Malacas!" hiyaw ng kasama ni Kevin sa basketball team.

"Go, Malacas! Sagutin na si Mapya!" hiyaw ng isa pa.

Nagkakamot ng ulo na hinarap ni Kevin si Cassandra. "Cass, ano kasi . . . " He turned to his shoes, ignoring her eyes.

Nangunot ang noo ni Cassandra. "K-Kevs?"

"Ano kasi . . . uhm . . . "

"H-hindi mo ba 'ko gusto, Kevs?" pabulong niyang tanong. Nanginginig ang kaniyang mga kamay sa kinatatayuan. Akala niya ay nasa pribadong lugar na sila ngunit mas malakas pa rin ang radar ng mga Marites sa paligid.

"Cass, ano . . . "

Ramdam ni Cassandra ang pag-iinit ng kaniyang mga mata hanggang sa may luhang tumulo roon. Mabilis niya iyong pinunasan at hindi pinuputol ang tingin sa binata. Napakagat siya sa ibabang labi.

Mukhang alam na niya ang sagot.

Isa . . . dalawa . . . Hindi niya alam kung ilang segundo ang nakalipas

"Sorry kung umamin ako," panimula ni Cassandra, dahilan upang harapin siya ng binata. "K-kalimutan mo na!"

Hinawakan ni Kevin ang braso ni Cassandra pero binawi iyon ng dalaga. Hindi na rin niya pinigilan ang pagtulo ng luha.

"Cass, s-sorry . . . "

"Luuuh, sorry raw!" Hindi na niya alam kung sino ang nagsalita niyon.

"Basted na si Mapya! Wooh!" And the voices kept going on and on and on. That embarrassed her. He humiliated her in public. At walang ginawa si Keving tungkol doon!

"Pangit mong ka-bonding!" Tinulak ni Cassandra si Kevin at tinalikuran.

Cassandra heard Kevin called her name and even his footsteps, pero hindi siya huminto. Patuloy lang siyang umiiyak. Hindi na niya pinigilan talaga bagkus ay hinayaan na lang. Walang pakialam pa kung ano ang hitsura niya at kung sino-sino ang nakakasalubong.

***

EVER since that day, Cassandra tried moving on. Pero hindi ginawang madali ni Kevin ang prosesong iyon dahil magmula nang araw na iyon, parati siyang kinukulit ni Kevin.

Hindi niya ito inaasar ukol sa nangyari pero pilit nitong nakikipag-close muli sa kaniya. Maybe closer than one may expect after a failed public announcement of feelings.

At mula noon, hindi na rin sineseryoso ni Cassandra ang mga salita ni Kevin. Kahit na sabihin nito na gusto siya ng binata, it was a joke for her ears.

Paano nga ba niya seseryosohin ang 'panliligaw' ni Kevin nang wala matinong babala kung pinahiya siya mismo ng binatilyo sa eskwelahan?

"Cass . . . " tawag ni Kevin ngunit hindi siya pinansin. "Bibi!"

Nagtaas ng tingin si Cassandra at matalum na tinitigan si Kevin. "At sino'ng may sabi na puwede mo 'kong tawagin na bibi?" pagtataray nito.

"E, hindi mo 'ko pinapansin. Tsaka narinig ko kayo ng mga kaibigan mo na gan'on ang tawag sa 'yo."

"Doesn't mean you can call me that, pangit mo! Don't talk to me!" aniya at binalik ang tingin sa aklat sa kaniyang harapan.

"Pansinin mo kasi ako."

"Ano ba kasi?" Hindi na ikinubli ni Cassandra ang inip sa kabiyang boses.

"Alam mo ba . .  . we really have strong chemistry . . . "

"O tapos . . . ?" Taas-kilay na tanong ng dalaga at saka uminom sa kaniyang milktea.

" . . . we should do some biology together!"

Nanlaki ang mata ni Cassandra at nasamid sa kaniyang iniinom. Hindi niya inaasahan na magbibiro ng ganoon si Kevin sa kaniya.

Oh, boy! He had just crossed the line!

"Hala, Cass! Ayos ka lang ba?"

"Punyeta ka! Pa'no ako magiging okay? Ang bastos!" Nakatanggap si Kevin ng hampas sa braso at lihim naman itong napangisi. Habang inuubo naman si Cassandra ay tinatapik-tapik ng binatilyo ang kaniyang likod.

"Bi, sorry na! Ito talaga . . . "

"Hoy, Kevin, huwag kang bastos. Ibubuhos ko sa 'yo 'tong milktea ko!" pagbabanta ni Cassandra.

"Alam mo, feeling ko gawa ka sa oxygen at neon."

"Tantanan mo nga ako, Kevs."

"Isa na lang kasi."

Nangunot ang noo ni Cassandra at sinamaan ng tingin ang manliligaw. Gusto niyang matapos na lamang ang pick-up lines ng binata.

"Fine. So, bakit naman?"

"Kasi . . . you are the ONe."Tumaas-baba muli ang kilay ni Kevin sa kaniyang direksiyon. "Gets mo? The O-Ne," pag-uulit pa ng binata.

Marahang kinagat ni Cassandra ang ibabang labi nang mapagtanto kung ano ang ibig nitong sabihin at upang mapigilan ang pagsibol ng ngiti sa kaniyang labi.

"Baliw! Parang tanga 'to!" natatawa niyang usal.

Laking pasasalamat ni Cassandra na oras na muli ng klase. May excuse na siyang muli upang hindi makita si Kevin. It would be a peaceful rainy afternoon.

But that was what she thought.

"A-ano'ng ginagawa mo rito?" kabadong tanong ni Cassandra nang makita si Kevin sa labas ng kaniyang classroom. Dala nito ang kaniyang bag at nakapamulsa ang mga kamay.

"Hinihintay ka."

"Gagi, umuwi ka na. Uuwi na 'ko." Nagderederetso si Cassandra sa paglalakad nang biglang higitin ni Kevin ang braso niya, dahilan upang mapalingon ang dalaga sa kaniya.

"Cass . . . "

"Ano ba?!" nayayamot nitong turan.

"Sandali lang kasi!"

Pinagtaasan niya ng kilay si Kevin. Tiningnan niya ang kamay na nanatiling nakahawak sa kaniyang braso bago sa mukha ng binata.

"Bitaw!"

"Hindi mo ba talaga ako mapapatawad?"

"Ayaw kitang kausap. Ang pangit mo!"

"Ano ba'ng dapat kong gawin para kausapin at pansinin mo, Cass?" nakatungo nitong bulong. "Seryoso naman ako sa panliligaw ko sa 'yo. Ako naman talaga ang nagkamali last year."

"Sana naisip mo 'yan bago mo 'ko pinahiya sa buong school! Nakakainis ka!" usal ng dalaga at tinitigan muli ang kamay ni Kevin sa braso niya. "Kamay mo sabi!"

"Kaya nga sorry na!"

"Bitiwan mo 'ko!"

"Ayoko!"

Napapatingin ang ibang estudyante sa kanilang dalawa. Palakas nang palakas ang kanilang mga boses sa gitna ng mga estudyante.

Déjà vu.

Nilingon ni Kevin ang palibot at nang mapagtanto na marami nga ang nakatingin sa kanila, binitiwan niya ang braso ng dalaga at maging ang bag ay binagsak sa sahig.

Tumalikod siya kay Cassandra at tumakbo sa gitna ng field na walang pakialam sa malakas na buhos ng ulan.

"Hoy, Kevin!" sigaw ni Cassandra. "Bumalik ka nga rito!"

Napatingin din ang iba, pinanonood ang mala-telenobelang kaganapan at naghuhulaan sa sunod na mangyayari.

Napalunok si Cassandra nang lumingon si Kevin sa kaniya, basang-basa na dahil sa ulan.

"Kevin! Hoy!"

"Makinig kayong lahat!" Maging si Cassandra ay natigilan nang biglang sumigaw si Kevin. "May gusto akong sabihin kay Cass at witness kayong lahat!"

May ilang estudyante na nagsitakbuhan upang makiososyo sa kung ano ang nangyayari roon.

"Cassandra Mapya!"

Natigilan si Cassandra nang marinig ang buong pangalan.

"Gusto kita!" hiyaw ni Kevin. "Gustong-gusto kita mula pa noong nasa elementary pa tayo!"

"Ke—"

"Gusto kita kasi natatawa ka pa rin sa mga kalokohan ko kahit ang corny na! Gusto kita kahit na ang taray mo kapag nagso-sorry ako! Gusto kita kahit na hindi mo pa rin tinatanggap ang sorry ko. Gusto kita kahit hindi ka naniniwala na gusto kita!"

Napatakip ng bibig ang dalaga. Hindi niya akalain na gagawin 'yon ng binata.

"Sa sobrang pagkagusto ko sa 'yo . . . " Naging malungkot ang mga mata nito. "Cass, humiwalay ako sa grupo."

"A-ano . . . ?"

Lumapit si Kevin sa dalaga sa silong. Patuloy pa rin ang pagtulo ng ulan mula sa kaniyang buhok at T-shirt. Dahil sa pagkabasa mula sa ulan, nagmukha pa itong modelo.

"Cass, hindi ko kaya na hindi mo 'ko papansinin o kakausapin. At talagang pinagsisisihan ko na hindi ako nagpakatotoo noon pa lang. Dahil kung noon pa lang ay umamin na 'ko sa 'yo . . . nasisigurado kong magtatagal tayo. Kaya ngayon, I want to choose my happiness. I want to choose you over anything . . . anyone."

"Baliw!" irit ni Cassandra. "Ang yabang mo. Walang makapagsasabi n'yan. Walang makapagsasabi kung magtatagal ba kung naging tayo."

"Meron, Cass . . . Meron."

"At sino naman, aber?"

"Ikaw. Ako. Tayo," makahulugan niyang sagot. "Bigyan mo 'ko ng pagkakataon na mapatunayan sa 'yo na seryoso ako dahil pangako ko . . . kapag sinagot mo 'ko, ipararamdam ko sa 'yo kung gaano ka kaespesyal. At araw-araw pa rin kitang liligawan."

Napalunok si Cassandra. The sight of Kevin — anxiously pleading — was out of his character. Hindi siya sanay.

And maybe that was how genuine he really was. Kevin had lowered his façade around her and desired nothing more but to be honest with her.

"Kevin . . . "

"Cass, please give me one chance." Tinaas nito ang hintuturo. "Once chance to prove that I'm serious with you."

Nangunot ang noo ni Cassandra at napalunok. "H-hindi na 'to joke?"

Umiling si Kevin. "Hindi. Promise."

"P-paano ko naman masasabi kung joke o hindi 'to?" Walang pagdadalawang-isip na tanong ni Cassandra.

The thought of the past had been haunting her — traumatizing her. Yet, at the same time, she did not want him to leave her side.

Marupok? Maharot?

It could probably be called either or both, but it was between her and Kevin.

Walang babala na tumungtong si Kevin sa taas ng bench at pumalakpak nang malakas. He caught more people's attention.

"May I have everyone's attention!" hiyaw niya. "Gusto kong maging witness kayong lahat dahil wala kayong choice . . . na seryoso ako kay Cassandra Mapya! Nililigawan ko siya at walang plano na saktan o lokohin siya kailanman. Mahal ko si Cass! At kung mangloko man ako . . . tatakbuhin ko ang buong field na paperbag lang ang suot!"

Cheers of excitement could be heard from the crowd, at lalong natameme si Cassandra. Hindi niya iyon inaasahan.

Bumaba si Kevin mula sa bench at muling lumapit sa kaniya. "Ano? Hindi pa ba sapat? O naniniwala ka na ba?"

Ngumuso si Cassandra. "Siguraduhin mong hindi ka magloloko!" usal niya.

"Siyempre, seryoso ako sa 'yo."

"Tsaka ako lang ang dapat makakita!" Nahihiya niyang bulong at nang-iwas ng tingin.

Natigilan si Kevin at napangisi. "Yes, Bibi. Sa 'yo lang ako. Iyong-iyo."

Kevin reached for her hands and entertwined with his. Humakbang siyang muli upang maging mas malapit sa kaniya.

Under the rain, Kevin lowered his head towards Cassandra as he closed his eyes. Nanatiling nakapako sa kaniyang kinatatayuan si Cassandra at awtomatiko na rin na napapikit.

At nang magtagpo ang kanilang mga labi, parang huminto ang paligid. Bumagal ang oras kasabay ng kanilang mga puso, at kahit umuulan, parang naririnig ni Cassandra ang fireworks sa paligid.

It was a warm and fluffy feeling inside. Nakatutuwa. Nakasasabik.

Hindi man katulad ng mga pelikula na tumataas ang isa niyang paa, o nagsisibulan ang mga bulaklak, o humihinto ang ulan, masaya siya.

Lubos ang kagalakan na kaniyang nararamdaman. At lahat ng sakit na dala nang nakaraan ay nabubura. Unti-unti, napapalitan lamang ng kasiyahan at pagmamahal.

Slowly, but surely, their lips moved in sync. At maging ang kanilang mga kamay ay mahigpit ang naging pagkawit at paghaplos sa isa't isa.

"HOY, MGA BATANG MAHAHAROT!"

Dahil sa kanilang pagkagulat, naputol ang kanilang halikan at napatingin sa direksiyon na pinagmulan ng boses.

It was Endee who screamed. At kasama niya ang buong barkada — Chel, Louise, Soledad, and Selle — na nagkikislapan ang mga mata sa nasaksihan.

Napasandal si Cassandra sa dibdib ni Kevin upang maitago ang sobrang pamumula ng mukha. Inakbayan siya ni Kevin na hindi nawawala ang ngiti sa mga labi.

"Hoy, iba 'yang ngiti mo, Malacas! Nakaiskor ka lang ng kiss, yabang mo na agad!" litanya ni Chel.

"Wala kayo, Chel. Girlfriend ko na 'tong pinsan n'yo!" pagbubunyi ng binata.

Nagmamadali na dumistansiya si Cassandra at pinanlakihan ng mata si Kevin. "Hoy! Sino'ng may sabi na sinagot na kita? Sabi mo kaya na manliligaw ka!"

"E, gan'on na rin 'yun, Cass. Na-kiss na nga kita, e!"

"Bibi, huwag mo agad isusuko ang bataan!" hiway ni Endee. "Iwagayway mo lang ang bandila ng mga kababaihan!"

"Ano'ng sinasabi n'yo r'yan?!" Namumula na si Cassandra habang sentro ng asaran.

"Kevin and Cassie sitting on a tree, K-I-S-S-I-N-G!" sabay na pagkanta nina Louise at Soledad habang pinawagayway ang kanilang mga panyo sa ere.

Lalong namula ang pisngi ni Cassandra at ramdam din niya ang paghigpit ng kamay ni Kevin sa kaniyang baywang. Pagsilip niya sa mukha ng binata, nakatitig ito sa kaniya na may malambing na ngiti sa mukha.

"Ano'ng tini—"

"I love you," sambit ni Kevin sabay halik sa kaniyang noo. Lalong lumakas ang naging hiyawan sa kanilang paligid.

Kinuha ni Cassandra ang kaniyang kulay rosas na panyo mula sa bulsa at pahampas sa dibdib na binigay kay Kevin. "Magpunas ka nga. Basang-basa ka. Nababasa na rin ako," aniya.

Ngumiti si Kevin at kinuha ang panyo. Sa halip na unahin ang sarili, ang ulo ni Cassandra na nabasa dahil sa kaniya ang inuna niyang punasan.

At nang lingunin niya ang mga kaibigan, nakangisi ang mga ito na parang maraming kalokohan na pumupuno sa isipan. The wide smirks on their faces showed pure excitments, as if they were watching the best romance-comedy movie of the century.

Humiyaw si Cassandra pabalik sa kanila, "Mga baliw!"

Nahihiyang lumingon si Cassandra. Pilit man niyang kinukubli ang mukha, hindi maitatago ang sobrang pamumula nito.

"Gagi, mahal din kita."

***

CASSANDRA bit her lower lip as she leaned on the kitchen door frame. Nakatitig siya sa hubad na likod ng lalaki na abalang nagluluto ng almusal.

Kevin was flipping pancakes for them. Suot nito ang dilaw na apron. He seemed like he was flexing his toned muscles in her direction.

His movements were quite calculated. Mula sa pagbuhos nito ng  pancake mix sa kawali, hanggang sa pag-flip nito at paglapag sa plato. Pinagkrus ni Cassandra ang mga braso bago dinala ang hinlalaki sa kaniyang bibig.

True to his words, Kevin proved his worth. Talagang inaaraw-araw nito ang 'panliligaw' sa kaniya kahit sila na. There were endless corny jokes, hugs, kisses, and so much more.

She was damn lucky to have given him the chance when she did.

Nag-aaway man sila tungkol sa mga maliliit na bagay, hindi hinayaan ni Kevin na matapos ang araw na hindi nila naaayos ang kung ano mang hindi pagkakaintindihan. At kahit si Cassandra pa ang may kasalanan, lalo na kapag tinotoyo ito, si Kevin pa rin ang humihingi ng tawad.

"Baby, matutunaw ako sa titig mo," usal ni Kevin na hindi tumitingin sa kaniyang direksiyon, bagkus ay patuloy lang ito sa pagluluto.

Cassandra rolled her eyes at her lover for six years. Parang may mata sa likod ng ulo nito na alam na naroroon na siya.

O baka naman dahil sanay na ito sa presensiya niya sa condo. A year after they graduated from college, niyaya na ni Kevin na mag-move in si Cassandra sa condo. It worked for her dahil sa trabaho na malapit doon sa halip na lagi siyang magbibiyahe mula sa compound ng mga Mapya.

It took her a long time before gaining her strict parents approvals, pero napapayag din nila sa huli. Pinatunayan talaga ni Kevin na katiwatiwala siya.

Lumapit si Cassandra at pinatong ang kamay sa hubad na likuran ni Kevin bago nilandas patungo sa tiyan nito. Dinikit ni Cassandra ang pisngi sa amoy bagong ligo na katawan ng kasintahan.

"Pa'no mo nalaman?" bulong niya.

"Alam ko lang," tipid na sagot ni Kevin nang patayin ang kalan.

"Ano'ng alam mo lang! Kahit kailang talaga!" Akmang bibitiw si Casandra pero nahuli ni Kevin ang kamay niya kahit na nasa ilalim pa ng suot na apron. Sumilip si Kevin sa kaniya na nanunulis ang labi.

"Tampo ka, baby ko?"

Umikot si Kevin upang mapaharap sa nobya. Pinatong ni Cassandra ang baba sa matikas na dibdib ni Kevin. Dahil sa mas matangkad ang binata sa kaniya, kailangan pa niya talagang tumingala.

"I love you, baby," bulong ni Kevin bago hinalikan ang tungki ng ilong ni Cassandra.  Lalong nanulis ang nguso ni Cassandra at nangunot ang noo. "Luh. Nagpapalambing pa ang baby ko?"

"Ewan ko sa 'yo!"

Akmang kakalas si Cassandra ngunit hindi siya hinayaan ni Kevin. "Weirdo."

"Sus, I scheduled a nice dinner tonight after work. Paganda ka mamaya, ha?" Nagtaas-baba pa ang kilay nito.

"Parang sinabi mo na rin na hindi ako maganda, a?" May paghahamon sa boses ni Cassandra. Her eyes stared at him like a hawk, ready to peck on its prey.

"Maganda ka kaya. Sobra. But tonight, you should make it extra special." Hinawakan ni Kevin ang baba ni Cassandra bago nilakipan ng magagaang halik.

"May milktea ba mamaya?"

"Yes. I'll bring you the large one."

Cassandra smirked in between the kisses before responding with the same intensity. She wrapped her arms around his neck.

Pinatong ni Kevin ang kamay sa kaniyang pang-upo. Mabilis naman na sumampa si Cassandra sa kaniya. Like a koala tightly holding on Ang kaniyanng mga hita ay bumalot sa kaniyang baywang.

Kevin continued showering her lips and neck with kisses. Maingat niyang inupo sa countertop ng kusina at hindi pinuputol ang koneksyon ng kanilang mga labi.

"Bi . . . 'yung pancakes . . . " paungol niyang reklamo.

"That can wait . . . " Kevin mumbled as he continued kissing her abdomen. 

He swiftly undressed her before doing so to himself. Parang hindi pa ito kuntento sa panggigigil nito kagabi sa kaniya.

"Bi . . . " Kevin called sensually as he took her sanity for the nth time.

"H-ha?" Cassandra groaned, catching her breath. Minulat ni Cassandra ang mga mata at nanatiling nasa ibabaw niya si Kevin.

Bumangon si Kevin at inabot ang kaniyang shorts. Mula sa bulsa ay may kinuha itong panyo. Bumangon si Cassandra at inabot ang damit upang isuot. Akmang baba siya sa countertop nang pigilan ni Kevin.

"No, no, stay there, baby."

"Ha? Ano'ng meron?"

"Tanda mo 'to?" Pinakita ni Kevin ang kulay rosas na panyo.

Nangunot ang noo ni Cassandra bago napangiti. "Y-yeah. 'Di ba 'yan yung binigay ko sa 'yo before?"

"Yeah. And it's time na ibalik ko na sa 'yo 'to."

"Gagi, ngayon mo pa talaga ibabalik? Ilang taon na 'yan sa 'yo, a? Buti iningatan mo pa."

"Syempre galing sa 'yo. At isa pa . . . " Pinatong ni Kevin ang panyo sa kaniyang palad at saka unti-unting binuksan. Palinga-linga ang mata ni Cassandra mula sa mukha ni Kevin at sa mabagal na pagbubukas nito ng panyo.

"Shuta! Pa-suspense ka, Kevin."

Sumimangot si Kevin dahil sa pagkairita ni Cassandra. Kahit kailan talaga.

Nang buksan ni Kevin ang panyo, isang makinang na singsing ang nasa loob. Laglag panga si Cassandra at dama ang pagkarera ng kaniyang puso. Parang naging isang malaking tipak ng yelo siya sa kaniyang kinauupuan.

"Kevin . . . " Iyon lang ang kaniyang nasambit.

"Miss Mapya, I'd like to make you into a Mrs. Malacas." Inabot ni Kevin ang kamay ni Cassandra at sinuot sa palasingsingan ng dalaga na walang mabitawang kahit anong salita.

Mabilis na hinalikan ni Kevin ang noo ni Cassandra at hinaplos ang pisngi niya. Dumako naman ang mata in Cassandra sa kaniyang kamay at sa nagniningning na diyamante sa kamay.

Napaawang ang bibig ni Cassandra. Pilit niyang pinoproseso ang biglang nangyayari. Kevin was still in his birthsuit in front of her and she was semi-naked on the countertop.

Biglang tumunog ang smartphone ni Cassandra. Inabot niya iyon at nakita na ang group chat ng Kalat Gang ang tumatawag.

"Mamaya na 'yan." Inagaw ni Kevin ang kaniyang phone at pinatay ang tawag. Nilapag niya sa counter ang phone at muling tinitigan si Cassandra.

"Kevs! Masasapak ako ng mga 'yon! Parang hindi mo naman kilala!" reklamo ni Cassandra sa nobyo.

"Ako ang dapat priority mo, Cassandra. Nagpo-propose nga ako tapos sila pa ang uunahin mo." Nanulis ang labi ni Kevin. He looked like a puppy on the verge of crying.

"T-totoo 'to? You're not joking, right?"

Nangunot ang noo ni Kevin. "Mukha ba 'kong nagbibiro? 'Yes' na, 'di ba?"

Nagtagpo ang kilay ni Cassandra sa sobrang inis. "Shuta! Ano'ng klaseng proposal 'yan, Kevs? Ayusin mo!"

END.

***

P R I N C E S S T H I R T E E N 0 0 ©
2022

W A T T P A D

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro