Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

The Jerk: Two

Two,

It was nearly three o’clock AM. Freaking three o’clock in a cold Saturday morning, at walang tigil sa pagtunog ang phone ko. I groaned beneath the sheets at hindi pinansin yun. God, can that caller give me some sleep!

Lumipas ang ilang minuto at tumutunog parin ito. Minsan hihinto at matatahimik ako, tapos biglang tatawag ulit. Tinakpan ko ang ulo ng kumot. “Go away.” I mumbled.

Pero hindi talaga ito sumusuko. Halos kalahating oras na ata ang lumipas nang nainis na inihagis ko ang kumot paalis sa mukha ko at kinapa ang phone sa bed side table.

“WHAT?” I demanded.

Narinig ko ang kakaibang tunog sa kabilang linya. Maingay at tila ba nasa labas ang kausap ko. Madaming boses ng tao sa background at may narinig akong serena ng sasakyan. Kumunot ang noo ko at biglang naalimpungatan. Is that the sound of an ambulance or a police car?

“DEELS!” the girl on the phone hissed. Tila ba bumubulong ito at the same time sumisigaw. Tiningnan kong mabuti ang caller ID. Si Mindy.

“Nasaan ka?” tanong ko. “Alam mo ba kung anong oras na?” Nagkaroon ng ingay mula sa kabilang linya. Tila ba naglalakad si Mindy sa gitna ng madaming tao.

“Oh god! Buti sinagot mo!” she exclaimed. “Hindi ko kasi macontact si Mama. Nandito ako ngayon sa highway sa labas ng village. Deels, may nangyaring accident sa mga nag drag racing at—“

Naputol ang sasabihin niya.

“Ano?” tanong ko. This time nanginginig na ang kamay ko habang hawak ang phone. “Okay ka lang ba? Wala bang nangyari sayo? Ano yang naririnig ko? May mga nasaktan ba?”

Napahawak ako sa noo ko. Oh god. Ito na yung kinatatakot ko. Ano ba kasing inisip nila at nagkarera sila ng ganyan! At si Mindy anong ginagawa niya sa lugar na yun!

“Deels.” biglang bumalik ang nanginginig niyang boses. “May narinig akong may namatay. Hindi ko alam!” she is crying. Oh my god. Mindy is crying.

“Medyo magulo dito. May tumawag ng ambulance tapos biglang dumating yung mga police. Sinasama kaming lahat sa police station. Delia I swear hindi ko gustong nandito. Sinama lang ako ng pinsan ko. Delia pakisabi kay Mama na sunduin ako sa police station. Delia—“

Namatay ang tawag.

Hindi makapaniwala na tiningnan ko ang screen ng phone ko. I was in that position for nearly five minutes. I was frozen in shock and worry. May namatay sa accident. Oh my god. May namantay akong schoolmate sa accident!

Hindi ko namalayan ang sumunod kong ginawa. Basta ang alam ko lumabas ako ng kwarto at ginising si Mama at Dad. Magkayakap sila nang madatnan kong natutulog sa master’s bedroom. During ordinary instances baka napangiti pa ako. But there is no time for smiling now.

“Delia?” tanong ni Dad na pupungas pungas pa. “Anong ginagawa mo dito?” napatingin siya sa digital alarm clock na nasa table. “Alas tres palang ng—“

“Kailangan nating sunduin si Mindy sa police station, Dad.” sabi ko. Napansin niya ang nagpapanic kong boses kaya bigla siyang umupo sa kama. Maging si Mama nagising na.

“Anong nangyari sa kanya?” tanong ni Mama.

Alam kong hindi magiging maganda ito kinabukasan but I have no choice. Mindy’s Mom is probably passed out somewhere kaya hindi nito nasagot ang tawag niya. Mrs. Gonzales has a weird habit to cope up with her insomnia. Umiinom ito. Kaya sigurado akong kung pupuntahan ko man siya sa bahay nila baka hindi ko din siya makausap ng matino.

“Okay lang siya. Kailangan nating bilisan. Sa sasakyan ko na ipapaliwanag.”

It was pure chaos. Para akong nasa setting ng isang shipwreck movie nang pumasok kami sa police station. There are people crying, some talking to their parents on the phone while begging, others are just shock. Hindi nagsasalita at nakatunganga lang.

There’s a lot of people I know at meron ding ngayon ko lang nakita. It’s weird. Really weird. Na yung mga taong minsan na hinangaan mo dahil sa pagka confident nila, yung mga taong lagi mong nakikitang patawa tawa lang ang mukhang walang problema, ngayon ay umiiyak na parang mga grade school.

In the midst of the chaos, nakita ko si Micko at si Reese, kaharap nila ang isang police officer sa dulo ng kwarto at tila tinatanong sila nito. Kalmado kung sumagot si Micko, tumatango ang police officer at nagtype sa computer sa bawat sabihin nito. Pero napansin ko ang mga palad ni Micko. Sobrang nanginginig ang mga ito. Then there’s Reese. For the first time wala ang elegance and sophistication sa aura niya. Magulo ang buhok niya, madumi ang designers na damit, at higit sa lahat humahagolgol ito.

“DELIA! OH MY GOD DELIA!” isang pares ng braso ang agad yumakap sa akin mula sa kung saan. Napansin ko ang familiar na amoy ng buhok niya. Si Mindy.

“Mabuti dumating ka. Hindi ko na talaga alam ang gagawin. Nasaan si Mama—“ natigilan siya nang mapansin kung sino ang mga kasama ko. Umalis siya sa pagkakapayak sa akin at humarap kay Mama at Dad.

Sa gitna ng mga taong nagkakagulo sa loob ng station, hindi mapagkakaila na stand out ang formal na mukha ni Dad at ang maamong mukha ni Mama.

“Tita, Tito.” nanginginig ang boses na bati ni Mindy sa kanila. Yumuko ito at nag iwas ng tingin. “Kayo po pala ang pumunta. Pasensya na po—“

Mindy was cut in mid-sentence nang bigla siyang kayapin ni Mama.

“Are you okay, honey? Hindi ka ba nasaktan?” tanong niya. Hindi nakasagot si Mindy.

“Sinubukan naming tawagan si Melany pero hindi siya sumasagot. Nasobrahan nanaman siya sa inom ng wine.” paliwanag ni Mama.

Si Mama at ang Mama ni Mindy na si Mrs. Melany Gonzales ay matagal ng mag kaibigan mula pa noong high school sila. Lagi niyang pinagsasabihan ito na ihinto na ang pag inom ng wine and instead ay proper insomnia medication ang gawin.

“Pasensya na po talaga. Hindi ko naman alam na—“

“We’ll talk about it later. Sa ngayon kailangan nating ayusin ito.” sabi ng formal na boses ni Dad.

Mindy cringed. She always told me that my Dad is the kindest father she knows but there are times that Dad is really scary. Tumango si Mama. Pumunta si Dad sa mga police officer na nandoon at nakipag usap sa mga ito. I held Mindy’s arms. Nanginginig parin siya.

Good thing Dad is a lawyer kaya naman madali niyang naayos ang gusot kay Mindy. Nakaalis kami sa police station makalipas ng kalahating oras. Tahimik ang byahe pabalik ng bahay. It’s nearly four o’clock in the morning and there are some establishment sa daan na nagbubukas na. May nadaanan kaming bakeshop at tinanong ni Mama kung gusto namin ng kape at bagong lutong tinapay. Mindy and I both shook our heads in the back seat.

Nagpatuloy ang byahe at makalipas ng ilang minuto huminto kami sa malaking bahay nila Mindy. Pinatay ni Dad ang engine at lumabas ako kasama si Mindy. “Ako na ang maghahatid sa kanya.”

Tumango si Dad at Mama. Pero bago kami naglakad papunta sa porch nila, bumukas ang window sa driver’s seat at nagsalita si Dad. “Tomorrow or should I say later.” sabi niya nang mapansin ang digital clock na nasa kotse. “Sabihin mo sa Mama mo na dumaan sa bahay sa lunch. Kailangang malaman niya ang consequences ng nangyari sayo. As for now, mag pahinga ka na muna.”

Tahimik na tumango si Mindy. Pero halata ko ang pag aalala sa mukha niya. I mentally face palmed. Dad is always like that. Very formal. I think part yun ng pagiging lawyer niya. Pero pwede naman siguro na sabihin ang mga yun in a normal way hindi ba?

“Thank you, Delia.” sabi ni Mindy nang buksan ang front door nila. Madilim sa loob ng bahay gaya ng dati. Aakalain mong walang nakatira.

“No problem. Magpahinga ka na.” nakangiting sabi ko.

“Sorry talaga sa abala. Lalo na sa Mama at Papa mo.” sabi niya for the nth time.

I heaved a deep sigh. “Minds, alam mo naman na hindi abala yun sa kanila. Nag aalala sila sayo at syempre pati ako.”

Tumango siya and for the first time isang maliit na ngiti ang sumilay sa mukha niya. “Patay sa akin si Timothy bukas.” biro niya. “Talagang itatakwil ko yun na kamag anak.” Natawa ako.

“Thank you talaga, Delia. Bukas.” sabi niya. “Ik-kwento ko sayo ang lahat ng nangyari bukas.” sabi niya saka niyakap ako at pumasok sa loob ng bahay.

Bumalik ako sa sasakyan. Narinig ko si Mama at Dad na nagusap ng mahina.

“Ano daw ang casualties?” tanong ni Mama.

“Hindi pa malinaw.” sagot ni Dad. “Hinihintay pa nila ang kalagayan ng mga batang dinala sa Hospital.”

“Mga bata nga naman sa panahon ngayon.” sabi ni Mama sabay tingin sa akin mula sa rearview mirror.

Pilit akong ngumiti. “Let’s go?” Binuhay ni Dad ang engine ng sasakyan. Pinagmasdan ko ang pasikat ng araw sa hindi kalayuan.

Nag yawn ako at pumikit. Hindi ako makapaniwala na nangyayari talaga ito. My head is still floating from everything that happened. Bukas. Bukas malalaman ko ang lahat.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro