Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

The Jerk: Twenty Seven

Twenty Seven,

Isang lingo matapos magising ni Ashton Montecillo ay nakalabas na siya ng Hospital. Nandoon si Micko, Reese, at iba pang mga kaibigan niya noong araw na yon. Isang lingo pa at maaari na siyang bumalik sa school.

Wala ako noong araw na bumalik siya. Kinailangan ko kasing samahan si Mama na bisitahin ang kamag anak namin sa probinsya. Pero mabuti na din yon. Nag decide na kasi ako na as much as possible ay kailangan ko siyang iwasan.

Hindi ko na gustong maulit ang nangyari sa Hospital. Yon ang naging una at huli naming pagkikita matapos niyang magising. Hindi na ako muling dumalaw pa kahit pa panay ang anyaya sa akin ni Micko. Hindi ko gustong paulit ulit na saktan ang sarili ko sa tuwing hindi niya ako naaalala.

Pero alam kong hindi magtatagal at kailangan ko siyang harapin. I would soon see him inside the classroom, or in the hallways or cafeteria. Pero at least kahit paano, hindi na ako matatakot o aasa na maalala niya pa ako tulad ng una kong ginawa. Alam ko na ang limitasyon ko at tangap ko na yon.

Pumasok ako Monday ng umaga. Ang sabi ni Mindy noong pumasok si Ashton Montecillo ay kulang nalang magpa welcome back party sila. Pero sa totoo lang para lamang siyang nagbakasyon ng mahabang panahon at pagdating niya ganoon parin ang dadatnan niya— the attention, the stares, his friends laughter echoing in the halls and cafeteria.

Dati, kapag papasok si Ashton matapos gumawa ng isang malaking kalokohan, automatically siya agad ang nagiging centro ng usapan at attention sa paaralan. Sa tingin ko halos wala itong pinagbago sa sitwasyon ngayon matapos ng aksidente.

Para bang isang malaking kalokohan lamang ang ginawa niya at pagbalik niya, everything is as it is, everyone's reaction is what he expected. The wonder, the awe, and the thrill that everyone envies him for. The only difference is that— unfortunately naging parte ako ng bagay na yon.

Pagpasok ko sa school at sinalubong ni Mindy sa gate. Sabay kaming pumasok sa classroom tulad ng dati. Habang naghihintay ng teacher, nagkwento siya tungkol sa naging weekend niya. Nagkwento din ako sa pagbisita ko sa kapatid ni Mama. I laughed at some part of her story, sumisimangot siya kapag ginagawa ko yon. According to her the story is not intended to be funny.

Ganito ang naging simula ng araw ko nitong mga nakalipas na araw— it was pretty normal routine, almost comforting. Pakiramdam ko para bang hindi nangyari ang nakaraang dalawang buwan na nakasama ko si Ashton.

Mabilis na natapos ang dalawa sa morning subjects namin. Habang naghihintay ng susunod na klase, humarap si Mindy sa akin.

"Sa tingin ko talaga may hidden na galit si Ms. Montez sa akin." naka frown na sabi niya. "Ako nalang lagi ang nakikita niya."

Hindi ko maiwasan na mapangiti sa naging reaction niya. Siya kasi ang madalas tawagin ng teacher namin lalo na kapag nahahalata nito na hindi na kami nakikinig sa klase.

"Ohh, nandito na siya." bulong ni Mindy sa harap ko.

Napalingon ako sa direction ng pintuan kung saan nakatingin si Mindy. Unti unting nawala ang ngiti ko dahil doon.

Isang familiar na lalake ang pumasok sa classroom. Hawak ang halos walang lamang bagpack na nakasabit sa kanyang balikat, at ang isang kamay na nakasiksik sa bulsa ng pantalon niya, pumasok siya sa loob na halos walang pakialam sa attention na nakukuha niya.

Umupo siya sa dati niyang upuan, malapit sa harap, kung saan siya nilagay ng homeroom teacher namin noon para madali siyang mamonitor ng mga teachers. Nilapag niya ang kanyang pulang bag pack sa mesa at marahas na sumandal sa kanyang upuan.

"Anong nangyari sayo?" tanong ni Reese na nakaupo sa tapat nito.

Napakamot ng batok si Ashton. "Nakuhanan ng driver's lincense."

Halos matawa si Reese. "Wala ka pang ilang lingong nakakabalik may atraso ka nanaman?"

Ashton shrugged. "Mala-late nga kasi ako kay Samonte pag di ako nagmadali."

Kumunot ang noo ni Reese. "Wala ka namang pakialam dati kay Mr. Samonte ah. Bakit ngayon, palagi ka atang maaga sa klase niya."

Ashton shrugged unconcern. "Ewan. Gusto ko lang."

Pinagmasdan ko ang likod ni Ashton habang nag uusap sila ni Reese. The way he shrugged at kung paano siya sumandal sa upuan na para bang wala siyang pakialam kung nasaan siya.

Hindi ko maiwasan na maalala ang isa sa mga naging usapan namin. Naalala ko na sinabi kong halos hindi siya umaabot sa third subject namin at madalas sa mismong lunch hour siya papasok.

A small smile crossed my face. Pero maaga na pala siya ngayon.

Pumasok si Mr. Samonte matapos ang ilang minuto. Napataas ito ng kilay nang makitang hindi bakante ang upuan ni Ashton Montecillo. I saw Ashton gave Reese a mischievous smile bago niya binalik ang tingin sa harap.

Noong oras na yon hindi ko maiwasang hilingin na sana kahit pangalan ko lang alam niya. Na sana kahit konti lang lumingon siya at tingnan ako. Pero nanatili siyang nakatingin sa harap, o hindi naman kaya ay kay Reese. At nanatili akong nakatingin sa kanya nang wala siyang alam.

Pinanood ko kung paano siya maantok at mabore sa klase, paano siya sumandal at maghikab kapag hindi nakatingin ang teacher, how he snap back in attention kapag humarap na si Mr. Samonte sa klase, paano siya nagkukunwaring nagsusulat ng lecture pero halos wala sa board ang attention niya.

And I promised I would avoid him. As much as possible ayoko na siyang nakakaharap. Pero noong oras na yon, habang nasa klase at nakatingin sa kanya, hindi ko maiwasang muling masaktan. This is unfair. How I was the one left to remember everything.

Dumating ang lunch break at hinayaan ko sila na maunang lumabas sa classroom. Pero hindi pa man sila tuluyang nakaka alis nang marinig ko ang pangalan ko mula sa pintuan.

"Delia."

Napalingon ako bigla dito habang nasa gitna ng pag aayos ng gamit. Nakita ko si Micko na nakangiti at tulad ng dati ay hinihintay ako. Pero hindi ito ang dahilan kaya ako natigilan.

Sandali akong napatingin kay Ashton Montecillo— he was staring at me. Hindi ko alam kung bakit pero para bang nagtataka na nakatingin siya sa akin.

Sinalubong ni Ashton si Micko sa pintuan, they made a weird hand greeting or something, bago muling napatingin sa akin si Micko.

"Si Delia, naalala mo?" tanong ni Micko kay Ashton. "Siya ang kasama ko sa Hospital noong nagising ka."

Tila naman umaliwalas ang mukha ni Ashton sa sinabi ng kaibigan niya. "Ah, oo." sabi nito na halos walang pakialam. "Sige bro, mauna na kami sa cafeteria."

Lumabas si Ashton kasama si Reese. Napatingin si Reese sa akin bago sila tuluyang nakalabas. Alam ko ang ibig sabihin ng naging tingin niya. She's right. Mali na pinag aksayahan niya ako ng oras noon thinking that I'm related to Ashton in any way.

Ashton's didn't even know me.

Pilit akong ngumiti na para bang walang nangyari bago humarap kay Micko. He's smiling at me and for a second, I'm glad na nandito siya sa tabi ko at hindi niya ako iniwan matapos ang lahat.










Narinig ko ang tawanan nila, ang usapan, ang asaran, habang nasa cafeteria kami. Naka-upo si Micko kasama namin kanina pero kinailangan niyang bumalik sa grupo niya dahil may informal Team meeting sila. At ang meeting na yon ay napunta sa masayang kwentuhan.

"Ang saya nila ah." Mindy commented beside me.

"Hmm." tipid na sagot ko.

"Ngayon ko lang ulit nakitang ganyan sila kaingay matapos ng ilang buwan."

Tumango lamang ako.

"Pero alam mo yong napansin ko? May positive side naman pala ang nangyari kay Ashton."

Doon ako napatigil. "Hah?'

Mindy shrugged. "Alam kong seryoso ang nangyari pero pansin mo? May nagbago."

Sumipsip siya ng iced tea bago muling nagsalita. Para bang pati siya hindi makapaniwala sa susunod na sasabihin niya.

"They seem more mature. I mean dati kapag tumatawa sila it's either may pinagtatawanan silang tao o kaya naman pinapakita lang nila na sila ang superior sa lugar na ito."

"Pero ngayon, look at them, para bang ang saya lang talaga nila. If not for their extremely good looks and radiating presence, they almost look like one of us." she smiled.

"Almost." nakangiting ulit ko.

"Yes. Almost." she nodded with the same smile. "Dahil hindi naman madaling maging ordinaryo ang mga taong tulad ni Reese Del Valle, Micko De Lara, at Ashton Montecillo."

Pinagmasdan ko ang grupo nila.

"Kaya nga nagtataka parin ako kung bakit niya nagawa at nasabi ang lahat ng yon." wala sa sarili na sabi ko.

Natigilan si Mindy. "Si Micko ba tinutukoy mo?"

Napalingon ako bigla sa kanya. "H-Hah?"

"Ang sabi ko kung si Micko ba yong tinutukoy mo?"

Napalingon ako kung saan nakaupo si Micko. Halos magkatabi lang sila ni Ashton. I wish. But no.







Bandang uwian nang pumunta kami ni Mindy sa aming locker para ilagay ang mga gamit namin. Halos puno ang hallway ng mga estudyanteng gaya namin na nagmamadaling makalabas ng school.

"Sasabay ka sa akin ngayon?" tanong ni Mindy habang binubuksan ang kanyang locker.

"Yes. Ang sabi ni Micko may practice sila ngayon kaya hindi niya ako mahahatid." sagot ko.

"Naglalaro na ba si Ashton?" she asked.

Bahagya akong natigilan. "Tingin ko hindi pa." I said casually as if his name means nothing.

Mas dumami pa ang taong kasama namin sa hallway nang matapos kami. Maingat kaming nakipagsiksikan para makaalis. I heard Mindy complaint something about her shoes being steeped on by someone.

Bahagya akong napangiti at marahan siyang hinila bago pa tuluyang uminit ang ulo niya. Pero nabitawan ko siya nang hindi sinasadya, nang makita ko kung sino ang kasalubong namin.

Ashton.

Papunta siya sa direction kung saan kami galing. Mukhang nagmamadali siya. Nakasabit ang kanyang bag pack sa balikat at tila ba may hinahanap sa dulo ng hallway.

Hindi niya alintana ang mga matang nakatingin sa kanya. Pilit niyang siniksik ang kanyang sarili habang derecho parin ang tingin sa dulo ng hallway. Iniwasan kong mapatingin sa kanya nang magkasalubong kami. Nag kabangaan ang mga balikat namin pero wala ni isa man sa amin ang nag react. Dumerecho siya sa paglalakad na parang walang nangyari at ganoon din ako.

Noong mga oras na yon, habang nasa gitna ng mga taong nasa hallway, habang naglalakad si Ashton palayo sa akin at ganoon din ako sa kanya— doon ko narealize ang isang bagay.

I need to let go.

Oo, sinusubukan kong umiwas pero alam ko sa sarili ko na sa tuwing magkakaharap kami umaasa parin ako na sana bigla niya nalang masasabi ang pangalan ko. Dapat ko ng tigilan yon. Pinapahirapan ko lang ang sarili ko.

Nagtatakang tiningnan ako ni Mindy nang makalabas kami sa school building at malayo na sa siksikan ng mga tao.

"What happened?" tanong niya na para bang nag aalala. "Bigla ka nalang tumigil sa paglalakad kanina."

Huminga ako ng malalim bago humarap sa kanya. "It's nothing. May naisip lang ako."

"Care to share?"

Bahagya akong napatingin sa langit. "It's weird, right?" bigla kong tanong sa kanya.

"Weird what?"

I tried to smile bago muling nagsalita. "How sometimes, the hardest thing to let go is the one we never really had."



Noong gabing yon, habang nakaupo sa harap ng computer table at gumagawa ng assignment, bigla akong may naalala.

Paper.

May sinabi sa akin si Ashton noon tungkol sa isang papel na pinakita sa kanya. Yon ang huling naaalala niya bago ang aksidente. I remember how we made plans para malaman kung anong laman nito.

Tuluyan na yong nawala sa isip ko. Hindi ko na nalaman kung ano yon. I wonder if Ashton already knew what's on those papers. Pero ngayon na nakabalik na siya, importante pa kaya yon?

Lumayo ako ng bahagya sa mesa para kalkalin ang notebook na ginamit namin ni Ashton noon. Binuksan ko ang isa sa mga drawers at hinanap ito sa gitna ng mga files at iba pang notebook.

Wala. Saan ko ba yon nilagay?

Tumayo ako at hinanap ito sa buong table, maging sa maliit na bookshelves na itaas nito. Pero hindi ko ito makita.

Halos itigil ko na ang paghahanap at babalik na lamang sa pag gawa ng assignment nang mapatingin ako sa isang mesa na malapit sa terrace door. Nakahinga ako ng maluwag.

Nandyan ka lang pala.

Lumapit ako dito at kinuha ito mula sa ilalim ng isa pang libro. Nang gawin ko yon, isang piraso ng papel ang nalaglag mula sa pagitan ng dalawang libro. Natigilan ako at nagtataka na napatingin sa papel na nasa sahig.

Nahalata ko agad na hindi sa akin ang penmanship na ginamit doon. Kinuha ko ang papel at binasa— at doon ko tuluyang nalaglag ang hawak kong notebook.

Delia,

Alam ko na kung ano ang laman ng papel.

It was a plane ticket to London.

Ayokong umalis pero wala akong magawa.

And that fuels everything.

Makita mo sana ito pagdating mo.

 

Ashton.

Halos nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ang note. My mind started to panic. Kailan pa ito? Bakit ngayon ko lang nakita?

Pilit kong inalala ang huling pagkakataon na nandito si Ashton sa kwarto ko. Makita mo sana ito pagdating mo.

It was the day Micko and I had a date, the day na halos ipagtabuyan ko si Ashton, the day na nalaman ko na hindi aksidente ang nangyari.

Ito ba ang dahilan kaya gusto niya akong kausapin noong araw na yon?

Isa pang bagay ang pumasok sa isip ko. Naalala ko bigla ang usapan na hindi ko sinasadyang marinig sa mansion ng mga Montecillo— usapan ng Ama ni Ashton at ng secretary niya.

Gusto kong maging maayos ang lahat kapag nagising na siya.

Paano po kapag tumangi ulit siya?

Wala siyang magagawa. Doon ko itatama ang mga pagkakamali ko.

Isang bagay ang biglang nagsink in sa akin. This can't be happening.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro