Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

The Jerk: Twenty One

Twenty One,

Sabado ng hapon noong naisipan ko na mag ayos ng mga gamit ko sa kwarto. Hindi ko alam kung bakit pero ganito talaga ako kapag marami akong ini-isip. Instead na i-organize ang mga problema sa isip ko, sa iba ko tinutuon ang attention ko. It's kind of an escaping mechanism actually. Pero pagkatapos ng lahat, kapag kumalma na ako, hopefully doon ko hinaharap ang mga problemang kailangan kong ayusin.

Halos balutan ako ng alikabok nang subukan kong punasan ang ibabaw ng dresser ko. Tinakpan ko ang ilong ko at napaubo habang pilit na inaabot ang mga kahon na nakapatong sa itaas nito. Hindi ko na matandaan ang huling araw na nag general cleaning ako ng ganito sa kwarto ko. Pero alam kong isa yon sa mga araw na kailangan kong i-divert ang attention ko sa iba.

Sinubukan kong abutin ang isa sa mga kahon na nasa itaas. I stood on my tip toe at bahagyang tumalon para man lang masagi ito. Nang magawa ko itong magalaw ay halos manlaki ang mga mata ko. Oh ow.

Hinarang ko agad ang mga kamay ko sa ulo ko nang makita ang pagbagsak ng kahon at mga laman nito. Napasigaw ako ng bahagya nang maramdaman ang impact nito sa ulo ko. Halos bumalot sa akin ang ulap ng alikabok na dala nito at maging ang mga laman nito na tumapon sa akin. I groaned.

Lumayo ako at tiningnan ang kalat na nasa harap ko. Nagkalat sa sahig ang ilang papel, pictures, maliliit na bagay tulad ng keychain at ball pen, beads at kung ano ano pa. Bumuntong hininga ako at lumuhod para ayusin ang mga ito. Saan ba nangaling ang mga ito?

Kinuha ko ang ilang papel na mukhang test papers. Pinagmasdan ko ang mga nakasulat dito. Delia Salazar, First Year, Section A. Wow noong first year high school pa ako neto ah. Bakit nandito parin ang mga ito? Si Mama talaga.

Inisa isa ko ang mga laman ng papel. May mga quizzes, homework, essays, o kahit simpleng resibo lang na hindi ko na maalala kung saan ko nakuha. There are also movie receipts for two. Sa tingin ko ito ang unang movie na pinanood ko kasama si Mindy. It was a special day for me. Noong wala kasi siya madalas ako lang ang pumupunta at nanonood mag isa.

Napangiti ako nang mapansin na ang mga test papers na nakatago ay hindi yong mga perfect score kundi yong mga pinakamababa ako. There are even notes and doodles beside it. You are better than this, Delia. Delia what happened to you? Get yourself together.

Nagpatuloy ako sa pag aayos hangang sa mapansin ko ang ilan sa mga pictures. Natigilan ako sa tangkang pag abot ng isa sa mga ito. Bakit nandito ang mukha ni Ashton Montecillo?

Kinuha ko ang picture at tiningnan ng mabuti. Nakatayo kami at magkatabi. Pero hindi kami mukhang magkasama. Nakangiti ako sa camera at mukhang nagkataon na nasa tabi ko siya. Napangiti ako nang maalala kung saan ito kinunan, it was the Junior Prom last year. Kaya pala pareho kaming nakabihis ng formal.

Kita mo nga naman. Halos hindi kami magkakilala noon. We didn't even recognize the presence of each other. Naalala ko na siya at si Reese ang Best Dress noong gabing yon— parang King and Queen pero mas subtle lang. He looks really happy in this picture. Mukhang nakikipag usap siya sa mga kaibigan niya.

Bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Lala noong isang gabi matapos kong bumisita sa kanila. Hindi ko maiwasan na humigpit ang hawak ko sa picture dahil sa naramdaman ko. Ashton.

Isang ingay ang halos gumulat sa akin. Mabilis kong tinago ang picture sa likod ko at tarantang humarap sa pinangalingan ng ingay.

"Ashton, for heaven's sake, bumati ka naman ng maayos." I almost exclaimed. Pumasok si Ashton matapos buksan ang sliding door sa terrace na para bang isang malakas na hangin.

Nag shrugged lamang siya na para bang natural lang ang ginagawa niya. Bumuntong hininga ako.

"Mabuti naman naabutan kita ngayon."

Umupo siya sa silya sa harap ng baby piano ko. Mabilis ko naman na inilagay sa kahon ang mga gamit na nasa harap ko. Pero hindi pa man ako na natatapos nang marinig ko ang tawa niya.

"Anong nangyari sayo? Bakit ganyan ang itsura mo?"

Natigilan ako. Ano bang sinasabi niya? Sinamaan ko siya ng tingin at tumayo para makita ang reflection ko sa salamin. Napakurap ako nang makita ang sinasabi ni Ashton. Oh God.

Napahawak ako sa buhok ko. Halos magkulay puti ang mga ito dahil sa bagay na nahulog kasama ng kahon. Ano ba ang mga ito? Styrofoam bits? Feathers? At ano itong nasa mukha ko? Parang may nahawakan ata akong itim na charcoal at napahid sa mukha ko.

"Balak mo bang sumali sa street dance?" natatawa paring komento ni Ashton. Pasalamat talaga siya at ako lang ang nakakakita sa kanya dahil kung hindi kanina pa ako sumigaw at pinalayas siya sa kwarto ko.

I rolled my eyes at him bago inalis ang mga nakalagay sa mukha at ulo ko. He is being his usual self again. Hindi ko din siya maintindihan minsan. Sometimes he's thoughtful and sweet yet a lot of times he's annoying and a jerk.

"Hey."

Hindi ako sumagot. I can still hear the slight laugh in his voice. Nagpatuloy ako sa pag alis ng mga nakadikit sa buhok ko.

"Hey, Delia."

Ano ba talaga ang mga ito? Feathers? Hindi kaya isa ito sa project namin sa art class na tinago ni Mama?

"Hey, I was only joking."

Pinunasan ko ang kulay itim na nasa pisngi ko. Napangiwi ako nang makita na mas dumami pa ito. I stared at my palms. Great.

"Delia, are you mad? I'm sorry."

I froze nang maramdaman na nasa likod ko na si Ashton. Hindi ko siya nakitang papalapit sa akin dahil nakaharap ako sa salamin at wala siyang reflection dito. Pero alam ko agad kapag nasa touching distance siya. Mabilis akong lumayo at halos mabungo ang dresser sa likod ko.

Napansin naman ni Ashton ang pag iwas ko kaya nagtaka siya. "Are... you okay?" tila alanganin na tanong niya.

"Oo naman." Mabilis kong inalis ang mga natitirang bagay sa ulo ko. Kinuha ko ang isang panyo na nasa mesa at pinunasan ang mukha ko.

Pinagmasdan lamang ako ni Ashton. Para bang hindi siya convince sa sinabi ko. Maya maya pa bumuntong hininga siya at kinuha ang panyo mula sa mga kamay ko. Napatingala ako sa kanya at hindi nakapagsalita.

"You look like a mess." he muttered while wiping my cheeks. Napangiti ito. "A really pretty mess."

May ilan siyang puting bagay na inalis sa ulo ko. Saka siya nagpatuloy sa pagpupunas ng pisngi ko. This is bad. I can feel my heartbeat going haywire. Napaatras ako. Kumunot ang noo niya habang nagco-concentrate parin sa mukha ko.

"Hwag kang magulo."

Pinagmasdan ko ang mukha niya. Ilang araw ko din siyang hindi nakita. Matapos ang nangyari noong hapon na yon sa dati naming school, matapos mapansin ni Lala ang mga ngiti ko pag uwi ko ng bahay, binalaan na niya ako— para bang alam na niya ang mangyayari. Kailangan kong umiwas.

Gusto kong hawakan ang mukha ni Ashton para maramdaman ko na nandito talaga siya sa harap ko. Sa ngayon kasi nawalan na ako ng isang kakayahan pagdating sa kanya. Nalaman ko yon kinabukasan matapos akong balaan ni Lala.

Hindi ko na siya kayang hawakan. Hindi ko na mahihila si Ashton, o matatapik, o mahahawakan ang mga kamay niya. I can't touch him anymore. Ang tanging nagko-konekta nalang sa akin pagdating sa kanya ay ang presence niya at ang itsura niya sa mga mata ko.

"Why are you full of this stuff anyway?"

Hindi ako sumagot sa tanong niya. Kaya naman nanatili lamang siya sa paglilinis ng mukha ko hangang sa matapos siya. Nang makuha niya ang huling piraso ng puting bagay sa buhok ko, lumayo siya at ngumiti.

"Don't I get a thank you?"

Umiwas ako ng tingin. "Thank you."

Umupo ulit ako sa sahig para iligpit ang mga natirang gamit at nilagay sa kahon. Hindi umimik si Ashton. Maya maya pa umupo na din siya sa harap ko.

"What's wrong, Delia?"

"Nothing."

"Ilang araw ka ng ganyan. Bakit mo ako iniiwasan?"

Tila ba alalang alala na siya. I nearly tell him the truth. "Hindi ako umiiwas. Madami lang akong ginagawa."

Natigilan siya sa naging sagot ko. "Madaming ginagawa." wala sa sarili na ulit niya. "Okay."

Tumayo siya matapos sabihin yon. Ngumiti siya sa akin. Pero hindi yong ngiting nakasanayan ko sa kanya. Saka siya naglakad papunta sa terrace at bigla nalang nawala.

Gusto ko siyang pigilan. Halos hilain ko ang kamay niya kanina. Pero naalala ko na hindi ko na nga pala pwedeng gawin yon. Kaya nanahimik nalang ako.

Late afternoon noong araw na yon nang dumating si Micko sa bahay. Sinabi na niya sa akin kahapon sa school na kung pwede samahan ko siya sa bagong bukas na restaurant ng Tito niya sa bayan. Hindi ako tumangi. Isa pa kailangan ko ng distraction ngayon. Ng madaming madaming distraction.

Naghihintay si Micko sa tapat ng pintuan noong dumating ako. Nandoon din si Mama at mukhang nag uusap sila. From the looks of it, I think my Mom likes Micko. And it counts for something. Madalas kasi masyado siyang protective lalo na pagdating sa mga bagong kaibigan ko.

Naalala ko ang pagdududa nila noong unang beses na pumunta si Micko sa bahay. Lalo na noong nalaman nila ang background niya. They know he is one of the people I don't usually associate myself with. Pero ngayon mukhang nakagaanan na nila ito ng loob.

Who wouldn't? I mean kahit lagi ko siyang nakakalimutan, o naiiwanan, o laging pinaghihintay, nandyan parin siya. Ilang beses ko siyang tinake for granted pero hindi siya napapagod.

Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit sa dami ng nakapaligid sa kanya, ako pa. Mahirap akong magtiwala sa ibang tao kaya naman hindi maiiwasan na mag doubt ako sa motive niya.

Pero nandito parin siya. Sinusundo parin niya ako. Niyaya parin ako. Gusto paring sumabay ng lunch sa akin o gusto parin akong ihatid pauwi kapag available siya. I may have doubted him for a while pero aminin ko man sa sarili ko o hindi, his effort means a lot to me. He is doing everything to be with me. And maybe it's time for me to take the risk and give him a chance.

Niyakap ako ni Mama nang magpaalam ako sa kanya. Nabigla ako dahil doon. Mahilig si Mama sa mga bagay na tulad ng hugs at endearment pero may something sa yapak niya ngayon na para bang sinasabi na alam niya na nahihirapan ako sa sitwasyon ko ngayon.

"Be home before ten. And honey," Hinaplos nito ang buhok ko. "Enjoy yourself."

Ngumiti ako at nag paalam. Ganoon din si Micko. Nagbow pa ito nang bahagya at pinauna ako sa paglabas sa pintuan.

Paglabas ko agad na bumati sa akin ang palubog na sikat ng araw. Bahagya kong tinakpan ang mga mata ko habang naglalakad papunta sa sasakyan ni Micko. Maya maya pa napansin ko na naka-titig siya sa akin.

Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya. "What?" tanong ko. Ngayon siya naman ang nasisinagan ng araw at ako ang nakatalikod mula dito.

"Hindi lang ako makapaniwala na pumayag ka this time."

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Tama siya. Sa ilang beses niya akong niyaya sa iba't ibang occasion ngayon lang talaga ako pumayag.

Binuksan ni Micko ang pintuan ng sasakyan na nasa tapat ko. Wala akong nagawa kundi ang magpasalamat. Papunta na siya sa driver's side ng sasakyan nang mapahinto siya. Bahagya siyang humarap sa akin.

"I really like you, Delia. At ngayon ko ito talagang napatunayan." Napahawak siya sa batok niya at napansin ko na medyo nanginginig ang mga palad niya.

"Halos hindi ako mapakali kanina sa paghahanda bago ako pumunta dito. I've never been this damn grateful na pumayag ang isang tao na makasama ko."

Natawa siya. "I guess I fell hard huh?" saka siya pumunta sa driver's side at binuksan ang pinto nito.

I stood there almost unable to move. Micko. Why can't I just fall for you instead?

Huminga ako ng malalim at pilit pinakalma ang sarili ko. Akmang papasok na ako sa loob ng sasakyan nang may mapansin akong nakatayo sa terrace ng kwarto ko sa itaas. Nakapamulsa ito at pinagmamasdan ako. Ashton.

***

Author's Note:

Thank you sa mga comments na nabasa ko sa previous chapter. And also for the messages. A lot of it is really inspiring. Thank you for making the time to express your opinions about the story.

PS. Can you recommend a song you have in mind or reminds you of The Jerk is a Ghost? Thank you in advance.

@april_avery

Official twitter hashtag: #TJIAG

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro