Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

The Jerk: Twenty Four


Twenty Four,

Fifteen minutes bago mag ten ng gabi ay nasa harap na ako ng bahay at pinagmamasdan ang paalis na sasakyan ni Micko. Hindi ko namalayan kung paano kami lumabas ng Hospital o kung ano ang sinabi niya sa sasakyan habang pauwi na kami. My mind feels like a blank paper. Naririnig ko ang mga sinasabi ni Micko pero hindi ko magawang intindihin.

Nanatili ako sa balcony hangang sa mawala ang sasakyan niya sa paningin ko. He even insisted for me to go inside first bago siya umalis pero sinabi ko na magpapahangin muna ako.

Bumuntong hininga ako habang nasa balcony. Naririnig ko ang tunog ng TV mula sa loob ng bahay at ang boses ni Dad at ng kapatid kong si Danny na masayang nag uusap. Narinig ko ang boses ni Mama na papunta sa pintuan para pagbuksan ako.

“Hey, sweetie. Bakit nandyan ka pa?” bati niya nang buksan ang pintuan at nakita na nasa labas parin ako.

“Gusto ko lang magpahangin, Ma.” sagot ko.

Nagtaka si Mama. “Did something happen?” she asked with concern. “May ginagawa bang hindi maganda si Micko?”

“No.” mabilis kong sagot. “The dinner was great. It’s just that—” Natigilan ako. “May gumugulo lang sa akin, Ma.”

“Like what?” she asked.

Hindi agad ako nakasagot. I wanted to tell her what I discovered. I wanted to ask her why— of all people why Ashton? I wanted to tell her everything because I know my Mom could make me feel better.

“Ma, is it possible for a person not to fear death?"

Natigilan si Mama sa naging tanong ko.

“I mean how come they find it all so easy to leave everything behind?”

Tumabi si Mama sa akin at pareho naming pinagmasdan ang madilim at deserted na kalye.

“Honey,” she started. “Every person you see has their own personal struggles. You wouldn’t know how broken a person is until you look closely.”

Bumuntong hininga siya.

“Some people think that to die is a courageous act. But honestly it takes a lot more courage to live, to face the struggle, to keep moving forward.”

“So they are not afraid of death, they are afraid of living?” I concluded.

She smiled lightly at me.

“But— But they seem to have everything. Anything they wanted, anyone, anytime. Isn’t it unfair?”

“Honey, when you look at a person you are either looking at a projected image or a window.” My Mom said. “Often times we are looking at the person as a projected image.”

“We know the person, we see him every day, we know what he is like, so there is an image in our head of what we perceived him to be. Beautiful, broken, perfect, talented, average, those kinds of things— and whenever you see that person, you are reflecting the image in your head like a projector. What you think he is, you think he is.”

There is a silence afterwards, as if Mom is letting the words sink in.

“But then, what’s in your head is not always the real thing. Sometimes it is just part of that thing, a surface, a cover or a window. You are looking at a closed window. And when you learn that a person is not a projected image but a window— you can take a peek inside, or you can open the shutters or cover if the person lets you, and you will see that there is more to that person than the glass or shutters that covers the entire room— his entire identity.”

Humarap sa akin si Mama.

“Honey, what I’m telling you is— selfishness or not, fair or unfair, we can never judge a person’s motive until we look closely as if we are looking through a window, not a wall of a projected image.”

“I’m trying, Mom. I’m really am.”

Mom hugs me out of nowhere. “Hindi ko alam kung anong nangyayari, honey. But I know you are trying your best.”

I smiled beneath her lilac scented night robe. “Honey, death is easy,” My Mom whispered. “Leaving everything behind is not.”

Noong gabing yon, habang nakatingin sa ceiling at hindi makatulog, binalikan ko ang mga nangyari sa Hospital. Sinabi ni Micko na base lang ito sa alam nila. Maaaring hindi ito ang totoong nangyari. Pero yon ang alam nila ni Reese.

Alam ito ni Reese. Mahilig magbiro si Ashton tungkol sa mga bagay na maaari niyang ikapahamak. Kaya noong sinabi niya ang balak niya noong gabing yon, ang buong akala nila ay nagbibiro lang ito. Hangang sa nangyari na nga ang aksidente. Labis silang nabigla sa nangyari.

Micko told me na halos hindi siya makatulog matapos ang aksidente. Sila ang huling mga taong nakausap ni Ashton. At pakiramdam nila may kasalanan sila. Kung sana tinutoo nalang nila ang sinabi niya. Kung sana naramdaman nila na hindi siya nagbibiro noong mga oras na yon.

Kaya laking pasalamat nila noong nalaman nila na gumagaling na si Ashton. Ibig sabihin gusto nitong bumalik. Hindi na importante kung biro o hindi ang nalaman nila. Gusto niyang bumalik and whatever the reason is, they should be thankful for that.

Pero hindi parin maalis sa isip ko kung bakit niya nagawa ang bagay na yon. May hindi pa ba ako alam tungkol sa kanya? May hindi pa ba siya sinasabi sa akin? Naalala ko bigla ang sinabi ni Mama.

Death is easy. Leaving everything behind is not.

Anong nangyari at naisip niya na iwan ang lahat ng ganoon kadali? May maiiwan ba talaga siya kapag umalis siya?

Naalala ko ang mga naging ngiti ni Ashton sa buong panahon na nakilala ko siya— sa school, sa cafeteria, kapag nakakasalubong ko siya sa hallway. Was it all a show? Fake? Cover up?

Nagising ako kinabukasan na namumugto ang mga mata. Hindi ko naalala na umiyak ako or something. Pero naalala ko na hindi ako nakatulog hangang madaling araw. Hindi ko alam kung bakit, pero naghintay ako. Hinihintay ko si Ashton Montecillo. Nagbabakasakali ako na bigla nalang siyang darating at gugulatin ako tulad ng lagi niyang ginagawa. And this time hindi ko na siya itataboy.

Pero hindi siya dumating. Naramdaman ko yon habang naghihintay ako sa kanya. Hindi na siya darating.

Tahimik akong bumaba sa kusina. Nakita ko na nakaupo na doon si Dad habang nagbabasa ng newspaper at si Mama naman ay nagtitimpla ng kape. Umupo ako sa isa sa mga silya— hangang sa natigilan ako nang marinig ang pinag uusapan nila.

“I didn’t know the Mayor hired a legal service for his son’s case.” sabi ni Mama habang nakaharap sa counter.

Sumagot si Dad nang hindi inaalis ang tingin sa newspaper na hawak niya. “He wanted to make sure na walang foul play na nangyari.” he answered.

“But if you will ask me, I presumed it was purely negligence resulting to accident.” said Dad. “You know how kids these days.”

Marahan lamang na tumango si Mama. “I hope magising na ang anak ni Mr. Montecillo. He’s too young to be comatose like that.”

Nagpatuloy sila sa pag uusap ng iba pang mga bagay. I tried to act as if the topic doesn’t concern me. Nang matapos kaming kumain, nag paalam ako na may pupuntahan ako sa araw na yon. I told them I would go to a friend’s house.

Bandang hapon noong nakatayo ako sa tapat ng gate ng mga Montecillo at pinagmamasdan ang mansion sa loob nito. Hindi ko alam kung nandito si Ashton o kung magpapakita siya sa akin kung nandito nga siya. But still— I wanted to talk to someone.

Pinatuloy ako sa mansion ni Manang Beth, ang matanda na nag alaga kay Ashton. Masaya siya na makita ulit ako. Nasa sala si Manang Beth at kasalukuyang may ginagawa noong dumating ako kaya medyo nag alangan ako dahil doon. Pero sinabi niya na manatili lamang ako dahil halos wala din naman siyang kasama sa loob ng mansion.

Nagsimulang mag kwento si Manang Beth habang nagtutupi ng mga bagong labang kumot at punda ng unan. Umupo ako sa tapat ng sofa kung saan pareho naming kaharap ang mga tinutupi niya.

“Alam mo bang nag general cleaning kami kahapon dito sa mansion?” masayang sabi niya. “Gusto ng kanyang Ama na maayos at malinis ang lahat kapag nakabalik na ang alaga ko.”

I tried to smile to match her energy.

“Ang sabi ng Doctor halos natutulog nalang siya ngayon. Wala na siya sa critical na condition ng comatose.” Nagpatuloy siya sa pagtutupi habang nagku-kwento. “Siguradong ano mang araw mula ngayon magigising na siya. Ano sa tingin mo?”

“Ganoon din po ang tingin ko.” sagot ko.

“Siguradong hahanapin niya kayo pag gising niya. Nandoon ka sa araw na yon hindi ba?”

I smiled again. “Syempre naman po.”

It’s hard to lie. Specially sa taong gaya ni Manang Beth. Pero ayoko ding sirain ang saya na nararamdaman niya. Wala ako sa tabi ni Ashton sa araw na yon. At maaaring ito na ang huling beses kong bibisita sa mansion na ito. Pag gising niya babalik na sa dati ang lahat.

Pinagmasdan ko si Manang Beth habang nagsasalita siya. Alam niya kaya ang ginawa ni Ashton? Alam niya kaya na ganoon kalungkot si Ashton noong mga oras na yon? O pare-pareho lang kami na naniwala sa mga ngiti na pinapakita niya?

Bahagya akong nabigla nang marinig ang tunog ng sasakyan mula sa labas. Natigilan ako at napatingin kay Manang Beth. May bisita ba sila?

“Aah, napa aga ata ang uwi ng Ama niya.” walang pangamba na sabi nito. Samantalang ako halos hindi makapagsalita.

Ang Ama ni Ashton. Ang Mayor. Makikita niya ako. And what would he think? Siguradong alam niya na hindi ako isa sa mga kaibigan ng anak niya. Halos hindi na ako gumalaw nang marinig ang pagbukas ng pintuan ng mansion. Nakatalikod ako mula dito kaya naman hindi ko alam kung anong magiging reaction ko— kung babati ba ako o ano.

Tumayo si Manang Beth para salubungin ang mga bagong dating. Mukhang hindi nag iisa ang Ama ni Ashton. Narinig ko silang nag uusap. Binati ng Ama ni Ashton si Manang Beth. Sinabi niya na may dadaanan lang sila sa study room kaya sila nandito. I bit my lips with worry habang nag uusap sila. Maya maya pa biglang tumigil sa pagsasalita ang Ama ni Ashton. Napapikit ako nang maramdaman ang mga mata nila na nakatingin sa akin.

“May bisita pala tayo.”

Napatayo ako bigla at humarap sa kanila. I tried to smile my widest smile today at bahagyang nag bow pa.

“Good afternoon po.” bati ko. Though deep inside ang gusto ko lang talaga ay hwag nalang nila akong mapansin.

“Sandali—“ sabi ng Ama ni Ashton.

Hindi ko alam kung bakit pero nakaka intimidate ang boses niya. It was deep and commanding. Kasama niya ang ilang nagta-trabaho para sa kanya. I think personal bodyguard ang isa at ang dalawa ay secretary.

“Hindi ba ikaw ang anak ni Attorney Salazar?” tanong niya. “Anong ginagawa ng isang anak ng abogado dito?”

Napansin ko na maging ang mga kasama ng Mayor ay tila ba kilala din ako. Siguro nakita na nila ako kung saang okasyon na kasama si Dad pero hindi sila familiar sa akin.

“Yes ako nga po. Uhm,” natigilan ako. “Kaibigan po ako ni Ashton.”

At hwag niyo sanang mapansin na nagsisinungaling ako, tahimik kong dasal.

Napansin ko na bahagyang natigilan ang Ama ni Ashton nang mabangit ko ang pangalan ng anak niya. Maya maya pa napataas ito ng kilay.

“Kaibigan?” tila hindi makapaniwala na tanong niya. “Kailan pa nagkaroon ng kaibigan si Ashton na anak ng isang abogado?” he said more to himself than to me.

“Matagal na po kaming mag kakilala.” sagot ko naman. It’s true. We are classmates since grade school days.

“At hindi ka isa sa mga babae niya?”

Halos masamid ako sa sinabi ng Ama niya. “H-Hindi po. Mag kaibigan lang po talaga kami.”

Tila naman nagtaka doon ang Ama ni Ashton. Para bang ngayon lang siya nakakita ng babaeng kaibigang ng anak niya na hindi related dito in an intimate relationship kind of way.

“Kung ganoon, anong ginagawa mo dito?”

I was almost out of energy to answer his Dad’s question nang magsalita si Manang Beth.

“Nandito siya para bisitahin ako.” sagot ni Manang Beth. “Matagal na din kasi kaming hindi nagku-kwentuhan.”

Naging maaliwalas ang mukha ng Ama ni Ashton nang marinig yon. Tumango lamang ito at sinabi na maging comfortable ako habang nasa mansion at nag paalam na para pumunta sa study room sa itaas. Sumunod ang mga kasama niya at nang tuluyan na silang nawala sa paningin namin, doon lamang ako nakahinga ng maluwag. Halos pabagsak akong muling umupo sa sofa.

“Close.” wala sa sarili na bulong ko. That was so damn close.

Marahang tumawa si Manang Beth nang makita ang naging reaction ko.

“Kayo talagang mga bata,” she said. “Halos pare-pareho kayo ng reaction kapag nakikita ang Ama ni Ashton. Yong iba nga bigla nalang umaalis sa mansion kapag nalaman na pauwi na ang Ama niya.”

Pero kalaunan ay unti unting nawala ang ngiti sa mga labi niya.

“Alam niyo kasi, hindi naman ganoon kasama ang Ama ni Ashton. Oo istrikto ito at halos wala ng oras sa anak niya— pero kung ito ang masusunod gusto nito na manatili nalang sa bahay kasama si Ashton.”

“Okay po ba silang mag Ama?” tanong ko. “I mean nagkakasundo po ba sila?”

Natigilan si Manang Beth sa naging tanong ko.

“Sa totoo lang, hindi sila masyadong nagkakasundo.” sagot ni Manang Beth. “Laging wala ang Ama niya at laging napapasama naman sa gulo si Ashton. Kapag nagkikita sila laging tungkol doon ang nagiging usapan nila. Kaya wala silang panahon para mag usap ng kalmado at matino.”

I lower down my gaze. Oh.

“Pero wala namang may gusto talaga nito. Itong aksidenteng nangyari. Nitong unang lingo matapos ang aksidente halos hindi makausap ang Ama ni Ashton. Nag leave din ito sa kanyang trabaho. Pumayat din ito dahil hindi gaanong nakakakain ng maayos.”

Napatango ako. Napansin ko din yon noong nabangit ko ang pangalan ni Ashton sa harap niya. Alam kong apektado ito kahit paano. At nakita ko ang pride sa mga mata nito nang sabihin ko na kaibigan ako ni Ashton. Para bang sa unang pagkakataon ay humanga siya sa anak niya sa pagpili ng kaibigan nito.

“Sigurado akong sa ating lahat, siya ang pinaka may gustong magising na ang anak niya.”

I couldn’t agree more with that. Kahit saang angulo kasi tingnan, anak niya parin ito at siya parin ang Ama ni Ashton.

“Aah, siya nga pala, hija, maaari mo ba itong dalhin sa itaas? May pinapakulo nga pala ako sa kusina.”

Inabot sa akin ni Manang Beth ang isang kumot at punda ng unan na maayos na nakatupi.

“Sure po.” nakangiting sagot ko.

“Sa kwarto nga pala ni Ashton yan.”

Natigilan ako. “Uhm, saan po ba ang kwarto niya?”

Nagtataka na napaharap sa akin si Manang Beth. “Oo nga pala, hindi niyo alam.” she muttered. “Ewan ko ba sa batang yon— hindi siya nagpapapasok ng ibang tao sa kwarto niya.”

“Ganoon po ba?” bakas ang pagtataka sa tanong ko. Ini-expect ko kasi na kung sino sinong tao na ang nakapasok sa kwarto niya. Considering na madami siyang kaibigan at mga babaeng nakapaligid sa kanya.

“Kahit mga kaibigan niya hindi niya pinapapunta doon.” she said. “Pero hwag kang mag alala— hindi niya ito malalaman.” nakangiting biro ni Manang Beth bago tinapik ako at dumerecho sa kusina.

Habang paakyat sa hagdan hindi ko maiwasan na hanapin si Ashton sa loob ng mansion. Pero hindi ko siya maramdaman. Nag aalala ako na baka pati ang bagay na yon— ang maramdaman siya— ay hindi ko na kayang gawin.

Bumuntong hininga ako at dumerecho sa kwarto na tinutukoy ni Manang Beth. Halos nasa dulo ito ng hallway. Papasok na sana ako nang biglang bumukas ang isa sa mga pintuan na nadaanan ko kanina malapit sa staircase. Lumabas ang Ama ni Ashton at ang kanyang secretary.

“Naayos niyo na ba ang lahat ng papeles?” tanong ng Mayor.

Nakatalikod sila sa akin at papunta na sa staircase kaya hindi na nila ako napansin.

Tumango ang secretary. “Yes, Mayor. Naipasa na din ang kopya kay Attorney.”

“Salamat.” he said. “Gusto kong maging maayos ang lahat kapag nagising na siya.”

“Paano po kapag tumangi ulit siya?” asked the secretary with worry.

“Wala siyang magagawa, Bernard. Doon ko itatama ang pagkakamali ko.” the Mayor answered.

Bumaba na sila sa staircase kaya hindi ko na narinig pa ang ibang pinag usapan nila. Bigla akong natigilan sa paghawak ng knob ng pinto sa harap ko.

Ano bang ibig sabihin ng Ama niya?

Si Ashton ba ang pinag uusapan nila?

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro