Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

The Jerk: Twenty Five

Twenty Five,

Iniisip ko parin ang tungkol sa narinig ko noong pumasok ako sa kwarto ni Ashton Montecillo. Pero noong tuluyan kong mabuksan ang pinto at makita ang kabuuan ng kwarto niya, doon ako natigilan.

Maaliwalas sa loob ng kwarto. Ang una kong napansin ay ang bahagyang nakabukas na bintana kung saan hina-hangin ang puti at manipis na kurtina. Maluwang sa loob at malayang pumapasok ang liwanag mula sa labas.

Halos dahan dahan ang pagtapak ko sa sahig na para bang natatakot na gambalain ang lugar. Pakiramdam ko hindi ito isang kwarto ng teenager na gaya ni Ashton Montecillo. Masyadong tahimik. Maaliwalas. Maayos ang mga gamit.

Pinagmasdan ko ang malaking kama na nasa kaliwang dulo ng kwarto. The blue hue of the bed was so pale it was almost gray. Marahan kong ibinaba ang dala ko sa ibabaw ng kama. Linibot ko ang tingin sa paligid.

Ashton's room is filled with books.

Nakapalibot sa pader ang mga bookshelves sa itaas nito. Punong puno ito ng mga lumang libro. T.S Eliot, Robert Frost, Walt Whitman. Halos lahat ay related sa English Literature at poetry.

Yon lamang ang mukhang madalas magalaw sa loob ng kwarto. May libro na hindi maayos na nailagay. Meron namang nakasiksik lang sa ibabaw ng iba pang mga libro. Mukhang binabasa niya ang mga ito. Hindi ko alam na mahilig siyang magbasa.

Napakatahimik sa loob ng kwarto. Walang trace ng ano mang bagay ng Ashton na kilala ng lahat. No trophies from basketball games, no action figures, no pictures of friends or team mates.

Sa halip puno ito ng mga lumang libro at—

Natigilan ako nang marealized kung ano ang mga itim at parisukat na bagay na nakadikit sa pader. Akala ko desenyo lamang ang mga ito kaya hindi ko kaagad napansin. Lumapit ako dito.

Pictures.

Black and white pictures pasted on the white wall by duct tape or thumb tax. Isa isa kong pinagmasdan ang mga ito. I run my fingers delicately on the surface of every picture.

A dark high way, an empty basketball court, a dead tree, graffiti on an abandoned building— all in black and white. Binasa ko ang nakasulat na isa sa mga graffiti sa picture— NO ONE CAN SAVE YOU.

Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko. Iniwas ko agad ang tingin sa mga pictures at pinahid ang mga luha ko. Kahapon— ginawa ko ang lahat para hindi umiyak. Pero ngayon pakiramdam ko mas lalong nag sink in sa akin ang totoong nangyayari kay Ashton.

"You're crying again."

Natigilan ako noong marinig ang isang familiar na boses sa loob ng kwarto. Mabilis akong napalingon sa kabilang sulok. Halos mapaatras ako nang makita si Ashton Montecillo— nakasandal sa pader at pinagmamasdan ako.

Sa pagkabigla ko na makita siya, halos hindi ako nakapag salita. Umalis siya sa pagkaka lean sa pader at naglakad papunta sa kinatatayuan ko.

Hindi ko alam kung anong ini-isip niya. Ang dami kong gustong sabihin sa kanya at itanong pero hindi ko magawa. Kung alam niya lang na halos hindi ako makagalaw dahil gustong gusto ko na talaga siyang makita.

Huminto siya sa harap ko. "What are you doing here?"

Hindi ko alam kung bakit, pero instead sumagot bigla ko siyang niyakap— isang pagkakamali na ginawa ko. Pinagmasdan ko ang mga kamay kong tumagos sa katawan niya. Nasa harap ko siya at pinagmamasdan ako pero hindi ko siya magawang hawakan.

Napa-atras ako. "Ashton."

Pinagmasdan kong mabuti ang mukha niya. Halos isa nalang siyang malabong litrato sa paningin ko ngayon. Ni hindi ko alam kung totoo nga bang nasa harap ko siya o talagang masyado ko lang siyang ini-isip kaya ko siya nakikita.

"Delia." But I can hear him. Naririnig ko ang boses niya— pero bakit?

Muli kong itinapat ang mga kamay ko sa kanya na para bang nasa harap ng isang salamin. Para kaming pinag gigitnaan ng isang invisible na salamin. Ashton smiled lightly at tinapat at palad niya sa palad ko— pero maging siya hindi na niya ako mahawakan.

Inalis ko ang mga kamay ko mula sa palad niya at pinahid ang luha na pumatak sa mga pisngi ko.

"You are the first girl who entered my room." sabi niya.

Alam kong nasa harap ko siya pero pakiramdam ko ang layo layo na niya mula sa akin.

"Why are you her?" he asked.

Wala akong nagawa kundi ang mapaupo sa kanyang kama habang pinagmamasdan niya ako.

"Ashton, I wanted to ask you something." nagawa kong sabihin. "Ashton, is it— is it true—"

Hindi ko magawang tapusin ang sasabihin ko. Halos gusto ko ng bawiin ang sinabi ko nang magsalita si Ashton.

"Yes. It's all true."

Natahimik ako. Hindi ko alam ang sasabihin. Bahagya akong tumingala at nakita ang mukha niya na banayad parin at walang ano mang pagbabago sa expression.

"Why?" I asked.

"Delia—"

"You could have told someone." I said as realization creeped into my system. "Sinabi mo sana kina Micko, kay Reese, kay Manang Beth, sigurado akong makikinig sila. Ashton, you are more than this right?"

Nagkaroon ng panandaliang katahimikan bago siya sumagot.

"No, Delia." he said calmly. "Mali ka ng pagkaka kilala sa akin."

"I'm not as tough, and as carefree and untroubled as I wanted you all to think. Delia— this is me. My thoughts often destroy me, and to compensate for that, pilit kong ini-intindi ang sarili ko with these—"

Natigilan siya na tila ba linibot ang tingin sa loob ng kwarto.

"With all these stuff. Para lang maintindihan ko ang sarili ko at malaman na hindi lang ako ang nakakaramdam nito."

"But you could have told—"

"I tried." he said.

"Sinabi ko kay Manang Beth noong gabing yon na maaaring hindi na ako babalik. Sinabi ko kay Micko at Reese na matatapos ang lahat sa gabing yon at yon na ang huling kagaguhan na gagawin ko."

Marahan siyang ngumiti.

"Pero dahil ako si Ashton Montecillo— hindi sila naniwala. Si Ashton na tarantado, mayabang at walang sineseryoso— ang akala nila isa lang ito sa walang kwenta kong biro."

He took a step towards my direction at bahagyang nag lean sa harap ko. His smile became a halfhearted grin.

"But you did." he said as his voice soften. "Hindi ko alam kung paano mo nagawa yon pero naitindihan mo agad ako."

His smile slowly became a genuine one.

"You taught me a lot of things. You showed me those stupid shits that I did while I was hurting."

"Sinabi mo na mali na ibaling ko sa iba ang galit ko sa sarili ko. Pinakita mo na may mga taong mananatili sa tabi ko kahit ako yong walang kwenta at mahinang Ashton Montecillo. Hindi mo ako sinukuan kahit na ako mismo simuko na sa sarili ko. You showed me how stupid and selfish I am for having that kind of decision."

"Kaya gusto kong bumalik. Gusto kong itama ang lahat. Alam kong naging tanga ako, makasarili, hindi nag isip. Delia, babalik ako— sa Ama ko, sa mga decision na kailangan kong harapin— aayusin ko ang buhay ko."

Hinawakan niya ang mukha ko at umupo sa harap ko. And it feels like a warm summer breeze's touching my face.

"I wanted you to be there when I wake up." he said.

He smiled lightly na para bang ini-isip lamang ang bagay na yon ay sumasaya na siya.

"Gusto kong nasa tabi kita. Gusto ko ikaw ang una kong makikita. Delia, please stay."






A S H T O N

She is more than a girl— more than a random stranger na makaka salubong ko sa hallway at hindi ko man lang alam ang pangalan. She's not just a girl fading on the background na para bang anino o hangin na dadaan lang. For me she was a storm, a storm that had washed away all those bullshits na siniksik ko sa utak ko. She was my storm.

Hindi ko alam kung anong ginawa kong mabuti at binigyan ako ng second chance at nakilala ko siya. I don't even have an idea that a girl as perfect as her existed before. No— she isn't perfect on account of her looks— she's perfect despite her flaws, her fears, and her doubts.

Siya yong babae na alam mong kayang mabuhay nang wala ka pero ikaw— hinding hindi mo siya makakalimutan. She's the girl who makes you want to be better, to deserve her.

Noong nalaman ko ang totoong nangyari sa akin, inaamin ko na ginusto kong itigil na ang lahat ng ito. Kasalanan ko ang nangyari at ginusto ko ito kaya walang silbi ang pakikipag laban namin para makabalik ako.

Pero hindi ko gusto na iwan nalang siya bigla. Hindi ko gusto na isipin niya na wala siyang nagawa para sa akin. Kaya namalayan ko nalang ang sarili ko na nananatili parin sa tabi niya.

She was determined— determined to the point na maging siya ay nahihirapan na dahil sa akin. Ni hindi ko alam kung bakit niya ako pinagtya-tyagaan. Sa dami ng katarantaduhang ginawa ko, mabilis siyang nagpapatawad. Sigurado ako noon na magsasawa din siya dahil ganoon talaga— lahat ng tao napapagod sa akin. Pero nandito parin siya sa mga oras na ito, sa harap ko, at pilit akong iniintindi.

"I wanted you to be there when I wake up." sinabi ko sa kanya. Dahil isa siya sa pinaka importanteng dahilan kaya gusto kong bumalik.

"Gusto kong nasa tabi kita. Gusto ko ikaw ang una kong makikita. Delia, please stay."

Pinagmasdan ko ang mukha niya habang bahagya siyang nakayuko. Pero malayo ang naging sagot niya sa inaasahan ko.

"Ashton, can I asked you something?" tanong niya sa akin.

Nagtataka man ay tumango ako. "Anything."

For a second hindi siya nagsalita. Pero maya maya pa ay tumingala siya sa akin. She smiled even though tears are falling from her brown eyes.

"Can I dance with you?"

Natigilan ako sa nanging tanong niya. She smiled at me as if her request doesn't surprise me.

"I wanted to dance with you."





D E L I A

It was my dream— a childhood dream— to dance with Ashton Montecillo. Dati kapag nakikita ko siya sa mga school dance, naka-suot ng formal, nakangiti at nakikipag sayaw sa magagandang babae, hindi ko maiwasan na maalala yong araw na umupo siya sa tabi ko sa Laboratory class, kung saan sa unang pagkakataon ay naging abot kamay ko siya.

Ini-isip ko kung naaalala niya pa ba yon. Saka ko mare-realize ko na bata pa kami noon— ni hindi niya ako kilala. Ini-isip ko kung gaano kaswerte ang mga taong malapit sa kanya, na kilala siya at lagi siyang nakakasama, na alam ang mga bagong gusto at ayaw niya.

Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Ashton. At ang pag aalala dahil sa mga luha sa mga mata ko. Pero pilit akong ngumiti at tumayo mula sa kama. Dahil ito nalang ang pagkakataon na meron ako.

Nagtataka parin siya pero nilahad niya ang kamay niya para sa akin at marahang ngumiti. Pinatong ko ang palad ko dito though alam ko na kailanman hindi na magdidikit ang mga palad namin.

It was like dancing with someone inside a mirror. You can feel his presence pero may harang sa pagitan niyong dalawa. Our bodies close but not touching— our feet moving on the same rhythm.

He started humming a song I never heard of. He smiled and gestured for me to twirl around. Once I did I heard him whispered the lyrics of the song.

Do you know you're my miracle?

Nang humarap na ako sa kanya, he then rest his forehead against mine. Nakikita ko ang mga mata niyang pinagmamasdan ako. Nakangiti. Masaya. At parang isang malabong imahe na unti unti nang nabubura sa paningin ko.

He raised his both hands in front of me to hold. Pero wala akong nagawa kundi ang itapat lamang ang mga palad ko sa palad niya dahil hangang doon na lamang ang pwede naming ilapit sa isa't isa. Pinagmasdan namin ang isa't isa— mga magkatapat na palad sa pagitan namin.

Napapikit ako.

He kissed my forehead lightly, then down to the tip of my nose, and as gentle at as a lone breeze, he kissed my lips.

Someone once told me that for every person you know, there is some last moment that you will never see them again. And as you try to remember that specific moment—most of the time it's a blurry memory. Because at that time you have no idea it would be the last.

In my case hindi ito ang huling pagkakataon. Alam kong darating ang araw na makikita ko ulit siya, sa hallway, sa classroom, sa labas ng school— lagi ko siyang makikita at maririnig ang boses niya.

Pero noong hapong yon, sa kwarto ni Ashton Montecillo, habang papalubog ang araw sa labas at magka sayaw kami, yon ang naging huling pagkakataon na nakita ko siya bilang si Ashton Montecillo— isang taong napalapit sa akin. The jerk who happens to be just a person na walang nakakaintindi— my jerk.

At noong hapong ding yon, inilapit ko ang mukha ko sa kanya at mahinang bumulong.

"I can't stay, Ashton." I whispered. I tried to smile beneath my tears as I recall what Lala told me.

"You will never remember anything the moment you wake up. Hindi mo na ako maaalala."

***

Author's Note:

Five chapters to go! Wow we are so close to the ending.

Btw yong song po na hina-hum ni Ashton ay Statue by Lil Eddie.

So this is it. I really hope you'll stick with the story until the last few chapters. And yeah, please don't be silent readers.

Nevertheless thank you for taking your time to read this story. I never intended for TJIAG to be long but I hope na kahit paano this story inspired you in any kind way.

Until the last two updates,

@april_avery

Official twitter hashtag: #TJIAG

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro