The Jerk: Twenty
Twenty,
Patapos na ang practice ng basketball team sa gym nang naisipan namin na umuwi. Matapos magpaalam naglakad ako palabas ng school building kasabay si Ashton na nasa tabi ko. Maliwanag parin sa labas at may ilan parin kaming nakakasalubong habang palabas ng gate.
Naging tahimik ako habang naglalakad kami. Hindi lang dahil sa ayaw kong isipin ng ibang tao na kinakausap ko ang sarili ko. Pero dahil hangang ngayon ay nasa isip ko parin ang sinabi ni Ashton tungkol kay Reese.
I feel sorry for her. I really do. But if Ashton is not in love with Reese, would it be possible that he is in love with another girl? Pero sa tagal namin na magkasama wala naman siyang nababangit sa akin na ibang babae.
"What are you thinking?"
Napa-paused ako sa paglalakad at lumingon sa katabi ko. Nakapamulsa siya at derecho ang tingin sa daan.
"Nothing." sagot ko.
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Unti unting kumu-konti ang mga taong nakakasabay namin. Kung tutuusin dapat makikisabay ako ngayon kay Mindy sa pag-uwi. Pero nagkataon na kailangan niyang maagang umuwi dahil dadaanan niya pa ang medication ng Mama niya sa Hospital.
Okay lang naman sa akin ang maglakad. Matagal ko na din na hindi nagagawa ito. Kung tutuusin malapit lang naman talaga ang bahay sa school. Nagkataon lang na same way kami ni Dad kapag papasok siya sa office kaya sumasabay ako.
Habang naglalakad napadaan kami sa isang familiar na building. Nasa kabilang kalye ito pero tanaw na tanaw ko ang makulay na gate nito, ang familiar na pader, ang maluwang na lawn sa loob, ang flagpole at ang faded pedestrian lane na papunta sa harap nito.
Sandali akong natigilan. Ang tagal na din pala mula noong huli akong bumisita sa lugar na ito. Ngayon lamang ulit ako tumayo sa harap nito at natitigan ito ng ganito katagal. Ang paaralan kung saan kami nag Grade School.
Napansin ni Ashton ang pag tigil ko sa paglalakad. "May problema ba?" tanong niya.
Iniwas ko ang tingin sa building. "Ah, wala." sagot ko.
"Nagmamadali ka bang umuwi?" tanong niya ulit.
Kumunot ang noo ko at lumingon sa kanya. "Hindi naman."
Ngumiti siya. A smile brighter than the fading sunset in the distance. "Tara?"
Mas lalo akong naguluhan. "Saan—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niyang hinawakan ang palad ko at hinila. Nanlaki ang mga mata ko nang magsimula kaming tumawid sa kalye hangang sa narating namin ang harap ng building.
"Ashton, ano bang—"
Hindi ko naituloy ang sasabihin nang isang familiar na boses ang bumati sa akin. Napalingon ako sa guard lumapit sa amin.
"Magandang hapon. Ano ang—" Tumigil ito at pinagmasdan ako. "Aba, ikaw pala yan Delia."
Medyo nabigla ako nang makilala parin ako ng school guard. Ilang taon na din ang lumipas mula noong huli akong bumisita dito. Sa totoo lang ito pa lamang ang pangalawang beses kong pumunta dito matapos ang graduation five years ago.
"Hi, manong." nakangiting bati ko.
Ilang taon na din siyang nagtatrabaho bilang guard sa school na ito. Bata pa ako nandito na siya. I remember sa kanya ako pinagbibilin ni Dad kapag nalalate siya sa pagsundo sa akin. Hindi niya ako pinapalabas ng basta basta sa school at hindi pasasamahin sa ibang sasakyan hangang hindi si Dad ang susundo sa akin. Naalala ko din na mahilig siyang magkwento. Kapag naghihintay ako lagi niya akong kine-kwentuhan tungkol sa mga anak niya.
"Aba, matagal tagal na mula noong huli kang bumisita dito. Tingnan mo, ang laki na talaga ng pinagbago mo."
Mas lalo akong napangiti. Napansin kong madami na din ang nagbago sa kanya. Ilang taon na ba ang lumipas? Madami na ang puti nitong buhok. His youthful and carefree aura I used to remember from him is gone.
"Parang kailan lang noong dito pa kayo nag aaral." Natawa ito. "Ang bilis talaga ng panahon. Hindi mo mamamalayan ang mga batang nandito ngayon magiging katulad mo na din."
Napansin ko ang bahid ng lungkot sa boses niya. Ganito ba talaga? Ang nararamdaman ng ibang tao kapag nakikita nilang unti unting nagbabago at nawawala ang mga bagay na minsan ay pinahalagahan nila? Nasasaktan din ba sila kapag hindi man lang sila maalala ng mga bagay na yon?
"Sorry ngayon lang po ulit ako bumisita."
"Naku okay lang yon." he said. "May kailangan ka bang puntahan sa loob?"
Napatingin ako kay Ashton na tahimik lamang sa tabi ko. Bakit nga ba niya ako pinunta dito?
"Uhm, opo. May gusto lang akong bisitahin." sagot ko. "Syempre isa na kayo doon." nakangiting dagdag ko.
"Ikaw talagang bata ka. Masaya akong makita na bumabalik ka parin dito sa kabila ng mga nangyari. Sige pumasok ka na."
Natigilan ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata. Ngumiti ako bago pumasok sa loob.
Walang masyadong nagbago sa lugar. Nadagdagan lamang ng mga facilities gaya ng classrooms at gardens. Pero ganoon parin ang environment— maaliwalas at payapa. Nandoon parin ang mini-park, ang playground, ang science garden. I wonder kung may teachers pa kaming madadatnan.
Pumunta kami sa side ng school. "Bakit mo gustong pumunta dito?" tanong ko kay Ashton na nasa tabi ko.
He shrugged. "Dito ka rin pumasok." he stated.
Kumunot ang noo ko. "Uhm, obviously."
Nakarating kami sa playground. Dumerecho ako sa swing out of reflex. Natawa si Ashton sa naging gesture ko. Umupo ako sa isa sa mga swing. Nanatili lamang si Ashton na nakatayo sa gilid nito.
"Wala akong masyadong maalala tungkol sayo."
Natawa ako. "We are not that close." I softly kicked my shoes on the dirt to move my swing slightly. "We are not close period."
"Pero kilala mo ako." Sumandal ang isang balikat niya sa pole ng swing habang nakatingin parin sa akin.
"Of course. You are the Mayor's son. Sino ba ang hindi makakakilala sayo?" I let the late afternoon breeze fanned my face.
"Noong unang beses mong tumapak dito sa school, I think it was in third grade, may dala ka pang yaya. Tapos yong sundo mo mukhang body guards. Lagi kang naka-crossed arms at nakafrown. You are a spoiled bratty kid na laging nasusunod ang gusto."
He chuckled lightly. "I remember that."
"Naiingit ang mga bata sayo kasi ang sasarap ng mga baon mo." Natawa ulit ako. "Ang daming lumalapit sayo kapag lunch. Kasi pinamimigay mo ang mga baon mo. Ayaw mong kumain."
"Whoa. Ang bait ko noon."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Halos maiyak ang yaya mo noon sa pagpupumilit na kumain ka. Ilang beses kang nagpapalit palit ng yaya hangang sa sinabi mo sa isang teacher na kaya mo ginagawa yon ay dahil ayaw mo ng yaya."
Tumango tango ito.
"A lot of teachers dreaded you to be in their class. Pero isang teacher lang ang nakakatagal sa ugali mo and that is Mrs. Legazpi. You remember her? Siya ang adviser natin noong Grade 5."
A flash of recognition crossed Ashton's face. Maya maya pa kumunot ang noo niya. "And where are you in the scenario?"
Nahinto ako sa pagsi-swing. Hindi ko alam ang sasabihin. "I was—" The image of me as a child flashed in my head. "I—"
Napansin ni Ashton ang pag aalangan ko. "Did I ever talk to you? Did we ever meet personally?"
Bakit ba gusto niya itong malaman ngayon? "Naging magkaklase tayo sa loob ng 4 years until we graduated." sagot ko. "But I don't remember any interaction."
Ashton frowned. "Kahit konti?"
Napatingin ako sa sapatos ko na nabalutan na ng alikabok. "Ini-iwasan ako ng mga classmate natin noon and that includes you."
There. I said it.
Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung nabunutan ba ako ng tinik o mas lalo lamang akong nahirapan sa paghinga dahil sa bumarang masamang pakiramdam sa dibdib ko.
Lumipas ang ilang segundo bago nagsalita si Ashton. "Why would we do that?" he asked.
Napangiti ako ng mapait habang nakatingin parin sa lupa. "Noong grade school tayo, I was overweight. Ang taba taba ko noon. We are kids back then. We don't know anything. Wala akong pakialam sa mga naririnig ko. I don't even care if I eat too much."
Pinagmasdan ko ang sapatos ko na para bang yon na ang pinaka interesting na bagay sa mundo. "Pero habang tumatagal, habang lumalaki tayo, napapansin ko na hindi nalang bulong o panunukso ang naririnig ko, sometimes it became physical."
Narinig ko ang mahinang mura mula sa bibig ni Ashton. "You we're bullied?" nag alangan na tanong niya.
Napalunok ako. Hindi ko alam kung dapat ko pa ba itong sabihin. May ilan akong schoolmates sa Jefferson High na nakaka alam ng background ko. Alam nila kung sino talaga ako. Kaya kahit alam kong madami na ang nagbago— na hindi na ako yong dating Delia— nanatili sa akin yong trauma na mapansin nila ako at i-point out ulit ang mga bagay na gusto ko ng makalimutan.
"Hindi ko alam. I have no definition about it." tahimik kong sagot.
Gusto kong matawa. Nabibilang lang ang mga taong napagsabihan ko ng tungkol sa bagay na ito. Hindi nila ito binabangit hangang hindi ako ang mismong nag oopen ng topic at kasama na si Manong Guard doon. Alam nila na hindi ako comfortableng pag usapan nito.
And funny because of all people in this entire village, ni hindi ko naisip na isa si Ashton Montecillo sa mga taong mapagsasabihan ko nito. The guy who made a lot of people suffered the same things I had.
"Noong una hindi ko alam kung bakit ayaw sa akin ng mga bata. My Mom always told me I'm beautiful because I'm kind. I grew up believing that kindness is synonymous to beauty. I tried my best to be kind. They shoved me in the hallways, tripped me in the classrooms, laughed at me in the cafeteria, make fun of me during P.E, and I'm will stand with a straight face and tried to smile still."
Nagsimulang mag init ang sulok ng mga mata ko. Hindi ko na kayang tumingala pa. Ayokong makita ang mukha ni Ashton.
"One time, noong Grade 5 tayo, kinonfront ko yong isang bata na laging tinatawanan ako kapag nagrerecite ako sa harap ng classroom. Tinanong ko siya kung bakit ayaw niya sa akin. Ang sabi niya hindi niya ako ayaw. Masaya lang talaga na pagtawanan ako."
A tear slowly rolled down my cheeks. "Kasi masaya." Halos natatawa na sabi ko. "Kasi masaya na saktan ang ibang tao."
Pinahid ko ang luha ko.
"Walang alam sila Mama. Minsan tinatanong ako ng mga teacher pero sasabihin ko na okay lang ako. I would smile as if nothing happened. I would greet my Dad happily when he picked me up. I would tell my parents exciting things about school. That way hindi nila malalaman."
"Delia—" Ashton's voiced was parched. I raised my head slightly at nakitang naka kuyom ang mga palad niya. "A-Am I one of them?"
Humigpit ang hawak ko sa metal chain ng swing. "No." I answered.
"Are you being honest?"
Iniangat ko ang ulo ko at tiningnan siya. "Do you remember that time na gumamit tayo ng laboratory in our science subject? Grade 6 na tayo noon. Kinailangan nating humanap ng partner. Expected ko na mag-isa lang akong gagawa kaya hindi na ako nag atubili na maghanap. Wala din naman akong mahahanap."
Ashton was taken aback nang bigla akong ngumiti.
"Kapapasok mo lang sa lab noon. Late ka nanaman as usual. Nasa gitna sila ng pagpili ng partners nang tumabi ka sa akin." My smile became a grin. "Natahimik ang kwarto at napatingin sa direction ng table natin. Nagtataka sila na sa dami ng bakanteng upuan, doon mo napili sa tabi ko umupo."
"Alam kong random gesture lang yon, na hindi mo naman intention na makatulong o ano. Siguro nga tinamad ka lang na maghanap kaya yong pinakamalapit na bakanteng upuan ang pinuntahan mo. O talagang wala ka lang pakialam sa nangyayari sa paligid mo. But for me it made a whole lot of difference."
Muli kong ibinaba ang tingin ko. Pero nagulat ako nang lumapit si Ashton sa akin, umupo siya sa harap ko, he held my chin in his hands and gently wiped the remaining tears off my cheeks.
"Kahit hindi ko maalala ang eksaktong nangyari," he said while his thumb's still caressing my cheeks. "I'm so glad I made that decision. Sa unang pagkakataon nakagawa ako ng magandang decision."
Natawa ako.
"I have always believed you are not one of them, Ashton. Kaya noong nag high school tayo at nagbago ang lahat, noong naging katulad ka nila, hindi agad ako naniwala. Pilit kong hinanap ang rason kung bakit. Bakit naging ganoon ka. And now... now I understand."
Ashton tried to smile. Marahan niya akong binitawan but he is still staring at me intently. "And you've also decided to change in high school."
Umiwas ako ng tingin. "I was forced to."
A hint of worry crossed his face. "Why?"
"It's not what you think." Bumuntong hininga ako. "Remember the stock room incident a week bago ang graduation natin?"
Kumunot ang noo niya. Malamang hindi niya naaalala. Kailan ba siya nagkaroon ng pakialam sa mga nangyayari sa paligid niya.
"There was once a girl trapped in the stock room. Ni-locked ito ng ilang bata habang nasa loob siya. It was supposed to be just for fun. We were kids, we love to fool around and do stupid things. But that girl happens to be claustrophobic. Hindi siya nakahinga sa loob ng stock room."
I heard Ashton cursed beside me. "And that girl happens to be you?" he almost exclaimed.
Pilit akong ngumiti at nagpatuloy. "Nasa labas kayo noon para sa graduation practice. Nearly no one noticed about the incident except for the school guard who happens to be searching for something in the stock room. Nalaman ng parents ko ang nangyari. Doon din nila nalaman ang sitwasyon ko sa school. I was hospitalized for two weeks. Hindi ako naka attend ng graduation." I smiled. "I was the girl missing in the graduation march."
"Were you— I mean how did you— shit." Naihilamos ni Ashton ang mga kamay sa mukha niya. "I'm sorry— hindi na dapat kita tinanong."
I shake my head. "It's okay. Kasi kung hindi nangyari yon hindi ko mare-realize ang madaming bagay. I was so sick from the trauma I got from the incident. My health dropped in a dangerously low level. I thought hindi na ako babalik sa dati. But after a month nakarecover ako. It was a very painful process. Doon ko narealize kung gaano kalaki ang nagbago sa akin— I was not the overweight kid anymore."
Napangiti ako habang nakatingin sa palubog na araw sa hindi kalayuan.
"Noong pumasok ako the next school year as a high school freshmen madami na ang nagbago. Some people in Jefferson High still avoided me— not because of the old reason but because they are guilty. I knew they didn't mean to get me on that serious situation."
"Nagbago ang environment na ginagalawan natin. Madami ang nadagdag at madami din ang umalis. Everyone almost forgot the grade school days. Naging tahimik ang buhay ko. Lumipat ang pamilya ni Mindy dito at nagkaroon ako ng kaibigan. Everything went well at akala ko hangang makagraduate na tayo nito." napapaused ako. "Pero dumating ka—"
Napansin ko kung gaano natigilan si Ashton sa sinabi ko. Pain crossed his eyes for a millisecond. "W-What do you mean?"
I pat his shoulders with a slight laugh.
"Don't worry. What I mean is— you made me realized a lot of things. I grew up being suspicious of everyone else's motives when it comes to me. Nahihirapan akong magtiwala and I excluded myself from anything that might cause me the same harm again. But you—" tinuro ko siya with a smile.
"You made me face my fear of being noticed. Kung ano anong kapahamakan ang dinulot mo sa akin. You don't even have an idea how scared I am. But guess what?"
Nagtaka si Ashton nang mag lean ako sa direction niya. Ako habang nakaupo sa swing at siya habang nakaupo sa harap ko. I smiled at him brightly.
"Being with you made me realized I'm finally healed. I'm okay, and not just the shallow okay but the really deep okay. At yong takot ko sa mga taong gaya mo? Nawala na dahil sa pagsama ko sayo. I think this is not bad after all— to be with the jerk— the jerk who also happens to be a ghost."
***
Author's Note:
Thank you so much sa lahat ng readers ng TJIAG. Medyo iba siya sa mga stories na kadalasan ay sinusulat ko but you still supported it. I appreciate every comments and messages about the story.
See you on the next update!
@april_avery
Official twitter hashtag: #TJIAG
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro