Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

The Jerk: Twelve



Twelve,

Pinagmasdan ko ang seryosong mukha ni Ashton. How can I be so sure? Tinatanong niya ba talaga yun? Of course I'm sure.

"Come on, Ashton." Nagsisimula na akong mainis sa usapan na ito. "He is Micko De Lara, one of your friends, one of the most popular people in this place. Why would he want me?"

"Why wouldn't he?" balik tanong niya sa akin.

I opened my mouth to say something pero natigil ito nang magsink in sa akin ang sinabi niya.

"You're smart, you're pretty, you're funny, and you never care what other people think. You're a total package. Himala ba na may magka gusto sayo?"

Tuluyan na akong hindi nakapag salita. Nakatayo nalang ako sa harap ni Ashton na hindi makapaniwala sa mga narinig.

Bigla siyang napamura ng mahina. "Ang ibig kong sabihin. Hindi impossible na magkagusto si Micko sayo."

I stared at him suspiciously. Something in his action is bothering me. "May alam ka ba tungkol dito?"

Biglang naging blangko ang mukha ni Ashton. Para bang hindi niya inaasahan ang tanong ko.

"Ashton." I demanded.

Bumuntong hininga siya. "Delia, masekreto si Micko sa mga bagay na tulad nito. Pero alam ko kung kailan siya seryoso."

Bigla akong nanghina sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ito ang gusto kong marining.

"Halika, may ipapakita ako sayo."

Hinila ni Ashton ang kamay ko. I nearly flinched with his touch. His hands felt strange with mine. Like touching solid ice using fire.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hangang sa marating namin ang classroom ng kabilang section. Hindi ko alam kung anong gagawin namin doon. Hindi binitawan ni Ashton ang wrist ko kahit ano pang hila ang gawin ko.

"Ashton, ano bang ginagawa natin dito?" tanong ko nang makapasok kami sa loob. Anytime soon magbabalikan na ang mga students sa section na ito galing sa cafeteria. Ano bang gusto niyang ipakita?

Pumunta siya sa isang upuan habang hawak parin ako. Napipikon na talaga ako sa kanya. Binitawan niya lamang ang wrist ko nang kunin niya ang isang pulang bag pack mula sa silya. I stood there frozen in place nang marealize kung kanino yun.

"What are you doing? Nanakawan ba natin siya?" nagpapanic na bulong ko.

Napatingin ako sa pinto ng classroom habang binubuksan ni Ashton ang bag. I hope walang makakita sa amin. Jesus. Pagharap ko kay Ashton bigla niyang pinitik ang noo ko.

"Ibang klase ka din mag isip, ano?" tila natatawang sabi niya. Pero hindi ko makita ang sayang yun sa mga mata niya.

Ashton suddenly held the bag upside down. Mula sa nakabukas na zipper, isa isang nahulog ang mga laman nun sa mesa. Pictures. A lot of pictures. All stolen shots. OF ME.

"Bumisita ako kina Micko kaninang umaga bago siya pumasok. Nakita kong inaayos niya ang mga ito."

Halos hindi ko na narinig ang sinabi ni Ashton. The only thing existing for me now is this. Hindi makapaniwalang tiningnan ko ang mga litrato sa mesa. Inisa isa ko yun sa pagbabakasaling nagkataon lang ang lahat.

Pero hindi eh. Ako ito. Mukha ko ang mga ito!

Kinuha ko ang isang picture kung saan nakaupo ako sa sidewalk at naghihintay ng sundo sa harap ng school. Meron ding isa na nagbabasa ako habang nakaupo sa cafeteria, may picture din ako sa hallway habang naglalakad kasama si Mindy, picture noong nakaraang intramurals at nanonood ako sa bleachers. Pinagmasdan ko ang isang picture, at ang isa, at ang isa pa.

"NO." tila wala sa sarili na sabi ko. "This can't be happening."

Pakiramdam ko sumasakit ang ulo ko. There are even pictures of me during the sophomore declamation kung saan yun ang naging una at huling beses kong sumali sa isang contest. That was two years ago.

Nabitawan ko ang mga litrato na hawak ko. "Impossible."

"Ang alin, Delia?" Ashton suddenly asked. "Impossibleng magka gusto si Micko sayo? Ganun na ba kababa ang tingin mo sa sarili mo?"

I can't help but feel wounded. "Hindi sa ganun." How can he be so damn stupid?

"Then what?" Ashton asked in a serious tone. I can feel this conversation becoming pointless.

Ashton tried to calm his voice. "Delia, maging ako hindi ko alam ang tungkol dito. Hindi pala kwento si Micko sa mga ganitong bagay."

Bumuntong hininga si Ashton. "But, Delia, there are thousands of guys who could and will fall in love with you. Believe me."

I just stared at Ashton. Balak ko sanang sumagot nang biglang may pumasok sa loob ng classroom. Mabilis akong napalingon sa pintuan. Na sana hindi ko nalang ginagawa.

"Delia?"

Micko is now staring at me with worried questioning eyes. Napatingin siya sa mga pictures na nagkalat sa mesa and then sa akin. Para siyang isang bata na nahuling nagtatago ng candy.

Napalunok ako. "M-Micko."



















Mabilis na pinuntahan ni Micko ang mga pictures na nagkalat sa mesa at sahig. Pinulot niya ang mga ito at isa isang nilagay sa bag habang ako naman ay nakatayo lang doon at hindi alam ang gagawin.

"Ah, ano—" Micko started habang busy parin sa ginagawa. "Ano kasi—" he stuttered. Mukhang hindi niya alam ang sasabihin.

Nagsimula akong tulungan siya. This is really awkward.

"Pasensya na, Delia. Sa ganitong paraan mo pa nalaman. Sasabihin ko naman talaga sayo, eh." Bumuntong hininga siya at tuluyang humarap sa akin. "Pero bigla mo lang akong iniwan sa cafeteria."

Bigla akong na-guilty sa sinabi niya. Kanina lang halos magalit ako sa kanya at layuan siya. But now he seems like an embarassed and lost kid. He almost looks like blushing at hindi alam ang gagawin. Lumingon ako kay Ashton pero wala na siya sa pwesto niya sa table. Nagpalinga linga ako sa kwarto. Wala na siya dito.

"Pasensya na talaga." Pilit ngumiti si Micko. "I know I might creep you out. Yun kasi ang nasa isip ko kaya ayokong ituloy ito."

Nilagay niya ang huling picture sa bag. That picture was taken just last week. Noong nakikipag usap ako sa homeroom teacher namin sa tapat ng faculty room. How can he even take those pictures? Ni hindi ko alam na nandoon siya.

"Pero bakit?" tanong ko. "Bakit— Bakit ngayon pa?"

Nabigla siya sa sinabi ko. Pakiramdam ko wala na yung Micko na kinatatakutan namin ni Mindy. Naglaho na siya. Yung Micko na nasa harap ko. Pakiramdam ko mas familiar na siya sa akin.

Napakamot ng ulo si Micko. "Hindi ko din alam." he answered. "Siguro dahil nakakapagod magkunwari." He dug his hands deep in his pockets. "Noong nakita kita sa Hospital two days ago that was my very first close encounter with you after three years. Hindi ako makapaniwala na nasa harap kita." Bigla siyang natawa ng mababaw. "Pero dahil nandoon si Reese at Ashton, ang comatose na si Ashton, pakiramdam ko hindi dapat kita kausapin."

"Why?" tanong ko kahit pa alam ko na ang sagot.

Micko smiled slightly. "Dahil wala silang alam sa lahat ng ito. Wala silang alam na gusto kita."

"Kailan pa?" wala sa sariling tanong ko. I already stopped functioning a while ago. Ang katawan ko nalang mismo ang gumagawa ng paraan para malaman ang lahat.

"Since sophomore. Noong bagong lipat ako dito. Hindi mo ba natatandaan— Ikaw ang naging tour guide ko."

Hindi ako nakapagsalita. Noong transferee si Micko sa Jefferson High ako ang naging tour guide niya sa school for the first week. Nagkataon kasi na ako ang nasa Faculty room noong umagang yun kung kailan unang araw niya sa klase.

Pero matagal ko ng binaon yun sa limot. Dahil matapos ang unang lingo niya sa Jefferson High at nalaman niyang doon nag aaral si Ashton na naging kaibigan niya sa isang sports camp kada summer naging kabilang siya sa mga sikat. At pareho kaming hindi na nag exist sa isa't isa.

He became Ashton's best bud. He became the team captain of the basketball team. He became popular and all in a spun of a year. And I remain the same. So why would he want to keep me? In the back of my mind though iniisip ko parin na baka dahil hindi kami pinagti-tripan ng grupo nila for the past few years ay dahil doon. Kahit paano natatandaan niya ako bilang naging unang kaibigan niya sa Jefferson High.

"Nalaman ko ang takbo dito sa school niyo. Nahahati ang lahat sa grupo. Kaya nahirapan akong kausapin ka ulit. Ayoko kasing magulo ka dahil sa akin."

"You're doing it now." I almost whispered.

"Alam ko." sagot niya. "Dahil sa aksidente nagulo ang balanse dito sa school." Natawa siya na para bang hindi makapaniwala na sinasabi niya yun.

"Ngayong hindi na kami katulad ng dati. Ngayong wala ng pakialam sa amin ang mga tao. Nagkalakas ako ng loob na sabihin ito sayo. Delia, I like you. I like you since sophomore year."

I starred at him and his hopeful eyes. Napalingon ako sa direction kung nasaan si Ashton kanina pero hindi na talaga siya bumalik. Damn him.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro