The Jerk: Sixteen
Sixteen,
"If we're falling apart, I will fight for your heart. I can be your shield. I will fight on the field. Baby when our life gets colder I’ll be your soldier."
Hindi ako nakapagsalita. Pinagmasdan ko lang si Ashton Montecillo habang nakatayo siya sa harap ko. Hindi ko alam ang sasabihin. Madami ang pumasok sa isip ko pero lahat ng yon ay hindi ko kayang sabihin.
“Why?” halos naluluha na tanong ko. “Why are you like this?” It all comes down to this moment. Ang wala na akong magawa kundi magalit sa kanya.
“Delia, I wouldn’t want to go back anyway. Wala na akong babalikan.”
Gusto kong matawa sa sinabi niya. “Ashton, hindi mo ba nakikita?” Hindi ko mapigilang magtaas ng boses. “Madami ang naghihintay sayo para makabalik. Ang mga kaibigan mo, si Micko, si Reese, ang Dad mo, ang nag alaga sayo. Hindi ka ba naaawa sa kanila? You are being selfish.”
“Delia—“
“Lagi kang ganyan, mula noong mga bata pa tayo. When things gets complicated you escape. You avoid serious situations specially when there is emotions attached to it. Hindi mo gustong umaasa. Kaya hindi pa nagsisimula, sinasabi mo na sumuko na. Kahit pa sa totoo lang ikaw mismo umaasa.”
Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy ako.
“Ikaw dapat ang Team Captain ng Basketball Team, hindi ba? But you avoid the responsibility. Dahil pakiramdam mo kapag ikaw ang naghandle, wala kayong mapapala. You are afraid to be a failure. Hindi mo gustong may umaasang ibang tao sayo dahil ayaw mo silang ma-disappoint. So you messed things up thinking na kapag lagi kang nagkakamali sa mata ng iba, hindi na nila makikita ang totoong takot mo.”
“It’s not that.”
Napatayo ako. Pakiramdam ko ayoko muna siyang makausap sa ngayon. Siguro bukas kapag okay na siya. Kapag hindi na ganyan ang mga sasabihin niya. Hindi siya ang kilala kong Ashton. Ang kilala ko, hindi man niya sineseryo ang mga bagay bagay, alam kong hindi siya basta susuko dahil lang sa hindi niya gustong umasa sa wala.
“Delia, my Dad is deciding to cut my life support.”
Tumigil ako sa tangkang paglabas sa kwarto. Muli akong humarap kay Ashton. Para bang pagod na pagod na siya. “Alam ko, Ashton.” I can’t help but noticed how my voice cracked. “Kaya nga mas kailangan mong ipakita na kaya mo pa. Don’t let them decide for you, please.”
Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. Funny, of all people, I’m crying in front of Ashton Montecillo. Para akong bata. Mabilis kong pinahid ang mga luha ko. “Naisip mo ba kung anong mararamdaman ko kapag sumuko ka? Ayokong ako ang maging huling taong makakakita sayo. I want you to go back to your life so I can go back to my own. Kapag natapos ang lahat ng ito, doon lang ako makakabalik sa dati. I don’t want to fail on this. I don’t want to fail on you.”
Napangiti nang tuluyan si Ashton. It was a strange smile, it was gently, but sad at the same time. Lumapit siya sa akin and niyakap niya ako. Mahigpit ang yakap niya, ramdam ko yon sa mga braso niyang nakabalot sa akin. I feel so small next to him. But what broke me is— I don’t hear any heartbeat. There is nothing in his chest that reminds me of a normal hug, the normal beating of the heart.
“Why are you like this?” tila natatawang tanong niya habang nakayakap parin sa akin. “Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sayo. Why do you exert effort for people like me, Delia?”
Hindi ako sumagot.
“You’re too naïve, too kind for your own good.” he almost whisper on top of my head. “Para kang laging may purpose sa buhay. Laging may kailangang tulungan. You are also a cry baby, a scare cat. Sa dinami dami ng tao, bakit ikaw pa?”
Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng sinabi niya. “Nagrereklamo ka ba?” tanong ko sabay punas ng luha.
Natatawa siyang umalis mula sa pagkakayakap sa akin at tiningnan ako, there is still this gently smile in his face. “It’s the other way around.”
Hindi ko nalang masyadong pinansin ang sinabi. How can he tease me in this kind of situation? I straighten up at pinakalma ang sarili. Mukha akong tanga kapag umi-iyak ako.
“Ashton, just promise me one thing.”
“Delia, I don’t want to keep a promise.”
Nagpatuloy ako na para bang hindi siya narinig. “Promised me na makikita kita isang araw sa cafeteria, kasama ang mga kaibigan mo, habang masaya kayong nagku-kwentuhan.”
Natigilan siya at tiningnan ako na para bang na-amused sa sinabi ko. “That’s too specific. Isa pa gusto kong ikaw ang—”
“Promised me.” pagpupumilit ko. “Yon ang sign na bumalik na sa dati ang lahat. Na balanse na ulit ang school. Na nandoon ka na and things will go back to normal.”
“I don’t think things will go back to normal, Delia.” he insisted.
Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto kung nasaan kami. Pareho kaming nagulat dahil doon. Humarap si Ashton dito na nakakunot ang noo. Samantalang ako halos mapasigaw sa gulat.
“Hija, nandito ka lang pala.”
Humarap ako sa matandang tagapag alaga ni Ashton. Nagtataka itong napatingin sa towel na nakalagay sa upuan saka bumalik ang tingin sa akin. Hindi niya alam na nandito lang si Ashton sa kwarto kasama namin.
“Nagpatuyo ka pala.” nakangiting sabi nito.
Halos manlaki ang mga mata ko sa narealized. I look like a nosy visitor na kumukuha ng mga gamit nang hindi nagpapaalam. Napatingin ako kay Ashton na nakalean sa pader at ngingiti ngiti na para bang alam ang ini-isip ko. Wow thank you sa support.
Nagsorry ako ng ilang beses sa ginawa ko pero mukhang hindi naman yon alintana ng matandang babae. Niyaya niya akong mag dinner pero alam kong kailangan ko ng umuwi dahil baka hinahanap na ako.
Nang nasa harap na ako ng main door ng mansion, humarap ako kay Ashton na nakatayo sa tabi ko. “Keep your promise.”
Tiningnan niya lang ako. Hindi siya sumagot. Alam kong mahirap ang hinihingi ko sa kanya. Hindi namin alam kung anong pwedeng mangyari sa mga susunod na araw. Pero kailangan ko ng mapanghahawakan. We both need a little assurance. Dahil alam naming hindi magiging madali ang lahat.
A S H T O N
Pinagmasdan ko si Delia na paalis ng mansion. Hindi ko maiwasan na bumuntong hininga. Gusto kong lumaban. Para lang mapasaya siya. Pero hindi ko alam kung gugustuhin ko pang bumalik matapos ang mga nalaman ko. Kung ganun lang sana kadali.
D E L I A
“Ashton made a response yesterday.”
Tumigil ako sa pagsubo at napatingin kay Micko. Ganun din si Mindy na kumakain sa tabi ko. “Really?” hindi maiwasan na tanong ko.
He shrugged and smiled. “Noong nandoon sila Reese kahapon, sinabi niya na nagrespond si Ashton. Naingayan siguro sa kanila. It’s not much though. Just a tweak of a finger.”
Hindi ko mapigilan na mapangiti sa sinabi niya. “That good.” Ginagawa ni Ashton ang pangako niya. “Kaya pala masaya sila ngayon.” Napatingin ako sa table sa gitna kung saan nagku-kwentuhan ang mga kaibigan ni Micko.
“Nakakatawa nga eh. Sa sobrang gulat nila halos magpanic sila kahapon sa Hospital at paalisin sa kwarto ni Ashton.” natatawang sabi niya.
See that, Ashton. Madaming naghihintay sayo. “Natutuwa ako para sa inyo.” I said sincerely. Ngayon ko lang narealized na may puso naman pala kahit paano ang mga kaibigan niya.
“Buong akala talaga namin hindi na kami makakakuha ng kahit anong sign na babalik siya.”
Tumigil ako sa pagkain at humarap kay Micko. “What do you mean?” si Mindy ang nagtanong.
Tila naman natauhan si Micko sa nasabi niya. “Ah, wala yon.” sagot niya na para bang hindi siya comfortable na pag usapan ito.
Mindy pouted. “Sinabi mo na eh. Para naman kaming others.” Ginamit niya ang best friendly smile niya kahit pa alam kong hangang ngayon ayaw niya paring sumasabay sa amin si Micko.
Napakamot lang ng ulo si Micko. “Lagi kasi kaming natatakot sa pwedeng mangyari sa kanya.” Bumuntong hininga ito. “Every now and then he will get into serious trouble. And we will be there trying to fix things up bago pa makarating sa Papa niya.”
Micko let a sad smile. “I don’t exactly know why. But it seems like Ashton is trying to prove something. Sa buong pagkakataon na nakasama ko siya lagi nalang siyang may gustong gawin na kung hindi makakasama ay papatay sa kanya.”
Tuluyan na akong nawalan ng gana sa pagkain. Trying to prove something.
“At nangyari nga ang aksidente.” Natawa si Micko ng mababaw. “That asshole. Ini-isip tuloy namin kung ginusto niya ito.”
Tuluyan na akong hindi nakapagsalita. No. It’s impossible. Ashton wouldn’t want such thing to happen. He is more than that. Right?
***
Song for the chapter: Soldier by Before You Exit
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro