Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

The Jerk: Seven

Seven,

Bandang three o'clock ng hapon umalis kami sa Hospital ni Mindy. Kinailangan namin yun dahil sabi ng nurse babalik si Mr. Montecillo, ang Papa niya, ng ganung oras. Dumaan kami sa isang fast food chain bago umuwi ayun na din sa request ni Mindy. Dahil daw sa akin nag fasting siya ng hindi oras.

Pero wala akong ganang kumain. Lagi kong naalala ang mukha ni Ashton na payapang natutulog at yung mga sinabi ng nurse. Walang kasiguraduhan na magigising siya. It could take days, months, years, or never.

Meron daw yung mga situation na more than five years under coma at saka lang sila nagising. Pero meron din yung mga kamag anak na wala pang ilang lingo sumuko na at pinaputol na ang life support.

I wonder, if that happens to any member of my family makakayanan ko kaya? Ang maghintay kahit alam kong maaring walang patutunguhan? Ang putulin ang natatanging bagay na nagbibigay sayo ng pag asa. That is really a heavy decision.

"Hindi mo ba kakainin yang fries mo? Pwedeng akin nalang?" tumango ako kay Mindy. Kinuha niya ang plate ko at nagpatuloy sa pagkain.

"Mindy sa tingin ko magkakamalay din si Ashton." wala sa sarili na sabi ko.

"Talaga?" tanong niya na naka focus parin sa pagkain.

"Ang sabi kasi ng nurse hindi ba? Mas mapapabilis ang pagising ng taong nasa comatose kung laging kinakausap at may kasama."

"Ngayon?" Mindy said.

"Wala lang. Naisip ko laging may kasama si Ashton, madami siyang kaibigan, madaming taong nagmamahal sa kanya. So there's a high chance na mabuhay siya."

"Pft." sabi ni Mindy.

Kumunot ang noo ko. "Why?"

She shoke her head. "Nothing. It's just that hindi lahat ng classmates mo ay kaibigan mo. Madalas nakikisama ka lang dahil yun ang dapat. You get my point?"

I slowly nodded.

"Madami nga ang bumibisita sa kanya but are they real friends or not? Who knows? Maybe some of them are wishing the opposite of those cards."

Nang matapos kaming kumain, or should I say, matapos si Mindy na kumain, dumerecho agad kami pauwi. Kanina pa kasi nag t-text si Dad kung nasaan kami. Dumaan kasi sila sa Mall na dinahilan ko at doon kumain ng lunch. Sumabay na daw kami. Ang hindi nila alam nasa kabilang part kami ng bayan.

Habang nag d-drive pauwi, biglang nagtanong si Mindy. "Hey, Deels. Naalala ko lang, may sinabi ka kanina. Yung tinanong mo sa nurse?"

I glanced at her from the corners of my eyes. Ako parin kasi ang nag d-drive. Mindy is uh, a very agressive driver so kapag magkasama kami ako lagi ang dapat nasa manibela. "What? Yung tungkol sa pagising ng comatose?" tanong ko.

"No. The other one. Yung tumawa yung nurse." sagot niya. "Tungkol ata yun sa kung nagiging multo ba ang isang naka comatose?"

Natigilan ako pero pilit na hindi pinahalata ito. "Yep? Bakit yun?" casual na tanong ko.

"Bakit mo natanong yun?" she said habang nakatingin sa daan gaya ko.

I pursed my lips uncomfortably before answering. "Wala lang." sagot ko. "Curious lang ako."

She nodded. Hindi na siya muling nagtanong pa. I really wanted to tell Mindy. But thinking about it now in broad daylight pakiramdam ko nga isang nightmare lang ang nangyari. I'm not really that sure anymore if it really happened in the first place.

Hininto ko ang sasakyan sa harap ng bahay. Binuksan ko ang pintuan at nang nasa labas na ako, Mindy took my position in the driver's seat.

"Ngayon alam mo na kung ano talaga ang kalagayan niya." sabi niya na tinutukoy si Ashton. "Siguro naman maniniwala ka na. Hindi pa siya patay."

Tumango ako at pilit ngumiti. "Yeah. Matatahimik na ako dahil dyan. Ingat sa paguwi." sabi ko while she turned the ignition on.

Kumaway siya bago itinaas ang bintana ng kotse at pinaharurot ang sasakyan paalis. Naiwan ako sa gilid ng daan at napabuntong hininga. Why did I have this strange feeling that this is not the end yet?













Pumasok ako sa bahay at narealized na hindi pa dumadating sila Mama. Mukhang nag enjoy sila sa Mall. Hindi naman kaya nag bonding sila kasama si Daniel? Kung ganun I miss another a family day.

Pumunta ako sa kusina at kumuha ng milk drink. Narealize ko hindi pa pala ako kumakain. Lumabas ako at umakyat sa second floor. Ang tahimik naman. Napatingin ako sa orasan. Mag four na ng hapon. Ano mang oras darating na sila Mama.

Hawak ang carton ng milk drink, binuksan ko ang pinto ng kwarto ko. Balak ko sanang magbihis agad pagkarating ko doon dahil kating kati na ako sa suot kong dress nang biglang nabitawan ko ang carton na hawak ko. Nabuhos ang laman nun sa floor.

My eyes widen in horror as I stared at the guy sitting in my bed. Nakatingin siya sa picture frame sa bedside table ko kaya naman nakatalikod siya sa akin. Pero kahit hindi siya lumingon alam na alam ko kung sino siya. I started to open my mouth to let an ear splitting scream nang napatingin siya sa akin.

"Mabuti naman dumating ka pa."

"Oh my god." I whimpered. Kinakausap niya ba ako? I was so shocked that my heart suddenly stops functioning. Nasa harap ko si Ashton Montecillo! Gusto kong sumigaw pero mukhang pati throat ko tumigil na sa pag function. Nag flashed ang image ng Ashton na nasa Hospital habang nakatitig ako sa Ashton na nasa harap ko. Hindi maari ito.

"Sino ka? Anong ginagawa mo dito?" I exclaimed. I backed away in the direction of the door as far from him as possible. "Hindi pwedeng ikaw si Ashton Montecillo. Comatose si Ashton Montecillo!"

Bigla siyang natigilan sa sinabi ko. Tiningnan niya ako nang hindi makapaniwala. "Anong sinabi mo?" he demanded. His face is fear stricken.

"C-Comatose si Ashton. Nakita ko mismo ng dalawang mata ko. Kaya kung sino ka man—"

"Fuck!" Natigilan ako dahil sa sigaw niya. "I knew it!"

Nagtatakang tinignan ko siya. Ano bang pinagsasabi niya? "Kaya ba ikaw lang ang nakakakita sa akin? Kaya ba nagagawa ko ang mga bagay na yun?"

Naituro ko ang sarili ko. "Ako lang ang nakakita sayo?"

Bigla siyang tumayo. "Kailangan kong puntahan ang katawan ko. Nasaan ako naka confined?"

"Sa Montoya Medical Center." wala sa sarili na sagot ko. Wait a minute. Ibig sabihin hindi niya alam ang nangyari sa kanya?

"Sandali, wala ka bang naaalala sa mga nangyari? Ang drag race, ang aksidente—" Halos mawalan ako ng balanse nang bigla niya akong hinila.

"Sumama ka sa akin. Pupuntahan natin ang katawan ko."

May sinasabi siya pero hindi ko masyadong maintindihan. Naka focus ako sa mga kamay niyang hawak ang wrist ko. Nanlaki ang mga mata ko. Nahahawakan niya ako. Paanong nangyari yun?

Pinagmasdan ko kung paano siya tumagos sa pader samantalang halos tumama ang mukha ko doon.

"Sandali naman!" asik ko. "Kailangan kong dumaan sa tamang daanan. Isa pa, bakit hindi ka nalang lumipad or something."

Tiningnan niya ako nang nakakunot ang noo. "Kung kaya kong gawin yun sa tingin mo nandito pa ako?"

"Hindi mo kaya? Pero bakit sa TV ang mga multo pwedeng—"

"Tigil tigilan mo nga ako sa kakokompara mo." iritableng utos niya. Nai-inis din pala ang mga multo.

Nang makarating kami sa labas naalala ko ang isang bagay. Wala akong pwedeng masakyan. Dala nila Mama ang family car at kauuwi lang ni Mindy sa bahay nila.

Lumingon sa akin si Ashton nang huminto ako. "Ano?"

"Wala akong sasakyan eh."

Mas lalong naging irritable ang mukha niya. "Gamitin mo ang sasakyan ko."

"What?"

He runs his fingers through his hair in frustration. "Kilala ko ang kalyeng ito. Malapit ito sa bahay namin. Kunin mo ang sasakyan ko sa garahe namin."

Tiningnan ko siya na para bang nababaliw na siya. Oh wait. Nababaliw na nga siya. Ano yun? Gusto niya akong magnakaw?

"Hey, wait up."

Tuluyan kong hinila ang kamay ko mula sa kanya. First time kong makipag usap kay Ashton Montecillo. I didn't even imagine that I can be this close to him noong nabubuhay pa siya. Pero hindi ibig sabihin nito ay gagawin ko na ang lahat ng gusto niya!

"Gusto mo akong magnakaw sa bahay niyo?"

He rolled his eyes in a manly way. Kinatok niya ang ulo ko. "Sinabi kong nakawin mo? Sabi ko hiramin mo lang."

"Pero paano ko gagawin yun? Sa tingin mo ba ganun lang kadaling makapasok sa bahay ng isang mayor?"

Ini-isip ko palang napapa winced na ako. Ang dumaan nga lang doon kapag ordinaryong araw na-alibadbaran na ako sa dami ng guards na nakapaligid. Baka makulong ako nito.

Ngumisi si Ashton sa akin. "Ako ang bahala." he insisted.

Tiningnan ko siya at ang ngisi sa labi niya. It was like seing your fave celebrity in person. Now I know why those girls keep falling for his looks. Ashton is definitely a good-looking piece of jerk.







"Sigurado ka ba dito?" tanong ko kay Ashton.

Nasa harap kami ng gate ng mga Montecillo. Isang malaki, mataas, at kulay itim na gate na gawa sa makakapal na bakal na tanging sa high end na kulungan ko lang nakikita. In short, mapapahamak talaga ako dito. I just knew it.

"Sundin mo lang ang sinasabi ko." confident na sabi niya habang nasa tabi ko.

Hindi ako humaharap sa kanya habang nakikipag usap. Hindi ko din masyadong pinapahalata na nagsasalita ako. Sabihin na nating hindi ko gustong maulit ang nangyari sa park na dinaanan namin kanina kung saan pinagtinginan nila ako sa pagaakalang nakikipag usap ako sa sarili ko.

"Pwede naman akong mag commute." napatingin ako sa mga surveillance camera sa bawat sulok ng gate. "Mabuti pa bumalik na tayo. Okay lang sa akin ang mag commute."

"Sa akin hindi." sagot nito. "Kaya pindutin mo na ang doorbell."

Napansin ko ang unti unting paglapit sa akin ng mga taong naka business suit na nasa loob ng mansion nila Ashton. May dala ang isa kanila na K9 dog.

"Ano na?" impatient na tanong ni Ashton. Bakit ba ako napunta sa sitwasyon na ito? Ang gusto ko lang naman ay magpahinga sa bahay at ituloy ang binabasa kong libro.

"Pero—"

"Kung hindi mo gusto ako na ang gagawa. Napaka bagal."

Mabilis akong lumingon kay Ashton. So anong ibig niyang sabihin? Kung makapag utos siya akala mo may sweldo—

"Miss, may kailangan ka?"

Natigilan ako nang marinig ang monotone na boses ng isang personal guard. Siya yung may dalang aso. Tiningnan ako ng masama ng aso na para bang alam ang masamang binabalak ko.

"Ah ano po—" Napansin kong biglang hinawakan ng matangkad na guard ang earpiece sa tenga niya. Nire-report niya na ba ako? Wala pa akong ginagawa ah!

"Gusto ko sanang—"

Nagpapanic na napatingin ako kay Ashton. He smiled and whispered in my ear. Napanganga ako sa sinabi niya. Whoa! That is so below the belt. Wala na ito sa usapan.

"Ano, Miss?"

"Ah, ano..."

Cold sweat trickled on my palms. Anong gagawin ko? Hindi ko pwedeng sabihin yun. I glanced desperately at Ashton. He just raised his eyebrows as if what he said is the most obvious thing to answer.

"Miss, may kailangan ka ba talaga o—"

"Gusto ko lang bawiin ang sasakyan ko from Ashton."

The guard raised his eyebrow above his dark shades. A slight mocking smile flashed across his lips.

"Sasakyan mo?"

I tried to sound sophisticated. "Yes. Yung ginamit ni Ashton last week noong natulog siya sa condo ko."

Naging seryoso ang mukha ng guard. Oh my god. I can't believe I just said that. Ground, please open up and swallow me. I'm begging you.

"Isa ka ba sa bababe niya? Akala ko ba ang anak ng chairman ng school ang girlfriend niya?"

"I'm his other girlfriend."

Crap. Papatayin ako ni Reese kapag nalaman niya ito. I swear gusto ko ng tumakbo paalis sa gate. Ano nalang ang sasabihin nila Mama kapag nalaman nila ang tungkol dito?

"Kung ganun pasok na." tila amused na sabi ng guard.

Sinenyasan niya ang dalawa pang guard sa guard house para buksan ang authomatic na gate. Ashton winked at me on the way inside. Walang hiya siya. Matapos lang ang lahat ng ito. Pinapangako kong babawi ako sa ginawa niya.

"Hwag ka lang magtatagal, Miss." pahabol ng guard. "Yung blue na civic ang tinutukoy mo hindi ba? Siguro naman may susi ka?"

"I have my spare key." sagot ko. Hindi ko nagawang lumingon dahil sa matinding kahihiyan. Nang makalayo na kami sa ilan pang guards na naka stand by sa palibot ng mansion, humarap ako kay Ashton.

"Great. Akong bahala pala, ah." I said mockingly.

"Tss. Ano bang problema? Nakapasok na tayo."

"Yes. Thanks to you and your god forsaken reason."

"Normal lang yun. Ano ba ang ikinagagalit mo?"

"In your world it's normal, not mine." Sinamaan ko siya ng tingin bago muling bumalik sa paglalakad.

Bumuntong hininga ako. Tama ang obserbasyon namin ni Mindy. Hindi kailanman magkakasundo ang mundo namin at ng mga tulad ni Ashton. Kung mangyari man, sa rare situations lang gaya nito, kung saan multo siya at ako ang napiling niyang pagtripan. Nakarating kami sa garahe at nakita ko ang may pitong sasakyan na nandoon. Wow. I never thought na ganito kadami ang sasakyan ni Ashton.

Humarap ako kay Ashton na biglang tumahimik sa likod ko. "Now what?"

He shrugged. Pumunta siya sa isang electrical box sa pader kung saan nakakonekta ang ilang wire. Binuksan niya ito at may kinuha. Isang susi.

"Nice hiding place." I muttered.

"Gamitin mo ang civic." inihagis niya sa akin ang susi at muntik ko na itong hindi nasalo.

"Bakit mo nahahawakan ang mga gamit? Akala ko ba multo ka?" tanong ko habang pinagmamasdan ang susi sa kamay ko. Malamig ito.

He rolled his eyes. "Hindi ako multo." he said as if I was the dumbest person in the world. "Hindi pa."

Pinagmasdan ko kung paano niya buksan ang pinto ng kotse. Sa mata ng ibang tao para lang automatic na bumukas ang pinto. Walang nakakakita o nakakarinig sa kanya maliban sa akin. Bakit ako? Ano bang kinalaman ko dito?

***

Author's Note:

First time magsama ng dalawa. The Nobody and the Mr. Popular turned ghost. Magkaka sundo kaya sila?

Thank you sa lahat ng nagbabasa ng story and for your amazing comments.

Stay awesome!
@april_avery

Official twitter hashtag: #TJIAG

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro