Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

The Jerk: One

One,

"Delia, kanina ka pa dyan. Hindi pa ba tayo aalis? Nagugutom na ako." reklamo ng kaibigan kong si Mindy habang nakarest ang chin sa palad at pinagmamasdan ako.

"Sandali nalang ito at hwag kang maingay. Baka paalisin na talaga tayo ng Librarian." sagot ko na hindi inaalis ang tingin sa librong nasa harap ko. Itinuro ko ang isang paragraph sa libro at dali daling isinulat ito sa notebook.

"Pero lunch time na. Kanina pa tapos ang vacant natin. Gutom na talaga ako." muling sabi nito. I placed my finger in my lips to hush her up. Kanina pa kasi kami sinisita ng librarian na si Mrs. Beth. Baka lalo kong hindi matapos itong research paper namin.

"God Delia, pwede naman kasi next week nalang natin ipasa. Okay lang sa akin kahit na C minus na ang grade na makuha—"

I cut her in mid-sentence with a grin. "Ayan. Tapos na." I announced. Pinagmasdan ko ang book review na ilang page din ang kapal. "See, konting scan lang ng libro at makakagawa tayo."

Tumaas ang kilay ni Mindy at napatingin sa gawa ko. "Great!" she half whispered half yelled. Kinuha niya ang mga librong nasa mesa, pinaglalagay yun sa pinakamalapit na shelf ng English literature kung saan namin nakuha, at hinila ako palabas ng Library.

"Sandali naman." sabi ko na nilagay ang mga gamit sa bag. Sinabit ko ang bag pack sa balikat ko. Nagpaalam kami kay Mrs. Beth bago lumabas ng Library.

"Kanina pa ako nagugutom." ulit ni Mindy for the nth time. "Hindi kaya ako nag breakfast. Geez alam mo naman kung paano magluto si Mama."

She shivered slightly. Natawa ako. Ang Mama kasi ni Mindy ay hindi mo masasabing pinaka ulirang ina. Mahilig ito sa fast food delivery or anything instant. Kung magluto man ito during rare occasions asahan mong hindi mo makakalimutan. I've been there and excuse me for the word but it was horrible.

Nakarating kami sa maingay na Cafeteria sa first floor. Gaya ng dati naka group ang mga students ng Jefferson High sa kanya kanya nilang table. Pumunta kami sa counter at nag order ng pagkain. I can hear a few loud laughs from the table in the center of the Cafeteria. Kung makatawa sila pakiramdam nila sa kanila ang lugar. Which is quite true.

Matapos kumuha ng pagkain at mabayaran, pumunta kami ni Mindy sa pinaka gilid na table malapit sa glass wall ng Cafeteria at doon umupo. Gilid or commonly called sidelines. Ito ang pwesto ng mga katulad namin. Yung tipong nag exist lang sa school. Halos walang nakakakilala. And that is fine.

"Ang ingay talaga nila. Akala mo naman sa kanila itong Cafeteria." reklamo ni Mindy. Kumagat siya sa club sandwich sabay irap sa mga taong nasa gitna.

Tahimik akong kumuha ng fries at tiningnan din sila. Dalawang table ang pinagsama kung saan ilang tao ang nakaupo doon. Karamihan sa kanila ay part ng iba't ibang sports team sa school or organization.

Tulad ni Micko, siya ang captain ng basketball team ng Jefferson High. Nandyan din si Caleb, ang goal keeper ng soccer team. Kasama niya ang girlfriend niyang si Veronica, ang captain ng cheer dance team, at si Reese, ang president ng drama club at girlfriend ng vice-captain ng basketball team na si Ashton. Nakapalibot sa kanila ang iba pang member ng mga team o grupo nila.

"Oh, wala ata ang isa sa kanila." puna ni Mindy na ngayon naman ay fruit salad ang kinakain.

I nodded mutely at uminom ng pineapple juice. Tama siya. Madali mong mapapansin kung wala ang isa sa kanila. Kilala sila ng lahat. Linibot ko ang tingin at narealize na wala ang isa sa pinaka kilala sa kanila. Si Ashton Montecillo.

"Baka hindi pa pumapasok." commented Mindy while eating. "Narinig ko madalas absent yun pag umaga. Hapon lang pumapasok. Ano kaya yun?"

Natawa ako ng bahagya. Si Mindy kasi noong freshman kami, matindi ang crush nun kay Ashton. As in paniwalang paniwala siya na napapansin siya nito. Tumagal ang pagka humaling niya doon hangang naging sophomore kami.

Kaya lang noon kumakalat na ang tsismis kung gaano kababaero si Ashton. Nagkakaroon ito ng girlfriend pero hindi lang isa, dalawa, o tatlo. Meron yung time na apat ang naging girlfriend niya mula sa iba't ibang school.

Doon narealize ni Mindy na walang kwenta ang taong hinahangaan niya. She hit the uncrush button right away bago pa mas lalong bumagsak ang self-confidence niya. But I highly doubt she really get over him one hundred percent.

My pakiramdam kasi ako na kaya bitter siya ngayon sa lalakeng yun ay dahil girlfriend niya ngayon ang babaeng pinaka ayaw niya sa buong mundo. Si Reese Dela Vega. And take note, mag isang taon na sila. That is really a major improvement when it comes to Ashton's attitude toward girls.

Nagpatuloy kami sa pagkain at hindi na pinansin ang tawanan nila. Si Micko ang may pinaka malakas na tawa. Kasunod ito ng mga member ng cheers squad. Halos patapos na kami sa pagkain nang sumigaw si Micko. "Oh, andyan na pala yung sleeping beauty natin." natatawang announced niya.

"Ulol." sagot ng lalakeng bagong dating.

Kapapasok lang nito sa school, halata naman sa ayos niya. Nakasabit ang back pack niyang halos walang laman sa balikat, nakapamulsa at nagkakamot ng batok sabay hikab. Almost all the girls in the Cafeteria eyed him dreamily, secretly wishing that they are Reese.

Tumayo si Reese mula sa pagkakaupo nito sa taas ng table, lumapit siya kay Ashton at humalik dito. Eww. "Hey, babe." bati niya sa lalake.

Sinabit niya ang kamay sa braso nito at sabay silang naglakad papunta sa table. Ngumiti ng malapad si Reese, breathing all the attention in. Alam niya kung gaano kadami ang mga tao, specially mga babae, na nakatingin kay Ashton and she always make sure na alam ng lahat na siya ang girlfriend.

"Perfect combination. A slut and a player." Mindy muttered.

Pinagmasdan ko sila ulit bago niniligpit ang pinag kainan namin. "Tara na." aya ko kay Mindy sabay tapon ng mga tira sa basurahan.

Tumango ito at ngayong busog na nakukuha niya ng ngumiti. "Oo nga pala, may chicka ako sa iyo, Delia." sabi niya nang makalabas kami sa maingay na Cafeteria at mapuntahan ang mga locker.

Binuksan ko ang locker ko, nilagay doon ang ilang libro mula sa bag ko, at pinalitan ng mga libro para sa mga panghapon na subjects namin. "Hmm? Tungkol nanaman ba ito sa lalake sa coffee shop?" tanong ko.

Mindy has a new found crush. At ito ay ang lalakeng nagt-trabaho sa isang coffee shop malapit sa school. "NO!" asik niya. "Iba ito, mas exciting." sabi niya.

Tumaas ang kilay ko. Akala ko wala ng mas exciting sa kanya maliban sa mga crush niya, celebrity man o totoong buhay. "At ano naman ang mas exciting pa sa mga lalake mo?" I asked teasingly.

She mock frowned before answering. "Mamayang hating gabi, may mangyayaring drag racing sa bagong gawang highway sa labas ng village."

"And why would that concern me?" tanong ko as I slammed my locker shut.

She rolled her eyes. "Dahil sabi ng pinsan kong si Timothy. Yung pinsan kong taga kabilang school?" I nodded in recognition.

"Jefferson High versus Saint Augustus daw ang maglalaban. Bali balita na yun sa school nila kahapon pa."

Natigil ako sa pagsara ng zipper ng bag pack ko. "Talaga?" tanong ko. I can almost feel a hint of uneasiness in my voice.

The two schools always have this ridiculous competition na nagsimula sa interschool sports event noong freshmen kami. But I didn't know they would go to such extent like drag racing. That is against the law.

"Kaya siguro kanina pa hinihintay ng mga bugok na yun si Ashton." tukoy niya sa grupo na nasa Cafeteria.

"Ang alam ko mga member ng basketball team ng dalawang school ang kasali." Mindy said while slamming her own locker shut matapos makuha ang kailangan

We walk back to our room. "This is going to be great. Sino kaya ang mananalo?" excited na tanong niya.

I tried to smile just to match her energy. Pero deep inside may masama akong pakiramdam sa mangyayari.

Little did I know that my instinct is already warning me about something. Ang dahilan kaya magbabago ang mundo ko sa mga susunod na araw.

***

Author's Note:

Hi! Thank you for giving this story a chance. I love to hear what you think about the story so far.

See you on the next chapter!
@april_avery

Official twitter hashtag: #TJIAG

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro