The Jerk: Nineteen
Nineteen,
Ilang linggo na ang lumipas mula noong narealize ko ang bagay na yon. That I'm falling for Ashton. Sa mga sumunod na lingo, wala akong ginusto kundi matapos na ang bagay na ito at para makabalik na siya sa katawan niya. I never intend on any of this to happen. I need him to get back to his life before I fall for him any harder.
Naging mas maayos ang kalagayan ni Ashton sa Hospital nitong mga nakaraang lingo. Naging regular na balita yon sa school. Everyone is quite hopeful na ano mang araw mula ngayon ay magigising na siya. His body is recovering from the head injury. Malaking pagbabago ito kompara sa unang sinabi ng Doctor na bumibigay na ang katawan niya.
I can also sense it. Hindi ko alam kung paano pero napapansin ko mas nagiging transparent si Ashton sa paningin ko. Para bang habang tumatagal unti unti siyang nawawala sa paningin ko habang unti unti namang bumubuti ang kalagayan ng katawan niya sa Hospital. It's heartbreaking but at the same time masaya ako sa nangyayari. Makakabalik na siya. Darating ang araw na pag gising ko wala na siya sa tabi ko. Pero kung ang ibig sabihin nito ay babalik na sa dati ang lahat, wala akong karapatan para malungkot.
Pero may nararamdaman pa akong isang bagay. Para bang may hindi parin siya sinasabi sa akin. Kapag nag uusap kami tungkol sa pagbabalik niya o sa pamilya niya, may mga pagkakataon parin na natitigilan siya at para bang pinipili niya ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.
Bandang hapon noong araw na yon at palabas na ako ng Jefferson High para sana umuwi. Pero nagulat nalang ako nang pagtapak ko sa pathway papuntang gate ay nakita ko si Ashton. Nakatayo siya sa gilid ng parking lot at tila ba may pinagmamasdan. Noong una akala ko ako ang hinihintay niya. Pero noong sinundan ko ang tingin niya nakita ko kung sino ang pinagmamasan niya. Si Reese kasama ang ilang member ng Drama Club.
Tumigil ako sa paghakbang papunta kay Ashton. Tahimik na pinagmasdan ko siya habang nakatingin siya kay Reese. For the past few days halos hindi ko naramdaman ang presence ni Reese sa school. Naging tahimik siya. Sa cafeteria, sa classrooms, sa corridors. Hindi na siya yong dating Reese na kilala ko. Para bang matapos ang accident hindi na rin siya bumalik sa dati.
Humigpit ang hawak ko sa straps ng bag pack ko habang nakatingin sa kanila. Me, while watching Ashton, and Ashton while watching Reese. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko nanghina ako. I was guilty and sad at the same time. Pakiramdam ko may kasalanan ako kay Reese, for falling for her boyfriend. Hindi kasanalan ni Ashton na hindi niya makasama o makausap man lang si Reese. And here I am, being selfish for wishing that I own Ashton.
Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas na nasa ganoon kaming position. I began to play with the tip of my shoes in the cemented pathway. I didn't even consider what Reese might feel, what Ashton might feel, or what Micko might feel. Puro ang nasa isip ko ay ang nararamdaman ko. How selfish.
Never would I imagine na magiging ganito kakomplekado ang lahat. Na masasali ako sa mundo ng tatlong ito. A month ago they can't even notice my presence. Pero ngayon para bang lagi nalang kaming nagbabangaan. Kailangan na talaga itong matapos.
"Hey."
Halos mabigla ako nang marinig ang boses ni Ashton. This time alam kong ako ang tinatawag niya. Tumingala ako at nakita siyang naglakad sa gitna ng isang grupo ng mga freshmen students. Hindi ko maiwasan na mapangiti. Kung alam lang siguro nila na si Ashton Montecillo ang nasa harap nila baka nagtabihan ang mga yon.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko ng mahina. Tumabi ako sa pathway at lumayo sa ilang estudyante na kasabay kong naglalakad.
"Hindi na ba ako pwedeng pumunta sa school ko?" tanong niya sa akin.
I shrugged. "May kailangan ka bang puntahan dito?" I asked casually. "Pwede kitang samahan."
"You're already here." sagot niya habang nakapamulsa sa tabi ko. "Ikaw lang naman ang pinunta ko dito."
Bumuntong hininga ako at umiwas ng tingin sa sinabi niya. Of course. Ako lang naman ang nakakakita sa kanya. Does he have any choice?
Natigilan kami nang marinig ang isang ingay. Napalingon kami sa grupo ng mga lalake na kalalabas lang ng building at mukhang papunta sa gym. Nakasuot sila ng jersey uniforms na red at ang isa sa kanila ay may hawak na bola. Pinagmasdan ko sila na tila ba may hinahanap. Wala si Micko.
Bumalik ang tingin ko kay Ashton at nakitang nakatingin din siya sa kanila. Isang maliit na ngiti ang sumilay sa mga labi niya. I even heard a small chuckle from him nang magtawanan ang grupo. Hindi ko maiwasan na titigan siya. It's clear that he misses ihis group of friends.
"Gusto mong manood ng practice nila?" tanong ko.
Bigla siyang napatingin sa akin. "Nah." ang tanging sagot niya. Pero alam kong iba ang gustong isagot ng mga mata niya.
"Tara na. Wala naman akong sundo ngayon eh. May kaso si Dad na hinahawakan ngayon kaya medyo busy siya."
I heard him mumbled something. Pero hindi ko ito narinig.
"Come on!"
Hinila ko siya papunta sa direction ng school gym. Nang halos nasa tapat na kami, napansin ko na napabuntong hininga si Ashton at napakamot sa batok niya. I tried to smile at him bago kami tuluyang pumasok. Nakasalubong ko agad ang isa sa mga member nila pagpasok ko, I think ang pangalan niya ay Paul or something. Pinakilala na siya ni Micko sa akin minsan.
"Uy, Delia. Wala si Captain ngayon." sabi niya matapos tumingala mula sa paghahalungkat sa bag pack niya.
"Uhm, okay lang. Gusto ko lang manood ng practice niyo."
Bigla siyang natigilan sa naging sagot ko. "Uh, hindi nga?"
Napatingin siya sa mga kasama niyang nasa court. Saka siya lumapit na para bang may gustong ibulong. "Nawala si Vice Captain, wala din si Captain ngayon. Sayang lang ang oras mo, Delia. Walang kwenta ang practice namin."
I pursed my lips to prevent myself from smiling. Hindi din siya honest ano? Pasimple kong nilingon ang katabi ko. Doon na nawala ang pagpipigil ko na mapangiti. Nakafrown si Ashton na tila ba gustong sapakin si Paul.
"Aist! Anong walang kwenta?" asik ni Ashton sa tabi ko. "Hindi niyo na ba inaayos ngayon ang mga practice niyo?"
Ngumiti lamang ako kay Paul na walang kaide-idea sa nangyayari. "That's fine with me."
Kumunot ang noo ni Paul na tila ba nagtataka sa kinikilos ko. Maya maya pa nag shrugged siya na tila ba wala nang magagawa.
"Kung ganoon, umupo ka nalang dyan." turo niya sa malapit na parte ng bleacher. "Sayang wala si Captain ngayong nandito ka."
Bumalik siya sa mga kasama niya na nasa gitna na ng court at nag wa-warm up. Lumingon ulit ako kay Ashton. Natigilan ako nang makita siyang nakatingin sa akin. What?
"Uhm, let's go?"
Umupo kami sa mas mataas na parte ng bleachers na malayo sa team na nasa court sa baba. Maliban sa akin, meron ding mangilan ngilang tao sa gym. Ang iba mukhang nagpapalipas lang ng oras, ang iba mukhang naghihintay ng sundo, ang iba naman ay gusto lang manood gaya ko.
Nang makaupo kami, lumingon ako kay Ashton at nakitang nakatitig siya sa mga team mates niyang nasa court. "You miss your friends, don't you?" tanong ko. Bigla siyang natigilan at napatingin sa akin.
Ngumiti lang ako bago pinagmasdan ang mga kaibigan niya. "Alam mo bang natatakot ako sa inyo noon?" tanong ko. "You guys are intimidating. You usually own the place and everyone's attention. You know how scary is that?"
Hindi sumagot si Ashton pero mukha namang nakikinig siya.
"There are people who are in fear of being in your scene and I'm one of them. Ayaw namin na napapansin niyo. You had the habit of pointing out the flaws in a person and I have a lot."
Ashton flinched beside me. Gusto niyang magsalita pero nagpatuloy ako. Gusto kong masabi ito sa kanya.
"Pero noong nakita ko ang mga kaibigan mo sa police station noong araw na naaksidente ka, noong nakita ko ang mga mukha nila, doon ko narealize na hindi naman pala tayo nagkakalayo. Pare pareho parin pala tayong may mga takot at nasasaktan."
Bumuntong hininga ako.
"Siguro nga may kanya kanyang dahilan sa likod ng ugali ng mga tao. No person is born to hate or to be naturally evil. Eventually we will turn back to who we used to be kapag nahaharap tayo sa mga pagkakataon na wala tayong ibang makakapitan kundi ang mga sarili natin. And those instances are sometimes the one's when we stop fearing what other people might think."
Humarap ako kay Ashton. A small smile crossed my lips.
"At nakita ko kung sino talaga ang mga kaibigan mo noong araw na yon sa police station. Nakita ko ang mga taong matagal na nagtago sa likod ng kanilang masasamang ugali."
Nabigla ako nang maramdaman ang kamay ni Ashton sa ulo ko. Ginulo niya ang buhok ko. Bakit ba lagi niyang ginagawa yon?
"Do you have any idea how awesome you are?" he asked with an odd smile.
I frowned. Akala ko naman seryoso siyang nakikinig sa akin kanina. Anong connect ng sinabi niya?
"I'm serious, Ashton." I said. "If you only saw their faces that time. Alalang alala sila sayo. Especially Reese and Micko."
Napansin ko ang unti unting pagkawala ng ngiti sa labi niya.
"You miss them." I stated as if reading his mind. Umiwas ako ng tingin bago nagpatuloy. "Especially Reese. Nakita kita kaninang pinagmamasdan siya."
Ashton sighed as if what I said is something complicated for him. "Of course, I miss her." sabi niya habang derecho ang tingin sa team na nagsisimula nang mag laro sa court.
"I often wonder how she feels about everything that is happening. Mukha lang mataray yon pero iyakin yon." natawa siya nang mababaw. "Siguradong lagi siyang umiiyak dahil sa akin."
Hindi ko alam kung bakit, alam kong wala din akong karapatan na maramdaman ito, pero sa sinabi ni Ashton, hindi ko maiwasan na makaramdam ng konting selos. Funny, he has all the right to feel that way. To care about his girlfriend. So why am I even hurting?
"Reese could be a bitch. Pero ganoon lang talaga siya dito sa school. Sa bahay nila halos hindi napapansin yan. Saka lang niya makukuha ang attention ng mga magulang niya kapag may nakuha siyang achievement, yong tipong pwedeng ipagmayabang ni Mrs. Dela Vega sa mga kaibigan niya."
A flashed of worry crossed Ashton's face.
"Reese is like a trophy of some sort when it comes to her family. Sobrang mag pressure ang Mama niya. Kaya siguro naging ganyan siya. Possessive and attention seeker. Hindi niya kasi gusto na maging dito ay nahahati ang attention na binibigay sa kanya."
Natahimik ako. For a moment I feel like the selfish one. Ngayon ko lang nalaman ang mga bagay na ito tungkol kay Reese. Whenever I see her she is this mean and confident girl that I always avoided. I almost believe she can make my life a living hell. I have no idea that she is already living in one.
"I hope she's doing fine right now." I said.
It was a sincere wish. Sana okay lang si Reese ngayon. Specially sa pagkawala ni Ashton sa tabi niya. I wonder how she is handling it now. Sana hindi siya pinapabayaan ng mga kaibigan niya.
"I badly hope so." Ashton sighed. "Madami na siyang naitulong sa akin. Ilang beses ko na din siyang nasaktan. I'm afraid I can never repay her..." natigilan ito. "or her feelings."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "What do you mean?"
Ashton sighed once again as if this conversation drains him. He rested his elbows on his knees and leaned forward, staring at nothing in particular.
"Matagal ng magkaibigan ang mga pamilya namin and so does the two of us. Sila ni Micko, lagi nila akong tinutulungan kapag nasasangkot ako sa gulo. She even came to the point that she volunteered to be my girlfriend para lang matigil ang mga walang kwentang balitang nakakarating kay Dad."
I blinked a few times. Hindi ko maiwasan na magtanong. "Volunteered?"
Ashton shrugged. "You can call it that way. But it's more like helping me. Mula noong naging girlfriend ko siya, hindi na ako nadadamay sa kung ano anong gulo na madalas sangkot ang babae. It also means a little concord with me and my Dad."
"I never knew that." nasabi ko. I was only supposed to be thinking about it kaya nanlaki ang mga mata ako at mabilis na nagpaliwanag. "I mean— you and Reese— everyone thought— you're like perfect for each other—"
Medyo natawa si Ashton sa naging reaction ko.
"Yes. That's what everyone thought. Kaya nga pakiramdam ko hindi na ako makakabawi kay Reese. I know she likes me, more than a friend. Hindi siya magsasayang ng mahigit isang taon para lang tulungan ako. Pero hangang doon nalang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya. Ang pagiging kaibigan. And that made me extremely guilty whenever I think about it. Reese is a great girl, a strong one. She deserves so much better."
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro