The Jerk: Fifteen
Fifteen,
Pinagmasdan ko ang pagpatak ng ulan sa labas. Napabuntong hininga ako. Hapon na at nandito ako sa harap ng gate ng school at hinihintay si Dad para sunduin ako. Kanina nag insist si Micko na siya na ang maghahatid sa akin. Pero hindi ko gustong maging sagabal lalo na at may practice sila ngayong hapon.
Si Mindy naman hindi pumasok. Sa tingin ko may problema nanaman siya sa Mama ngayon. Kaninang tanghali tinawagan niya ako para ipaalam na hindi siya makakapasok. Kailangan niyang samahan si Mrs. Gonzales sa Hospital para sa check up nito.
Habang hawak ang payong napatingin ako sa basang sapatos ko. Gusto ko sanang bumisita sa Hospital ngayon kung nasaan si Ashton. Nagbabakasakali akong nandoon lang siya sa mga oras na ito. Pero kapag ginawa ko yon baka mangyari nanaman ang nangyari noong isang araw. Baka this time hindi na ako makauwi nang walang nakakakita sa akin na ibang bisita niya.
I heard Reese will visit though. Narinig ko kanina sa cafeteria habang nag uusap sila kasama ang mga kaibigan niya. Sa pagkaka alam ko sasama din ang drama club. So okay lang kung hindi ako makapunta ngayon. At least there are still people who'll pay him a visit. Sana lang makita niya. Sana malaman niyang madami parin ang naghihintay na bumalik siya.
Nagpatuloy lang ako sa paghihintay habang mukhang mas lumalakas ang ulan. Nasaan ba si Ashton sa mga oras na ito? Wala na ba talaga siyang balak magpakita sa akin? Kailangan ko na bang itigil ang pag tulong ko sa kanya? Paano ko nga ba siya tutulungan kung siya mismo hindi na gustong lumaban?
Out of nowhere isang idea ang pumasok sa isip ko. Nasabi sa akin ni Ashton na kapag wala siya sa kwarto ko tumutuloy siya sa mansion nila. Hindi kaya nandoon lang siya ngayon? Hindi kaya nasa mansion lang siya?
Hindi malayong mangyari yon. Wala na akong ibang alam na pwedeng puntahan niya. Napatingin ako sa wrist watch ko. Mag five na ng hapon. Kung dadaan ako sa bahay nila makakauwi parin ako bago mag dinner. Magpapa alam nalang ako Dad.
Nagtext ako kay Dad na may dadaanan lang ako bago umuwi. Hindi niya na ako kailangang sunduin. Mas malapit ang mansion nila Ashton mula sa school kompara sa bahay namin. Kaya naman naisip kong maglakad nalang. Maybe it will take a ten minute walk before I get there.
Habang naglalakad ay patuloy lang sa paglakas ang ulan. Pakiramdam ko nga hangang gabi na ito. It would be nice to be inside the house right now all dry and comfortable. Pero alam kong hindi din ako matatahimik kung uuwi ako nang hindi man lang nagagawa ang balak ko. I never knew that helping someone who didn't wanted help in the first place could be this hard.
Gaya ng inaasahan nakarating ako sa harap ng gate nila. Naalala ko ang huling beses na nandoon ako. Kung saan unang beses kong makasama ang isang Ashton. Heck that jerk almost humiliate the life out of me. Pero kita mo nga naman nandito nanaman ako. Huminga ako ng malalim bago pinindot ang doorbell.
Naghintay ako ng ilang segundo. Walang sumagot. Wala bang tao? Sinilip ko ang loob ng mansion mula sa siwang ng gate. Medyo magdidilim na at dahil na din siguro sa ulan kaya wala akong maaninang na tao sa loob. Mukhang wala ang mga guard na nagkalat sa lugar tulad noong unang beses kong pumunta dito.
Muli kong pinindot ang doorbell. Maya maya pa isang imahe ng tao ang nakita kong lumapit sa gate mula sa side ng mansion. Mukha siyang isang babae. Napansin kong nagpupunas ito ng kamay sa apron niya habang ang isa naman ay hawak din ang isang payong.
"Ano ang maitutulong ko, hija?" bati nito sa akin. Nakadamit ito na para bang galing siya sa kusina. Medyo chubby siya at mahahalatang pala ngiti siya. Pero wala akong makitang ngiti sa mukha niya ngayon.
Hindi ako agad nakasagot. Hindi ko naisip kung ano ang idadahilan ko sa pagpunta ko dito. Wala si Ashton para tulungan akong magsinungaling. Sigurado akong kapag nagsinungaling ako ngayon mahahalata nila.
Naghintay sa akin ang matandang babae. Napatingin ako sa mga kamay kong hawak ang handle ng payong. Maling pagkakataon na nandito ako. Sana pala nag isip muna ako ng dahilan. Maya maya pa biglang nagsalita ang babae na kinabigla ko.
"Sandali, mukhang familiar ka." Napatingin ako sa mukha niya. Lumapit ang babae sa gate para mas lalo akong makita. Nagtataka na napatitig ako sa kanya. Kilala niya ako?
"Hindi ka ba kaibigan ng alaga ko? Nakita na kita dati." I blinked a few times. Kaibigan ng alaga niya? Si Ashton ba ang tinutukoy niya?
Sinubukan kong ngumiti. "Ako nga po." sabi ko. Hindi ko alam kung pagsisinungaling nga ba yon dahil maging ako ay hindi alam ang tinutukoy niya.
"Anong ginagawa mo dito sa labas ng ganito ang panahon, hija? Halika, pumasok ka dito."
Binuksan niya ang gate para sa akin. Nagdalawang isip ako bago pumasok. Pakiramdam ko pinagsasamantalahan ko ang kabaitan ng matandang nasa harap ko. Pero kung tutuusin wala naman akong binabalak na masama. It's not like I'm a criminal or something.
Pumasok ako at dinala niya ako sa loob ng mansion. Iniwan ko ang basang payong sa labas at pumasok sa mala heganteng front door. Noong kasama ko si Ashton sa likod ng bahay kami dumerecho kaya hindi ako familiar sa pwede kong makita sa loob.
Hindi ito ang unang beses na nakatapak ako dito. Noong bata pa ako, naimbitahan si Dad sa isang party dito. Yon ang unang beses na nakapasok ako sa mansion ng noon ay vice mayor pa lang na Dad ni Ashton. Naalala ko pa siya noon. Grade school kami. Nakasuot siya ng formal habang nakaupo sa isang sulok at nakasimangot buong gabi. He really looks like a spoiled bratty kid back then.
Ngayon madami ng nagbago sa mansion. Mas mukhang naging maluwang ito. I didn't mean physically dahil wala namang dinagdag na extension na kwarto or something. But what I mean is the atmosphere. Walang katao tao. Isa lamang itong maluwang na bahay na puno ng mamahaling gamit. Mula sa narra na staircase hangang sa mga painting sa wall at chandelier sa itaas. Wow dito nakatira si Ashton Montecillo. It's bothersome why it doesn't even look like a house to me. Mukha lang itong isang mamahaling lugar.
"Umupo ka, hija. May gusto ka bang kainin? Gusto mo ba ng towel para magpatuyo ka?"
Muli akong napatingin sa matanda. Then it sink-in. Siya ang babaeng yon. Yong laging kasama ni Ashton dati sa party. Yong laging nagtatanong kung may kailangan ba ang alaga niya. Siya ang tagapag alaga ni Ashton noong bata pa ito.
"Okay lang po ako." sagot ko at umupo sa isang brown na sofa. Muli kong linibot ang tingin sa paligid bago bumalik ang tingin sa matanda. "Namimiss ko lang po si Ashton kaya ako nandito."
Hindi ko alam kung bakit yon ang lumabas sa bibig ko. I didn't even intend to tell it outloud. Yon lang ang pumasok sa isip ko. I was about to take it back or say something to alter the meaning of my words nang mapangiti ang babae sa akin. Isang malumanay na ngiti.
"Naitindihan ko, hija." sagot nito.
Lumapit ito sa akin at umupo sa katapat kong sofa. Napansin kong kanina pa ito hindi tumitigil sa pagpupunas ng kamay niya sa apron niya na para bang hindi niya napapansin na ginagawa niya ito. Doon ko napansin na namamaga ang mga mata nito. Umiyak ba ito?
"Ako din. Miss na miss ko na ang alaga ko." sabi nito sa malayong boses. Para bang may inaalala siya. "Sana gumising na siya. Gustong gusto ko ng marinig ang boses ng batang yon." isang luha ang pumatak mula sa mga mata niya. Mabilis niya itong pinahid at pilit na ngumiti.
"Ikaw ang unang kaibigan niya na dumerecho dito sa mansion sa halip na sa hospital. Ako din hindi ko gustong pumupunta sa Hospital dahil ayokong nakikita na walang malay siya doon. Ini-isip ko nalang na naglakwacha lang ang alaga ko at hindi agad makakauwi. Pero uuwi din siya. Gaya ng ginawaga niya noong nandito pa siya."
Natawa ang babae pero alam kong mababaw lang yon. "Uuwi siya ng madaling araw at kakatok sa bintana ng kwarto ko para pagbuksan ko. Ang batang yon. Hindi ko magawang magalit sa kanya dahil lagi siyang may dalang kung ano ano para lang hindi ako magsumbong. Lagi niya akong dinadalhan ng halayang ube o kakanin. Nakangisi siya habang nagku-kwento kung saan siya nangaling o kung ano ang mga ginawa niya noong araw na yon. Habang ako naman walang magawa kundi ang makinig sa kanya."
Bumuntong hininga ang matandang babae na para bang nahihirapan ng ipagpatuloy ang kwento niya. "Yon lang ang magagawa ko, ang makinig sa kanya. Sa mansion na ito wala siyang pwedeng makausap. Para siyang isang bata na naghahanap ng makikinig sa mga kwento niya. Hangang ngayon na ilang taon na siya, para parin siyang bata."
Isang masakit na pakiramdam ang bumalot sa dibdib ko. Para siyang bata. Si Ashton, kung paano siya ngumiti, kung paano siya tumawa, kung paano siya magsalita at magpaalam. Mukha siyang okay pero lagi siyang may ibang ini-isip.
"Pagpasensyahan mo na ako, hija." sabi ng matanda sabay punas ng gilid ng mga mata niya gamit ang isang panyo. "Ngayon lamang ako naglabas ng sama ng loob mula noong nangyari ang aksidente. Pilit kong hindi inaalala ang nangyari dahil alam kong magigising ang alaga ko. Pero may mga pagkakataon talaga na hindi ko mapigilang mawalan ng pag asa."
"Makakabalik po siya." sabi ko. Pinagmasdan ko ang babae at huminga ng malalim. "Hwag po kayong mag alala. Makakabalik siya. Kaya sana hwag kayong mawalan ng pag asa."
Tiningnan lang ako ng babae. Saka siya muling ngumiti. She raised her chubby hand and pat my shoulder gently. "Alam ko, hija. Malakas ang loob ng alaga ko. Hindi siya basta basta sumusuko."
Tumayo siya sa napatingin sa kusina. "Kailangan ko ng ituloy ang ginagawa ko, hija. Okay ka lang ba dito?"
Napatingin ako sa dumidilim ng labas. "Maglalakad lakad lang po ako." sagot ko.
Tumango ang babae. "Sige, kung may kailangan ka nasa kusina lang ako." sabi nito saka umalis na.
Naiwan ako sa sala na napa buntong hininga. Napatingin ako sa mga palad kong pinagpapawisan. Mas lalong sumama ang pakiramdam ko dahil sa mga narinig. Please Ashton magpakita ka na.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakaupo sa sofa bago ko naisipang tumayo at maglakad lakad gaya ng sinabi ko. Wala akong balak magtagal. Uuwi din ako kapag nalaman ko na wala siya dito. Pero hindi pa man ako nakakalayo sa sala nang may maramdaman akong mga matang nakatingin sa akin.
Inalis ko ang tingin sa isang picture frame ni Ashton noong intramurals namin at napatingin sa itaas ng hagdan kung nasaan ang second floor. Walang tao. Napakurap ako. Pero pakiramdam ko may nakatingin sa akin kanina mula doon.
Mabilis kong iniwan ang mga pictures sa mesa at nagsimulang umakyat sa itaas. Tama kaya ako? Nandito kaya siya? Maaaring isa lang yon sa mga tao sa mansion pero hindi ko mapigilang umasa.
Pagkarating ko sa itaas, walang tao. Isang maluwang na hallway ang bumungad sa akin pero wala na akong ibang nakita. Natigilan ako at bumuntong hininga. Siguro nga namamalikmata lang ako. Humawak ako sa railings ng staircase at akmang bababa na ako ulit nang isang boses ang narinig ko.
"Bakit nandito ka pa?"
I felt my heart froze. Pakiramdam ko tumigil ang oras. Ang boses na yon. Napalingon agad ako pabalik sa hallway at nakita siyang nakatayo doon at nakatingin sa akin. May maliit na kunot ang noo niya. Ashton Montecillo.
Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam ang gagawin. Sa sobrang dami ng mga balak kong sabihin kapag nakita siya, ni isa walang lumabas sa bibig ko. Nakatingin lang ako sa kanya na para bang hindi makapaniwala. He really knows how to surprise the life out of me.
"Ashton." I breathed.
Hindi sumagot si Ashton. Nakatingin lang siya sa akin habang nakakunot ang noo. Mukhang hindi niya gusto ang pag dating ko. Galit ba siya sa akin?
"Hindi ka na dapat pumunta dito."
Natigilan ako sa sinabi niya. Totoo ba ito? Pinagtatabuyan niya ako? Napatingin ako sa walang taong paligid at pabalik sa kanya. Ano bang ibig niyang sabihin?
"Delia, itigil na natin ito."
Doon na tuluyang nag sink in sa akin ang nangyayari. Tama ba ako ng narinig? "Sandali, anong ibig mong sabihin?"
Bumuntong hininga lang siya. Nakapamulsa siya pero ini-iwasan niya ang tingin ko. Maya maya pa pinagmasdan niya ako na para bang gustong bawiin ang sinabi niya. "Kalimutan mo na."
Hindi yon ang inaasahan kong sagot niya. "Hwag mong ibahin ang usapan, Ashton." asik ko. Wala na akong pakialam kung may makarinig sa akin. Hindi ko gusto ang narinig ko mula sa kanya.
Lumapit siya sa akin. "Tingnan mo, basa ka pa ng ulan." Bumuntong hininga ulit siya. "Magkakasakit ka niyan."
Tiningnan ko lang siya. My mind is too confused right now. Ano ba talagang gusto niyang sabihin. Bakit ba paiba iba siya? Naguguluhan na ako. Bigla niya akong hinila na kinabigla ko.
"Halika, magpatuyo ka."
Dinala niya ako sa isang kwarto sa second floor. Mukha itong isang guest room. Umupo ako sa bed at pinagmasdan lamang siyang gumalaw. Hindi parin ako makapaniwala na dito ko lang siya makikita. Tumalikod siya sa akin at may kinuha sa isang cabinet. Pagharap niya may hawak na siyang isang towel.
"Hindi ka dapat nagpapakabasa." sabi niya.
Kukunin ko sana ang towel mula sa kanya pero lumapit siya sa akin at nilagay yon sa ibabaw ng ulo ko. Siya mismo ang nagpunas ng basang buhok ko. Pinagmasdan ko siya habang nakatayo siya sa harap ko at ako naman ay nakaupo sa gilid ng bed.
"Hindi ka na dapat pumunta dito."
Pilit akong tumingala para makita ang mukha niya. Pakiramdam ko habang tumatagal mas lalong nawawalan ng sigla ang mga mata niya. "Pero tama ako. Nandito ka." sabi ko.
Tumigil siya sa ginagawa at kinuha ang basang towel. Pinatong niya yon sa likod ng isang silya at humarap sa akin.
"Delia, hindi mo na ako kailangang tulungan."
"Bakit?" mabilis na tanong ko. "May nagawa ba akong masama?"
Napakamot siya sa batok niya. "Hindi sa ganun. Pero mas mabuti kung—"
"Kung ano?"
"Kung sumuko na tayong pareho."
***
Author's Note:
Let me remind you guys that this story is not long. We're almost in the middle of the story.
Things are going down. What do you think is the reason behind Ashton's decision? I love you to hear your opinion about the story.
Til next update!
@april_avery
Official twitter hashtag: #TJIAG
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro