The Jerk: Epilogue
E P I L O G U E
Six years later
"And then Peter Pan said: Come with me, Wendy. Come with me to a place where you'll never have to worry about grown-up things."
Naririnig ko ang sarili kong boses na nage-echo sa buong classroom. Ganoon din ang ingay ng mga estudyanteng nasa harap ko. Some of them are sitting on the colorful matted floor, some sitting on miniature chairs.
Pumapasok mula sa nakabukas na mga bintana ang hangin at liwanag mula sa labas. Nasa gitna ako ng classroom. Pinaliligiran ng mga bata from ages four to five. Their wide eyes stared in interest, their small finger holding something from crayons to Lego blocks and colored papers.
"And then Wendy said: I don't know how to fly. Can you teach me?"
Nakita ko ang excitement sa mata ng mga estudyante ko. Isa sa kanila ang nagtaas ng kamay. "Oh! Oh! Teacher I know!"
Napangiti ako. "Yes, Delton?"
Napalingon ang mga classmates niya sa kanya. "Just think happy thoughts!" masiglang sagot nito.
Muli akong napangiti. "Very good." Humarap ako sa buong klase. "Just think happy thoughts, and they lift you into the air!"
Anim na taon. Anim na taon na din ang lumipas. Madami na ang nagbago. Nakapagtapos na kami ng college at ang iba sa amin ay may kanya kanyang trabaho na. May umalis. May dumating. May mga hindi na muling bumalik.
"Class, magkikita tayo ulit tayo sa Monday, okay ba?" nakangiting paalam ko sa mga estudyante matapos ang klase.
"Yes teacher!" masiglang sagot nila.
Nagsimula akong magligpit ng gamit. Nagpaalam ang mga estudyante ko bago masayang nagtakbuhan palabas ng classroom. Sinalubong sila ng mga magulang na nakaupo sa benches sa labas ng classroom at naghihintay.
Pinatong ko ang librong hawak ko sa mesa. Napatingin ako sa maliit na calendar na nandoon. January 22, 2015. Isang ngiti ang sumilay sa labi ko. Happy 24th Birthday Ashton Montecillo.
Six long years had passed. Isa na akong pre-school teacher ngayon. Nag tuturo ako sa elementary school kung saan ako dati ng aaral. Kung saan ko siya unang nakilala. Kung saan kami huling nagkita.
Lumabas ako sa classroom at ni-locked ang pinto. Narinig ko ang masasayang pag uusap ng mga estudyante ang magulang habang pauwi na ang mga ito. Nang makalabas na ako ng building— bumungad sa akin ang preskong hangin sa labas.Maaliwalas noong hapon na yon. Payapa ang buong paligid.
Kamusta ka na, Ashton?
Nagsimula akong maglakad papunta sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan ko. Nasalubong ko ang ilan sa mga estudyante ko na muling nagpa alam. Ang iba sa kanila nanatili para makipaglaro sa mga kaibigan bago umuwi. May ilang masayang nakikipag habulan. Habang nagbabantay naman sa gilid ang kanilang mga magulang.
Ilang mga bata ang napansin ko na tila ba may pinagkakaguluhan. Napa-paused ako sa paglalakad at napatingin sa playground. Bahagyang kumunot ang noo ko. Isang lalakeng naka navy blue polo shirt at dark jeans ang nakatalikod mula sa akin at nakikipaglaro sa mga bata.
Tila ba manghang mangha ang mga bata sa ginagawa niyang trick sa bola. Pinaikot niya ang bola sa daliri niya— a common basketball trick. The kids are staring with wide eyes and slightly agape mouth. Isa sa mga estudyante ko ang nakakita sa akin. "Teacher Delia!" excited na sabi nito.
Humarap ang lalake sa akin nang marinig ang pangalan ko. Isang familiar na ngiti ang sumilay sa kanyang labi. Napangiti na din ako. Pinat niya ang ulo ng isa sa mga estudyate bago iniwan ang bola sa kamay nito.
"Performing tricks again, Engineer De Lara?" nakangiting tanong ko.
Natawa siya. "Mga bata lang ata ang nakaka appreciate ng trick na yon."
Nagsimula kaming maglakad papunta sa parking lot. Napansin ko ang kotse niyang nasa tapat ng gate. Naglalakad siya sa tabi ko habang nakapamulsa. May ilang magulang ang napagpaalam sa amin. Maya maya pa napansin kong napalingon si Micko sa akin.
"Derecho na tayo doon?" tanong niya.
"Ano pa nga ba?" nakangiting sagot ko.
"Let's use my car." he volunteered.
Binuksan niya para sa akin ang pintuan ng sasakyan nang makarating kami doon. Pumasok ako sa loob habang inaayos ang gamit ko.
"I wonder what's the occasion bakit nagyaya bigla si Reese." I said.
Micko chuckled nang makaupo siya sa driver's seat. "Binasa mo ba ang e-mail niya? Opening ng second branch ng coffee shop niya."
"Oh." sagot ko. "Akala ko doon lang ang venue." Pinaandar niya ang sasakyan at nagsimula kaming magbyahe.
Totoo ngang malayo na kami mula sa mga carefree teenagers anim na taon na ang nakararaan. Ang iba sa amin may kanya kanyang professions na. Samantalang may ilan na wala na kaming balita.
Isa ng Engineer si Micko sa isang malaking construction firm. Si Mindy isa ng event organizer. May nag-start ng business tulad ni Reese. Owner na siya ng dalawang coffee shop. May naging nurse na din, teacher tulad ko, ang iba nagta-trabaho sa malalaking kompanya at bangko.
"Hindi man lang ako nakapag palit. Baka masyadong formal ang event na yon." komento ko habang nasa sasakyan.
"Ang sabi niya close friends lang ang inimbita niya. And it's a coffee shop. You don't need to be formal."
"Pero importante yon para kay Reese. I should have at least dress my part as a friend. Not a pre-school teacher." sagot ko.
Natawa si Micko. "Typical, Delia. Very typical of you." sabi niya habang derecho parin ang tingin sa daan.
Sinamaan ko siya ng tingin. "I'm serious, Micko." I muttered.
Pero kalaunan ay napangiti na din ako. Nasanay na ako sa pang aasar ni Micko. Lalo na nitong mga nakaraang taon. Minsan tinatanong ko ang sarili ko kung bakit hindi nalang siya. Pero alam naman naming pareho kung hangang saan lang talaga kami.
Six years ago, dalawang lingo matapos umalis ni Ashton Montecillo. Sinabi ko kay Micko ang totoo. May gusto ako sa best friend niya. May gusto ako kay Ashton mula pa noong mga bata kami. Sinabi ko yon para pare-pareho kaming maka move on sa nangyari. Noong una hindi siya makapaniwala. Hindi niya ina-asahan na magkakilala kami.
Pero nagulat ako nang bigla niya nalang akong pagalitan dahil ngayon ko lang ito sinabi— ngayong nasa London na si Ashton. Akala ko talaga doon na masisira ang pagkakaibigan namin. Pero nagkamali ako. Dahil mas naging concern pa siya para sa akin.
Hindi lahat ng binibigay ay kailangang may eksaktong kapalit. Yon ang sinabi niya. Kaya kahit galit siya at nasaktan, hindi niya gusto na dahil doon ay masira ang pagkakaibigan namin.
Ngayon may girlfriend na niya at dalawang taon na sila. Pero kahit lumipas ang madaming taon at nagkaroon na kami ng kanya kanyang mga buhay, hindi parin siya nawala sa tabi ko.
"Hindi mo sinama si Janine?" tanong ko nang huminto kami sa tapat ng isang traffic light.
Napangisi siya nang maalala ang girlfriend. "May field project. Isa pa, hindi yata pwedeng magsama ng date."
"Oh." sagot ko. "Hindi ko nabasang mabuti ang e-mail ni Reese. Hindi bale, wala din naman akong isasama." biro ko.
Napalingon si Micko sa akin. "Find a boyfriend, Delia." natatawang sagot niya. "Reese and Mindy already had one."
Marahan niyang tinuro ang tapat ng puso ko. "Siya parin ba ang nandyan after all these years?"
Ngumiti lamang ako. Umandar muli ang sasakyan. Napatingin ako sa labas ng bintana. "I don't know."
I waited for time to heal me and help me to let go. Pero nanatili siya bilang parte ng buhay ko. What we had is not a typical high school love gone wrong. He was my childhood dream. He taught me the other side of things. Niligtas niya ako.
Hindi madaling makalimutan ang mga taong hinayaan kang makita ang mga kahinaan nila. I realized I'm attracted to people with flaws and imperfections. People who are full of wounds and still standing on their feet. Gusto ko silang makitang bumangon, maging maayos, at mahigitan ang dating sila.
Ashton was not perfect. Actually he is far from it. But he saved me the same time he was hurting. And that means the world to me. Saving someone else when you are the one who really needs saving. Inuna niya ako kesa sa sarili niya. And I don't know how many versions of love there is in this world, but his version is what I admire the most.
I hope to find that kind of love one day.
Nakarating kami sa tapat ng isang exclusive building. Halos kalahati ng first floor ay para sa coffee shop ni Reese. Dumerecho ang sasakyan ni Micko sa katapat nitong parking lot.
Bago bumaba sa sasakyan, hinawakan niya ang kamay ko. "Don't worry," he said. "Time didn't let you to forget for no reason."
Natigilan ako sa sinabing yon ni Micko. Pero hindi na siya muling nagsalita pa. Lumabas siya sa sasakyan. Sumunod naman ako sa kanya. Pinagmasdan ko ang maganda at maaliwalas na coffee shop sa harap namin.
Mukhang kaninang umaga pa natapos ang opening nito. But Reese wants us to be here on the first day. May ilang customer ang pumasok. Meron ding kalalabas lang. Pinalilibutan ang coffee shop ng mga green na halaman. Nakaopen ang maroon umbrella ng mga tables na nasa labas.
"Nandyan na kaya sila? Sino ba ang mga invited?"
Pumasok kami sa coffee shop. Pagkapasok namin, nalanghap ko agad ang amoy ng kape at freshly baked na tinapay. Pinaliligiran ng glass wall ang coffee shop kaya maaliwalas at maluwang tingnan. Light and pastel colored ang motif ng interior at mga gamit.
"Nandoon sila." Tinuro ni Micko ang bandang likod ng coffee shop. May ilang grupo doon na nakaupo malapit sa glass wall at nakaharap sa garden sa bandang likod ng shop. Marahan niya akong hinila papunta doon.
"Si Mindy!" sabi ko nang mapansin ang babaeng may maikling buhok at nakaupo sa high chair. Nakaharap ito sa counter sa sulok at may hawak na tall glass ng Frappuccino. Ilang buwan ko din siyang hindi nakikita. Napansin niya ang pagdating namin kaya excited na kumaway ito.
Nandoon din ang ilan sa mga high school batch mates namin. Karamihan sa kanila ay mga kaibigan nila Reese at Micko. I even saw some members of the former varsity team. Nakaupo sila sa kanya kanyang mga tables at highchairs at masayang nag uusap.
Marahan kong hinila ang sleeves ni Micko habang naglalakad papunta sa kanila. "What's up? May reunion ba tayo?" tanong ko.
Nakita namin si Reese na kaharap ang isang empleyado malapit sa staff room. Natigilan ito at bahagyang ngumiti sa amin. She motioned for us to join the group at susunod siya.
Ngumiti si Micko sa tanong ko. A strange smile. "Aren't you forgetting about something?" he asked. Napansin ko ang bahid ng amusement sa boses niya.
"What?"
Nakarating kami sa harap ng mga batch mates namin. Nakakatuwa lang na ang iba ay halos kagagaling lang sa trabaho tulad ko. Some of them are still in their corporate uniforms.
"Someone has a birthday."
Natigilan ako sa sinabi niya. Pabulong lang ito pero pakiramdam ko tumahimik ang paligid nang sabihin niya yon. I stood there frozen on my spot na tila ba hindi makapaniwala.
"Hey what—"
Napalingon ako kay Micko pero wala na siya sa tabi ko. Pinuntahan niya ang dati niyang mga kasamahan at masayang binati ang mga ito. Napakurap ako at hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko.
Just then I heard someone called. "Nandyan na pala siya eh."
Napakurap ako. Sino? Napatingin sa direction ko ang mga kasamahan ko. Pero hindi sila sa akin nakatingin. Kung hindi sa likod ko. Napangisi ang iba. Someone even whistled.
"Aba, may amoy balik bayan.
"Pasalubong naman dyan."
"Mukhang manlilibre ang birthday celebrant."
"Maligayang pagbabalik, Ashton Montecillo!"
Bigla akong nanghina. Pakiramdam ko hindi na ako makatayo ng maayos. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Lalo na noong marinig ko ang familiar na tawa na yon. Tawa na anim na taon ko ding hindi narinig.
"Mukhang walang nagbago dito, ah."
Tila ba bumalot sa buong paligid ang boses niya. I noticed how his voice became deeper. Mababakas din doon ang accent na nakuha niya sa ibang bansa. Napatingin ako kay Micko na nakatayo malapit sa mga kasamahan nilang nag aasaran. What is happening?
Ngumiti lamang si Micko. Nagtayuan ang mga kasamahan niya para batiin ang bagong dating. Nanatili akong nakatayo sa pwesto ko. Nagkamustahan sila. I even heard some shoving and high five. Hinila ko si Micko na papunta sana kay Ashton.
"Micko..." wala sa sarili na sabi ko. Hindi ko alam ang sasabihin.
"What?" nakangiting sabi niya. Nang aasar. "Hindi mo ba babatiin ang may birthday?"
Maging si Mindy ay marahan akong hinila papunta kay Ashton. Nakangiti ito. "Deels, come on. Ang tagal din kaya natin siyang hindi nakita."
Wala akong nagawa kundi ang magpadala sa kanila. Kinakabahan ako. Ramdam na ramdam ko ang tibok ng puso ko. After all these years, am I ready to face you? Ashton Montecillo.
Mula sa gitna ng mga kumpol ng mga batch mates namin, nakita ko ang mukha ni Ashton Montecillo. Nandito na nga talaga siya. Nakangiti ito. Natatawa habang nakikipag usap sa mga kaibigan niya.
Napansin ko na mas tumangkad ito. Pumuti din. May kulay ang buhok, copper brown. Mas naging lean din ito. Pero nandoon parin ang familiar nitong ngiti. Half grin, half amused smile. Mukhang masayang masaya siya.
"Ano na? Wala ka bang dala? Pasalubong?" narinig kong tanong ng isa sa kaibigan niya.
"Baka naman girlfriend ang dala." natatawang komento ng isa.
Isang masakit na pakiramdam ang bumalot sa dibdib ko. Meron na nga kaya? Sino kaya ang maswerteng babae? Out of nowhere biglang nagtama ang paningin namin ni Ashton. Biglang huminto ang paghinga ko. Tama ba ang nakita ko? Recognition. He recognized me.
Agad na nawala ang tingin na yon nang may sinabi siya kay Micko. Napangiti naman si Micko dahil doon. Maya maya muli siyang nagsalita sa harap ng mga kaibigan. Napatikhim ito.
"May gusto kasi akong balikan kaya ako nandito." sabi niya habang nakangiti. Napa-taas ang kilay ng mga kaibigan niya.
"Hindi nga?" tanong ng isa sa kanila. "May sineryoso ka dito?" biro nito. Marahan naman siyang sinapak ng kasamahan nila.
"Ang sabi ko, magse-seryoso muna ako. Aayusin ko ang buhay ko. Haharapin ko ang mga responsibilidad ko."
Pakiramdam ko naestatwa ako nang mapatingin si Ashton sa akin. Nakatingin siya sa akin habang sinasabi ang mga salitang yon.
"Six years ago my life was a mess. Kaya nangako ako na hindi ako babalik hangang hindi ako nagiging deserving para sa babaeng yon."
Hindi ko alam kung bakit pero gusto ng tumulo ng mga luha ko. Nanginginig na ang mga kamay ko.
"Since I saw her crying on the swing, I realized why she is so familiar to me." Mas lalong naguluhan ang mga kasamahan niya pero walang ni isa sa kanila ang nagsalita. Nakatingin na sila ngayon sa akin at kay Ashton. Tila ba nagtataka sila kung bakit sa akin ito nakatitig.
"May gusto lang akong ibalik."
Lumapit sa akin si Ashton. Mas lalo akong hindi nakagalaw. Pinaliligiran na kami ngayon ng mga batch mates namin. Wala silang idea sa pinag uusapan namin. Pero nakangiti sila. Mindy smiled at me. As well as Micko. Kahit si Reese na kararating lang, nakangiting pinagmamasdan kami.
Nang nasa harap ko na si Ashton, tinitigan ko ang familiar niyang mukha. Gusto ko itong hawakan. Natatakot ako na isa nanaman ito sa mga panaginip ko. May kinuha siya sa bulsa niya. Isang papel.
Nilagay niya ang papel na yon sa mga kamay ko. I flinched when his hands made contact with mine. Pinagmasdan ko ang palad ko at nakita ang familiar na papel na nandoon. Papel na ang tagal ko ding hinanap. Natigilan ako.
"Noong umalis ka at kinuha ang bag mo mula sa swing six years ago, nahulog ang notebook kasama niyan." Napakurap ako. "Iningatan ko yan para magkaroon ako ng dahilan para muli kang makita."
Bigla akong niyakap ni Ashton. Bumalot sa akin ang familiar niyang amoy. Hindi ko akalain na mayayakap ko siya. Na makaka-usap ko siya ng ganito nang hindi lang ako ang nakakakita.
"I miss you."
Pinagmasdan niya ako at wala akong nagawa kundi ang titigan siya. Napapikit ako nang maramdaman ang halik niya sa noo ko, down to the tip of my nose, hangang sa napunta sa labi ko. Tulad noong hapon na yon.
"I miss you so damn much."
Pinagmasdan namin ang isa't isa. Hinawakan ko ang kanyang mukha. He's here. He's really here in front of me. Hinawakan niya ang kamay kong may hawak ng papel. Binuksan niya ito at pareho naming binasa ang nakasulat.
It was a note. A note from six years ago. Ang note na mula mismo kay Ashton. Binaliktad niya ang papel at nabasa ko ang nakasulat sa likod nito. Pinagmasdan ko ang nakangiting si Ashton.
My miracle.
T H E E N D
***
Author's Note:
For the last time, thank you for being part of Delia and Ashton's story. Thank you for shipping #DelTon and showing your love with comments, messages, FB posts, and tweets.
I will miss this story as much as you guys will miss it. Maybe even more. Pero dito na natatapos ang story nila. And I hope you understand why. Thank you so much for reading The Jerk is a Ghost and sharing your emotions and tears for this story.
You can always tweet or message me your thoughts. @breatheapril or use the hashtag #TJIAG.
Bye guys! And oh, see you on my other stories. Stay awesome as always.
@april_avery
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro