Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

The Jerk: Eleven

Eleven,

"Honey, okay ka lang? You look pale." sabi ni Mom nang pumasok ako sa kusina kinabukasan.

Nilapag ko ang bag pack ko sa upuan at humarap sa breakfast table. "I'm fine, Mom." sagot ko which is a white lie. Pakiramdam ko ni hindi ako nakatulog ng kahit konti kagabi.

Napatingin sa akin si Dad na nagbabasa ng dyaryo. Kung hindi laptop ang dala niya sa table, madalas newspaper. "Nagpuyat ka nanaman." sabi niya. "Alam mo namang—"

"Yes, Dad. I know." sagot ko na kumuha ng bacon at egg, pati na din corn beef at nilagay sa plate ko.

"And she's talking in her sleep." biglang sabi ni Daniel na seryosong nagpapalaman ng Nuttela sa tinapay niya.

Napatingin kaming lahat sa kanya. "What?" tanong niya sa inosenteng boses. "I heard her talking."

Si Daniel ang pinakamalapit sa kwarto ko. Halos magkadikit lang ang kwarto namin. But it's not like the walls separating our rooms are so thin to the point na audible ang usapan. Nawala lang sa isip ko na magdamag na nakabukas ang pinto ng kwarto niya dahil kasama niya si Nacho na natutulog doon.

"It's Mindy." sagot ko nang mapatingin sa akin si Dad at Mom. "Late siyang tumawag sa akin kagabi."

Nakahinga ako ng maluwag nang hindi na pinalaki nila Dad ang usapan. Matapos kumain hinatid na ako ni Dad sa school. Nagpaalam ako pagdating sa school gate. Papasok na sana sa loob nang mapansin ko ang isang lalakeng naka lean sa wall at pinagmamasdan ako. Napangiti ito.

"Uh, okay?" wala sa sarili na sabi ko. Napatingin ako sa likod ko. Ako ba ang nginingitian niya?

"Hey, Delia." Tuluyan nang kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit ako kinaka usap ni Micko?

Gusto kong umiwas sa kanya at hindi siya pansinin. Pero naglalakad na siya papunta sa direction ko. Anong kailangan niya?

"Sabi ko, hey." sabi niya na naglakad sa tabi ko. I instantly felt uncomfortable. Hindi ko alam kung bakit pero nakakailang siya.

"I heard that." sagot ko na mas binilisan ang paglalakad.

Huminto siya bigla at kumunot ang noo. "May nasabi ba akong masama?" nagtatakang tanong niya.

NO. But you're acting really weird. I thought silently. I know Micko. Hindi siya gaya ni Ashton na madalas madamay sa kung ano anong gulo. Kung tutuusin mas approachable siya. Mas matino ng konti. Pero hindi siya yung tipong mag aabang sa gate ng hindi niya kilala at bigla nalang magiging friendly.

"Delia." tawag niya. Doon ako napahinto. Ano bang problema niya?

Nagsimula ng magtinginan ang mga taong kasabay naming papunta sa school building. What a great way to start the day.

"May gusto lang akong malaman." sabi niya na naglalakad ulit palapit sa akin. Damn. If only I can ignore him.

"Ano yun?" tanong ko. Kahit paano hindi siya gaya ng iba. Kahit paano pinag tanggol niya ako kay Reese noon sa Hospital kahit hindi niya ako kilala. I should at least hear what he wants to say.

"Can I date you?"

Pakiramdam ko nabingi ako. Everything and everyone within the hearing distance stopped abrupty in their positions. Naging tahimik ang paligid. Did someone just stop the time?

Napatingin ako sa mga taong kasama namin sa pathway. Bigla akong natawa. "Nice try, Micko." sagot ko at natatawang nagpatuloy sa paglalakad.

Geez. Kinabahan ako doon. Akala ko naman kung ano. Maagang pang aasar lang pala. Mukhang bumalik na ang grupo sa dating gawi nila.

"I'm serious, Delia." sigaw niya.

Napa paused ako sa paglalakad though pinili kong hwag nalang siyang patulan. Hinigpitan ko ang hawak sa straps ng bag pack ko at hindi pinansin ang tingin na binibigay sa akin ng mga kasabay ko. WHAT THE HELL IS HAPPENING.







Nalaman ni Mindy ang nangyari kaninang umaga sa pathway kaya hindi niya ako tinigilan tungkol doon buong umaga.

"Delia, may masama talaga akong pakiramdam tungkol sa Micko na yan." sabi niya habang naghihintay kami para sa susunod na subject.

"Mindy, it's just a joke. Kilala mo sila." sagot ko habang nilalabas ang libro ko mula sa bag.

"Micko won't take it this far if it's only a joke." seryosong sabi niya.

Mindy is talking about this whole thing na pinuntahan ako ni Micko sa classroom bago mag first subject kanina para mag sorry dahil mukhang nabigla niya daw ako. Mabuti nalang talaga taga kabilang section siya.

Bumuntong hininga ako. "Mindy, the guy didn't even know me two days ago."

Naalala ko noong nagkita kita kami sa Hospital. It's clear na ni hindi niya ako kilala noong mga oras na yun. Tapos ngayon ito? Come on, no one is that stupid to believe this bull.

"That's the whole point." Mindy hissed para hindi kami masyadong marinig. As of this moment kasi medyo alam na ng mga classmate namin na nag e-exist pala kami sa Jefferson High.

"Hindi ka niya kilala and his best friend almost died in an accident tapos biglang gusto ka niyang maka date? That is pretty strange."

I nodded. "I agree." Pero hindi alam ni Mindy na nagkita kita na kami. And I swear kapag nalaman niya yun mas lalaki ang suspicion niya.

"Why would he want to be close to you?" Mindy asked to nothing in particular. "Anong kailangan niya?"





Tumunog ang bell for Lunch. Nagmadali akong iligpit ang mga gamit ko para sabay kaming lumabas ni Mindy. Kanina habang nag ka-klase kami naalala ko si Ashton. Sinabi niyang aayusin namin ang tungkol sa problema niya ngayong araw. Pero hangang ngayon hindi ko pa siya nakikita. Wala sa sarili na napahawak ako sa noo ko. Nasaan na kaya siya?

"Delia," natigilan ako bigla nang marinig ang pangalan ko. Napatingin ako sa pintuan ng classroom. Nandoon si Micko.

OH GOD. Don't tell me hindi parin tapos ito? Napatingin ako sa bakanteng upuan ni Reese. For the first time sa buong existence ko sa Jefferson High, hiniling ko na sana nandito siya. Para naman mapigilan niya ang nababaliw na si Micko.

"Alam kaya ito ni Reese?" tanong ni Mindy na nakatayo na sa tapat ko. "That would be a nice show, don't you think?" biro niya.

Sinubukan kong ngumiti pero hindi ko mapagawa. Hindi na ito nakakatawa. Micko should stop this crap.

"Let's go." sabi ko kay Mindy at sabay kaming naglakad palabas ng classroom. Hindi ko tiningnan si Micko na naghihintay sa labas. Linampasan namin siya kahit pa gustong tumigil ni Mindy para tingnan siya ng masama.

"Bakit ba pinagti-tripan niya parin ako? Wala naman akong ginawang masama." sabi ko habang naglalakad.

Bigla kong natanong sa sarili ko. Wala nga ba? It's pretty clear that Reese don't like me. Pero sobra naman ata na pag tripan nila ako dahil lang sa nangyari sa Hospital. Nakarating kami sa cafeteria at nagulat nalang ako nang tumahimik ito pagpasok namin.

"That's her." narinig kong sabi ng isang babae.

"Oh, yung love interest ni Micko." answered another.

"I heard he already asked her on a date."

"She doesn't look special. Ano bang nakita ni Micko sa kanya?"

"Maybe one of their silly jokes." sabi ng isang pinakamalapit sa amin.

Tila may nagbara sa lalamunan ko. Napalunok ako at hindi sila pinansin. Dumerecho kami sa usual table namin ni Mindy sa sulok.

"Bitches, bitches, bitches everywhere!" naiinis na sabi niya. "Leche talaga ang Mickong yun. Alam kong ito ang plano nila."

"Calm down, Mindy." sabi ko. But deep inside halos manginig na ang kamay ko sa humiliation na nararamdaman.

"Dito ka lang. Ako na ang kukuha ng pagkain natin." she said. "Hwag mo nalang sila pansinin."

Pumunta si Mindy sa counter dala ang pera. Naiwan ako doon ng mag isa. Dati, hangang marunong kang umiwas hindi ka mapapansin nila Micko. Pero ngayon kahit anong gawin ko I was the center of the biggest joke.

Mas lalong sumama ang pakiramdam ko nang makitang pumasok si Micko sa cafeteria. Kasabay niya ang ilan sa basketball team. My stomach started to churn nang mapatingin siya sa direction ko. WHAT NOW?

Nagpaalam siya sa mga kasama niya at naglakad papunta sa table namin. Napatingin ako kay Mindy na busy sa counter. Mindy, I need you. I thought lamely. Nagsimulang magtinginan ang mga tao.

"Delia, pwede bang—"

"Stop this." sabi ko nang makalapit siya. "Wala akong ginagawang masama sa inyo so please stop this bullshit."

Nagtataka siyang pinagmasdan ako. Nice acting, Micko. "Ano bang sinasabi mo?" tanong niya.

"Don't act like you don't know." sagot ko. Hindi ko naipagtanggol ang sarili ko kay Reese noon but that doesn't mean I would let it happen again.

"Hindi na nakakatawa ito, Micko." Huminga ako ng malalim. "Stop this."

Tila nag sink in sa kanya ang sinabi ko. "Pero hindi ako nagbibiro." seryosong sabi niya.

"Really?" I can't help but sound sardonic. "You don't even know me." I pointed out. "Two days ago you don't even know I exist, remember?"

I tried to keep my voice low pero hindi ko mapigilan ang inis ko.

"Mali ka." sabi niya. There is this sad smile in his face. I almost believe him. "Delia, can we just—"

"NO." sagot ko agad. "There is no we."

Hinablot ko ang bag ko at balak na sanang umalis sa harap niya nang harangan niya ang daraanan ko.

"Padaanin mo ako." utos ko.

Huminga siya ng malalim pero hindi parin umalis sa way ko. "Delia, I just wanted to show you something." he said. "Para maniwala ka."

Mas tiningnan ko siya ng masama. "Just go, Micko. No one is laughing at this silly joke." I stated.

Pero instead sumunod mas lumapit siya sa akin. I can feel my pulse quicken. He is towering over me. Pakiramdam ko hindi ako makahinga.

"I'm sorry but I just want you to—"

Natigilan si Micko sa pagsasalita nang isang walang laman na water dispenser container ang gumulong sa gitna ng cafeteria at huminto sa tapat niya. Wait, what?

Napatingin ako sa pinangalingan nun at nakita siya sa gitna ng mga tao. Si Ashton na nakataas ang kilay habang naka lean sa poste kung saan nakalagay ang water dispenser. Kalmado niyang muling sinipa ang isang container at gumulong ulit ito sa direction ni Micko.

Nagtataka na ngayon ang mga tao since ako lang ang talagang nakakakita sa may gawa nun. Thank God. Kinuha ko ang pagkakataon na yun para umalis. I grabbed my bag at nagmadaling lumabas ng cafeteria. Napansin kong sumunod si Ashton sa akin. Naka pamulsa siya at tila ba wala sa mood.

"What was that?" tanong niya nang makalayo na kami. Naglalakad kami hallway papunta sa side ng school.

"I will be glad if I know." sagot ko na nagpatuloy sa paglalakad.

"Ginugulo ka ba niya?" tanong niya ulit.

"May kailangan lang siya sa akin." sagot ko.

"Hindi yun ang narinig ko." Napahinto ako at humarap sa kanya. Luckily halos nasa cafeteria ang lahat sa mga oras na ito kaya walang makakakitang kinakausap ko ang sarili ko.

"He needs something kaya niya ako nilalapitan. What else could be the reason?" tila naiinis na sagot ko. Maging ako kasi naguguluhan na.

Nakalagay ang mga kamay ni Ashton sa bulsa habang seryoso akong tinititigan. It's weird. Na kausap ko si Ashton sa isang lugar na tinuturing siyang hari.

Kumunot ang noo ko. "Bakit ganyan ka makatingin?"

"Paano kung ikaw ang kailangan niya?" walang emosyong tanong niya.

I can't help but snort. "Come on, Ashton. You and I both know that he doesn't even know me."

Something on Ashton's eyes suddenly made me uncomfortable. "How can you be so sure?"

***

Author's Note:

Hi! We have a Facebook group! Just search April Avery's Stories. I love hanging out with you here. Makikita niyo din ang mga post ng iba pang readers ng TJIAG. Nasa profile ko po ang mga links.

You are also free to submit fan arts and covers. I'll post it as multimedia here in Wattpad (Like the one above made by Diorena)

So what do you think about Micko? Is he serious about this or Team Ashton parin?

Til the next update!
@april_avery

Official twitter hashtag: #TJIAG

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro