Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

The Jerk: Eighteen

Eighteen,

Nagising ako kinabukasan na medyo nahihilo. Pakiramdam ko may hang over ako. Though hindi ko alam ang eksaktong pakiramdam ng meron nito dahil hindi ko pa nararanasan.

Linibot ko ang tingin sa kwarto. Halos masilaw ako sa liwanag mula sa nakabukas na bintana. Anong oras na ba? Napatingin ako sa wallclock at halos manlaki ang mga mata ko. Ten o'clock?!

Mabilis akong umalis mula sa kama. Dahil doon halos mahilo ako. Inabot ko ang malapit na table para sa suportahan ang pagtayo ko. Damn. May sakit nga pala ako. Isang yellow note ang nakita ko sa table na nakaipit sa isang baso ng orange juice. Binasa ko ito:

"Hindi ka na namin ginising. Hwag ka munang pumasok ngayong araw. Sinamahan ko si Danny sa school program nila. Nasa kusina ang pagkain. Uminom ka ng gamot at magpahinga. Love, Mama."

I groaned. Paano nalang kapag may importanteng gagawin sa school ngayon? Kinuha ko ang baso ng orange juice at lumabas ng kwarto. Maaliwalas sa loob ng bahay at napakatahimik. Bumaba ako sa staircase habang iniinom ang orange juice. Nang makarating ako sa sala halos mabuga ko ang iniinom ko.

"What the hell, Ashton?"

Napalingon siya sa akin habang nakaupo sa sofa na para bang kanina pa naghihintay. "Mabuti naman nagising ka na."

Napangiti siya matapos akong pagmasdan mula ulo hangang paa. I'm fully aware I'm wearing a pizza printed pajama and a SpongeBob Squarepants oversize t-shirt. At hindi ko nagawang suklayin ang buhok ko.

"Kanina ka pa ba dyan? Sandali, umuwi ka ba?"

Napakamot siya sa ulo niya. "Dumaan ako sa Hospital sandali para makibalita sa lagay ko."

"How was it?"

Napangiti si Ashton. "I'm doing fine. Better than the last few days."

Naging maaliwalas ang mukha ko. "That's great. It's only a matter of days at makakabalik ka na. Your body just needs to be ready. Magpalakas ka."

"Sabi ng may sakit." sarcastic na sabi nito na hindi parin naaalis ang ngiti. Bakit ba ganyan siya makatingin? Sa hindi ko nagawang mag ayos. Isa pa nasa bahay lang naman ako ah.

"Delia?" he asked.

"What?" nakakunot ang noong tanong ko.

"Kung sakaling makabalik ako—" Bigla niyang pinutol ang sasabihin niya. Para bang nagdadalawang isip siya. "Kung sakaling makabalik ako... kung sakaling magising na ako... will you still stay by my side?"

Natigilan ako sa tanong niya. Para siyang bata na nagtatanong kung maiiwan ba siyang mag isa sa kwarto niya kapag tuluyan na siyang nakatulog. There is hope in his question. Hope that he will not be alone.

But he will never be alone. Kapag bumalik na sa dati ang lahat, he will have his old life back, his friends, his family, his own crowd of popular people. And I can't stay by his side because I don't belong in any of those.

"I can't." I answered honestly. Tiningnan ko siya ng derecho sa mga mata at pilit na ngumiti. "Ashton, I don't belong in your future. But right now I'm here with you. It's all that matters, right?"

I need to be realistic. Babalik sa dati ang lahat. He will go back to his old life and I will go back to my own. Hindi kami magkakilala. Sikat siya at hindi niya ako kilala. That's how it goes. Even if I badly wanted us to stay like this, I know I'm aiming for the impossible.

Hangang ngayon nga parang impossible parin na nandito siya sa harap ko, na nakakausap ko o may pakialam siya sa akin. I remember watching Ashton from a distance. Kapag nakakasalubong ko sila sa hallway, kapag nagtatawanan sila sa cafeteria, kapag naforce ako ni Mindy na manood ng mga basketball game nila.

I have always been curious about him. I wanted to know the story behind his behavior. Kung bakit ganoon ang ugali niya o bakit ganoon ang gusto niyang ipakita. I guess I have a fixation with things that are broken. I wanted to fix them. Even though I know they will leave me eventually. Ganyan ang nangyari noong una kong nakilala si Micko De Lara.

Napansin ko na nagbago ang expression ng mukha ni Ashton. Para bang natigilan ito at naging confused. "But I want you." wala sa sarili na sabi nito. "Gusto kong isa ka sa mga babalikan ko."

He sounds so normal while saying those words. He doesn't even have an idea how his words affect me.

"You will have everything you could ask for the moment you wake up. You don't need me." Natatawang sabi ko though deep inside I'm caving in. "Ashton, let's not talk about this."

Tumalikod ako sa kanya at dumerecho sa loob ng kusina. Nang masigurado kong hindi na niya ako makikita, napasandal ako sa pader. Gusto kong matawa but at the same time alam kong nangingilid na ang luha sa mga mata ko. Dapat pinigilan ko na ito noong una palang. I shouldn't let myself get emotionally attached, especially with Ashton.




Hindi ko na narinig ang boses ni Ashton mula sa sala. Baka umalis na siya. Pilit kong kinain ang breakfast na nasa mesa. May note nanaman doon na nagsasabing ubusin ko ito. Wala akong gana. Pero ginawa kong dahilan ang pagkain para magtagal ako sa loob ng kusina.

Nang matapos na ako, niligpit ko ang pinagkainan ko at lumabas ng kusina. Nasa gitna ako ng pagde-decide kung matutulog nalang ba ako ulit o magbabasa ng libro nang bumungad ulit sa akin si Ashton. This time nakaupo siya sa pinaka mababang step ng staircase na para bang naghihintay.

"Ang tagal mong kumain."

"Are you planning to stay here all day?"

Napangiti siya. "Yup." he said emphasizing the p.

"Matutulog ako, Ashton."

"Samahan kita?"

Sinamaan ko agad siya ng tingin. Natawa siya sa reaction ko at nagtaas ng kamay na para bang nasa harap ng isang pulis. "Biro lang."

I rolled my eyes. Hindi parin pala naaalis ang ugali niyang yon. "You can't stay here all day, Ashton. Mabo-bore ka lang kasama ako."

I'm not fun to be with aminado ako doon. I'm not the type of people Ashton associates himself with. I'm not on the hang out and party side. I'm more on the books and movie side. And I'm not planning to change that.

"You are never boring, Delia." Natigilan ako sa sinabi niya. "You are one of the most interesting people I know."

I can't help but scoffed. "Yeah right."

Tumayo si Ashton mula sa steps at tila ba nag inat. I noticed how the rays of the morning sun from the nearby window passed through him. He is as if a faded picture or a picture with too much lighting.

"You are clumsy, lagi kang natatapilok o nababanga kung saan saan. Did you know how entertaining it is to watch you?"

I snapped back in attention. Wait what? Unti unti kong tiningnan ng masama si Ashton. Halos matawa siya bago nagpatuloy.

"You sing your heart out with random songs. You have a funny obsession with fictional characters. Halos matakpan ka na sa dami ng libro sa kwarto mo. Pati commercial iniiyakan mo. You have a childish taste on clothes and—" ginulo niya ang buhok ko. "You don't even know how to comb your hair."

Inis na inalis ko ang kamay niya mula sa ulo ko. So mang aasar lang pala siya?

"You are very different from the people I used to hang out with." Bumuntong hininga siya.

"You do things for the sake of doing it. No other motives or reason. Tumatawa ka ng malakas dahil masaya ka, hindi dahil may gusto kang patunayan. You hang out with your friends because you like to be with them, not just because you have to be with them. You are so simple and pure that I wanted to be on your side a lot. Maybe that way my life will be much better."

Pinagmasdan ko si Ashton. And in that exact moment I wanted to cursed myself. I wanted to tell myself to stop. This is going to be painful. You will be hurt. A lot. Pero alam kong huli na ang lahat.

I'm falling for Ashton.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro