Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

22: Gown

"Sometimes all you need to do is play along." -jazlykdat

***

  Published by PSICOM Publishing Inc. Now available in bookstores nationwide for Php175. Grab your copies now.  

***

Late na nang magising si Lianna.

It's been two days since they came from the beach resort. Vaughn was surprisingly sweet. Lalabas lang ito ng bahay kapag kasama siya.

Katulad na lang kahapon, ayaw sana niyang sumamang mamasyal dahil tinatamad siya pero ayaw nitong iwan siya. The kids were so excited at ayaw namang pumunta kung hindi kasama ang isa sa kanila. Napilitan tuloy siyang sumama.

Pero hindi naman siya nagsisi dahil nakita niya ang kasiyahan ng mag-aama habang namamasyal. They keep taking pictures. And everytime Vaughn faces the camera dapat ay lagi siyang kasama. Nahiya pa nga siya sa parents nito dahil sila ang naging photographer nilang apat.

Nagtaka siya nang makitang sinusukatan ang dalawang bata sa living room pagbaba niya. Vaughn and his parents are also there.

"Come here, my dear." Saad ng ginang nang makita siya.

"Shannon, this is Vaughn's wife. Her gown must be exceptional, okay?" saad nito sa babaeng kumukuha ng sukat ng dalawang bata.

"Sure, madam!" Nakangiti namang saad ng babae.

Why does she need to wear a gown?

"It's for the twins' birthday party," Vaughn informed. Nakita siguro nito ang pagtatanong sa mukha niya.

Lumapit ito sa kanya at humalik sa noo niya. Ilang linggo na lang pala ay birthday na ng mga ito.

"Isn't that supposed to be a children's party?" bulong niya rito. They'll only be five.

Bakit kailangang may naka-gown pa?

"Shhhh," Vaughn chuckled softly in her ear. Medyo nakiliti pa siya.

"It's mom's idea. Hayaan mo na." bulong rin nito. Hindi na lamang siya nag-react pa. It's his mom, she doesn't have the heart to protest.

"Aren't you going to let Lianna choose a design for herself?" Vaughn suggested nang sinusukatan na siya ng couturier.

"I'll take care of that," his mom immediately replied. Agad namang binalingan ni Vaughn ang ina nito.

"Okay as long as you won't let her use white or blue gown," he said and sat down on the couch.

Napakunot-noo siya. Parang noong nakaraan lang, iyon ang kulay na gusto nitong suotin niya. Tsk! He's really bipolar.

***

Umikot si Lianna sa salamin matapos siyang ayusan. Pakiramdam niya ay hubad siya. Hindi kasi siya sanay na nagsusuot ng bare back gown. Lalo pa at nakapusod ang mahabang buhok niya. There's a clothe that connects the dress at her nape. Bare na ito hanggang sa baywang niya. Sa harap naman ay hapit hanggang baywang. Bahagya ring kita ang cleavage niya. Sa baba ng baywang ay umaalon na ang gown hanggang sa paa niya.

It was his mother's choice kaya hindi siya makatanggi. She feels sexy though. Hindi nga lamang niya sigurado kung matutuwa ang asawa niya. Paiba-iba naman kasi ang gusto nitong isuot niya.

"Oh, you look so gorgeous my dear," Vaughn's mom exclaimed when she emerged at the living room.

"Thanks mommy," nahihiya niyang tugon. Mommy na rin tawag niya rito. The old woman insisted it. Nakakahiya naman kung tatanggi siyang tawagin ito sa paraang gusto nito.

"Where are the twins and Vaughn, mom?"

Sila na lang kasi yatang dalawa ang nasa loob ng bahay.

"Nauna na. Your dad called. May mga bisita na raw kasi doon." Paliwanag nito. Napatango na lamang siya.

The limousine was waiting for them when they went out of the house. Vaughn's parents are really wealthy. No doubt.

Nalula pa siya nang pumasok sila sa venue ng party. It's in the function hall of their luxurious hotel in Dublin. It was decorated with blue and pink flowers and balloons. The tables are all white na may nakapatong na blue and pink balloon arts. Parang naintindihan na niya kung bakit ayaw siyang pagsuotin ni Vaughn ng blue at white, magmumukha kasi siyang decoration.

"I'll just go to the restroom, dear. Please find your way. They are right in front of the stage." Nakangiting paalam ng biyenan niya. Wala na siyang nagawa nang tumalikod ito. Tumingin siya sa stage ng function hall kung saan may bandang kumakanta ng mellow music. Nasa dulo pa pala ito.

She felt awkward while walking towards the stage. Pakiramdam niya ay pinagtitinginan siya. Vaughn said their whole clan are here plus his parents' friends.

"Hey there!"

Napatingin siya nang may bumati sa kanya mula sa isang table. The man stood up and smiled. She remembers him. Ito yung pinsan ni Vaughn na pumunta ng opisina noon.

"Hi beautiful! I know you," he said smiling. Lumapit ito sa kanya. Nagulat pa siya nang hawakan nito ang kanang kamay niya at hinalikan.

"Don't you remember? I'm Jake. We met at Vaughn's office," pakilala nito. Nakita siguro nito ang pagkunot ng noo niya.

"Ahm. I'm glad you still recognized me," tugon niya rito. She couldn't believe he rememebered her. Parang mabilisan lang kasi ang nangyari noon dahil pinaalis agad ito ni Vaughn sa harapan niya.

"Well I have a rare talent of remembering beautiful faces," he said chuckling. Napangiti na lang siya sa biro nito.

She froze when somebody grabbed her waist. Kung hindi lang niya naamoy ang pamilyar na bango ni Vaughn baka naitulak na niya ito.

"Let go of my wife's hand," banta nito kay Jake. Natatawa namang binitawan ng isa ang kamay niya.

"Chill! I know she's your wife you don't have to remind me," natatawang saad ni Jake sa asawa niya. What?

Kumindat ang lalaki sa kanya. So he knows that she is Vaughn's wife? Kailan pa?

"I know he'd react that way," natatawa nitong bulong sa kanya bago lumayo.

"What did he say?" seryoso namang sita ni Vaughn. Napailing na lang siya sabay sabing "Nothing." Na mas lalo yata nitong ikinainis pero hindi na nagsalita pa.

"These are my cousins." Turo nito sa mga nakaupo sa table.

"Hey, Lianna!" bati naman ng mga ito. There are two boys; one of them is Jake, na natatawa pa rin, and three girls. They all look a mixture of foreign blood.

"They know me?" Bulong niya kay Vaughn.

"Of course we do. Vaughn had been telling us about you." Natatawang saad ng isa sa kanila. Narinig pala nito ang tanong niya.

"We thought you're just his imagination." Segunda naman ng isa bago sila nagtawanan.

"Don't mind them they are crazy," Vaughn said before guiding her away from the table.

"and you are insane," dinig pa niyang sagot ng isa pero hindi na sila pinansin ni Vaughn.

She felt his hand on her bare back.

"I should have known Mom's taste on dresses," inis nitong bulong sa kanya.

She stiffened. Hindi na naman yata nito nagustuhan ang suot niya. She almost thought hindi niya bagay ang gown until Vaughn spoke.

"I'm gonna take off the eyeballs of that man on your right if he is not going to take his eyes off you in ten...nine...eight..."

Napatingin siya sa lalaking sinasabi nito. Nakatingin nga ang lalaki sa kanya. She felt a little awkward with the man's stare.

"seven...six...five..."

Vaughn is not looking at the man. Pero paanong alam nito na may nakatingin sa kanya?

"four...three..."

"Hey," she snapped. Lumipat siya sa kabilang side ni Vaughn para hindi na siya makita ng lalaki. She felt relieved nang bumaling sa iba ang tingin ng lalaki.

Ninerbiyos pa siya. She remembered the scene when Vaughn held a gun in front of her. Ayaw na niyang maulit iyon.

"Isa pa yang lalaki sa kabilang table," saad ulit nito. Parang gusto niyang mapa-face palm sa inaakto ni Vaughn.

"Tara na nga lang," hinila na niya ito palapit sa harapan kung nasaan ang mga bata. Mabuti na lang at sumunod din ito.

Prenteng nakaupo ang dalawang bata na tinabihan naman niya. Vaughn sat beside her and brought out his phone. Iniangat nito ang phone sa tainga. He must be calling someone. Lumayo ito nang nagsimula nang magsalita sa telepono.

His mom appeared from nowhere. May mga kasama itong ilang bisita.

"Is she Lianna? She's so lovely!" one woman commented. Nginitian na lamang niya ang mga ito.

"Of course, my son has a good taste." Nagmamalaking tugon ng biyenan niya sa bisita nito. She introduced her to the visitors. Magiliw din siyang nakipagkilala sa mga ito.

"And these are the twins," Pakilala nito sa mga apo.

"They are so cute," komento naman ng mga ginang.

May lumapit ding isang lalaki at ipinakilalang anak ng isa sa mga ginang na naroon. She politely extended her hand when she was introduced.

Naramdaman naman niya ang presensya ni Vaughn nang hapitin siya ito sa baywang.

"I know you are a good business partner but if you won't stop ogling at my wife it will be the end of our business deals." Agad nitong pahayag.

Pinamulahan siya sa deretsahang pahayag ng asawa. Kahit iyong mga nakarinig ay natahimik pa. Gano'n ba siya kaganda para pagnasaan ng mga lalaki?

"Okay, eyes off!" Natatawang biro ng Mommy ni Vaughn sa lalaki para pagaanin ang sitwasyon. Napailing naman ang lalaki.

"I'm just admiring the---" hindi naituloy ng lalaki ang sasabihin dahil tinalikuran na ito ni Vaughn.

He stood infront of her to block the man's view. She heard the women's giggles before the band started playing. Hindi na niya naintindihan ang mga sinabi ng mga ito.

Pag-upo niya, paalis na yung lalaki sa table nila.

"You're acting weird," puna niya rito nang umupo ito sa tabi niya.

"Can you loosen your hair para matakpan ang likod mo?" tanong nito sa halip na sagutin ang sinabi niya.

Okay now he understands his weird actions. Nagiging over-protective na ulit ito. Parang gusto niyang kiligin dahil sa pagka-possesive nito.

Possesive?

That sounded like he adores and cares for her.

Does he?

Hindi naman kasi nila napag-uusapan ang lahat. He's been acting sweet but he never tells her if everything is already okay. Ayaw naman niyang magtanong. She doesn't want to spoil everything. Umaayon na lang siya sa agos. Besides, she likes this better kaysa naman sa dedmahin siya nito.

The band played few songs bago umakyat sa stage ang biyenan niyang babae. Ini-announce nito ang dahilan ng party. Pinaakyat siya nito sa stage para pormal na ipakilala. Vaughn immediately got up to escort her. Pagkatapos ay tinawag naman nito ang dalawang bata at ipinakilala.

When they went down the stage binulungan siya ni Vaughn na may pupuntahan lang sila saglit.

He ushered her to the washroom at ini-locked ito.

"Can't you really remove this?" hinawakan nito ang pins na nakalagay sa buhok niya.

"Huwag, masisira yung set-up ng buhok ko," hinawakan niya ang kamay ng asawa para pigilan itong tanggalin ang mga hair pins.

"Really? Kitang-kita kasi 'tong likod mo." Saad nito.

Hindi na lamang siya nagsalita. Wala naman siyang magagawa.

She gasped when Vaughn suddenly held her waist and kissed her on the neck. Napapikit pa siya. Though, it feels great she suspects it would leave a mark. No it's not just a mark but marks. He's gently biting her neck.

Agad naman siyang natauhan.

"Vaughn!" Itinulak niya ito. She looked at her neck on the mirror. May mga marka nga talaga. Shocks!

"Ayaw mong ilugay 'yang buhok mo. You might as well want to change clothes," nakangisi nitong saad. He pointed the paper bag on the sink bago ito lumabas ng washroom. Hindi man lang niya napansin iyon kanina pagpasok nila.

Hindi niya alam kung maiinis siya o kikiligin sa ginawa nito.

Nagsalubong ang kilay niya nang ilabas niya ang damit sa paper bag. It's a long-sleeved gown na turtle neck.

Seriously? Saan ba nito kinuha ang damit?

Parang damit lang ni Miss Menchine. Yung nang-aapi kay Princess Sarah dati.

Inis niyang ibinalik ang gown sa paper bag.

She rummaged her pouch.

She smiled devilishly when she saw the concealer. Buti na lang nadala niya. She's really a girlscout. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro