Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Part 7

HARMONY CHANDREL GRAY'S

From: Baby Trivs
You free?

"Guys baba ko na lang muna kayo sa bahay may pupuntahan ako." Agad kong sabi ng matanggap ang text ni Trivan.

"San punta?" Tanong ni Scarlette.

"Uhm. Family gathering." I quickly answered. Agad kong tinext si Trivan para sabihin na free ako. Agad silang bumaba pagkahinto sa gate ng bahay namin.

"Ingat ka Harmony!" Sigaw ni Hestia habang kumakaway.

"Ingat din kayo." Mabilis kong pinaandar ang sasakyan at pumunta sa mall na pag-aari namin. Ang Gray's mall. Buti na lang hindi ako kilala ng mga staff dito kasi sabi ko sa mga parents ko ayoko sa lahat ang pinapakilala sa mga staff. Agad akong nagtungo sa mamahaling restaurant na nasa loob ng mall.

"Harmony!" Agad kong narinig ang sigaw ni Trivan kaya mabilis akong lumapit don at umupo.

"Anong excuse ang sinabi mo sa mga kaibigan mo?" Tanong niya.

"Family gathering. Im sorry Trivan kung hindi pa kita napakikilala kahit sa-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng putulin niya ito.

"No need to say sorry sabi ko naman sayo diba? Kaya kong maghintay kahit gaano katagal yan. Even decades. Mahal kita Harmony alam mo yan." Ngiti niya habang kinuha ang kamay ko para hawakan. "So anong gusto mong kainin?" Tanong niya.

"Ikaw hehe." Sagot ko dahilan para matawa siya.

"Kapag ako ang kinain mo busog ka na agad." Natawa kami parehas sa sinabi niya.

"I want to order carbonara and shake." Sagot ko.

"Waiter!" Pagtawag ni Trivan.

"Yes po ano po order nila?" Mahinahong tanong ng waiter.

"2 carbonara and 2 mango shake." Pag order ni Trivan.

"Gaya-gaya naman ng order ito." Biro ko.

"So kamusta naman kayo ni ate Hennedy?" Tanong ni Trivan. Ate Hennedy is my older sister. Dalawa lang kaming magkapatid and close kami dati not until an issue came.

"Doing well, I guess." Malungkot kong sabi. Ever since the issue came up hindi pa kami nakakapag-usap. Sinubukan kong kausapin siya pero wala parin.

"Im sorry sa paggulo sainyong magkapatid." Ramdam ko ang sincere sa boses ni Trivan.

"No, dont be. Wala kang kasalanan." Agad kong kinuha ang kamay niya pagkatapos ay ngumiti sakaniya.

"Excuse me po, order's complete." Sabi ng waiter pagkatapos ay nilapag sa table namin ang mga order.

"Kailan mo balak ayusin yung sainyo ng ate mo?" Tanong ni Trivan, halata sa muka niya ang lungkot.

"Kapag parehas na kaming ready. Hindi ko rin sure pero alam ko na hindi pa kami ready ngayon." Sabi ko habang kumakain ng carbonara.

"What about your friends? Gusto ko silang makilala pero I respect your decision." Sabi niya sabay ngiti.

"Ayon ok naman kami except for Avis na nabaril pero she's doing great na. Hindi namin siya kasama kasi sabi ng parents niya kailangan niya muna ng rest." Pinunasan ko ang konting sauce na tumulo sa labi ko.

"Mas ok siguro kung ako magpupunas niyan pero hindi gamit ang tissue. I want to do that but using my lips." Agad akong namula sa sinabi niya. Hmm? French kiss in a public place? Not bad I guess.

"Loko!" Sabi ko sabay hampas sa braso niya na mahahalata mong nagwowork out sa gym. "Kailan laban niyo sa iba pang university?" Tanong ko para hindi niya mahalata na kinikilig ako sa sinabi niya.

"Next week. I expect you to come." Sagot niya sabay wink sakin. Nakakainis naman ito eh parang tanga. Hindi ako makakain ng maayos dahil sakaniya.

"Oo naman pupunta ako baka kung sino landiin mo na babae ron." Biro ko.

"No need to worry ikaw lang ang babae sa buhay ko syempre pati si mama." Kainis naman itong lalaki na ito lagi na lang ako pinapakilig. Kotang kota ka na sa araw na ito ha!

Pagkatapos naming kumain namasyal kami sa mall para tumingin tingin ng mga damit. Agad akong pumasok sa isang shop na puro floral dress. Agad nakuha ng atensyon ko ang straight pink floral dress kaya agad akong pumunta sa fitting room para isukat.

"Trivs what do you think?" Tanong ko kay Trivan pagkalabas ko sa fitting room.

"Looks good on you but" nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko dahilan para makiliti ako ng konti. "I like you more without your clothes on." Sabi niya sabay tawa.

Umayos-ayos ka baka masahig kita dito sa mall hindi ako makapagtimpi sayo!

"Manyak." Bulong ko sa tenga niya dahilan para matawa kami parehas.

"Manyak pero sayo lang." kumindat siya dahilan para tumibok na naman puso ko. Grr!

"Babayaran ko na nga ito! Bwisit ka!" Sigaw ko sakaniya kaya naman napahiya ako ng pagtinginan ako ng mga tao don.

"3,500 po maam." Agad kong binigay ang cash ko at kinuha na ang dress ko.

"So san na tayo ngayon?" Tanong niya.

"Arcade!" Mabilis kong sagot kaya nagtungo kami sa taas ng mall para pumunta sa arcade.

"Same Harmony naalala ko tuloy nung bata pa tayo mahilig ka sa arcade." Pag-alala niya kaya natawa kami parehas. Magkababata kami ni Trivan pero nagkahiwalay kami dahil lumipat kami ng bahay. Nakilala ko lang ulit siya sa social media kaya napagkasunduan namin na magkita hanggang sa nadevelop na kami sa isa't-isa. Nagpataasan kami sa pagshoot ng basketball.

"Ang duga naman naka 60 ka! 30 lang ako!" Angal ko sabay pout sakaniya.

"Ikaw ba naman ang kumalaban sa basketball player eh." Sabi niya habang nakapout parin ako. "Wag ka ngang gumanyan baka mahalikan pa kita." Agad kong tinanggal ang pagkapout ko.

"Heh! Uwi na nga tayo." Mabilis akong lumabas sa arcade.

"Wait." Agad akong hinablot ni Trivan sa braso pagkatapos ay hinalikan ako sa noo at niyakap. "Gusto ko pang makasama ka. I miss you baby." Hindi parin siya kumakalas sa pagkayakap ko.

"I miss you too and I love you baby."

"I love you too." Tinanggal niya ang pagkakayakap sakin pagkatapos ay hinalikan ulit ako sa noo. "Ingat ka." Ngiti niya habang lumakad paalis.

"Text ka kapag nasa bahay ka na ha!" Sigaw ko dahilan para humarap ulit siya sakin.

"Oo ingat ka!" Sigaw niya. Nagtungo ako sa parking lot para umuwi na. This is unforgettable day! Agad kong pinaandar ang sasakyan ko para umuwi na.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro