Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Part 6

AVIS ASTRID SMITH'S POV

"Where am I?" I immediately asked after I open my eyes and found myself sleeping at the hospital.

"Thank God your okay! Honey Avis is awake!" Hysterical na sigaw ni mama while crying. Well, I get it she is fond of drama.

"Anak salamat naman at nagising ka na." Mas lalo akong naguluhan nang makitang umiiyak si papa.

"Ano nangyari? Bakit ako nasa hospital? Nasan mga kaibigan ko? Ma! Pa! Sabihin niyo anong nangyari?!" Umiiyak kong sigaw. Im clueless. Ano bang nangyari? Namatay ba ako tapos muling nabuhay?

"May nagpaputok ng baril sa ulo mo tatlong araw ka ng hindi gumigising. Araw-araw kang dinadalaw ng mga kaibigan mo dito." Nagulat ako sa sinabi ni mama. "Hindi pa alam kung sino ang may gawa niyan sayo pero I'll do whatever I have to do para mahuli yon." Iyak nang iyak si mama.

"Ma hindi na ba pupunta dito ang mga kaibigan ko?" I asked while crying.

"Mamaya babalik yung mga yon o kaya gusto mo itext ko sila para makapunta na agad sila dito?" Tanong ni papa.

"Tawagan niyo na pa." sagot ko.

"Hello. Oo gising na siya. Gusto niya na pumunta na agad kayo dito. Oo sige ingat kayo." Narinig kong sabi ni papa sa phone call. "Tinawagan ko na si Caroline papunta na raw sila kakagaling lang nila sa school para kunin schedule niyo." Natuwa ako sa sinabi ni papa makikita ko na ulit mga kaibigan ko. May pumasok na nurse para tingnan ako.

"Sa ngayon po hindi po muna siya dapat mapagod, kailangan din po siyang bantayan dahil may mga chance na sasakit ang ulo niya due to the operation." Sabi ng nurse habang tinitingnan ako.

"Kailan siya makakalabas dito?" Tanong ni mama.

"Pwede na po siyang makalabas bukas mrs. Smith." Ngumiti si mama sa sinabi ng nurse. "If you need anything kindly press the emergency button. Thank you po." Dagdag pa ng nurse bago lumabas.

"Avis!" Syempre alam ko na kung sino ito, my microphone friend, Scarlette.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Athea sakin.

"Yes pero may situation daw na sasakit ang ulo ko." I said.

"But thank God your okay. Im sorry." Iyak ni Penelope habang niyayakap ako.

"No need wala kang kasalanan."

"Nakuha na namin schedule sa school magkakaklase tayo syempre except kay Hestia." Tuwang tuwa na sabi ni Caroline.

"Oo ako na matanda sige." Tumawa kaming lahat sa sinabi ni Hestia.

"So kailan ka lalabas? Road trip tayo!" Harmony suggested.

"With beers!" Saoirse added.

"Ssap sa beers." Hestia disagree. Yes she is the oldest pero never siyang uminom ng beers o any alcoholic beverages para sakaniya nakakabilis lang ito ng buhay, she preferred iced coffee.

"Wala tayong magagawa sinabi na yan ni tanda." Everyone laughed at what Scarlette said.

"Bukas pwede nakong lumabas." Sagot ko.

"Ok lang ba if samin muna si Avis para masubaybayan namin?" Mama asked kita ko ang lungkot sa mga tropa ko.

"Ok lang po. It's for the best." Caroline smiled.

"O sige umuwi na kayo para makapagpahinga agad kayo." Halata kay mama na ayaw niyang makasama mga tropa ko. Ano ba meron?

"Bye Avis!" Sabay sabay nilang sabi bago lumabas.

"Ma may problema ba?" Tanong ko.

"Wala. Paano mo naman nasabi?"

"Parang pinapalayo mo ako sa mga friends ko."

"No anak kailangan lang talaga nilang magpahinga." Wala akong magawa kung hindi paniwalaan na lang ang sinabi ni mama. Someday mahahanap ko rin ang sagot.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro