Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Part 5

Athea Jade Wendel's POV

Iyak ako ng iyak na makita na ok na si Avis. Gahd hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyari man na masama sakaniya. Nagulat ako sa biglang pagpasok nila Saoirse, Harmony at Caroline.

"Is Avis okay?" Tanong ni Saoirse.

"Yes. She's fine!" Tuwang tuwang sagot ni Scarlette.

"Maghintay na lang tayo sa paggising niya, but you girls dapat na kayong umuwi." Utos samin ni tita Shane. Seriously? Hindi ko kayang umuwi hangga't hindi ko nakikitang gising si Avis.

"Magiging ok lang po ba kayo dito?" Hestia asked.

"Yep we'll be fine together with your tito Josh." Ngumiti si tita Shane samin kaya wala narin kaming nagawa kundi umalis at bumalik na lang bukas.

"This was a tough day." Sabi ni Kennedy sabay buntong hininga.

"Well this is all because of me. Im sorry." Hanggang ngayon sinisisi parin ni Penelope ang sarili niya sa nangyari. We are walking towards the parking lot.

"Hey come on it's not your fault." I conforted her nang makasakay na kami sa van.

"Avis is a strong girl Im sure she's going to get through this." Lahat kami ay sumang-ayon sa sinabi ni Caroline.

"So I think sa bahay na tayo ngayon this is a tough day for all of us we should rest." Sambit ni Harmony habang iniistart ang van.

Tahimik kaming lahat habang papunta sa bahay. Lahat parang may malalim na iniisip. I was really preoccupied sa nangyari, hindi ako makamove on and Im sure Avis would do better. Well, sana nga. Sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

"Athea wake upppp!!" Nanggigil akong dumilat sa tinis ng boses ni Scarlette. Ugh! This girl sa sobrang katakawan niya pati microphone nakain na niya.

"Pwede namang mang gising ng hindi sumisigaw right?" I said and rolled my eyes to her. She just pouted and I came out of the van.

"Hey! Wait for me!" Hindi ko na siya pinansin at dali-daling pumasok sa bahay at nagtungo sa kwarto ko. I locked my room ayoko ng istorbo panigurado papasukin na naman niya kwarto ko.

"Just give her space. Alam naman natin na si Avis ang pinakabest friend niya sa lahat." Hindi ko sila nakikita pero sure ako na si Hestia ang nagsabi non.

Agad akong naglog in sa twitter account ko to burst some of my feelings.

@thisismeAtheaJW
Had a tough day I wish Avis would be alright :(

Agad akong nagscroll sa twitter ko. As usual mga hugot quotes lang and some random tweets from people I followed.



Saoirse Chalamet's POV



"Huy tuloy mo na yung sasabihin mo." I quickly grabbed Harmony's arm right after we arrived at our house.

"Promise me that once I tell you this would just be a secret between the two of us." Pabulong niyang sabi habang nakatingin sa bahay namin.

"I told you it's a yes." Sagot ko sabay irap sakaniya. Hinatak niya ako papunta sa garden ng bahay namin. Grabe may plano ata siyang gahasain ako! Umupo kami sa swing na atsaka inuga uga namin ito.

"Ugh! Di ko alam paano uumpisahan." Napabuntong hininga siya tsaka tumawa. Luh? Baliw!

"Bahala ka nga diyan naiinis mo na ako!" Akmang tatayo na ako ng pigilan niya ako.

"Wait. Ito na talaga!" Agad akong napaupo ulit sa sinabi niya. "I have a boyfriend." Dagdag niya ng parehas na kaming nakaupo sa swing .

"Ede magaling atleast alam mo sa sarili mo na hindi ka tibo." Irap ko.

"Yes, pero ayaw ko munang sabihin sa iba kasi nga secret relationship kami. Kilala mo naman mga barkada natin open sila sa mga magulang natin." Ah ok gets ko na point niya.

"Ano naman kung may jowa ka? Gwapo ba yan?" Pagtatanong ko.

"Magagalit sila mama at papa gusto nilang unahin ang pag-aaral ko. Hmm. Gwapo? Pwede na siguro." Sagot niya sabay tawa. Luh? Baliw.

"Ano ba pangalan niyang jowa mo?" Tanong ko. Aba curious ako sa muka non hindi ko nga alam taste ni Harmony pagdating sa lalaki.

"Trivan Nicholas St. Clair." Wow mukang pang mayaman ang pangalan.

"Tara samahan moko sesearch ko sa fb." Mabilis ko siyang hinila papasok sa bahay, nagtungo kami sa kwarto ko at agad ko namang kinuha ang laptop ko. I search for Trivan Nicholas St. Clair.

"Ay panalo teh! Gwapo!" Grabe nakakahulog ng panty itong jowa ni Harmony. "Ilang buwan na kayo?" Tanong ko.

"Two months palang. Legal na kami sa side niya pero sa side ko hindi pa."

"So ano balak mo? Forever kayong magtatago?" Tanong ko. Ang hirap kaya ng sitwasyon nila. Grabe ganda kasi nitong kaibigan ko eh.

"Ewan hindi ko rin alam." Sagot niya.

"Saoirseee!" Natigil kami sa kakaistalk kay Trivan ng biglang umandar ang microphone sa bibig ni Scarlette. Kinakalampag niya pa ang pinto ng kwarto ko habang sinisigaw pangalan ko.

"Ano na naman ba?!" Sigaw ko pero hindi ko binuksan ang pinto.

"May sasabihin ako sayo!" Naiinis na talaga ako sa boses niya kaya lumabas nako sa kwarto ko.

"Ano ba yon? Putcha!" Padabog kong binuksan ang pinto, agad naman siyang nagulat nang makita si Harmony sa loob ng kwarto ko.

"Oh ano para kang nakakita ng multo!" Sigaw ni Harmony.

"Ano ginagawa niyo?! Omg! Wag niyong sabihin na tibo kayo!" Putcha ang sakit talaga sa tenga ng sigaw niya.

"Naghahanap kaming gwapo." Sagot ko at agad naman na namilog ang mata ng gaga.

"Omg! Sama ako hoy!" Hindi ko na siya hinayaan pang pumasok at agad kong nilock ang kwarto ko. "Eh? Ayaw magshare ng blessings! Bala nga kayo!" Sigaw niya sa labas pagkatapos padabog na umalis.

"Wag kang magkakamaling ikwento kay Scarlette ang daldal nung babaeng iyon." Sabi ni Harmony sabay tawa, napatawa tuloy ako. Tuloy-tuloy lang kami sa pagstalk kay Trivan. Grabe ang ganda ng taste sa lalaki.

Kailan kaya babalik yung ex ko? Ay wag na nga lang pala. Bwisit siya!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro