Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Intruder 9

SIDNEY

Maaga akong gumising. Nang lumabas ako sa silid, gising na rin ang mga kasama ko sa cottage. May meeting kaming lahat mamayang alas nuwebe ng umaga. We will meet Mr. Sy's son. He's the team leader and he will give us further instruction on what we need to do. He's also an interior designer.

Pumasok si Anna sa loob ng cottage at may dalang pagkain para sa aming tatlo. Agad din siyang umalis dahil may gagawin pa siya.

"Let's eat," masayang sabi ni Kath. Tumango ako. Tahimik naman na sumunod sa 'min si Krizel. Mukhang masyado siyang seryoso sa buhay.

"Balita ko, dumating na raw ang totoong architect ng hotel. Pinsan pala niya ang anak ni Mr. Sy," pagkukwento ni Kath habang kumakain. Nakikinig lang ako sa kanila. Hindi ko naman kasi kilala ang pinag-uusapan nila.

"Sidney, isa ka sa mga aspiring interior designers na in-interview ng The Royalties Magazine, right?" interesadong tanong ni Kath sa 'kin. Bahagya akong napangiwi. So she's also reading it. Seryoso namang nakatingin sa 'kin si Krizel. Nag-aalangang tumango ako. Hindi ko alam kung paano magre-respond.

"Ah! That's why you look familiar! Nakakainggit naman! I wish I can also get an interview from them. Mga mayayaman at may maipagmamalaki sa iba't ibang industriya ang hinihingian nila ng interview. No wonder, kasama ka sa project na ito," natutuwang sabi ni Kath.

"Maybe you'll get an interview soon," nakangiting sabi ko. Nagtanong pa siya sa kumpanya na pinanggalingan ko at sa ibang detalye ng buhay ko. Hindi naman sumasali sa usapan si Krizel pero sumasagot naman siya kapag may itinatanong sa kanya si Kath.

Matapos kumain, inayos na namin ang mga sarili namin. Magkakasama kaming lumabas ng cottage at pumasok sa patapos ng hotel building. Ayon kay Anna, susunod na lang ang mga architects at team leads namin sa isang function hall. Nang pumasok kami sa function hall, wala pang mga gamit kundi mga monoblock chairs at tables pa lang.

Marami na ang nasa loob. I think we're more than ten. Pero hindi lalampas sa twenty. May designers din kasi para sa landscapes and exteriors. Umupo na kami at naghintay. Hindi naman nagtagal at dumating na sila.

Napatingin kaming lahat sa pintuan nang isa-isa silang pumasok. Nakangiti silang tumingin sa 'min. Pero ang huling pumasok ay seryoso at hindi ngumingiti. Namutla ang mukha ko nang makilala na si Andrew ang isa sa kanila. They are five handsome men. 

Naramdaman ko ang biglang pagtibok ng puso ko. Bakit ganito ang nangyayari sa buhay ko? Hindi na ba talaga ako makakatakas sa kanya? Parang gusto ko na namang magtago. Hindi ko alam kung paano ko itatago ang mukha mula sa kanya. Tiyak na mawiwirduhan ang mga kasama ko kung tatakpan ko ang mukha ko. Sunud-sunod na napalunok ako nang humarap na sila sa 'min.

"Hey, it's you!" biglang sabi ng isang lalaki. Napakunot-noo ako dahil sa 'kin siya nakaturo. Bigla kong na-realize na siya pala ang lalaking nabangga ko noong isang araw lang sa building ni Mr. Sy. Namula ang mukha ko dahil nakatutok na sa 'kin ang paningin ng lahat ng mga taong nasa loob ng function hall. Now, I get all their attention. Napansin ko na naningkit ang mga mata ni Andrew. He's quite mad.

"H-Hi," awkward na bati ko. This was embarrassing. Hindi ko alam ang sasabihin ko. He smiled at me kindly. Like he is pleased to see me again here. Pumalakpak siya ng tatlong beses upang ibalik ang atensiyon ng lahat sa kanya. I sighed in relief.

"Sorry. I get excited when I saw her. By the way, I'll now introduce myself. I'm Ayden Sy, the son of the CEO of this resort. I'll be handling the interior design team. It's nice to see you all here. Thanks for taking part on this project," he said and smiled. Pakiramdam ko, natulala ang mga babaeng nakatingin sa kanya. Well, I can't deny it. He's really handsome. Mukhang mabait pa, hindi kagaya ni Andrew.

"Tama na ang pagpapa-cute Ayd," naiiling na singit naman ng isang lalaki. "I'm Zach Parker, team leader for the exterior designs," he said. He's smiling a little but his eyes are mysterious. Hindi ngumingiti ang mga mata niya. 

"I'm Dylan Mendez. I'll handle the landscape designers. He's my big brother, Andrew," turo niya kay Andrew. Tiningnan siya nang masama ni Andrew dahil inagaw na ng kapatid niya ang pagpapakilala niya.

"I'm Andrew Mendez. I'm the architect," Andrew said.

"And because he's a busy person, I'm his substitute. I'm Leo Rivera. I guess, Andrew will not stay here for long," he said. Mabuti naman kung ganu'n! Andrew frowned.

"I changed my mind. I'll stay here and help as well," he seriously said. Gulat na lumingon sa kanya ang mga kasama niya. Halatang nagtataka sa sinabi niya.

"Seryoso ka, pinsan?" takang tanong ni Ayden. "Hindi ba marami ka pang gagawin sa Maynila?"

Andrew grinned. "I'm serious. I think, it will be fun," he said. Pasimple siyang lumingon sa 'kin kaya kinilabutan ako. Mukhang ako ang sinasabi niyang fun! Langyang buhay 'to! Nasaan ang hustisya? Karma na talaga ito!

"Kung ganu'n, babalik na muna ako sa Maynila," nakangising sabi ni Leo. Halatang sabik na sabik na siyang bumalik.

"Sure. Tatawagan na lang ulit kita kapag kailangan mo nang bumalik dito," sabi ni Andrew.

Sumimangot naman si Architect Leo. "Kapag tumatawag ka sa 'kin, laging wrong timing. Kung kailan nag-eenjoy ako saka ka nanggugulo. Hindi na ako mag-aaksaya ng oras. I'll go now," he said. Kumaway lang siya sa 'min bago umalis. I'm doomed. Wala na talaga akong nakikitang pag-asa.

"Okay. Pumunta na kayo sa leader ng teams ninyo. We have to finalize our designs as fast as possible," Ayden said. Lumapit kaming tatlo nina Kath at Krizel. May lima pang dumagdag sa 'min. Magkasama sina Ayden at Andrew kaya nakadama ako ng pagkailang habang nagd-discuss si Ayden.

Humiwalay naman sa 'min ang ibang teams at lumabas na sa function hall. Nakahalukipkip si Andrew at seryoso. Hindi siya nakikinig sa sinasabi ni Ayden at nakatingin lang sa labas ng hotel.

"My father wants a fresh, comfortable and relaxing environments for the guests," he said. Sa bawat floors, nag-assign siya ng designer. Hindi ko maintindihan kung bakit gusto niya ng iba't ibang room designs sa bawat floor. Sa bawat floor, nagbigay siya ng iba't ibang concepts. From the cheapest to the most elegant. At napunta ako sa highest level kaya napansin kong inggit na inggit ang mga kasama ko. Lalo akong nailang dahil pakiramdam ko, gusto na nila akong itapon sa Ilog Pasig dahil sa inis nila.

Para sa VIP's ang rooms na naka-assign sa 'kin. Para sa mga mayayaman kaya bigla akong na-conscious. Nakakahiya kapag hindi ko nagawa nang tama ang mga designs ko. Paano kung hindi nila magustuhan? Tiyak na pagtatawanan ako ni Andrew.

"Consult me when you finished the drafts of your designs. If you have questions, please feel free to approach and ask me or Andrew," mabait na wika ni Ayden. "Pwede na ninyong puntahan ang mga floors na naka-assign sa inyo para magkaroon kayo ng ideya sa gagawin ninyong designs," he said. Tumango kami. Isa-isa na kaming umalis pero bago pa ako makalabas sa room tinawag ni Ayden ang pangalan ko.

"Sidney," nakangiting pagtawag sa 'kin ni Ayden.

"Y-Yes?" kinakabahang tanong ko nang lingunin ko siya. Bahagya akong nataranta dahil sa mga mapanuring mata ni Andrew na nakatitig din sa 'kin.

"About your designs, you must consult either one of us," sabi niya patungkol kay Andrew. "Andrew is an architect but he also took some courses about interior designing. We want the best for our customers that's why we decided to collaborate with other designers," Ayden said. Halatang seryoso siya sa trabaho niya.

"Hindi kita masasamahan dahil kailangan kong i-check ang ginagawa ng ibang designers. Si Andrew muna ang sasama sa 'yo sa 8th floor," apologetic na sabi ni Ayden. Halos manlaki ang mata ko sa narinig. Gusto kong tumanggi pero hindi ko mahanap ang tinig ko. Pakiramdam ko nanuyo ang lalaluman ko.

"Ah. Baka naman maabala ko siya. Okay lang ba sa kanya?" pasimpleng pagtanggi ko. Sana tumanggi si Andrew pero alam kong imposible.

"No, it's fine. I'll accompany you," Andrew said. Bahagyang nakaangat ang sulok ng labi niya kaya alam kong natutuwa siya.

"Then, it's settled. Pupuntahan ko muna ang ibang designers," sabi ni Ayden. Lumapit sa 'kin si Ayden at ngumiti.

"Don't worry. He will not do anything to harm you," he gently said. Lumabas na siya sa function hall. Naiiling ako dahil sa sinabi niya. He's wrong. His cousin is a dangerous and harmful man. I must not let my guard down.

"I told you. You can't run away from me," Andrew said grinning.

"Did you plan this? Dahil ba sa 'yo kaya ako napunta sa project na ito?" naiinis na tanong ko.

Sumeryoso ang mukha niya. He put his hands inside his pockets. "No. Hindi ko rin inaasahan na isa ka sa mga designers. At first, wala naman talaga akong balak na pumunta rito. Matagal na akong nag-quit bilang architect. Nangako lang ako kay Ninong na magde-design ako para sa kanya kaya ako narito," he said. Lumapit siya sa glass window at tumingin sa dagat. Nagtaka ako sa sinabi niya. Bakit siya nag-quit? Hindi ko magawang tanungin siya dahil baka sabihin niya, chismosa ako.

"Kaya pala nandito ang CEO ng isang malaking kumpanya," naiiling na sabi ko. "Hindi ba maaapektuhan ang negosyo mo sa Maynila?" tanong ko. Gusto ko na talaga siyang paalisin dito upang hindi na magulo ang isip ko.

"I don't think so. I'll let my brother run the business for a while. It will be a good training for him," sagot niya nang humarap siya sa 'kin. Nakangisi siya nang nakakaloko. Masamang tingin ang ipinukol sa kanya. Napaurong ako nang lumapit na siya sa 'kin. Hindi maganda ang kutob ko. Akmang lalabas na ako sa function hall pero pinigilan niya ang braso ko. Hinila niya ako paharap sa kanya.

"What's this?" takang tanong niya. Hinawakan niya ang band-aid na nasa leeg ko. Napalunok ako dahil it is his kiss mark.

"You dare to cover it with a stupid band-aid," nakasimangot na sabi niya. Loko pala siya eh. Wala namang ginagawang masama ang band-aid sa kanya para sabihan niya ng stupid. Napangiwi ako nang tanggalin niya ang band-aid sa leeg ko.

"Ano ba'ng problema mo?" naiinis na tanong ko.

"That's better," he grinned. He traced the kiss mark that sent shivers down to my spine. Pakiramdam ko nakuryente ang buo kong katawan. Napaurong ako sa kanya. He looked at me with a puzzled look and then shrugged his shoulders.

Hinila na niya ako patungo sa elevator nang tangkain kong magsalita para tarayan siya. Lagi na lang niya akong hinihila! 

"We got lot of works to do. There's no time to complain," he said. 

Mariin kong itinikom ang bibig ko. Naiinis na pumasok ako sa loob ng bumukas ang elevator. Wala na akong magagawa. Kailangan kong tapusin agad nang maayos ang trabaho ko para matapos na ang problema ko. Siguro naman may ibang tao sa 8th floor. Hindi naman siguro niya ako pagtatangkaan ng masama. Nakasimangot ako hanggang sa makarating kami sa 8th floor. Ang trabaho ay trabaho. Dapat walang personalan!

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro