Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Intruder 7

SIDNEY

Maingay at mausok sa loob ng bar. Marami ring tao ang nagsasayaw at walang pakialam sa paligid nila. The light is dim. Halos mabangga ko na ang mga tao dahil sa paghila niya sa 'kin. Maybe it's not the right place to get some gore ideas. Sobrang lakas ng music na halos masira ang eardrums ko. 

"Andrew!" nag-aalangang pagtawag ko sa pangalan niya pero hindi niya naririnig. Naiinis na ako dahil sa pagkaladkad na ginagawa niya sa 'kin. Masakit na ang braso ko dahil sa marahas na paghila niya. He's ungentle and scary. Nasa bokabularyo ba niya ang pagiging isang gentleman? Wala siguro.

Tumigil kaming dalawa sa harap ng bar counter. Hawak pa rin niya ang pulsuhan ko.

"Sit," he commanded with undeniable authority.

"Ano ang tingin mo sa 'kin? Aso?" sigaw ko dahil sobrang ingay ng paligid. Pakiramdam ko kinakain ng malakas na tugtog ang boses ko.

Nagulat ako nang ilapat niya sa tainga ko ang malambot na labi niya. Ramdam ko ang biglang pagtibok ng puso ko. His lips tickles me. Akmang uurong ako dahil sa gulat pero pinigilan niya ako. Ipinulupot niya sa baywang ko ang isang kamay niya. 

"You don't have the right to complain," he said sharply. I shivered hearing his cold voice. I think it's freezing. Parang gusto kong manghina pero nagpakatatag ako. I don't want him to see how weak I am when I'm wrapped in his arms. I am actually intimidated by his presence. His existence is disturbing me. I hate this guilty feeling building up inside my chest. It's squeezing my heart painfully. I'm the reason why he ended unhappy. I know I'm selfish.

"I-I'm sorry," nauutal na sabi ko. Nasabi ko na rin sa kanya ang gusto kong sabihin. Ramdam ko ang biglang pagtigas ng katawan niya. Halatang nagulat siya sa sinabi ko. He looked at me straight in the eyes with a dark expression. He glares at me. His brown eyes is burning with anger. His jaws tightened, too. Alam kong pinipigilan lang niya ang galit niya. Binitawan na niya ang baywang ko na tila ba napaso siya.

"Sorry for?" he smirked. 

"Sorry for ruining your wedding. I know... I can't take back all the wrong things I did but please forgive me. May dahilan ako kung bakit ko ginawa 'yon. I need--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil pinutol na niya ito.

"Enough! I don't want to hear your explanations. I don't need it," galit na sabi niya sa 'kin. "We're living in a cruel world. Forgiving someone who ruined your life isn't that easy. Don't say it like you're just asking for a piece of candy," he said sharply. His eyes were so cold. It's scared me a bit.

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Kung hindi ako pwedeng humingi ng tawad sa kanya, ano na ang gagawin ko? Hindi ko alam.

"Paano mo ba ako mapapatawad?" nalilitong tanong ko. Kahit ako, kinabahan sa tanong ko. Wala na akong pakialam sa ingay sa buong paligid. Pakiramdam ko kaming dalawa lang ang tao sa lugar na ito. Bigla kong pinagsisihan ang pagtatanong nang makita ang isang nakakalokong ngisi sa mukha niya.

"Oh? Will you do as I say?" naaaliw na tanong niya. Hindi maganda ang nararamdaman ko sa tono ng pananalita niya. It's like he's plotting something evil. Something that I can't take. Something I will probably regret later on.

Nakaawang pa rin ang mga labi ko. Nalilito ako kung ano ang isasagot ko sa kanya. Pakiramdam ko naumid ang dila ko at hindi na makapagsalita. I am scared of the possible outcome of this conversation.

Biglang nawala ang ngisi niya sa mukha nang mapansin ang pag-aalinlangan ko. Sumeryoso ang mukha niya. Nakatuon ang matiim niyang titig sa 'kin. Parang gusto kong mag-iwas ng tingin dahil pakiramdam ko nababasa niya ang naiisip ko.

"If you're scared and hesitant, don't ask for forgiveness anymore. I won't give it to someone like you. You don't deserve it," he seriously said. Napalunok ako sa sinabi niya. Nasaktan ako. Alam ko. I don't deserve his forgiveness but there's a little part of me that wants to give it a try. After all, maybe I deserve it too, right? We all deserve to be forgiven. Everyone deserves a second chance.

"I'll give it a try. Ano ba ang kailangan kong gawin?" determinadong tanong ko. Itinago ko ang kaba at takot. Hindi ko ipinahalata sa kanya na gusto ko nang manginig sa takot. Ngayon nagsisisi na talaga ako dahil sa takbo ng utak ko. Paano kung masama pala ang binabalak niya sa 'kin? Paano kung sadista pala siya? Paano kung paulit-ulit niya akong saktan? Ah! Ipakukulong ko siya! Kung anu-anong hindi magagandang pangyayari ang pumapasok sa isip ko. Napansin kong umangat ang sulok ng labi niya. His eyes gleam with triumph.

"Oh? Then, follow me until I'm satisfied," hamon niya sa 'kin. Nagulat ako sa sinabi niya. If that's the condition then he can give me any orders until he's contented. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa masamang naiisip ko.

"What? Paano kung hindi ko kayang gawin ang utos mo?" pasigaw na tanong ko. Pakiramdam ko kasi hindi niya maririnig ang protesta ko dahil sa maingay na musika at mga tao.

"Then don't ask me to forgive you that easily. You have to prove that your are worth forgiving for," makahulugang wika niya. Umupo siya sa harap ng bar counter. May sinabi siya sa bartender pero hindi ko narinig. Napayuko ako upang mag-isip. Kakayanin ko ba?

Lumapit ako sa kanya. "Pwede ba akong tumanggi kung hindi ko kaya ang ipagagawa mo?" malakas na tanong ko. Hindi kasi siya nakatingin sa 'kin. Umupo siya paharap sa 'kin. Nakakailang ang matiim na pagtitig niya sa mukha ko. Sa tingin ko, pinag-iisipan niya ang tanong ko.

When he made up his mind, he opened his mouth. "Maybe. Then that's minus points," he grinned evilly.

Hindi ko napigilang titigan ang gwapo niyang mukha. "Is this a test? Why do I need points?" naiinis na tanong ko. Pakiramdam ko pinaglalaruan niya ako sa ginagawa niya.

"Of course. This is a test if you're deserving or not. How can I forgive you with one hundred percent sincerity if I don't assess you? Actually, I can say I forgive you now but definitely, I don't mean it. Do you want that kind of forgiveness?" he said. He's right. I sighed. At least pwede akong tumanggi sa mga sasabihin niya. Kapag alam kong hindi ko na kaya.

"Fine. I'll do it," nakasimangot na sabi ko. 

"You have the guts?" naghahamong tanong niya. Tila hindi makapaniwala sa sinabi ko.

I crossed my arms. "I said I'll do it. But I think, I need to go first," pagpapaalam ko. Kumunot ang noo niya.

"Hindi ko pa sinasabing umalis ka. Join me for a drink," he said.

"I don't have any money with me," naiinis na sabi ko. Inuutusan niya talaga ako base sa tone ng boses niya. He's not really a gentleman.

"I'll pay. Sit," sabi niya. Itinuro pa niya ang upuang katabi niya. He's waiting for me to follow him. Nakatitig ang mga mata niya sa 'kin. Gusto kong makipaglaban ng titigan pero ako rin ang sumuko. I have to follow him from now on. Tahimik akong umupo upang sundin siya.

"Good girl," he grinned. Humarap na siya sa counter. May ibinigay na drinks sa 'min ang bartender na ikinagulat ko. Hindi niya ako hinayaang pumili ng iinumin. Margarita lang ang kaya ko. Hindi ako mahilig uminom kapag pumupunta kami nina Ericka sa bar dahil ako ang driver.

Nakatitig lang ako sa alak na ibinigay sa 'kin. Napalingon ako kay Andrew na patuloy lang sa pag-shot ng alak na ibinigay sa kanya. Hindi niya ako tinitingnan. Halatang malalim ang iniisip niya. Bakit nga pala siya narito sa isla? Hindi ko siya magawang tanungin. Hindi naman kami close.

Lumingon si Andrew nang maramdaman niyang nakatitig ako sa kanya. Biglang namula ang mukha ko. Napahiya ako. Baka kung ano ang isipin niya.

"You're not drinking?" takang tanong niya sa 'kin. Agad akong nag-iwas ng tingin. Mabuti na lang hindi niya iniisip na interesado ako sa kanya. Dahil sa pagkataranta, kinuha ko ang baso ng alak at diretsong nilagok 'yon.

Muntik ko ng maibuga ang ininom ko dahil sobrang pait at tapang ng lasa. Mabuti na lang hindi ko naituloy. Napangiwi ako sa sobrang pait. Ano ba naman ang inorder niya para sa 'kin? Hindi para sa babae! Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Andrew. 

Napalingon ako sa kanya pero nakangiwi pa rin ako. Pakiramdam ko dumikit sa dila ko ang mapait na lasa ng alak. Ang sama ng lasa!

"You're making such a funny face," naaaliw na sabi ni Andrew.

"It's bitter," naiinis na sabi ko.

Sumeryoso ang mukha niya. "Really? I wonder why. Let me taste it," he said without smiling. Nagulat ako nang dumukwang siya palapit sa 'kin. Sobrang lapit nang mukha niya sa mukha ko. Halos maduling na ako sa pagtingin sa mga mata niya. 

Ang nakakainis pa, muling bumilis ang tibok ng puso ko. Tila naalarma ang puso ko sa paglapit niya. It seems that my heart is trying to tell me that I need to keep my guard up. I am dumbfounded when he traced his tongue along my lips like he's tasting it. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Nanigas ang katawan ko dahil sa gulat.

Ilang segundo ang nakalipas nang tumigil siya sa ginagawa. Bahagya siyang lumayo sa 'kin. "Hmmm. It's not bitter. It's sweet. Or do I have a problem with my taste buds?" he evilly asked. He's teasing me. Natauhan ako sa sinabi niya. Awtomatikong lumipad ang isang malakas na sampal sa mukha niya. I felt humiliated.

Nagulat siya sa ginawa ko. Maging ako nagulat din. Nanginginig ang kamay na isinampal ko sa kanya. Pakiramdam ko nasaktan din ako dahil sa tigas ng pagmumukha niya. Maging ang ilang tao sa bar ay napalingon sa 'min at tumigil sa ginagawa. Tumigas ang ekspresiyon ng mukha niya. He looked at me. Kinabahan na ako. He looks like a predator ready to devour his prey.

"Wrong move, honey. I think, I still need to teach and discipline you. That's a negative point for you," hindi ngumingiti na sabi niya. Kinabahan ako sa sinabi niya. Katapusan ko na ba? No, not yet. I need to get out of here alive! May trabaho pa ako bukas! Maghahanap pa ako ng lovelife! Mag-aasawa pa ako!

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro