Intruder 4
SIDNEY
Hindi na ako nagtagal sa coffee shop. Bumalik na ako sa opisina ko dahil marami pa akong dapat ayusin at tapusin. Kailangan ko ng mag-move on dahil tiyak na hindi ko makukuha ang project.
"How's your presentation. Did you nail it?" excited na tanong ni Vina. Umupo ako sa swivel chair habang hinihilot ang noo. Sumunod siya sa 'kin sa loob ng opisina ko. I sighed and looked at her.
"No. I messed up," I said with disappointed frown. Mali ang ginawa ko. Dapat sinagot ko na lang nang maayos ang tanong ni Andrew. Wala ako sa lugar para sagutin ng tanong ang tanong niya. He's the client here. It's not a debate.
Nagtaka si Vina sa sinabi ko. "Why? Hindi ba nila nagustuhan ang designs mo?"
"It's not about the designs. It's something more personal," sagot ko. Inayos ko na lahat ng mga papeles na nasa table ko. May ilan pa akong gawain na nakabinbin at kailangang tapusin. May ilang clients na nagpapagawa ng design para sa bahay nila. I have to check their house first. May naka-schedule akong isang client ngayong araw.
Nang mapatingin ako kay Vina, tila kumikislap na ang mga mata niya. Ganyan ang itsura niya kapag may naaamoy na isang matinding tsismis. Alam kong balak na niya akong bigyan ng sunud-sunod na tanong pero inunahan ko na siya. Hindi pa ako nagl-lunch.
"Wala ako sa mood magkwento. May iba pa ba akong schedule maliban sa pagpunta sa bahay ni Mrs. Salazar ngayon?" seryosong tanong ko. Seryoso ako lalo na kung trabaho ang pinag-uusapan.
"Well, wala na naman. I rescheduled your other appointments and moved it tomorrow. Akala ko kasi magtatagal ka sa bidding. Hectic ang schedule mo bukas. Kahit sa lunch hindi ka makapagpapahinga dahil may lunch date ka. May time allowances akong inilaan para sa travel time mo. Here," sabi ni Vina. Ibinigay niya ang schedule ko. Kahit makulit siya, maaasahan naman siya. Tiningnan ko ang ibinigay niyang listahan. I sighed. Wala talaga akong magiging pahinga bukas.
"Thanks. Wala bang importanteng nangyari ngayon?" tanong ko.
"Well, walang kakaiba. Jake handled the clients asking for consultation. He's an expert after all. May mga projects na nakuha ang ilang junior designers kaya medyo busy sila. Don't worry. They can handle it. About the furnitures, nai-deliver naman nang walang aberya ang mga orders ng clients on-time. Overall, wala pa namang problemang kinakaharap ang kumpanya," nakangiting sabi ni Vina.
I smiled. "Good. I have to go now. Ikaw na muna ang bahala sa lahat. Kakain muna ako bago pumunta sa bahay ni Mrs. Salazar," I said. Kinuha ko na ang shoulder bag ko at camera na nakapatong sa table ko. Lalabas na sana ako ngunit nagsalitang muli si Vina.
"Don't stress yourself too much. If you need some advice, you can talk to me," nag-aalalang sabi ni Vina. Hindi halata sa kanya pero minsan may sense naman ang mga advice niya. Lalo kapag seryoso ang usapan. Pero bago siya magbigay ng matinong advice, tiyak na isang katutak na pang-aasar muna ang aabutin ko.
"Sure," sabi ko at malambot na ngumiti. Iwinasiwas ko ang kamay upang magpaalam sa kanya. Hindi ko na siya nilingon. Siguro, nahalata niya ang frustration sa mukha ko. Kahit gusto kong mag-move on, hindi pa rin ako maka-get over sa nangyari kanina. Hindi ko pa rin makalimutan ang aroganteng mukha ni Andrew na tila minamaliit ako.
Kumain ako sa fastfood chain na nadaanan ko. Pinilit kong alisin sa utak ko ang mga nangyari kanina. Kailangan kong magfocus sa trabaho! Hindi dapat maapektuhan ni Andrew ang trabaho ko. Ilang beses akong huminga nang malalim bago ako kumalma. Agad akong bumiyahe pagkatapos kumain dahil sa Cavite pa ako pupunta.
Tinawagan ko si Mrs. Salazar nang makarating ako sa address na ibinigay niya. Tanaw ko ang isang malaking two-storey house na may malawak na bakuran. Sa gilid nito ay may greenhouse. I think there's a flower garden or plantation inside. Lumabas si Mrs. Salazar sa greenhouse habang may hawak na pandilig. Mababa lang ang gate kaya natanaw ko agad siya.
Naka-park ang kotse ko sa gilid ng daan. Binuksan ng maid ang gate kaya pumasok ako.
"Good afternoon po, Mrs. Salazar," magalang na bati ko habang magaang nakangiti. She's already in the age of fifties. Actually, vacation house nila 'tong bahay na ito. Medyo luma na nga ito kaya balak niyang ipaayos. Magbabakasyon kasi rito ang mga anak niya mula sa America sa susunod na dalawang buwan. Darating din ang mga apo niya kaya sabik na sabik si Mrs. Salazar na makita sila.
"You're too formal. You can just call me Lina," she said. She smiled genuinely. Bigla akong nahiya sa sinabi niya.
"Yes, Ma'am Lina," nauutal na sabi ko. She laughed. Napailing na lang siya dahil alam niyang hindi ko talaga kayang alisin ang formality sa boses ko.
"Anyway, we will hold our reunion here. I have two daughters and one son. They are all happily married. They all have kids. I want them to have a comfortable stay here. They miss the Philippines badly. I hope you already get the idea of the ambiance I want. I don't want a modern design but something with the touch of Philippine culture. Filipino style. There's also a playground room reserved for the kids. I don't know what things I shall put there. I will leave it all to your expertise," paliwanag ni Ma'am Lina habang naglalakad kami papasok sa loob ng bahay niya.
Maluwang ang loob ng bahay. Hindi masyadong garbo at may nakikita akong halamang nakalagay sa mga paso. Tamang lugar lang para magbakasyon.
"Do you want o design all parts of your house?" tanong ko. "And how old are your grandchildren? The oldest and the youngest," dagdag kong tanong. Ihinanda ko ang camera ko.
"Yes. Provide designs for all parts. It's been ten years at hindi pa nababago ang pagkakaayos ng bahay na ito. The youngest is five years old. The oldest is eleven. I have five grandchildren," she answered. Habang kumukuha ako ng litrato sa bawat parte ng bahay niya patuloy naman siya sa pagkukwento. Kumukuha rin ako ng impormasyon tungkol sa mga bagay na gusto ng mga anak niya sa Pilipinas. It will be a big help for my designs.
Nagtagal ako nang ilang oras sa bahay ni Ma'am Lina. Matibay pa ang ilang kagamitan niya sa bahay kaya wala akong balak na itapon o palitan ang mga ito. Sayang ang pera. It will be a waste. Mag-iisip na lang ako ng design kung saan maaari kong isama ang mga 'yon. Pinagmeryenda muna niya ako nang bandang alas singko. I requested to see the greenhouse and she allowed me.
Namangha ako sa mga namumulaklak na orchids na nakita ko. Sobrang dami at kumpol-kumpol ang mga bulaklak. Iba-iba rin ang mga kulay. Naisip ko ang mga alagang orchids ni Mama. Ilang buwan na ang mga 'yon pero hindi pa rin namumulaklak. I wonder what's the secret of Ma'am Lina.
Bahagyang tumawa si Ma'am Lina dahil sa reaksiyon ko. "It's not me. May caretaker kami rito," sabi niya. Tila nabasa niya ang iniisip ko. Napakamot ako sa ulo. Akala ko siya. Hangang-hanga pa naman ako!
"Wait here. I'll give you some of that plant," she said.
"Ah! Huwag na po! Nakakahiya!" namumula ang mukha na tanggi ko. Although, alam kong matutuwa si Mama kapag nag-uwi ako sa bahay ng may bulaklak na orchids. Hindi ako pinakinggan ni Ma'am Lina. Tinawag niya ang gardener at sinabing bigyan ako ng mga orchids. Sobrang dami talaga kaya iba't ibang kulay ang kinuhang orchids ni ate. Ibinalot niya ang mga ugat ng halaman sa bunot ng niyog. Binasa niya ng tubig ang mga ugat bago ibinalot sa plastic. Tanging ang mga dahon at bulaklak lang ang hindi niya ibinalot. Limang hybrid ang ibigay niya dahil inawat ko na siya sa pagkuha. Nakakahiya na kasi.
"Marami pong salamat, Ma'am Lina," nahihiyang sabi ko. Nakalabas na kami ni Ma'am Lina sa greenhouse. Tumigil ako sa tapat ng gate nila. Mahinang tumawa si Ma'am Lina.
"No worries. Anyway, sinusundo na ako ng asawa ko. Kailangan mo na ring bumiyahe dahil tiyak na gagabihin ka pabalik sa Maynila. Mag-iingat ka," sabi niya.
I nodded. "Ipapakita ko na lang po ang designs kapag nagawa ko na. Maraming salamat po ulit," I sincerely said. Sumakay na ako sa kotse. Ingat na ingat na inilagay ko sa upuan ang orchids na ibinigay sa 'kin. Masaya akong bumiyahe pabalik sa Maynila.
Nasa Makati na ako nang mapansin kong malapit na akong maubusan ng gas. Gabi na rin. Alas siyete na. Sa tantiya ko, hindi na aabot ang gas ko sa susunod na gas station. Wala akong choice kundi ang i-park sa isang tabi ang kotse ko. Napangiwi ako dahil sa dinami-rami ng pwedeng tigilan, sa harap pa ng kumpanya ni Andrew ako napunta. Pero siguro naman hindi ko siya makikita ngayon. Nagmamadaling sumakay ako sa jeep patungo sa isang gasoline station. Bumili ako ng diesel. Bumalik agad ako sa kinaroroonan ng kotse ko at isinalin agad ang diesel.
Nakasimangot na nakatayo ako sa gilid ng kotse habang ginagasolinahan ang sarili kong sasakyan. From an interior designer to a gasoline girl real quick. Sumimangot ako dahil sa kamalasan ko ngayong araw. Bakit kasi nakalimutan kong magpagasolina?
"Hey."
"Ay butiki ka!" sigaw ko dahil sa pagkagulat. Napaigtad pa ako dahil sa malalim at malamig na boses mula sa likod ko. Bigla akong kinabahan dahil masama ang kutob ko sa boses na 'yon. Naubos na ang diesel sa container kaya agad kong isinusi ang lock ng gas container ng kotse.
Nilingon ko ang taong nasa likod ko. Nakagat ko ang labi ko nang makita si Andrew na nakakunot-noong nakatingin sa 'kin. Nagulat din siya nang makilala ako.
"What are you still doing here?" supladong tanong niya.
"Tumirik kasi ang kotse ko. Naubos ang gas. Kinakargahan ko lang," awkward na paliwanag ko at bahagya pang natatawa. Bahagya niyang tiningnan ang kotse ko. Bumalik ang tingin niya sa 'kin na tila nagdududa sa sinabi ko. Itinaas ko ang lalagyan ng diesel na hawak ko bilang patunay. Umangat ang sulok ng labi niya.
"I thought you're a carnapper. You act suspicious a while ago," aroganteng sabi niya.
Bigla akong nainis sa sinabi niya. "Mukha ba akong carnapper?" nanlalaki ang mga mata na singhal ko. Seryosong ipinukol niya ang mga mata sa 'kin.
"Looks can be deceiving. You can intrude and ruin someone else's wedding. Carnapping is no different for you," he mockingly said. Natulala ako sa sinabi niya. Napaawang ang labi ko. The heck! Tinalikuran niya ako. Umakto akong hahampasin siya sa likod pero hindi ko naman itinuloy. Gigil na gigil ako. Gusto ko lang talagang ilabas ang inis ko. I can kill him in my head right now.
Nang akmang haharap na ulit siya sa 'kin, ibinaba ko na ang mga kamay at plastic na ngumiti sa kanya na tila wala akong ginagawang masama. Tila may sasabihin pa siya pero hindi ko na siya hinayaan.
Binuksan ko agad ang pinto ng kotse ko para tumakas. Nagmamadaling sumakay ako sa kotse at isinara ang pinto. Ibinaba ko sa gilid ang hawak kong container. Pinaandar ko ang kotse at nilampasan siya.
I sighed. I know. I'm acting so immature. I should have asked him for forgiveness but I couldn't even say a thing. Frustrated na kinagat ko ang labi ko. I should have said I'm sorry but I know it wouldn't change a thing.
I'm not brave enough to face him.
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro