Intruder 35
SIDNEY
Umuwi ako sa bahay namin. Nagpasalamat ako kay Ayden. Hindi na siya nagtanong pa nang umalis siya pero alam kong nag-aalala siya. Wala naman akong balak pagtaguan si Andrew. Gusto ko lang talaga ng oras. Kung tatanggapin pa niya ako matapos ang mga nalaman niya, babalik ako.
Pero kung hindi, wala na akong magagawa. It's his choice. I ruined his wedding for money. Wala akong karapatan na mag-demand sa kanya. Kasalanan ko naman talaga. At hindi naman niya ako tinanong noon kung bakit ko ginulo ang kasal niya. Kung ano ang rason kaya hindi na ako nakapagpaliwanag pa. Nagtataka pa si Mama kung bakit ako umuwi sa bahay nang gabing-gabi na.
"Nasaan ang asawa mo? Umiyak ka ba?" takang tanong niya sa 'kin pagdating ko sa bahay. How I missed home pero hindi ko magawang maging masaya ngayon. Tiyak na namumula ang mata ko kaya sinusuri niya ang buong mukha ko. Pasimpleng pinunasan at kinusot ko ang mga mata ko. Napansin ko ang nagtataka at nagdududang tingin niya sa 'kin. At the same time, she looks so concern. Tila gusto akong damayan sa kung ano mang pinagdaraanan ko.
"Nasa birthday party po ng kapatid niya. I didn't cry. Napuwing lang ako kanina," pagde-deny ko sa kanya. Alam kong gasgas na ang linyang 'yon pero nagbaka sakali pa rin ako na sana ay paniwalaan niya. Napapagod na dumiretso ako sa kwarto ko pero sumunod siya sa 'kin. Umupo ako sa gilid ng kama ko at pumasok naman siya. Hinubad ko ang suot kong flat shoes. Gusto ko na rin sanang magbihis pero pumasok naman sa loob ng kwarto ko si Mama.
"Nag-away kayo?" nag-aalalang tanong niya sa 'kin. Umiling ako. Nakatayo lang si Mama sa harapan ko. She was really worried about me.
"Hindi kami nag-away. I just did something bad to him. I was just guilty," sagot ko. My mother looked down at me with kind understanding eyes.
"Anong ginawa mo?" tanong niya. Umiling ako. Hindi ko masabi sa kanya ang totoo. Hindi ko masabi na ginulo ko ang kasal ni Andrew para maipagamot siya. I don't want to blame anyone. Ako lang ang may kasalanan sa lahat. I did what I think is right. It saved my mother's life. Ako ang pumili nito kaya hindi ko ito pinagsisisihan.
I held my tears back. Kung ang paghihiwalay man namin ni Andrew ang magiging kabayaran sa lahat ng kasalanang ginawa ko, tatanggapin ko. Malalim na bumuntong-hininga si Mama at tumabi sa kinauupuan ko. Naiinis ako dahil kahit anong pigil ko sa luha ko ay kusa pa rin itong tumutulo. Tila may sarili itong isip na naglalandas sa mga pisngi ko. Agad kong pinunasan ito pero patuloy pa rin ang mga mata ko sa pagluha. I bit my lower lip.
"Nagalit ba siya sa ginawa mo?" tanong niya. Alam kong hindi na niya uungkatin pa kung ano man ang mga ginawa ko. Alam kasi niya na hindi ko kayang sabihin sa kanya. Hindi siya manhid para hindi 'yon maramdaman. Naaawa siyang tumingin sa 'kin. This is the first time that I let her see me cry.
Noong ipinapagamot ko siya at nakaratay sa ospital, hindi ako umiiyak dahil ayokong mag-alala pa siya. Alam kong nahihirapan din siya noon kaya wala na akong balak na dagdagan ang paghihirap niya. I love her so much and I can do anything for her. She's very dear to me.
"Hindi ko alam kung galit siya sa 'kin. Hindi ko alam kung ano'ng nararamdaman niya. Umalis agad ako nang hindi nalalaman ang reaksiyon niya," sagot ko. "Hindi ko rin alam kung ipagtatanggol niya ako sa mga magulang niya dahil sa mali kong ginawa. Natakot ako sa komprontasyon. Natakot akong magpaliwanag," dagdag ko. I bet this explanation was just fine. Alam kong makukuha na niya ang gusto kong iparating kahit bahagya lang.
"Bakit umalis ka agad? Anong malay mo? Baka ipagtanggol ka niya," mahinang at nagmamalasakit na saad niya. Patuloy pa rin ako sa tahimik na pag-iyak. Pinipigilan ko ang mapasigok. It's possible but I don't want to get my hopes up. Baka masaktan lang ako.
"Nahihiya ako. Natatakot ako. Hindi ko alam kung paano pa haharap sa kanila. Hindi ko alam kung matatanggap pa nila ako dahil sa ginawa ko," naiiyak na sagot ko. Yes. Hindi basta-basta ang kasalanan ko. Ginulo ko ang buhay nila. Tiyak na hindi nila agad ako mapapatawad. Sa tingin ko, tama lang ang ginawa ko.
"Walang taong perpekto, Sidney. Normal lang na makagawa ka ng kasalanan. Ang importante ay pinagsisisihan mo ang mga ginawa mo at mangangako kang hindi mo na gagawin ulit ito. Kung mahal ka ng asawa mo, maiintindihan ka niya," makahulugang wika niya. "At saka, hindi naman ang mga magulang niya ang makakasama mo habang buhay," pagbibiro pa niya. Tila gusto niyang pagaanin ang loob ko kahit sandali lang. "Pero mas mabuti na rin kung magkakasundo kayo ng mga magulang niya para walang samaan ng loob, 'di ba?"
Mahina akong tumawa dahil sa sinabi niya. May punto siya. Tama ang mga sinabi niya. Pero sana ganu'n nga kadali ang lahat pero hindi eh. Hindi lahat ng tao marunong magpatawad. Hindi lahat kayang gawin 'yon nang bukal sa loob.
"Just apologize and let them know that you are sincere," mahinang sabi niya habang hinahagod ang likod ko dahil sa pag-iyak ko. "Buntis ka at makakasama sa baby mo kung magiging emosyonal ka. Huwag mo munang problemahin ito. Pakinggan mo muna ang asawa mo. Mag-usap kayo," nag-aalalang sabi niya. Hindi ako nagsalita pero nakikinig ako sa mga sinabi niya.
"Sidney, hindi mo dapat makalimutan na may asawa ka na. Kung may problema ka, problema rin niya 'yon. Kung may problema siya, problema mo rin 'yon. You should share your problems with him para hindi mabigat. You're not alone anymore, Sid. Magkakapamilya ka na. Magkakaanak na kayo. Hindi mo dapat basta-basta tinatakbuhan ang asawa mo. Hindi tatagal ang relasyon ninyo kung ganito ang gagawin mo. Know his side first before deciding. Baka sa huli ikaw pa ang magsisi," pangaral niya sa 'kin. Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil sa mga sinasabi niya. Napangiti na rin ako habang sumisigok nang tumingin ako sa kanya. Suddenly, I felt like I need a hug from her. I missed her so bad. Mukhang naramdaman niya kung ano ang gusto kong gawin. She's right. Hindi ko dapat sinasarili ito dahil tiyak na masasaktan ko rin si Andrew. Kawawa ang magiging anak namin kung hindi ito maaayos.
"Halika nga rito," natatawang sabi ni Mama nang yakapin ako. Mahigpit na niyakap ko siya upang pagaanin ang loob ko. "Ang laki mo na pero wala ka pa ring karanasan sa mga ganitong relasyon. Nagulat nga ako nang bigla-bigla kang nag-asawa. Iniisip ko kung kaya mo na ba. As I noticed you're not matured enough," natatawang sabi niya sa 'kin. Ngumuso ako dahil sa narinig ko pero alam ko naman na tama siya. Yes. I'm not matured enough. Palagi akong tumatakbo. Palagi kong tinatakbuhan ang mga problema ko kay Andrew. Madali akong mawalan ng pag-asa.
"Thanks Ma," mahina at naiiyak na bulong ko. Hindi pa rin tumitigil ang paglandas ng luha ko sa mga mata. Nagtagal kami sa ganitong posisyon habang hinahagod ni Mama ang likod ko. I was now thinking straight. Siguro uuwi na lang ako bukas sa condo ni Andrew para makapag-usap kaming dalawa. Sa ngayon kasi, nararamdaman ko na ang pagod at ang pananakit ng paa ko. Gusto ko na munang matulog. Haharapin ko na lang ang lahat bukas.
Parehong kumunot ang noo namin nang marinig ang tunog ng doorbell. Kinabahan ako. Ayokong umasa pero pakiramdam ko si Andrew ang dumating.
"Pagbubuksan ko muna ng pinto ang bisita," sabi ni Mama. Marahang tumango ako at kumalas sa yakap niya. Tumayo na siya. Kinakabahan ako at hindi mapakali sa kinauupuan ko dahil sa palagay ko ay tama ang hinala ko. Kung siya nga ang dumating, kakausapin ko na lang siya nang maayos. Sana hindi siya galit. Sana. Paulit-ulit akong nagdadasal sa isip ko.
Ilang minuto ang nakalipas nang dumungaw si Mama sa may pinto. Kumunot ang noo ko.
"May gustong kumausap sa 'yo," she said. Alam ko na kung sino ang tinutukoy niya. I nodded. Binuksan niya ang pinto. Ang seryosong mukha agad ni Andrew ang nakita ko. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kabang biglang bumalot sa puso ko. He was frowning and a bit frustrated too. Pumasok sa loob ng silid ko si Andrew. Iniwan na kami ni Mama at isinara niya ang pinto. Andrew locked the door before he walked towards me. Napalunok ako. Hindi naman siguro niya ako sasaktan, 'di ba? Kung anu-anong masasamang pangyayari ang tumatakbo sa utak ko. Ipinilig ko ang ulo. Alam kong hindi magagawa ni Andrew na saktan ako physically.
"Paano mo nalaman na nandito ako?" takang tanong ko. Pilit kong itinatago ang kabang nararamdaman. Kinukumbinsi ko pa rin ang sarili na hindi ako sasaktan ni Andrew lalo na ngayon at masama ang tinging ipinupukol niya sa 'kin.
"I just pushed my luck, Sid. You ran away again," naiiling at seryosong sabi niya sa 'kin. He looks disappointed and angry too. I couldn't blame him. I'm always running away from him. Halos hindi ko na nga mabilang kung ilang bese ko na siyang tinakbuhan. Mabuti't hindi siya napapagod sa paghabol at paghahanap sa 'kin.
"I'm sorry," mahinang sabi ko. Ito lang ang nasabi ko. I bit my lower lip. Pakiramdam ko naman wala siyang balak na saktan ako. Mukhang nakakapagtimpi pa naman siya.
"Sa susunod itatali na kita sa 'kin para hindi mo na ako matakbuhan," naiiling na sabi niya. Halos mapanganga ako sa narinig. Bahagya akong nagulat. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o seryoso. Hindi kasi siya ngumingiti. At naguguluhan ako sa mga sinasabi niya. Bahagyang napaawang ang labi ko. Nagtatanong ang mga mata na tumingin ako sa kanya.
"What do you mean?" kunot-noong tanong ko. Nagsimula siyang lumapit sa 'kin. Napalunok ako. Napansin ko na bukas ang pang-itaas na butones ng polo niya. He looks so serious and hot at the same time. Hindi ko alam kung bakit ito ang pumapasok sa isip ko ngayon.
"Pakakasalan kita. That's what I meant. Pero hindi 'yon ang gusto kong sabihin ngayon. I want to punish you for running away. Sana hinintay mo muna ang sasabihin ko. And you're making me chase you again," naiiling na sabi niya. Tumigil siya sa harap ko. He sighed heavily. He's really disappointed and mad.
"Ano ba dapat ang sasabihin mo?" kunot-noong tanong ko. Kinakabahan ako.
"Explain yourself first. Why did you run away?" seryosong tanong niya. Nangangalay ang leeg ko dahil sa pagtingala sa kanya. Ibinaba ko ang tingin ko sa mga kamay ko dahil hindi ko alam ang sasabihin.
"Natatakot ako sa sasabihin nila. Tiyak na magagalit sila sa 'kin. I ruined your life. Kinuha ko ang lahat ng dapat ay para sa 'yo. You should have married your childhood sweetheart that time. Dapat may pamilya ka na ngayon at masaya. Pakiramdam ko, ako ang naging kontrabida sa buhay mo," mangiyak-ngiyak na sabi ko.
"Nagsisisi ka ba sa ginawa mo?" mahinang tanong niya. Umiling ako.
"I saved my mother's life. I will not regret everything. I'll be forever grateful because of it," mahinang sagot ko. Hindi pa rin ako makatingin sa kanya. Tiyak na galit na galit na siya ngayon habang nakatingin sa 'kin.
"Good. Pero 'yon lang ba ang dapat mong ipagpasalamat, Sid? You should be grateful that you got me too," pagrereklamo niya na tila nagtatampo. Napaangat ang tingin ko sa kanya. Nanlalaki ang mga mata dahil sa pagtataka. Mahinang tumawa siya. Nagulat ako nang marahan niya akong buhatin pahiga sa kama.
"Wait! Hindi ka ba galit dahil sa nalaman mo? I ruined your wedding for money," nagtatakang tanong ko. Nakatagilid ako paharap sa kanya. Nakatingin lang siya sa 'kin.
"Alam ko. Hindi kita tinanong noon dahil alam ko, Sid. Matapos mong guluhin ang kasal ko noon, hinanap ko agad kung saan ka nakatira. At nalaman kong may sakit ang nanay mo. You can't afford the hospital's expenses. May ideya na ako kung saan nanggaling ang perang ginamit mo noon. Wala ka naman kasing mapapala kung basta-basta ka na lang papasok sa isang wedding ceremony at manggugulo. Dadagdagan mo lang ang problema mo," natatawang sabi niya.
"Bakit hindi mo sinabi sa 'kin na alam mo?" nakasimangot na tanong ko.
"Para saan pa? Napatawad na kita, Sid. At wala na akong balak ungkatin pa ang nakaraan," he answered. Marahan niya akong hinila palapit sa kanya.
"Bakit pala hindi ka nagpakita sa 'kin noon kung alam mo? You're angry, right? Tiyak na gustong-gusto mong gumanti sa 'kin dati. Why did you remain silent after four years?" nagtatakang tanong ko.
"I don't know. Maybe I'm just being considerate. Marami ka na ngang problema, dadagdagan ko pa ba? Saka lumipat kayo sa probinsiya noon at marami rin akong pinoproblema. Nang mabasa ko ang article tungkol sa 'yo, saka lang bumalik ang kagustuhan kong maningil. Mukhang masaya ka na kasi sa buhay mo at wala ng pinoproblema," natatawang sabi niya.
Nagdududang tiningnan ko siya. "May binabalak ka bang masama ngayon para saktan ako? Parang ganito ka rin kasi dati bago ko pa malaman na peke ang kasal natin," nagdududang tanong ko.
Sumimangot siya. "Mukha ba akong may masamang gagawin?" tanong niya sa 'kin.
"Ang normal na reaksyon mo dapat ngayon ay nagagalit. Kinakabahan tuloy ako kung mabait ka ba talaga o nagpapanggap lang," nakangusong sabi ko.
"You're hurting my ego, you know. Ano naman ang mapapala ko kung magagalit ako sa 'yo? Sinabi ko naman sa 'yo na alam ko na may nagbayad sa 'yo noon," saad niya habang marahang hinahaplos ang pisngi ko. Pinupunasan niya ang bakas ng luha sa mga mata at pisngi ko.
"Sigurado ka?" tanong ko dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. He nodded. He was looking intently in my eyes.
"At hindi mo kailangang ma-guilty kung pakiramdam mo kinuha mo ang mga bagay na para sa 'kin noon. It's fine. I got something better. Masaya na ako ngayon dahil sa 'yo. I'll be more than happy to be your husband and to be a father to our child. So don't run away again. Trust me. Kung may problema man tayo, pag-usapan natin. Let's try to resolve it before the day ends," seryosong saad niya. Tumulo na naman ang luha ko sa mga mata. I don't know if I deserve this. I'm not good but I'm not that bad either. Pero sobra-sobra naman yata ang ibinigay sa 'kin.
"How about your parents? They're probably angry?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. He laughed.
"They are. Halos manggalaiti na sila sa galit sa 'yo. Hindi rin nila pinakinggan ang sinabi ko. I told them that I love you and the past doesn't matter now. Hiniling ko rin sa kanila na sana tanggapin ka nila pero hindi sila nakikinig," he truthfully said. "But you don't have to worry. Kapag lumabas na ang baby natin, baka magbago ang lahat. Tumatanda na sila. Hindi nila matitiis ang apo nila. Lalo na kung kasing gwapo ko ang magiging anak natin," natatawang sabi niya. It seems he was not that affected.
"Baliw ka talaga. Pero gusto ko pa ring humingi ng tawad sa kanila pero natatakot lang ako," mahinang sabi ko.
"Kung gusto mo talaga, sasamahan kita. Pero huwag kang umasa na mapapatawad ka nila kaagad. At saka hindi mo na sila kailangang problemahin. Hindi naman sila ang pakakasalan mo, ako naman," nakangising sabi niya. Mahina na rin akong tumawa dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o hindi.
"Take me seriously," sabi ko at sumimangot.
"Sure. I'll take you forever and I'm serious," nakangising pagbibiro niya. Mahina kong sinuntok ang balikat niya at lalo akong napasimangot. Hindi ko na tuloy alam kung ano ba talaga ang pinag-uusapan namin. Hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap.
"Wait Andrew. Nagtataka lang ako, bakit ka ba ginugulo ni Christine?" mahinang tanong ko sa kanya.
"Dahil gwapo ako," pagbibiro niya. Mahina pa siyang tumawa habang marahang hinahaplos ang buhok ko. Sumimangot ako at umirap sa kanya. I don't want to buy his reason. Sapat na ba 'yon upang guluhin ni Christine ang buhay niya?
"Ano nga kasi?" pangungulit ko sa kanya. He sighed. Nagtatalo ang isip niya kung sasabihin ba niya sa 'kin o hindi ang dahilan. Napansin ko ang pag-iwas niya ng tingin pero hindi ko inaalis ang tingin ko sa mukha niya. Desidido akong malaman ang lahat. Bumuntong-hininga siya tanda ng pagsuko. Muli siyang tumingin sa 'kin.
"Bata pa ako noon, Sid. I'm in my early twenties when I met her. Kabilang ang pamilya niya sa koneksiyon ng pamilya ko. Nahalata ng mga kabarkada ko na may gusto siya sa 'kin. Lasing ako noon kaya pumayag ako na makipagpustahan sa kanila. Nakipagpustahan ako na magiging girlfriend ko siya within three days," sagot niya.
"That fast?" gulat na tanong ko sa kanya. He nodded.
"Naging girlfriend ko nga siya. But I'm not serious. She's agressive and possessive. Nakakasakal," he said. "Nalaman niya na nakipagpustahan ako sa mga kabarkada ko at hindi ko siya mahal. Nagalit siya. I broke up with her. Wala siyang magawa kahit ayaw niya," seryosong dagdag pa niya.
"Sinabi niya na hindi niya ako hahayaang maging masaya. Palagi niya kaming ginugulo ng fiancee ko noon hanggang sa masanay na sa kanya ang fiancee ko at hindi na umubra ang panggugulo niya sa relasyon namin," he said.
"That's why she hired me to ruin your wedding?" tanong ko.
"Maybe. After you ruined my wedding, she was always there for me. Ginawa niya ang lahat para mahalin ko siya. Pero alam kong hindi ko talaga siya kayang mahalin. That's why I always ignore her. Akala ko nga tumigil na siya sa panggugulo dahil ilang taon ding natahimik ang buhay ko," he said and softly laughed. "Pero mali pala ako. She's trying to ruin our relationship now," naiiling na saad niya.
Natigilan ako. Hindi ko alam ang sasabihin. I felt sorry for Christine. Hindi dapat niya sinasayang ang oras niya sa taong hindi siya kayang mahalin. Sa taong hindi siya paglalaanan ng kahit kaunting oras. She's just being stupid. She's not just wasting her time but also her life. Kung itinuon niya ang pansin sa ibang bagay baka masaya na siya ngayon.
"Huwag mo na lang siyang pansinin. Mapapagod din siya," sabi niya nang mapansin ang pananahimik ko. Marahan akong tumango. Sana nga mapagod si Christine pero paano kung hindi? Paano kung patuloy niya kaming guluhin? I'm a bit scared. Yumakap ako pabalik kay Andrew. Isinubsob ko ang mukha sa dibdib niya.
"Sid, I love you. And no matter what happens, I'll always stay with you. You don't have to worry about my parents and Christine," Andrew whispered. "They can't tear us apart. Rest assured and sleep now, babe."
Marahan kong ipikit ang mga mata ko. He's right. I don't have to worry. "I love you too, Andrew," I whispered.
~~~
TUESDAY.
Naglalakad ako papasok sa parking lot ng building kung nasaan ang opisina ko. Yesterday was not a good day. Hindi naging maganda ang naging pag-uusap namin ng mga magulang ni Andrew. Naaalala ko pa rin kahit pilit kong kinakalimutan. Ramdam ko pa rin ang sakit ng pagsampal sa 'kin ng ina ni Andrew. Nabigla kaming lahat maging si Andrew ay hindi agad nakagalaw sa bilis ng mga pangyayari. I was trying to apologize but it was no used.
"You ruined my son's life!"
"Gold digger! Social Climber! I will not let you marry my son!"
Paulit-ulit ito sa utak ko. Kahit iba ang sinasabi ni Andrew ay hindi ko pa rin mapigilan ang masaktan. Kahit ipinaglalaban niya ako sa mga magulang niya, hindi iyon sapat. Nagiging emosyonal pa rin ako. Siguro dahil sa buntis ako ay hindi ko maiwasang magkaroon ng hinanakit. Sa huli, wala kaming nagawa kundi ang umalis na lang nang hindi naaayos ang lahat. Hindi ko naman masisisi ang mga magulang niya. Hindi na ako napigilan ni Andrew na pumasok ngayon. I want to unwind. Ayokong maiwang mag-isa sa unit niya. Baka mabaliw na ako dahil sa pag-iisip.
Natigilan ako sa paglalakad nang may isang babae na lumabas mula sa isang kotse. Bahagyang naningkit ang mga mata ko nang makilala na si Christine 'yon. She was grinning from ear to ear when she approaches me. Hindi ko alam kung bakit pero kinabahan ako. Pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari. Pilit kong itinago ang kaba. Taas-noong tiningnan ko siya. Napansin ko ang pagtaas ng kilay niya sa ginawa ko. Ano na naman kaya ang gusto niya? Nagpalinga-linga ako sa paligid. Shit! Walang katao-tao sa parking lot. Malayo ang kami sa guard kaya walang makapapansin sa 'min. Kinagat ko ang pang-ibabang labi. Hindi ako dapat mag-panic. Everything will be alright. I just hope that it will. Really.
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro