Intruder 34
SIDNEY
Pinapanood ko si Andrew habang masayang nakikipag-usap sa isang negosyante. Hindi na kami nakapunta sa magulang niya dahil sa kliyente niya. Nasa baywang ko pa rin ang kamay niya. Hindi niya binibitawan.
"I didn't know that you already have a wife," his client said. Tumingin siya sa 'kin at ngumiti. "Well, I can't blame you. She's beautiful," he added. Namula ang mukha ko at bahagyang ngumiti sa lalaking kaharap namin. I bet he's already in thirties. Sa tingin ko, may asawa na rin siya.
"Right. But she's not just beautiful. For me, she's perfect," nakangiting sabi ni Andrew. "Anyway, see you around. Let's talk about business next time. Enjoy the night," he politely said. Nakangiting tumango ang negosyante. Marahan akong hinila palayo ni Andrew sa kausap niya.
"Pagod ka na ba?" he asked with concern. Halos isang oras na kami sa party at puro pakikipag-usap sa mga kliyente, kaibigan at pinsan ni Andrew pa lang ang nagawa namin. Umiling ako.
"Hungry?" he asked. "Let's eat first. You shouldn't skip dinner," he said. Hinila niya ako patungo sa buffet. Iba't ibang putahe ng pagkain ang nakahain. Maraming waiters na naghihintay sa 'min. Ang ilan ay umiikot para mamigay ng drinks at liquors. Inalalayan ako ni Andrew sa pagkuha ng pagkain. Naiilang ako, hindi dahil sa ginagawa ni Andrew kundi dahil pakiramdam ko maraming mga mata ang nakasunod sa 'min. Ang nakatingin sa 'kin.
Umupo kami sa isang bakanteng mesa. I'm glad that he's here with me. Hindi ako masyadong naiilang at kinakabahan sa mga taong nakapaligid sa 'min. I felt like someone's watching my every move. Sabay na kaming kumain. May mangilan-ngilan na pumupunta pa sa table namin upang makipag-usap kay Andrew. Ang ilan ay nakikipag-usap tungkol sa negosyo.
"Madalas bang ganito ang party sa inyo?" takang tanong ko nang maiwan kaming dalawa.
"Why?" kunot-noong tanong niya. Nagtataka siya sa tinutukoy ko.
"I mean this is a birthday party not a business party," naiiling na sabi ko na may himig ng pagbibiro. Napangiti na rin siya dahil sa sinabi ko. He got my point.
"Isn't this normal? What did you expect this birthday party would be?" interesadong tanong niya sa 'kin.
"I expected that this will be a lively party. The party is all about the celebrant. By the way, where is he? Hindi ko pa yata siya nakikita?" takang tanong ko. Tapos na kaming kumain. Napansin ko na may nagsasayaw na sa gitna. The music was slow and romantic. Masarap sa pandinig.
"Hindi ko pa siya nakikita. Tiyak nasa paligid lang siya, kasama si Dad. Tiyak na ipinapakilala siya sa iba't ibang negosyante," naiiling na sabi niya sa 'kin. Kumunot ang noo ko. I guess this was really a business party.
"Hula ko, ganito rin ang naging birthday mo noon?" kunot-noong tanong ko. He nodded.
"Boring," natatawang sabi ko. He frowned.
"Not really. This is necessary. You can build your connections through this. Somehow, it's worth it," seryosong sabi niya.
"If you're not happy then how can you say that it's worth it?" nang-aasar na tanong ko.
Tumaas ang isang kilay niya. "How can you say that I'm not happy?" pabalik na tanong niya.
"You're not even smiling when you say that it's worth it. Labas sa ilong. Walang feelings," nakangising sabi ko. Napailing siya pero ngumiti rin naman.
"I don't see any difference between this kind of birthday party and the normal one," he honestly said.
"Because you haven't experience it yet," natatawang sabi ko.
"I'll be having my birthday soon. Will you let me experience the difference?" he teased. I bet it has a double meaning. Masyadong mapang-akit ang tono ng boses niya. Pakiramdam ko iba ang tinutukoy niya.
"Sure," nakangusong sabi ko. Matagal pa naman ang birthday niya. Two months pa.
"Let's find my parents. I don't want you to stay up all night," he said. He sounded worried. It's just eight in the evening. He's overprotective. Tumango ako kahit kinakabahan na makilala ang parents. Bumalik na naman ang kabang nararamdaman ko kanina. Tumayo na kami. He held my hand tightly. He's trying to assure me that everything's going to be alright. He smiled kindly at me before we walked in the midst of crowd.
"I saw them," he whispered. Tiningnan ko ang direksyon kung saan siya nakatingin. May grupo ng tao na nag-uusap sa 'di kalayuan. Hindi ko matukoy kung sino sa mga 'yon ang magulang ni Andrew. I bet they're talking about business. Napansin ko ang isang lalaki na medyo kahawig ni Andrew pero mas bata ito. Siguro siya ang kapatid ni Andrew. As I looked at him, pilit niyang itinatago ang boredom sa usapan ng mga nakatatanda sa kanya. Hindi ko siya masisisi. His birthday party turned into a business party.
Naagaw agad namin ang atensyon nila kaya hindi na kinailangan ni Andrew na tawagin ang mga ito. Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Andrew dahil sa halip na kay Andrew sila tumingin, sa 'kin nakatuon ang atensyon nila. May katandaan na ang mga ito pero elegante at sopistikada ang dating nila. Tila sinusuri nila ako mula ulo hanggang paa. Napalunok ako. Parang gusto ko ng umalis sa lugar na ito dahil sa kabang nararamdaman ko.
"Kuya Andrew!" bati agad ng isang lalaki sa kanya. Tama ako na magkapatid sila. Nakangiti na ito ngayon. Tila nakakita ng superhero.
"Alden. It's your birthday. You should meet your friends too," Andrew said kindly to his brother. Masayang tumango si Alden. Mabilis siyang nagpaalam sa mga magulang at nagmadali ng umalis kahit hindi pa sumasagot ang mga ito. Nagpaalam na rin ang ilang kausap nila kaya kaming apat na lang ang naiwan.
"Andrew, she's your wife?" seryosong tanong agad ng isang lalaki. Nakatingin na siya ngayon kay Andrew. Tumigil na kami sa paglalakad. Hindi ko alam kung magmamano ba ako sa kanila o hindi. Hindi ako mapakali. Pakiramdam kong nanlalambot ang tuhod ko. Pinagmasdan ko ang nagtanong sa kanya.
Magkatulad sila ng mga mata at perpektong hubog ng mukha ni Andrew. Sa tingin ko siya ang ama ni Andrew. Maawtoridad siyang tingnan. He looks powerful. Nakakawit naman sa braso nito ang kamay ng isang babae. Sa tingin ko, ina ito ni Andrew. May nakuha ring features si Andrew sa ina niya. Her perfect nose. She smiled kindly at me.
"Yes, Dad. Meet Sidney Villanueva," he said. Tumingin naman si Andrew sa 'kin. He smiled because he noticed how nervous I am. "This is Leon Mendez, my father. And my mother, Fiona Mendez," pagpapakilala niya sa magulang niya. Hindi ko alam kung paano magre-react. Hello po? Mano po? Shit! Ang awkward.
Mahinang tumawa si Andrew dahil saglit akong natigilan. "Don't be shy, Sid," natatawang sabi niya. That made me at ease somehow.
"Hello po," nakangiwing saad ko sa kanila. Gusto kong sikuhin si Andrew dahil sa nangyayari ngayon. "I'm Sidney," pakilala ko ulit sa sarili ko. Inilahad ko ang kamay sa kanila. At the end, hindi ko magawang maging feeling close. I acted as formal as possible. And I don't know if I'm doing things right. Naunang tinanggap ng babae ang kamay ko. Tinanggap na rin ito ng ama ni Andrew.
"Is she aware of your past?" seryosong tanong ng Dad niya kay Andrew.
"Hon," mahinang babala ng asawa niya. "According to Andrew, she's already pregnant. Don't try to mention it," she added. Nagkatinginan kaming dalawa ni Andrew. Pareho kaming naguluhan.
"What do you mean, Dad?" takang tanong ni Andrew.
"That you got another woman pregnant in the past. You should have mention it to her. Hangga't maaga pa," seryosong sabi ng ama niya. Nanlaki ang mga mata kong tumingin sa kanya. She got another woman pregnant? Who? Bakit wala siyang sinabi sa 'kin. Mahinang tumawa si Andrew nang tumingin siya sa 'kin. Parang gusto kong magalit sa kanya dahil hindi niya sinabi sa 'kin. Inilapit niya ang bibig sa tainga ko.
"Don't be surprised, Sid. They're talking about the wedding intruder," he whispered. Nagulat pa ako nang marahang kagatin ni Andrew ang tainga ko bago siya bahagyang lumayo sa 'kin. Namula ang mukha ko dahil natitiyak kong nakita 'yon ng mga magulang niya. Ikinawit niya ang kamay niya sa baywang ko at marahan akong hinila palapit sa kanya. Parang gusto kong matawa dahil ako rin pala ang tinutukoy ng mga magulang niya.
"Dad, I told you. No one's pregnant that time," he frowned. "It's fine. Sid and I both know the truth. You don't have to worry about our relationship. I'll marry her after she gave birth to my child," he said. Tahimik akong nakikinig sa kanila. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Pakiramdam ko naumid ang dila ko at walang lumabas na kahit anong salita mula roon.
Tumingin sa 'kin ang mga magulang ni Andrew, nahigit ko ang paghinga. "Paano kung magpakita ulit ang babaeng 'yon na dala ang anak mo Andrew? Hindi ko alam kung dapat kong paniwalaan na hindi mo nga siya nabuntis. What if she stopped your wedding again?" seryosong saad ng Dad niya. Gusto kong matawa dahil paano ko naman gagawin 'yon kung ako na ang pakakasalan? I wouldn't dare.
Mahinang tumawa si Andrew. He looked at me happily. "I will not allow it. Right, Sid? She'll never do it again," sabi niya na tila siguradong-sigurado. Namula ang mukha ko dahil alam kong ako talaga ang kinakausap niya at pinagsasabihan niya.
"Of course, she'll never do that again."
Natigilan kaming lahat dahil sa nagsalita mula sa likod namin ni Andrew.
"Hi Tito Leon and Tita Fiona," masayang bati ng isang babae. Humalik pa ito sa pisngi ng mga magulang ni Andrew.
"Christine," gulat na sabi ng ina ni Andrew. Napalunok ako nang humarap si Christine sa 'min. Nakakunot-noo naman si Andrew habang ako naman ay tinakasan ng kulay sa mukha.
"Sidney will never do that again," makahulugang dagdag ni Christine. Namutla na talaga ako. Bumilis ang tibok ng puso ko. Tumigil ang pag-ikot ng mundo ko dahil alam kong hindi ko na siya mapipigilan sa sasabihin. Tiningnan naman ni Andrew nang masama si Christine dahil mukhang nakuha na niya kung ano ang gusto nitong sabihin.
"What do you mean?" takang tanong ng ama ni Andrew. How I wish I can disappear right now.
"Because she's the wedding intruder. Siya ang nanggulo sa kasal ni Andrew noon. She did it for money. Sa tingin ko, pakakasalan din niya si Andrew dahil sa pera," nakangising sabi ni Christine. And that made me want to run. Right. Why did I think that I can hide the truth forever? Napansin ko ang pag-igting ng panga ni Andrew dahil sa sinabi ni Christine. Alam kong galit siya pero hindi ako sigurado kung kanino. Kay Christine o sa 'kin?
"You did that?" hindi makapaniwalang tanong ng ina ni Andrew. Nanlalaki ang mga mata niya dahil sa pagkagulat. Wala akong masabi. I don't have the right to explain. It's really my fault anyway. I really did it for money. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin.
"I-I'm sorry," nanginginig na sabi ko. Nanliliit ako sa tingin ng mga magulang ni Andrew ngayon. Hinawi ko ang kamay ni Andrew sa baywang ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Basta ang alam ko gusto ko ng umalis dito. Gusto kong maglaho sa paningin nilang lahat. And that's what I did. I ran away.
"Sid! Come back here!" sigaw ni Andrew pero hindi ko siya pinansin. Nagmamadaling humalo ako sa mga tao sa paligid. Wala akong pakialam kung buntis ako. Ang gusto ko lang ay tumakbo at makalayo rito. Palabas na ako sa mansyon nang may mabangga akong lalaki. Si Ayden. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako at mapansin na umiiyak ako.
"What happened?" takang tanong niya. Good timing.
"I have a favor to ask," saad ko. Nagmamadaling hinila ko siya palabas sa mansiyon. "Drive me home, please," nagmamakaawang sabi ko. Nagtataka man ay sinunod niya ang sinabi ko. Nakasakay na kami sa kotse niya nang makita kong lumabas si Andrew sa mansyon. He was looking for me. Tinted ang kotse ni Ayden kaya hindi niya ako makikita.
"Let's go," mahinang sabi ko kay Ayden.
"Are you sure?" nagdadalawang-isip na tanong niya.
"Please," mahinang sabi ko. Narinig ko pa ang pagbuntong-hininga niya bago pinaandar ang kotse palayo. Nakita ko pa ang frustration ni Andrew sa paghahanap sa 'kin pero ayoko munang kausapin siya. Gusto ko ng oras para makapag-isip. Tumunog ang cellphone ko. Andrew's calling. I sighed. Walang pagdadalawang-isip na ni-reject ko ang tawag niya.
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro