Intruder 30
SIDNEY
Pupungas-pungas na gumising ako. Kumunot ang noo ko nang maramdaman ko ang malambot na kama kung nasaan ako. Naalala ko na humiga ako sa sofa upang maghintay sa pagdating ni Andrew. Did I sleep walk? Nasaan si Andrew? I checked the time. Sumimangot ako nang mapansin na alas siyete na nang umaga. Nasaan na ang pagkaing pinabili ko kay Andrew? Bakit hindi niya ako ginising?
Naiinis na lumabas ako sa sala. Gusto ko siyang sigawan. Ang aga-aga napaka-moody ko. Hindi ko nakita si Andrew kaya lalong kumunot ang noo ko. May kakaiba akong naamoy sa kusina kaya agad akong pumunta roon. Nakita ko si Andrew na nagluluto. He was just wearing an apron and pants. Ayoko mang aminin pero katawan pa lang niya ulam na.
Nang rumehistro sa utak ko ang naaamoy ko, agad kong tinakpan ang ilong ko dahil ayoko sa amoy. Pakiramdam ko biglang bumaliktad ang sikmura ko. Gusto kong maduwal!
"Andrew! What are you cooking?" sigaw ko. Nagtatakang lumingon siya sa 'kin. Dahil hindi ko na kaya ang amoy agad akong tumakbo sa loob ng CR. Naduduwal ako pero walang lumalabas. Ang sama sa pakiramdam! Ang baho ng bawang na piniprito niya. Sumasakit ang tiyan ko.
Naramdaman ko ang nagmamadaling paglapit ni Andrew.
"Ayos ka lang? What's the problem? May sakit ka ba?" nag-aalalang tanong niya sa 'kin. Hinagod niya ang likod ko at nag-aalalang tumingin sa 'kin. I glared at him.
"Mukha ba akong maayos?" inis na tanong ko. Muli akong naduwal nang maamoy ko siya. Dumikit ang amoy ng bawang sa katawan niya.
"Shit!" mahinang pagmumura ko dahil sa inis. "Maligo ka nga!" sigaw ko kay Andrew. Kumunot ang noo niya. Pinipigilan niyang mainis sa 'kin. But I'm sure he will not be able to control his temper any longer. He sighed.
"Fine. Hindi ka maayos. But I have no idea of how you feel. May masakit ba sa 'yo? Masakit ba ang tiyan mo?" mahinahong tanong niya sa 'kin. He softened his voice as if he cares.
"I don't like the smell of sauteed garlic. I want to vomit. And you, take a bath!" naiinis na sabi ko. Kinuha ko ang shower head at binuksan ito. Walang babala na itinutok ko ito kay Andrew. Ang aga-aga ang init ng ulo ko. Naalala ko pa ang mga pagkaing pinabili ko kagabi sa kanya.
"Shit!" pagmumura niya nang mabasa ko ang apron na suot niya. Agad siyang tumakbo palabas sa banyo. Sinilip ko siya. Sumimangot ako nang tanggalin niya ang nabasang apron.
"Andrew..." I called him using a sweet, seductive tone pero sa totoo lang, hindi pa rin nawawala ang init ng ulo ko. "Maliligo ka ba o hindi? Come back here." Kahit malambing ang tono ng boses ko may himig pa rin ito ng pagbabanta.
"Sid, wala akong dalang extrang damit," nakasimangot na sabi niya. Tiningnan ko siya nang nagbabantang tingin. Nauubos na talaga ang pasensiya ko. And then an idea flashed in his mind. "Fine. Maliligo na ako pero huhubarin ko muna lahat ng suot ko. Mukhang may balak kang paliguan ako. I can't turn your offer down. That will be exciting," he teased. He started to unbutton his pants. My eyes grew wider when I realized what he's thinking, what he's going to do.
"NOOO! WAIT!" sigaw ko sa kanya. I can't imagine to see him naked today. I can't take it. Baka kung ano ang mangyari. Mahirap na. Natigilan siya sa pagsigaw ko. Tila binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. Nawala ang init ng ulo ko. Pinatay ko ang shower at nagmamadaling lumabas ng banyo. Hindi ako lumapit sa kanya.
"Sa banyo ka na maghubad. Lock the door and take a bath by yourself," nakangiwing sabi ko. He laughed heartily. Tiningnan ko siya nang masama. Nakakainis! Naisahan niya ako!
"Wala ka nang balak paliguan ako? The door is still open. Pwede pang magbago ang isip mo," pahabol niyang tanong nang pumasok sa banyo. Nakasungaw sa labas ang ulo niya. He is grinning widely. Humalukipkip ako at pinaypayan ang sarili gamit ang isang kamay.
"Ano ka? Baby?" inis na tanong ko.
"Oo. Baby mo," he teased. I want to erase that big smile in his face. Namula ang mukha ko. Mas lalong bumilis ang pagpapaypay ko sa sarili ko. Pakiramdam ko uminit ang buong paligid.
"Tse! Baby damulag," sabi ko sabay irap. Tumawa lang siya nang malakas. Naiinis na bumalik ako sa kwarto ko at hindi na siya pinansin pa. Nakasimangot ako. Hindi ko alam kung ilang minuto na ako sa kwarto ko. Narinig ko na lang ang pagkatok ni Andrew sa pinto. Binuksan niya ang pinto at sumilip sa loob.
"Let's eat," he said. Mas lalo akong sumimangot dahil sa itsura niya. Basa pa ang buhok niya at hindi pa nagsusuklay. He looked so fresh and cool. He's effortlessly good looking. I hate to admit it but my heart is racing so fast. I can't control my heart's sudden reaction.
"Ayoko ng may bawang," nakasimangot na sagot ko. He smiled gently.
"Wala na. Tinanggal ko na. Promise," he said. Dahil sumasakit na rin ang tiyan ko sa gutom, hindi na ako nagmatigas. Saka na lang ako magpapa-hard-to-get. Mahirap kalabanin ang pagkain. Tumayo na ako at sumunod sa kanya sa kusina.
Tatanungin ko pa sana kung nasaan ang pinabili ko sa kanya kagabi, pero nakita ko na ito sa table. Hindi na tuloy ako nakapagreklamo. Tahimik akong umupo sa silya. Fresh pa ang fries at buo pa ang sundae. Mukhang nagpadeliver ang mokong. Nakahain ang leche flan, fruit salad at putopao.
"Saan mo ito binili?" tanong ko habang nakaturo sa leche flan.
"Sa convenience store," he answered.
"Itong fruit salad?" tanong ko.
"Ginawa ko," he said. Naghihinalang tumingin ako sa kanya.
"Walang lason?" nagdududang tanong ko. He just laughed. Umiling siya.
"Itong putopao?" tanong ko ulit.
"From a random Chinese store," he answered. Tumango ako. May niluto rin siyang kanin, egg, bacon at hotdog. Hindi na ako nagtanong pa dahil naglalaway na talaga ako sa mga pagkain. Kumuha na ako ng pagkain. Nakatingin lang sa 'kin si Andrew. Napansin ko na alas-otso na pala ng umaga habang kumakain.
"Wala ka bang trabaho?" tanong ko.
"I left my car in your company, remember? Ihahatid na kita," he answered. Nagsimula na siyang kumain nang masigurado na wala na akong reklamo sa mga kinakain ko. "And don't eat too much sweets. Remember what your doctor said?" paalala niya sa 'kin. Sumimangot ako.
"I can't help it. I want to eat this," I answered.
"Eat with moderation," he said. "Ikaw rin. Kapag sobrang laki ni baby, mahihirapan kang manganak," pananakot niya. Tiningnan ko siya nang masama. He grinned. "And again, huwag kang masyadong magalit. Baka pumangit ang baby natin. Baka kapag lumabas na siya, masama na agad ang tingin," he joked. Muntik na akong masamid sa sinabi niya. Pinigilan ko ang pagtawa.
"Smile always. Don't stress yourself," he reminded me.
"Nakaka-stress ka kasi!" reklamo ko.
"Sorry. Babawi ako," he sincerely said. Masaya ako pero hindi ko ipinahalata sa kanya. Bakit ba mahirap magalit sa kanya? Pero kulang pa nga ang effort niya! Hindi pa ako satisfied. Hindi na ako nagsalita pa. Pagkatapos kumain, naligo na ako at nagbihis. Bumiyahe na kami patungo sa kumpanya ko.
Nang makarating sa parking lot, sabay na kaming bumaba.
"Sid, call me if there's a problem. Sabay na tayong mag-dinner mamaya. And please come back to my place. Hindi ako mapapalagay kung sa unit ni Ayden ka pa tutuloy. I assure you, I will always sleep there. Wala akong pakialam kahit sa sofa pa ako matulog," he seriously said. Inirapan ko lang siya.
"Saka na tayo mag-usap. Bye," I said, dismissing him. Napakamot na lang siya sa ulo habang tinatanaw ang pagpasok ko sa loob ng building. Nabawasan na ang bigat ng nararamdaman ko. Pero alam kong hindi pa rin maayos ang lahat. Nagtrabaho na ako. Napansin naman nina Vina at Ericka ang pagbabago ng mood ko.
"Ayos na ba kayo ni Andrew?" excited na tanong ni Vina. Kumakain na kami ng lunch sa katapat na restaurant. Wala na akong nagawa kundi ang ikwento sa kanila ang mga nangyari. Naririndi ako sa impit na pagtili nila. Minsan nga, naaagaw namin ang atensiyon ng ibang customers. Nakakahiya.
"Todo naman ang pagpapakipot mo! Bumalik ka na sa unit niya para hindi ka rin mahirapan. Halos lahat ng gamit mo nasa unit niya," sabi naman ni Ericka.
"Oo nga! Dalawa naman yata ang kwarto. Maghiwalay na muna kayo ng kwarto kung gusto mo tapos ituloy mo na ang pagpapa-hard-to-get," humahagikgik na sabi ni Vina. Pwede rin.
"Pero may problema pa talaga, Sid. Hindi ka pa niya ipinapakilala sa magulang niya. Siguro kapag nagawa na niya 'yon, maniwala ka na talaga na sincere siya!" sabi ni Ericka. Natigilan ako. Oo nga pala.
"Sige. Kapag ginawa na 'yon, saka ko siya papatawarin. Pero natatakot ako, paano kung malaman ng mga magulang niya ang ginawa ko noon? Iniisip pa naman nila na may anak si Andrew sa 'kin. Ano'ng gagawin ko? Tatanggapin kaya nila ako?" nag-aalalang tanong ko sa kanila.
Natigilan din siya at saglit na nag-isip.
"Well, kung hindi ka nila matatanggap, desisyon na ni Andrew kung ipaglalaban ka niya," sabi ni Vina.
"Saka girl! Si Andrew naman ang makakasama mo habang-buhay hindi ang mga magulang niya!" singit naman ni Ericka.
"Pero mas maganda pa rin kung magkakasundo kami, hindi ba?" tanong ko sa kanila. Tumango sila.
"Huwag mo munang isipin 'yan, Sid. Hindi pa naman kasi nangyayari. Sasakit lang ang ulo mo," natatawang sabi ni Vina. I nodded. Ipinagpatuloy na namin ang pagkain. Nang matapos, bumalik na kami sa office upang ipagpatuloy ang pagtatrabaho.
It's already three o'clock in the afternoon and I'm craving for an ice cream. Si Andrew agad ang naisip ko. Agad ko siyang tinawagan. Agad naman niyang sinagot ang tawag ko.
"Yes? May problema?" he asked.
"Gusto ko ng ice cream na nasa sweet cone. Bumili ka dahil mo rito. Ngayon na," I demanded.
"What? Ipapa-deliver ko na lang. May meeting ako mamaya," he said.
"Ok. Huwag na lang. Don't try to find me too. Bahala ka sa buhay mo," nakasimangot na sabi ko sa kanya. He hissed and cursed silently.
"Pupunta na ako diyan," he said.
"You have twentyminutes. At ayaw ko ng tunaw na ice cream," I said while grinning widely. Alam kong naiinis siya pero hindi siya nagreklamo. Ibinaba ko na ang tawag at ipinagpatuloy na ang pagtatrabaho. Inorasan ko rin siya. Labing-walong minuto ang nakalipas nang bumukas ang pinto ng opisina ko. Umangat ang tingin ko at nakita ko si Andrew. Nakasimangot siya at hawak-hawak ang ice cream na pinabili ko.
"Here," masama ang loob na sabi niya nang ibigay sa 'kin ang ice cream. Hindi nga tunaw ang ice cream pero ang pangit naman ng pagkakalagay sa sweet cone.
"Bakit ganito ang itsura nito?" takang tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya at kumamot sa ulo. "Huwag ka ng magtanong. Kumain ka na lang," he answered. Nagkibit-balikat na lang ako at hindi na nagtanong. Abot-tainga ang ngiti ko habang kumakain ng ice cream.
"I have to go back now. Susunduin kita rito mamaya. May dinner date tayo," he said. "Wait for my call," he added. Hindi na ako nakapagsalita dahil nagmamadali na siyang umalis. Gusto ko sana siyang pabalikin dahil bitin ang ice cream. Kumunot ang noo ko dahil pumasok si Vina sa office ko at kumakain din ng ice cream.
"Bakit meron ka niyan?" takang tanong ko sa kanya habang nakaturo sa ice cream.
"Dala ni Andrew. May ice cream siyang dala tapos may sweet cone pa. Nanghiram pa nga ng kutsara para ipaglagay ka ng ice cream. Arte mo ha! Nilalantakan na nga nina Ericka ang ice cream. Sabi kasi ni Andrew, kainin na namin," natatawang sabi ni Vina. I frowned. Kaya naman pala! Naisahan na naman ako ng mokong. Tumayo na ako dahil gusto ko pa ng ice cream. Baka maubos na nina Ericka.
"Sweet ng asawa mo ha!" sabi ni Ericka na sarap na sarap sa kinakaing ice cream. I frowned. Ice cream ko dapat 'yon eh!
"Bakit naisipan mo pang papuntahin dito? Ang lapit lang ng bilihan ng ice cream!" naiiling na sabi ni Vina na sumunod pala sa 'kin.
"Miss mo na 'no?" pang-aasar nina Ericka at Vina.
"Tumigil nga kayo! Ewan ko ba! Siya ang una kong naalala eh," nakasimangot na sabi ko. Kumuha ako ng panibagong cone at naglagay ng ice cream. Umupo ako sa bakanteng silya at doon kumain.
"Miss mo na kasi!" pang-aasar nina Vina at Ericka. Hindi ko na lang sila pinansin. Hindi ko rin kasi maintindihan ang nararamdaman ko. Siguro nga miss ko na agad siya.
Mag-aalas-sais na nang tumawag si Andrew. Sabi niya, papunta na siya sa office ko. Hinintay ko na lang siya sa parking lot. May tumigil na kotse sa harapan ko. Kotse ni Andrew. Sumakay na ako.
"Saan tayo?" takang tanong ko.
"Secret," he grinned. I frowned. Hindi ko na siya kinulit dahil mukhang wala naman siyang balak sabihin sa 'kin. Hindi ko alam kung nasaang lupalop na kami. Ang alam ko lang, wala na kami sa Maynila.
Tumigil kami sa harap ng isang malawak na garden. Sa gitna nito ay may gazebo. An elegant white gazebo. It was surrounded by flowers decorated with tiny lights. Sa gitna ng gazebo ay may pulang mesa. My mouth gaped with the sight. Narinig ko rin ang musika na pumailanglang sa paligid nang hawakan niya ang kamay ko at igiya patungo sa gazebo. My heart started to beat fast again.
He gently guided me to my seat. "I bet you're already hungry. Medyo malayo kasi ito. But I hope you like the place," he said apologetically.
"No. It's wonderful and beautiful," I said sincerely. Nakakawala ng pagod ang buong paligid. The place was mesmerizing. He laughed.
"Actually, you are more beautiful than this place. This place won't be as beautiful as it is right now when you're not around. This place is designed for love. It will be meaningless if I came here alone," he said and gave me a red rose. I accepted it. My face turned red like tomatoes. May lumapit na waiter sa 'min nang makaupo kaming dalawa. Mukhang umorder na si Andrew ng pagkain dahil inilalagay na nila sa mesa ang mga ito.
"Hindi pa ito wedding proposal, 'di ba?" nagdududang tanong ko kay Andrew nang makaalis ang waiter. Ang daya kasi niya! Paano pa ako makakatanggi sa ganitong sitwasyon? He laughed. Hindi niya sinagot ang tanong ko. I frowned. Hindi ko tuloy malaman kung ano ang iniisip niya. He's so unpredictable.
"Let's eat first. I'll tell you my proposal later," he teased. Dahil gutom na ako, kumain na ako. Pero kinakabahan pa rin ako. Hindi ko alam kung maganda o pangit ang kalalabasan ng gabing ito.
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro