Intruder 3
SIDNEY
Linggo ng gabi. Pabalik-balik akong naglalakad sa loob ng silid ko. Participating in the bidding is a bad idea. Kilala ako ni Andrew! Maybe he's plotting something. Baka ipahiya niya ako sa mga kasama niya. Masisira ang pangalan ko na unti-unti nang nakikilala.
Pero mas mapapahiya ako kung hindi ako sisipot. Alam na nilang darating ako. What should I do? He's dangerous. Naiinis na ginulo ko ang buhok ko at sumigaw nang mahina. Pabagsak na humiga ako sa kama. Sumasakit ang ulo ko sa pag-iisip sa maaaring gawin sa 'kin ni Andrew. He said he's planning to ruin my life. Baka ito na ang hinihintay niya. Ang mapahiya ako. Ang ibagsak ako.
Nagpagulong-gulong ako sa kama dahil hindi ko na alam ang gagawin. I'm being paranoid! Siguro naman hindi niya ako ipahihiya? I'll be offering his company a good deal.
Business is business.
Siguro naman hindi niya hahaluan ng personal na agenda ang negosyo niya? I sighed. Nanghihinang gumapang ako sa kama at humiga nang maayos. Nagkumot na rin ako. Pinakalma ko ang sarili ko. Inalis ko sa isip ang mga pangamba ko. He's a professional. He won't do something bad. Siguro maghihiganti siya sa ibang paraan!
Think positive, Sidney! You'll be fine tomorrow.
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko para matulog. Dapat hindi ako magmukhang zombie bukas!
****
Maaga akong gumising. I wear my best suit. Inayos ko rin ang buhok ko at nag-makeup. Hinayaan ko na itong nakalugay. Naka-high heels ako na may katamtamang taas. Kinuha ko ang suitcase ko at tiniyak na wala akong nakalimutan. Nakahanda na ang breakfast pero toasted bread at kape lang ang kinain ko. I don't want heavy meals for now. Baka masyado akong kabahan at biglang sumakit ang tiyan ko. Wala akong balak tumigil sa loob ng CR nang matagal. Baka hindi ko pa magawa nang maayos ang presentation ko kapag bumaliktad ang sikmura ko.
"Bakit hindi ka kumain nang marami?" takang tanong ni Mama. Umiling ako.
"Nagmamadali po kasi ako," sagot ko kahit may laman pa ang bibig ko. Napailing naman si Mama dahil sa inaakto ko. Ininom ko na ang kape. Napansin kong lumabas na ang mga kapatid ko sa kwarto nila. Halatang inaantok pa silang dalawa. Ang problema nga lang, may pasok pa rin sila.
"Be sure to study well," agad na bungad ko sa kanilang dalawa. Lalaki ang isa kong kapatid. Babae naman ang bunso. Sumimangot silang dalawa at kumamot sa ulo. Tahimik na dumulog sila sa hapag-kainan. Marahan silang tumango. Hindi naman ako naghihigpit sa pag-aaral nila. Gusto ko lang magkaroon sila ng maayos na trabaho at buhay. Dahil ayaw kong ma-late, nagpaalam na ako sa kanila nang maubos ang kape ko at matapos magsepilyo.
"Makikita mo Andrew! Akala mo magpapatalo ako sa 'yo!" bulong ko sa hangin habang binubuhay ang makina ng kotse. "I'll surely get this project," sabi ko pa at tumawa na parang isang mangkukulam. Mabilis akong nakarating sa kumpanya ni Andrew. Maaga akong umalis kaya walang masyadong traffic.
Inayos ko ang damit ko. Sinigurado ko pang hindi ito nagusot. I must look presentable. Para matameme na sila sa kagandahan ko at hindi na makapagtanong pa. Tiyak na lalaglag ang mga panga nila sa kaseksihan ko. I grinned with the thought. But I'm just kidding. Hindi ako nagsuot ng seksing damit. It will be out-of-place. I wear something decent. Pinapalakas ko lang ang loob ko kaya kung anu-ano ang iniisip ko.
Malakas akong napabuga ng hangin. Nasa loob pa rin ako ng kotse habang nakatigil sa parking lot. Parang natatakot yata akong bumaba.
"Hindi ko yata kaya!" mangiyak-ngiyak na sigaw ko sa loob ng sasakyan ko. Isinandal ko pa ang pisngi ko sa manibela. "Nakakainis na Andrew yan! Makikita niya ang hinahanap niya! Ang lakas ng loob niyang pisilin ang pwet ko! Kainis!" pagmamaktol ko. Marahan pang hinahampas ng kamay ko ang manibela. Para akong bata sa itsura ko. Nanghahaba ang nguso ko sa nararamdamang frustration.
Paano nga kung isabotahe niya ang presentation ko? Kung anu-anong masamang pangyayari ang pumapasok sa utak ko. I sighed. Kailangan kong harapin ito. Umupo ako nang tuwid. Kinuha ko na ang suitcase ko. Bumaba na ako sa kotse. I acted cool. Itinago ko ang nararamdaman kong kaba. Tiningnan ko pa ang napakataas na building sa harap ko. Inirapan ko pa ang kaawa-awang building na walang kamalay-malay dahil sa nararamdamang inis ko kay Andrew.
Dumiretso ako sa reception area. Ipinaalam ko sa kanila ang pakay ko. She checked my name first. Sinigurado niyang may appointment ako. Pinapunta ako ng receptionist sa twenty-fifth floor sa isang conference room. Pagpasok ko sa loob, napansin ko na may ilang pamilyar na mukha. Mga interior designer din sila katulad ko. Mula sila sa iba't ibang kumpanya na kalaban ng kumpanya ko. Iisa lang ang pakay namin dito. We want this project so bad.
May isang lalaking pumasok at tumayo sa gitna ng conference room.
"Good morning. I guess, everyone is already here. So welcome to the company. You'll present one by one in the adjacent conference room. The CEO and directors will assess and study your offers. You have ten minutes to present and another fifteen minutes to answer questions. We will call you by your names. I hope you're all ready," nakangiting bungad ng lalaki. May nakahanda pa silang meryenda para sa 'min pero walang naglakas-loob kumain.
Tila lahat kami ay naghahanda sa isang malaking laban. Sa isang gera. Ang ilang nga ay nagre-review pa ng presentations nila.
Ipinakilala rin ng lalaki ang sarili pero hindi ako interesado. I am now praying for my presentation. Sana maging successful ang presentation ko. Sana hindi ako barahin ni Andrew. Sana hindi siya magtanong ng kung anu-ano. Tiyak na hahanapan niya ng flaws ang design ko. Isa-isa na kaming tinawag. Mabuti na lang hindi ako ang unang bibitayin. May oras pa ako para kalmahin ang sarili. Huminga ako nang malalim at kinondisiyon ang utak.
Ilang oras na ang lumipas at naiinip na ako. Pakiramdam ko ang tagal-tagal magpresent ng mga kasama ko. Tatlo na lang kaming natitira sa loob ng conference room. Hindi na pinabalik ang mga nakapag-present na dahil baka mag-ingay pa sila. Tiyak na madi-distract kami.
Agad akong napatayo nang tawagin na ang pangalan ko. It's already time. Pumasok ako sa katabing conference room. Nakita ko ang mga board directors and members. At syempre nakaupo sa pinakagitna si Andrew, ang CEO. Napansin ko ang pag-angat ng sulok ng labi niya nang makita ako. Pinigil ko ang sarili na titigan siya nang masama. Halatang naaliw siya nang pumasok ako sa loob ng conference room.
"Good morning. I'm Sidney Villanueva from Brilliant Interior Designers," pagbati ko. Tumango sa 'kin ang mga board directors. Ibinigay ko ang flash drive ko sa isang staff. Nag-set up na siya para sa presentation ko. I distributed the hand-outs to everyone.
Nang magsimula ang presentation, nagbigay muna ako ng kaunting introduction tungkol sa kumpanya ko. Saka ko ipinakita ang interior designs para sa bedroom, sala, dining area, comfort rooms at iba pang parte ng bahay na balak nilang gawin. Ipinakita ko rin ang designs na ginamitan ng mga furnitures na mula sa furniture company ko. I'm advertising it, actually. I showed them an old-fashioned interior design with a simple touch of modernity. Hindi gloomy ang design. It is quite lively and cool in the eyes.
The furnitures are cheap, simple but elegant. Nang ilatag ko na sa kanila ang kabuuang presyo na maaari nilang magastos ay nagulat sila. It is much cheaper than the other bidder's offer, I guess. Tiyak na iyon ang edge ko sa iba. Alam ko naman na magaganda rin ang designs ng iba pero tiyak na mahal ang presyo na ibinibigay nila.
"That ends my presentation," nakangiting sabi ko. Ihinanda ko ang sarili para sa question and answer portion. Baka pang-Miss Universe ang itanong sa 'kin ni Andrew. Kailangan kong ihanda ang utak ko. Hindi ako dapat magpasindak sa kanya. Nakangiti ako sa kanila at hindi ipinapahalatang kinakabahan na ako.
"Not bad," sabi ng isang board member.
"What do you think Mr. Mendez? That's a good offer," dagdag pa ng isang board member. Seryoso naman si Andrew kaya hindi ako mapalagay hangga't hindi ko naririnig ang opinyon niya. Mukhang magpapa-hard-to-get pa kasi siya.
"May ilan pang hindi nagp-present. We can't decide now. Anyway, Ms. Villanueva, how long have you been in this industry?" seryosong tanong ni Andrew. He's already starting. Nararamdaman kong malapit ko ng marinig ang nakamamatay niyang tanong.
"Are you asking about interior designing? I got two years of experience from other company as their employee. And another two years when I formed a small company that offers interior design services. To sum it up, it's already four years, Mr. Mendez," sagot ko. Sa tingin ko, alam ko na kung saan pupunta ang usapang ito.
"So your company is just new. How can we make sure you can offer our needs with the quality we're looking for?" aroganteng tanong niya. I sighed.
"If it's about quality, I assure you I can offer it through the home furnitures and design you need. These furnitures are exclusively made by our company. The materials are checked and assessed more than twice. And I'm sure that these furnitures will last for long. The company can provide the things you need on time. And we also got clients who can prove our company's worth. They're all satisfied by our services," I said.
"Will the customers be satisfied with your designs?" he asked. Ginigisa talaga niya ako ng mga tanong. I must be confident with my works and designs. It is my idea after all.
"Yes. In designing, I must not just consider what I want but what the customer wants and needs. I'm trying to put myself their shoes. They surely want a comfortable house to live in. I made the design as simple and comfortable as possible. They must feel that it is really their home. In this design, I made sure that they will enjoy the house as a happy family. If ever someone will live alone in the house, I will make sure that he will not feel lonely with my designs. I make it lively as I can," I answered.
"Are you sure everybody loves that kind of house?" he asked. Seryosong-seryoso ang mukha niya. Napalunok ako sa tono ng boses niya. Sobrang bigat. Parang nasaktan siya sa explanation ko.
"Of course. Everybody loves that kind of house. Why? Don't you like it too?" balik-tanong ko sa kanya. Natigilan siya at maging ako. I bit my lower lip. I snapped and that's a bad thing. I can't nail this project because of my stupid mouth. Wala ako sa lugar para magtanong sa kanya. He bitterly smiled.
"I do liked it. In the past," he answered. I am caught off guard. "Thanks. You may now go," he said. Mukhang nawala na siya sa mood. I sighed. It's my fault. Tahimik lang ang board members. I know they can feel the tension between us too. Nagpasalamat ako sa kanila. Wala na akong nagawa kundi kunin ang suitcase ko at lumabas. Malalim akong napabuntong-hininga. It was already lunch time. Sinabi ng isang staff na pwede na kaming umalis. The company will just contact us and let us know their decision.
Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy ni Andrew sa sagot niya kanina. He liked to have a comfortable and lively house with his happy family, maybe. But that's in the past. Gusto kong sabunutan ang sarili ko nang pumasok ako sa isang coffee shop. Katapat lang ito ng building ng company ni Andrew.
I really ruined his life. I wonder how was his life before I ruined his wedding. Masayahin kaya siya noon? Pakiramdam ko kasi ngayon, hindi siya palangiti. And he's really cold. Makukuha ko kaya ang project na ito? Maybe not. Hindi na ako aasa pa.
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro