Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Intruder 29

SIDNEY

Mabilis ang pagtibok ng puso ko habang nakatingin kay Andrew. Ayokong umasa. Ihinanda ko ang sarili sa gagawin o sasabihin niya. Napansin ko na lumuwag ang pagkuyom ng kamao niya. He heaved a deep sigh. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili.

Nahihirapang tumingin siya kay Ayden.

"Please, don't mess with me, Ayden," mahinang sabi niya. Tila ayaw niyang sagutin ang tanong ni Ayden. And it hurts. 

Nang-uuyam na tumawa si Ayden. "I'm not messing with you Andrew. I'm serious with her. If you can't love her, I will gladly take your place," he said with determination. Hindi ko alam kung paano niya nasasabi ang mga bagay na ito. Seryosong-seryoso siya. Hindi halatang nagsisinungaling. Kung hindi ko lang alam na gusto niyang subukan si Andrew, baka maniwala rin ako.

"Damn Ayden! You know that I will not let you take my place! Hindi ka dapat nakikialam sa problema namin! You know how I feel about her! You almost know everything! Now, I just realized something. Bakit bigla ka na lang sumusulpot? You're really playing with me, right? Hindi mo talaga mahal si Sidney!" frustrated na sigaw ni Andrew. Ngumisi si Ayden.

"Bakit hindi mo masabi sa kanya ang nararamdaman mo? Bakit umiiwas ka sa tanong ko?" naghahamong tanong ni Ayden. Hindi niya pinansin ang ibang sinabi ni Andrew. Mahinang nagmura si Andrew. He stepped inside Ayden's unit. Mahinang itinulak ni Andrew si Ayden palabas sa unit nito.

"Why are you kicking me out of my own unit?" inis na tanong ni Ayden.

"Of course. I can't afford to admit my real feelings for her while you are watching. Just go. You're making me more embarrass," he said. Hindi na napigilan ni Ayden ang pagsasara ni Andrew ng pinto sa kanya.

"Damn! I can't believe this! I'm the owner of this unit! And you punched me on the face, you'll pay for this!" sigaw ni Ayden pero mukhang hindi naman siya seryoso sa banta.

"Sure. I'll pay for your face so just go. You're disturbing us," he said. I noticed his wry smile. Wait! Kung aalis si Ayden, maiiwan ako kasama si Andrew? Naguguluhan ako sa pinag-uusapan nila pero ayokong maiwang mag-isa kasama si Andrew!

"Wait Ayden!" sigaw ko. Napansin naman ni Andrew ang reaksiyon ko. Agad niya akong nilapitan at hinapit sa baywang. Hindi na ako nakapagsalita nang siilin niya ako ng halik sa labi.

"That's not what I'm talking about. Let me punch you too! But for now, I'll go," Ayden said. Ilang segundo lang ay tumahimik na sa labas. Siguro umalis na si Ayden. Bakit niya ako iniwang mag-isa kay Andrew? Napahawak ako nang mahigpit sa damit ni Andrew. He's making me weak. Mahina akong umungol nang marahan niyang kagatin ang labi ko. Bahagyang umawang ang labi ko kaya malayang nakapasok ang dila niya sa loob.

His kisses make me dizzy. It makes me want to lose control. I'm already losing my senses when he suddenly stopped and pulled away. He looked at me straight in the eyes. Nahihiyang ngumiti siya.

"I'm sorry about what I said earlier. I lose control. Nagulat ako dahil nakatira ka sa unit ni Ayden. I jumped into conclusion," he said, apologetic. He really looks sorry. Nahihirapan tuloy akong magalit sa kanya. 

I frowned. "Hindi kita maintindihan. Why can't you just let me go?" tanong ko. I want to push him away but I can't. Wala akong lakas para gawin 'yon. 

He frowned too. "I can't. Baka totohanin ni Ayden ang banta niya. Sometimes, he really wants to meddle with someone else's business. Hindi ko rin masabi kung kailan siya seryoso," he said.

"Ibig sabihin takot ka lang na mapunta ako kay Ayden?" nagdududang tanong ko. Bumalik na naman ang pagkainis ko. "Why are you doing this? Gusto mo lang ba akong itali sa 'yo para patuloy na masaktan?" I glared at him. Mahina ko siyang itinulak palayo. 

"Of course not! I don't want to hurt you anymore! Gusto kong makipag-usap sa 'yo pero hindi ko alam kung paano. Natotorpe ako! Shit!" naiinis na sabi niya. Napansin ko ang bahagyang pamumula ng pisngi niya. "Natatakot ako. Kapag sinabi ko bang mahal na kita, makikinig ka? Hindi ka maniniwala, 'di ba?" he asked with frustration.

Saglit akong natigilan pero sunud-sunod na umiling. "Paano ako maniniwala sa 'yo? Niloko mo ko!" naiiyak na sabi ko. Mahirap nang magtiwala lalo na kung alam ko namang gusto lang niyang maghiganti sa 'kin. Paano kung hindi pa pala siya tapos maghiganti? Ako na naman ang iiyak sa huli. Ako na naman ang masasaktan.

"See? I'm right. You won't believe me," mahinang sabi niya.

"Of course! Sa tingin mo ba maniniwala ako nang ganu'n kadali? Sinaktan mo na ako Andrew! I can't take another heartbreak!" galit na sabi ko.

"Fine! Aaminin ko, galit ako sa 'yo nang yayain kitang magpakasal! I just wanted to hurt you back then! I just wanted a child! I never thought that I will fall for you! Actually, I don't want to accept it. How can I fall for someone I used to hate? How can I fall for someone I just wanted to use?" he said with frustration. Natigilan ako sa mga sinasabi niya. I can't even move and speak.

"When I realized that I'm already in love with you, ginusto kong layuan ka. I tried but I can't. Gusto kong mag-overtime sa office para iwasan ka pero sa huli umuuwi pa rin ako para mag-dinner sa bahay. I want to see you and eat the foods you cooked. I always wanted to embrace you. To kiss you. I'm happy when I'm with you. And I know, that happiness will slowly kill me. Hindi ako sigurado kung mahal mo na ako. I love you, Sidney," nagsusumamong sambit niya.

Napaawang ang labi ko sa narinig. Habang nakikinig sa kanya, hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Gusto kong maniwala sa kanya pero natatakot ako. Mahal niya ako? Walang kahit anong salita na lumabas sa bibig ko. Sobrang bilis pa rin ng tibok ng puso ko lalo na sa huling salitang binitiwan niya.

"You being pregnant is just an excuse. A cover up. The truth is I really want to take care of you. I want to take care of my child too. I am too happy. I want to have both of you so please believe me," he said with his pleading voice. He walked closer to me and tried to touch me. Wala sa sariling napaurong ako. Natigilan siya. I wanted to be cautious. Baka mamaya pinapaasa lang niya ako. Kahit kapaniwa-paniwala ang mga sinabi niya, gusto ko pa ring ingatan ang puso ko. I already had enough. I can't afford anymore heartbreaks. 

I sighed. "I want to believe you but words are not enough. Prove it to me. P-Prove that you really love me," desididong sabi ko. Naalala ko ang mga sinabi nina Ericka. Gusto kong ibalik ang tiwala ko kay Andrew. Gusto ko siyang bigyan ng pangalawang pagkakataon. Alam kong nagdududa pa rin ako sa kanya kaya gusto ko munang bigyan ng oras ang sarili ko para matanggap siyang muli. Gusto ko siyang tanggapin nang buong-buo kapag kaya ko na. Walang halong galit at hinanakit.

"Sige. Liligawan kita. I'll do everything to prove my worth to you. Let's start all over again. And I have a request. Please move back in my unit," he pleaded.

"Why? I can live here," nakasimangot na sabi ko. Tiyak na kapag tumira akong muli sa unit niya, hindi ko siya matitiis. I crossed my arms. 

He frowned too. "I'm jealous. I can't imagine you living here. I can't be at ease. Ilang gabi na akong hindi nakakatulog nang maayos dahil sa pag-iisip kung nasaan ka at kung ano'ng ginagawa mo. Gusto kong malaman kung kumain ka na ba o kung natutulog ka ba nang maayos. Mas lalo akong hindi mapapakali kung iisipin ko pa na nagkikita kayo ni Ayden. These things are freaking me out. I'll be freaking out with jealousy," he said with frustration. Namumula ang mukha niya. Hindi ako sigurado kung dahil sa hiya o inis. But he looked cute. Sinupil ko ang ngiti na gustong gumuhit sa labi ko. I wanted to make fun of him right now. And I know. I'm being a bad girl.

"No! I'll stay here and that's what I want. Just respect my decision, Andrew. I'll move back in your unit if I want to," nang-iinis na sabi ko. Naiinis na tumingin siya sa 'kin. Halatang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.

"Please, Sidney," napipilitang sabi niya.

"No. Umuwi ka na. Gusto ko nang matulog. Pagod na ako," I said. Gusto kong malaman kung hanggang saan aabot ang pasensiya niya.

"Wait! I want to ask this. Do you love me too?" he asked. Natigilan ako sa tanong niya. Naging malikot ang mga mata ko. I avoided his gaze.

"Well, it doesn't matter. I'll just make you love me," he said and shrugged his shoulder. Tila natakot din siya sa maaari kong isagot. Akmang bubuksan na niya ang pinto para umalis pero natigilan siya.

"Shit! I can't really let you sleep here. What shall I do? Dito rin ba natutulog si Ayden? I will surely kick his ass out of his unit," naiinis na sabi niya sa 'kin nang harapin niya ako. He is acting like a paranoid. I want to laugh at him.

Ngumuso ako para pigilan ang pagtawa. "No. He's not sleeping here," I honestly said. Naaawa na ako sa kanya. Baka magwala siya kapag biniro ko pa siya.

"You're lying. Saan naman siya matutulog ngayong gabi? I will sleep here," he seriosuly said.

"I'm not lying! Just go home, Andrew," I glared at him. He grinned at me. Umiling siya sa 'kin. Tila desidido na talaga siya sa balak gawin.

"Wala kang matutulugan. Susi lang ng kwarto ko ang nasa 'kin. Wala akong susi ng kwarto ni Ayden. You'll be sleeping in the couch if you insisted," pananakot ko.

"I don't care," he said. Dumiretso siya sa couch at doon humiga. Sinundan ko siya nang hindi makapaniwalang tingin.

"Andrew!" naiinis na sigaw ko. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Agad akong lumapit sa kanya. He closed his eyes tightly like a child.

"Are you serious?" I asked. I want to scold him like his mother. And I'm sure he wouldn't listen. I even shook his shoulder to wake him up. Sunud-sunod ang pagtawag ko sa pangalan niya pero nagpanggap siyang natutulog at walang naririnig. I stomped my feet. He's annoying me. Sa huli, wala rin akong nagawa. Kahit hilahin ko pa siya upang ihulog sa sofa, wala siyang pakialam. He won't move an inch. He's too heavy for me too.

Naiinis na napasigaw na lang ako. I noticed that he smiled slightly. Alam niyang sumuko na ako. Naiinis na pumasok ako sa silid ko. I locked the door. He is so childish. I sighed. I have to admit that I'm being childish too but this is the only way. I want to love him with all of my heart again.

Pumasok na ako sa banyo. Nang makapagpalit ng pantulog, humiga na ako sa kama ko. Naalala ko na hindi pa ako umiinom ng gatas kaya lumabas ako. Napatingin ako kay Andrew na natutulog sa sofa. I wonder if he's already asleep. Inalis ko na ang tingin ko sa kanya at dumiretso na sa kusina. 

Habang umiinom ng gatas, tinatanaw ko si Andrew sa sofa. Tiyak na sasakit ang katawan niya bukas dahil halos hindi na magkasya ang sarili niya sa sofa. Napailing ako. Nang bumalik ako sa silid ko, kinuha ko ang extra na unan at kumot. Muli akong lumabas. Lumapit ako kay Andrew. Natigilan ako nang imulat niya ang mga mata niya. He smiled widely at me.

"I see. You're concern about me," sabi niya. Nanunukso ang tono ng boses niya.

I frowned. "I'm not. Actually, balak ko sanang pigilan ang paghinga mo gamit ang unan na hawak ko," nang-aasar na sabi ko. "I want to choke you to death," dagdag ko. Itinakip ko ang unan sa mukha niya. I pushed it towards his face. He just laughed and grabbed my arms. Walang kahirap-hirap na inalis niya ang unan sa pagitan namin. Sumubsob ako palapit sa mukha niya kaya halos manlaki ang mga mata ko. Mabilis pa sa alas-kuwatro na hinila niya ako papalapit sa kanya. I am now on top of him. I felt something hard between my thighs.

"H-Hey!" gulat na sabi ko. I tried to move away from him but I can't. His hands were wrapped around me.

"Hmmm... My little buddy is reacting. I never thought that you can affect me this much," he grinned. Even though he's teasing me, I notice that his face is slightly flushing red. And I'm sure, I'm blushing like him. I'm also affected by him. We are gazing at each other. I'm quite sure that I wanted to stay like this forever. Tiyak na hindi ako magsasawang titigan ang gwapo at maamo niyang mukha. And he's looking at my lips like it's the sweetest thing in this world.

I suppressed my feelings. I can't take this any longer. "Let me go," matigas na utos ko. He sighed.

"Goodnight," he whispered sweetly. Niluwagan niya ang paghawak sa 'kin. Kahit wala akong lakas, pinilit kong tumayo at lumayo sa kanya. Tinapunan ko siya ng huling sulyap bago tumuloy sa silid ko. I locked the door. Napapagod na humiga ako sa kama ko at ipinikit ang mata. Paulit-ulit kong sinabi sa utak ko na wala akong pakialam sa kanya.

~~~

Pupungas-pungas na bumangon ako sa kama. Wala sa sariling lumabas ako sa silid ko. Hindi ko na rin tiningnan ang oras. Dumiretso ako sa kusina. I want to drink water. I want to eat something. Napansin ko na madilim sa sala at kusina. Napansin ko na natutulog pa si Andrew. Sinulyapan ko ang wall clock. It's just two o'clock in the morning.

Pumunta ako sa fridge at naghalungkat ng makakain na parang pusa. Wala sa fridge ang gusto kong kainin. Naiinis ako. Parang gusto kong sumabog at umiyak. Hindi ko alam kung bakit. Isa lang ang paraan para makain ko ang gusto ko. Wala sa sariling lumapit ako sa kinaroroonan ni Andrew.

"ANDREW!" malakas na sigaw ko sa kanya. Dahil sa gulat, napabalikwas ng bangon si Andrew. Tila hindi alam kung ano ang gagawin at kung ano ang nangyayari.

"Shit! May sunog ba?" agad na tanong niya. He held his head like it was aching. Nagtatakang tumingin siya sa 'kin. I smiled at him. Wala sa sariling niyakap ko siya na tila naglalambing.

"I want to eat something," I whispered.

"Don't tell me, you want to eat me?" he asked. He was flirting back at me. I frowned.

"You don't even taste delicious. You're not worth eating," I said. He just laughed.

"What do you want?" he asked. Excited na tumingin ako sa kanya.

"Leche flan, fries, sundae, putopao, fruit salad," sunud-sunod na sabi ko sa kanya. My eyes were hopeful while looking at him. Napakamot siya sa ulo.

"Gusto mong bumili ako ng mga pagkaing 'yan?" hindi makapaniwalang tanong niya sa 'kin. "Ano'ng oras pa lang, Sid?" naiiling na sabi niya sa 'kin. Naiiyak na tiningnan ko siya. Gusto ko na namang mainis. I really want to eat those food.

"Wala kang kwenta," naiinis na sabi ko sa kanya. Agad akong kumalas sa pagkakayakap ko sa kanya. "Sa susunod, huwag mong ipapakita ang mukha mo sa 'kin!" inis na sigaw ko sa kanya. I wanted to burst in tears. Hindi ko alam kung bakit nagiging emosyonal ako dahil lamang sa pagkain. Napakamot na naman sa ulo si Andrew.

"Oo na. Bibili na ako," napipilitang sabi niya. "Where's your car keys?" he asked. Nagliwanag ang mukha ko sa narinig. Pumasok ako sa silid ko upang kunin ang susi ng kotse ko. Ibinigay ko sa kanya ang susi.

"Bilisan mo!" nagbabantang sabi ko.

Napailing siya. Sinuklay na lang niya ng mga kamay ang buhok niya. "Opo," he said. Halatang inaantok pa siya pero umalis na rin siya agad. Humiga ako sa sofa habang hinihintay siya. Mabuti na lang nandito si Andrew. Kung nagkataon, wala akong mauutusan. Ngiting-ngiti ako habang naghihintay sa pagbabalik niya. 

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro