Intruder 28
SIDNEY
Pagpasok ko sa opisina, agad akong sinundan nina Ericka at Vina. They are worried about me. Kitang-kita sa mga mukha at mata nila. Umupo ako sa swivel chair at binuksan ang laptop ko. Hindi ko sana sila papansinin pero nagsalita si Vina.
"Ano'ng nangyari sa inyo ni Andrew? Nag-away ba kayo? Bakit bigla mo na lang nilayasan? Pinuntahan pa niya ako sa bahay para lang hanapin ka. Hindi mo raw sinasagot ang mga tawag niya tapos ilang araw ka pang hindi pumasok sa trabaho," diretsong sabi niya.
"May problema ba kayo? Mukhang namayat ka. Kumakain ka pa ba?" naiiling namang sabi ni Ericka. I sighed. I looked at them. Kung hindi pa nila ako titigilan sa mga tanong nila, baka umiyak na naman ako. Mas mabuti na siguro na sabihin ko na ang totoo para hindi na sila mangulit. Hindi naman siguro sila insensitive?
"I just discovered that our marriage is fake. Everything is a lie. Wala ng dahilan para magsama pa kami," seryosong sabi ko nang tumingin ako sa kanila. Natigilan silang dalawa at napaawang ang mga labi. Hindi sila makapaniwala sa narinig nila. They are dumbfounded. Halata sa mga mukha nila na gusto nila akong i-comfort pero wala silang masabi. Hindi nila alam ang gagawin.
"You don't have to say anything. Gusto ko munang mapag-isa. I need to finish the designs as soon as possible. Please," seryosong saad ko. Sabay silang napabuntong-hininga. Ramdam ko na tila nahirapan din sila sa sitwasyon ko.
"Kung kailangan mo ng makakausap, nandito lang kami. Alam naming mabigat ang pinagdadaanan mo, Sid. Kahit hindi mo sabihin, alam naming nasasaktan ka. You don't have to pretend that your are strong. You don't have to pretend that you can handle this alone. We are here for you," seryosong sabi ni Ericka. Pilit na ngumiti ako sa kanila. Tahimik na lumabas sila sa opisina ko.
Bumuntong-hininga ako. Nangingilid na naman ang luha ko. Darating ang oras na hindi ko na talaga kakayanin. I will surely run to them and talk. Tiyak na kakailanganin ko rin ng karamay. Itinuon ko na ang pansin ko sa trabaho. This is my only way to temporarily escape reality. Kapag gumagawa ako ng designs, medyo nakakalimutan ko ang problema ko. Ayaw ko ring maapektuhan ang trabaho ko.
Hindi ko na namalayan na lunch break na pala.
"Hey! We bought foods for you," sabi ni Vina. May ipinakita siya sa 'king mangga at umorder din sila ng pagkain sa restaurant. Kumunot ang noo ko.
"Ang dami naman ng pagkain na binili ninyo?" takang tanong ko sa kanila.
Nagkatinginan silang dalawa at pilit na ngumiti. Napakamot pa sila sa ulo. Napansin ko na may fresh milk pa sa binili nila.
"Huwag ka na lang magtanong. Kumain ka na lang," sabi ni Vina. Ihinanda niya sa mesa ang mga pagkain. Napansin ko na may bagoong din. Natakam ako kaya hindi na ako nagreklamo. Kumain na lang ako dahil nagugutom na rin ako.
"Nag-usap na ba kayo ni Andrew?" nag-aalinlangang tanong ni Ericka sa 'kin. Tumango ako.
"Ano'ng sabi niya? Nagpaliwanag ba siya?" tanong naman ni Ericka. Malapit na kaming matapos kumain. Binabalatan at hinihiwa na rin ni Vina ang mangga. Samantalang ako, kuha lang nang kuha ng mangga at kain nang kain.
"He said he's sorry. Hindi raw kami sigurado sa isa't isa kaya pineke niya ang kasal. He also said he'll marry me but I refused. Hindi naman niya ako mahal," malungkot na sagot ko. Nagkatinginan sina Vina.
"Kung inalok ka niya ng kasal, baka ibig sabihin noon, sigurado na siya sa 'yo. Why not give him another chance? Nag-effort pa nga siyang magpadala ng pagkain dito para sa 'yo. Mukhang nag-aalala siya," biglang sabi ni Vina. Namilog ang mata niya nang mapagtanto na may nasabi siyang hindi dapat sabihin. Nanlaki rin ang mga mata ko dahil sa narinig.
"What? Hindi kayo ang bumili ng pagkain? Bakit ninyo tinanggap? Baka may lason 'yan!" inis na sabi ko sa kanila.
"OA ka naman. Walang lason 'yan. Ang sweet nga eh. Inaalala ka niya," sabi naman ni Ericka.
Sumimangot ako. "Hindi siya nag-aalala sa 'kin. He is concerned with his child. Inalok niya ako ng kasal dahil buntis ako. Hindi niya ako mahal. Pakiramdam ko napipilitan lang siya. Ayokong itali siya sa 'kin," malungkot na sabi ko. Hindi rin ako tumitigil sa pagkain ng mangga. Sayang naman kung itatapon, 'di ba? Mag-iinarte pa ba ako? Kinain ko na nga ang ibang pagkain eh. Saka hindi naman ako nakikita ni Andrew. Umirap ako sa hangin nang maalala ko siya.
Umiling sina Vina. "Paano mo naman nasabing hindi ka niya mahal? Tinanong mo na ba siya?" tanong ni Vina.
"Hindi! Bakit ko naman siya tatanungin? Natatakot ako sa isasagot niya. Kung sabihin man niyang mahal niya ako, paano ko malalaman kung totoo 'yon? Paano kung niloloko lang niya ako?" sagot ko. Hindi ko rin alam kung kaya ko pang maniwala kay Andrew dahil sa mga ginawa niya. Sinasabi ng utak ko na hindi ko na dapat siya paniwalaan. Hindi ko na pinapakinggan ang puso ko dahil alam kong taliwas ang ipinaglalaban nito sa iniisip ko.
Bumuntong-hininga si Ericka. "Subukan mo siya. Magpaligaw at magpahabol ka sa kanya para malaman mo kung totoo na nga ang nararamdaman niya. Pahirapan mo hanggang sa makuntento ka. Gawin mo ito kung ito lang ang tanging paraan para bumalik ang tiwala mo sa kanya. Siguro naman hindi ka niya mamadaliin. Kung mahal ka niya talaga, magtitiyaga siya. Maghihintay siya hanggang sa matanggap mo siyang muli," she said. Natahimik ako.
"Try to give him a chance, Sid," pagsang-ayon naman ni Vina. "Actually, he even sent you roses, nasa table ko. Hindi ko kasi alam kung ibibigay ko sa 'yo. If he really loves you, he will do anything to win you back. Gagawin niya ang lahat para sa 'yo," she added.
"Ibig sabihin, gusto ninyong magpakipot muna ako?" tanong ko sa kanila. Sa totoo lang, sumasakit ang ulo ko sa mga sinasabi nila.
"Yes. Aamin din siya sa 'yo kapag hindi na siya nakatiis. Make him jealous. Ignore him. Kung mahal ka talaga niya, hindi siya susuko sa 'yo," sabi naman ni Ericka.
"Kung makapagpayo kayo parang napagdaanan na ninyo ito," naiiling na pagbibiro ko sa kanila. They grinned.
"Humuhugot lang. Sa ngayon, alagaan mo ang sarili mo. Kapag nawala ang ganda mo, baka magbago na ang isip ni Andrew sa 'yo. Paluhudin mo siya sa kagandahan mo, girl!" pagbibiro ni Ericka.
Malakas akong tumawa sa mga sinabi niya. Kahit kailan talaga, baliw ang mga babaeng ito. Pero mabuti na lang, palagi nila akong sinusuportahan. Ikinuwento ko na rin sa kanila na sa unit ni Ayden ako nakatira ngayon. Nagulat silang dalawa pero ngumisi rin pagkatapos. Alam nilang magpinsan sina Ayden at Andrew. Nagkita na sila sa kasal-kasalan namin noon.
"You can use Ayden to make Andrew jealous," natatawang sabi ni Vina. Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kanya. Maging si Ericka ay pabor din sa sinabi ni Vina.
"What? Nagmamalasakit sa 'kin ang tao tapos gagamitin ko? Nababaliw na ba kayo?" naiiling na tanong ko kanila.
Nagkibit-balikat naman sina Vina at Ericka. "Kahit hindi mo siya gamitin, madadamay pa rin siya. Ano sa tingin mo ang iisipin ni Andrew kapag nalaman niya kung saan ka nakatira? Tiyak na iba ang iisipin niya sa inyo ni Ayden. Tiyak na magagalit siya," naiiling na sabi ni Vina. Kinabahan ako pero pilit ko itong inalis sa dibdib ko.
"Bakit naman siya magagalit? Hindi niya ako girlfriend o asawa. Wala siyang karapatan sa 'kin. Wala siyang pakialam sa mga gagawin ko," naiiling na sabi ko. Naiinis na naman ako. Bumuntong-hininga sina Vina.
"Ililigpit ko na ang pinagkainan natin. Dadalhin ko mamaya ang roses," sabi ni Vina.
"Magtatrabaho na rin ako. Tapos na ang lunch break eh. Goodluck girl! Alam kong kaya mo ito. Huwag masyadong ma-stress," sabi ni Ericka. Nauna na siyang lumabas sa opisina ko. I sighed. Lumabas na rin si Vina. Pagbalik niya, may inilapag siyang isang maliit na basket ng red roses sa table ko. It is so cute. Kung hindi ko siguro alam ang totoo, baka kinilig ako.
"Maaayos din ang lahat," she said. Hindi na ako nakapagsalita dahil tinalikuran na niya ako. May napansin akong maliit na card sa roses. I opened and read Andrew's message.
"I want to see you but I doubt if you will allow me. Please..."
I sighed. Iniiwas ko ang paningin sa mga rosas. Ibinalik ko ang atensiyon sa ginagawa ko. Hindi ko na naman namalayan ang oras dahil pilit kong isinusubsob ang sarili ko sa trabaho.
"Sidney," tawag sa 'kin ni Vina kaya nilingon ko siya.
"Oras na para umuwi," nakangiwing sabi niya sa 'kin. I checked the time. It was already seven. Nalipasan na rin ako ng pagkain. Napailing naman si Vina.
"Easy ka lang. Pinag-aalala mo ako. Sorry, I have to go first," sabi niya. I sighed and smiled. "Sorry. Sure. Uuwi na rin ako. Is-save ko lang ang mga files ko," I said. She nodded. Umalis na siya. Inayos ko na ang mga gamit ko at umalis na rin. Naglalakad ako sa parking lot pero natigilan ako sa paglalakad nang makita ko si Andrew. Nakatayo siya sa gilid ng kotse niya. Seryosong nakatingin siya sa 'kin. Naramdaman ko na naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko inaasahang makikita siya rito. Kinalma ko ang sarili. I composed myself. Hindi na niya ako hinayaang humakbang pa, lumapit na siya sa 'kin.
"Sid," he called for me. Blanko ang ekspresyon ng mga mata ko habang nakatingin sa kanya.
"What?" malamig na tanong ko.
Bumuntong-hininga siya na tila nahihirapan. "Can we talk? Ayusin natin ang problema. Bumalik ka na sa kin," he pleaded.
"Bakit kailangan ko pang bumalik sa 'yo? Kung anak lang naman ang gusto mo, hindi ko ipagkakait ang karapatan mo sa bata. So please, leave me alone. Walang dahilan para magsama pa tayo," seryosong saad ko. Natigilan siya. Tumiim ang bagang niya.
"Damn! Hindi ko na alam ang gagawin ko sa 'yo," he said with frustration. Tila hirap na hirap na rin siya.
"I'm sorry. Wala akong oras para makipag-usap sa 'yo ngayon. Gusto ko nang umuwi. Pagod ako," malamig na wika ko.
"Ihahatid na kita," he offered. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa niya akong kulitin.
"I have a car," nakasimangot na sabi ko.
"Then, I'll drive your car," seryosong sabi niya. Napansin niya agad ang susi sa kamay ko kaya walang paalam na kinuha niya ito. Nagulat ako nang mauna na siyang sumakay sa kotse ko. Naiinis na sumakay na rin ako dahil wala akong magagawa.
"Saan ka nakatira?" he suddenly asked when he started the car's engine.
Napalunok ako. Sasabihin ko ba? Bigla akong nakaramdam ng kaba. Ano ba ang ikinakatakot ko? I don't care if he gets the wrong idea. Wala akong ginagawang masama. Sinabi ko ang pangalan ng condominium building ni Ayden. Napansin ko ang bahagyang pagkunot ng noo ni Andrew pero hindi niya ako tinanong. Tahimik lang na nag-drive siya.
Tumunog ang cellphone ko. May natanggap akong message mula kay Ayden. Tinatanong niya kung kumain na ako. Sinabi niya na bumili siya ng groceries para sa 'kin kaya pupunta siya sa unit mamaya. I sighed. Sinabi ko ang totoo kay Ayden na hindi pa ako kumakain. I'm really hungry right now. Ayoko namang sabihin kay Andrew na gutom na ako. Nag-reply siya. He said he will cook for me. I smiled and replied to his message. At least, hindi na ako mahihirapang magluto.
"Sino ang ka-text mo?" seryosong tanong ni Andrew.
"Pakialam mo?" mataray na tanong ko sa kanya. Napansin ko ang pagsulyap niya sa 'kin sa unahang salamin. Hindi siya nagsalita pero halatang naiinis siya. Umirap lang ako sa kanya. Nang makarating kami sa condominium, agad kong kinuha ang susi ko sa kanya. Bumaba na ako at sumunod siya. I locked the doors of my car.
"You can go now," mataray na sabi ko. Magsasalita pa sana si Andrew pero nagulat kaming dalawa nang tawagin ni Ayden ang pangalan ko. Lumapit siya sa 'kin. He even patted my head. Masamang tingin naman ang ipinukol ni Andrew kay Ayden.
"What's the meaning of this?" seryosong tanong niya.
Kumunot ang noo ni Ayden. "Why? May problema ba? Sidney. Hindi mo pa ba sinabi sa kanya na nakatira ka sa unit ko ngayon?" takang tanong ni Ayden. Nakagat ko ang labi ko dahil sa sinabi ni Ayden. Why can't he read the atmosphere? Napansin kong nag-igting ang bagang ni Andrew dahil sa narinig. Halatang hindi niya nagustuhan ang mga sinabi ni Ayden.
"Is it true?" seryosong tanong sa 'kin ni Andrew. Hindi naman ako makapagsisinungaling kaya nag-aalinlangang tumango ako. Gusto kong batukan si Ayden dahil sa sinabi niya pero wala na akong magagawa. Totoo naman kasi. Lalong nagdilim ang paningin ni Andrew dahil sa sagot ko.
"I see. Ayaw mong makipagbalikan sa 'kin dahil sa kanya. Huwag mong sabihin na anak din niya ang dinadala mo at hindi sa 'kin?" galit na tanong niya sa 'kin. Nainis na rin ako dahil sa sinabi niya. Gago ba siya? Gabi-gabi ako sa tabi niya tapos nagawa pa niya akong pag-isipan nang masama. Kung mainit ang ulo niya, mainit din ang ulo ko. Mas emosyonal ako ngayon lalo na't buntis pa ako. I can't control my temper.
Magsasalita sana si Ayden pero pinigilan ko siya. "Andrew, kung gusto ko man si Ayden, wala kang pakialam! Kung gusto mong isipin na hindi sa 'yo ang bata na dinadala ko, wala akong pakialam! You can't hurt me anymore. I already had enough," inis na sabi ko sa kanya. Hinila ko na si Ayden na natigilan din sa mga sinabi ko. Nagmamadaling lumayo ako kay Andrew dahil pakiramdam ko may mangyayaring hindi maganda.
"Bilisan mo nga! Baka masuntok ka pa ni Andrew," naiinis na sabi ko kay Ayden nang sumakay kami sa elevator. Pakiramdam ko kasi kanina, handa na siyang makipag-away. Natakot ako. Tumawa lang si Ayden nang nagsimulang umakyat ang elevator.
"Malamang. Ginalit mo kasi," naiiling na sabi ni Ayden.
"Bakit ako? Ikaw kaya ang may kasalanan," naiinis na sabi ko.
"Akala ko kasi sinabi mo na nandito ka. Bakit kasi kasama mo siya?" natatawang sabi ni Ayden. Tinitigan ko siya nang masama.
"Ano ba ang binabalak mo, Ayden? Bakit mo ako dinala rito kung alam mo namang magagalit si Andrew?" nakasimangot na tanong ko kay Ayden. He smiled mischievously.
"May gusto lang akong malaman. Pagdating sa pag-ibig, hindi siya lumalaban. Naalala mo ba nang guluhin mo ang kasal niya? He loved the girl so much but he didn't fight for her. Hindi rin kasi nakikinig sa kanya si Claire. Masyadong mataas ang pride nilang dalawa. Wala tuloy nangyari. All he did was to resent you," naiiling na sabi ni Ayden.
"Ano naman ang kinalaman ng sinabi mo sa gusto mong malaman?" takang tanong ko.
"Gusto kong malaman kung natuto na ba si Andrew. Gusto kong malaman kung hanggang saan na ang kaya niyang gawin ngayon. Kung lalaban na ba siya," he grinned.
"What? Bakit naman siya lalaban kung wala namang dapat ipaglaban? Hindi niya ako mahal. Wala kang mapapala sa ginagawa mo," naiiling na sabi ko. Ngumisi lang si Ayden.
"I wonder," he mysteriously said. Nagkibit-balikat siya samantalang ako naman ay nagtataka sa inaasal niya. Tumuloy na kami sa loob ng unit niya. He prepared food for me.
Katatapos lang namin kumain nang marinig namin ang pagtunog ng doorbell. Sunud-sunod at nakabibingi.
"Hindi rin siya nakatiis. Dito ka lang," naiiling na sabi ni Ayden. Naglakad si Ayden patungo sa pinto at binuksan ito. Nagulat ako sa sumunod na nangyari. Malakas na sinuntok ni Andrew si Ayden sa mukha kaya halos matumba si Ayden. Napasigaw naman ako nang malakas dahil sa gulat. Agad akong tumakbo kay Ayden at dinaluhan siya. Sapo ni Ayden ang nasaktang panga. May kaunting dugo sa nahiwa niyang labi.
"Ano ba ang problema mo, Andrew!" galit na sigaw ko. He stared down at me. He looked hurt. I could see it through his deep eyes.
"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Why are you staying with him? Mas gusto mo ba talaga siya kaysa sa 'kin? Mas magaling ba siya, Sidney? Come on! I can be better than him!" galit na sigaw niya. Napaawang ang labi ko sa sinabi niya.
Malakas na tumawa si Ayden. "Can you love her better?" nanunuyang tanong ni Ayden. Dinadagdagan pa niya ang pagkainis ni Andrew. Natigilan si Andrew sa tanong niya. Kahit ako. Kinabahan ako sa isasagot ni Andrew. Tumayo na si Ayden kaya tumayo na rin ako.
"Kung hindi, umuwi ka na Andrew," seryosong sabi ni Ayden. Ikinuyom ni Andrew ang kamao. His jaws tightened. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Tiyak na masasaktan ako kung aalis siya at walang gagawin.
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro