Intruder 27
SIDNEY
Hindi ako pumasok ngayon sa trabaho. Sinabi ko na lang kay Vina na may mahalaga akong aasikasuhin ngayon. I went to the municipal office to check for the records of our marriage. And it's true. There's no issued marriage license or contract under my name and Andrew's from the local civil registrar.
Andrew didn't submit the requirements. Bakit hindi nga ba ako naghinala noon? I should have known that both parties must be present in filing the requirements for a marriage certificate. Ibig sabihin peke ang ipinakita niyang marriage certificate noon sa 'kin.
Nangilid ang luha ko habang nakikipag-usap sa staff. Pinasalamatan ko na lang siya at umalis na. Nanlulumong sumakay ako sa kotse ko. Hindi ko na pinigilan ang luha ko na kanina pang gustong tumulo. Hindi ko na napigilan ang paghikbi. Everything is a lie. The wedding was just for show. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. Ang sakit-sakit. Naninikip ang dibdib ko at tuloy-tuloy lang ako sa pag-iyak. Pakiramdam ko, gusto kong sumigaw pero may bikig sa lalamunan ko at walang lumalabas na tinig mula roon. I clutched my chest tightly. Sobrang sakit.
Gusto kong layasan si Andrew. Gusto kong magtago. Gusto kong lumayo. Gusto ko rin siyang saktan. Gusto kong ilayo sa kanya ang magiging anak namin. Gusto ko rin siyang gantihan. Galit ako at naiinis.
I started the car's engine. Nagd-drive ako at nanlalabo ang mga mata ko dahil sa walang tigil kong pagluha. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nagpasya na lang ako na mag-check in sa isang hotel. Kung uuwi ako sa bahay namin, tiyak na magtataka si Mama. Hindi ko maitatago sa kanya ang katotohanan. Pero sa totoo lang gusto ko siyang makita at gusto ko siyang yakapin. Tiyak na kahit papaano ay maiibsan ang sakit dahil alam kong may karamay ako.
Napapagod na humiga ako sa kama at doon umiyak nang umiyak habang yakap-yakap ko ang unan. Hindi ko namamalayan ang oras. Wala akong pakialam kung tumatakbo ba ito o tumigil na para sa 'kin. I was wasted. I was good as dead. Nakatulog na rin ako dahil sa pagod na nararamdaman ko.
Iminulat ko ang mga mata ko nang marinig ang malakas na tunog na nanggagaling sa cellphone ko. Napansin ko na alas-diyes na ng gabi at kumakalam na rin ang sikmura ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag.
It's Andrew.
Namatay ang tawag nang hindi ko ito sinasagot. Sobrang dami na niyang missed calls at pa-lowbat na rin ang cellphone ko. Muling tumunog ang cellphone ko pero hindi ko ito pinansin. Ibinaba ko lang ito sa kama at tumayo na ako.
I need to eat something. Kahit papaano ay wala akong balak na idamay ang anak ko sa problema ko. Bumaba ako at kumain sa pinakamalapit na restaurant. Nang ihain na sa 'kin ang pagkain ay tila bigla akong nawalan na ako ng gana. Siguro epekto ito ng pagbubuntis. Kahit walang gana ay pinilit kong kumain. Bumili na rin ako ng gatas at ibang gamit sa pinakamalapit na convenience store.
Gusto kong pagtawanan ang sarili ko dahil duwag ako at tumatakbo sa problema. Bumuntong-hininga ako nang sumakay ako sa elevator bitbit ang mga binili ko. Nang makapasok ako sa loob ng silid ko, napansin ko na tumutunog pa rin ang cellphone ko. Umupo ako sa kama at kinuha ang cellphone ko. Hindi na si Andrew ang tumatawag. Si Vina na. Kumunot ang noo ko. What does she need in this hour? Wala akong nagawa kundi ang sagutin ito dahil baka importante.
"Hello?" mahina at walang gana na sagot ko. Binuksan ko ang gatas na binili ko at uminom.
"Sidney? Where are you?" kinakabahang tanong niya sa 'kin.
"Why? May problema ba sa kumpanya?" takang tanong ko.
"Kasi..." sabi niya na tila nag-iisip pa ng sasabihin. "Ahh... Nasa unit ka ba ni Andrew? Pupunta ako diyan. May dadalhin akong mahalagang documents," tila hindi siguradong wika niya.
"No. Wala ako sa unit. You can leave the documents in my desk. I'll check it tomorrow. If it's really urgent, scan the pages and send it to me," sabi ko na lang.
"Ha? Bakit wala ka sa unit? Gabi na? Hindi ka pa umuuwi? Nasaan ka?" sunud-sunod na tanong niya sa 'kin.
"Calm down Vina. Okay lang ako. I'm here at the Royal Hotel. Dito ako matutulog. Basta gawin mo na lang ang mga sinabi ko. Goodnight," sabi ko. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at pinatay na ang tawag. Ihinagis ko na lang ang cellphone ko sa kama at pumasok na sa banyo.
I am wearing a robe when I went out of the bathroom. Medyo gumaan na rin ang pakiramdam ko at medyo na-refresh ako. Pero hindi ko pa rin mapigilan na maiyak kapag naaalala ko ang mga ginawa ni Andrew. He is so unfair. Nagbihis na ako ng pantulog.
Ilang minuto akong nakahiga sa kama nang marinig ko ang malalakas na katok sa pinto ng silid ko. Kumunot ang noo ko. Ano naman kaya ang kailangan ng taong kumakatok? Wala akong inaasahang tao na pupunta sa silid ko. I wonder if it's one of the staffs.
Tinatamad na tumayo ako. Pinagbuksan ko ang tao na tila sisirain na ang pinto ng silid ko kung paghihintayin ko pa siya nang matagal. Napanganga ako nang makilala ang lalaki na nakatayo sa labas ng silid ko. Hindi ko inaasahan na susulpot dito si Andrew.
Madilim ang mukha niya at halatang galit. Matiim siyang nakatitig sa 'kin kaya agad na bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Hindi pa ako handa upang harapin siya. Hindi ko pa naihahanda ang sarili ko. Mabigat pa rin ang loob ko. Natatakot ako. Baka kung anu-ano pang masasakit na salita ang lumabas sa bibig ko dahil sa galit ko sa kanya. Bakit? Bakit hindi na lang niya ako hayaang mapag-isa?
"Why won't you answer my calls?" he asked with frustration. Halata rin sa tinig niya ang pag-aalala at inis. "Mamamatay ako sa pag-iisip kung ano na ang nangyari sa 'yo. Nag-aalala ako kung bakit hindi ka pa umuuwi. Akala ko may nangyari nang masama sa 'yo dahil wala ka rin sa bahay nina Mama. Pinuntahan na rin kita sa office ninyo pero wala ka," pasigaw na sabi niya. He looks agitated. Hindi ko na rin siya napigilan nang pumasok siya sa loob ng silid ko. Siya na rin ang nagsara ng pinto.
"Why are you doing this to me? Bakit mo ba ako pinag-aalala nang ganito? Ano ba ang dahilan mo? Huwag mong sabihin na dahil buntis ka, kung anu-ano na ang trip na gusto mo," naiirita na sabi niya. Nangingilid na ang mga luha ko habang nakatingin sa kanya. Unti-unti na ring nabubuhay ang galit sa puso ko. Tiyak na anumang oras ay sasabog na ako na parang bulkan.
"Why are you here? Pumunta ka ba rito para pagsabihan lang ako? Alam mo na kung nasaan ako. Walang nangyaring masama sa 'kin kaya pwede ka ng umalis. Please, I don't want to see your face in the meantime!" mariing wika ko sa kanya. Alam kong bahagya siyang nagulat sa masamang tingin na ipinukol ko sa kanya.
"Ano ba kasi ang problema mo? Pag-usapan nga natin! Ayusin natin! Kung may hindi ka gusto, sabihin mo! I can adjust for you!" naiinis na sigaw niya. Tila sasabog na rin siya. Mapait akong ngumiti.
"Pag-usapan? Ayusin? Nagpapatawa ka ba? Wala na tayong dapat ayusin! You choose to lie to me! You intended to break me! You want this! Gugustuhin mo pa bang ayusin ang problema na sinadya mo namang gawin?" galit na sigaw ko sa kanya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sumabog na ako. Nanginginig na rin ang katawan ko dahil sa galit. Natigilan siya. Napansin ko ang pagtataka sa mukha niya. Tila hindi niya maintindihan ang mga sinasabi ko.
"What do you mean?" takang tanong niya.
"Our marriage, it is fake, right? Damn Andrew! Ang tanga ko! Napaniwala mo ako! Nagpaloko ako sa 'yo!" sigaw ko. Gusto ko siyang hampasin at saktan. I want to be violent right now. Tumutulo na rin ang masaganang luha sa mga mata ko.
Napaawang ang mga labi niya. Tila naintindihan na ako. He pressed his lips tightly. Nag-igting ang mga panga niya. He didn't say anything. He confirms everything with his silence. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. I walked towards him. Malakas na pinagbabayo ko ang dibdib niya. Pero hindi siya natinag. Hindi siya gumalaw. He looked guilty.
"Why? Galit na galit ka ba talaga sa 'kin para gawin ito? Galit na galit ka para saktan ako? Masaya ka na ba na nakikitang nasasaktan ako? Siguro palagi mo akong pinagtatawanan sa isip mo! Masaya ka na ba? O kulang pa? Sabihin mo nga sa 'kin! Hindi ka pa ba nakukuntento sa mga ginawa mo?" sigaw ko. I was carried away. My eyes were blurry too.
"I'm sorry," mahinang sambit niya. Pinigilan niya ang mga kamay ko na nanghihinang humahampas sa dibdib niya.
"Sorry? 'Yan lang ang masasabi mo? Maibabalik ba ng sorry na 'yan ang lahat? If you're really sorry, leave me alone. Huwag ka ng magpakita sa 'kin. Pakawalan mo na ako. Tama na. Maghiwalay na tayo. Sa tingin ko naman, labis-labis na ang sakit na nakuha ko mula sa 'yo. Nakapaghiganti ka na. Tama na," humihikbing sabi ko. Wala na akong pakialam sa itsura ko ngayon. Wala akong pakialam kung mukha akong tanga na umiiyak sa kanya.
"I can't let you go in your condition. You're pregnant. I thought it is better to have a fake marriage. Hindi tayo sigurado sa isa't isa, Sidney. Binigla lang kita. I just need a child. And I admit, I also want revenge," he admitted. Tila nahihirapan ang tinig niya.
"If you need a child, sana kumuha ka na lang sa orphanage! Nag-ampon ka na lang sana! Ngayon masaya ka na ba dahil nakaganti ka na? Napawi ba ng paghihiganti mo ang mga kasalanan ko sa 'yo? Nakapaghiganti ka na! Napatawad mo na ba ako? Hindi naman, 'di ba? Walang nagbago Andrew! Hindi maibabalik ng paghihiganti mo ang lahat! Nasira ko pa rin ang kasal mo! Hindi pa rin kayo nagkatuluyan ng babaeng mahal mo! Shit! You just made everything worst!" sigaw ko sa kanya. Pinilit kong kumawala sa kamay niya na pumigil sa mga kamay ko.
"Calm down, Sidney! Let's talk about this! Listen to me first!" naiinis na sabi niya.
"Calm down? Bakit? Ikaw lang ba ang may karapatang magalit? Hindi mo ako totoong asawa, Andrew. Wala kang karapatan sa 'kin. At kung ayaw ko mang makinig sa 'yo, wala kang magagawa! Just leave me alone! Please! Pagod na ako! Ipapakulong na kita kapag nagpumilit ka pa!" sigaw ko sa kanya.
Seryoso siyang nakatingin sa mga mata ko. Tila nasaktan siya sa sinabi ko.
"I'll marry you for real so let's stop this fight," seryosong sabi niya.
Nangungutyang tumawa ako nang malakas. "Pakakasalan mo ko? Ayoko nang magsisi sa huli, Andrew. Hindi mo ko mahal! Hindi ko gugustuhing makisama sa isang tao na wala namang nararamdaman para sa 'kin! Sasaktan ko lang ang sarili ko. Tama na sa 'kin ang mga ginawa mo. Tama na ang sakit na nararamdaman ko ngayon dahil sa panloloko mo," inis na sabi ko sa kanya.
Tumiim ang mga bagang niya. Itinikom niya nang mariin ang bibig. Tama nga ako na hindi niya ako mahal dahil hindi siya nagsalita.
"Pagod ka na nga, Sidney. Aalis ako ngayon pero babalikan kita. Kapag kumalma ka na, pag-usapan natin ito nang maayos. Tiyak na hindi ka makikinig sa mga sasabihin ko sa 'yo ngayon," seryosong sabi niya. He lets go of my hand.
"Magpahinga ka na," he gently said. Lumabas siya sa silid. Siya na rin ang nagsara at naglock ng pinto. Nanghihinang napaupo ako sa sahig at napaiyak. Naiinis ako. I was the one who pushed him away pero ako pa rin ang nasasaktan sa huli. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Days passed. Ilang araw ko na ring pinagtataguan si Andrew. Tatlong araw na akong hindi pumapasok sa opisina. I was just sending my designs to my co-workers. But I know I can't go on like this. Darating ang oras na kailangan ko nang bumalik. I need to talk to the clients too. May kontrata pa akong pinirmahan sa kumpanya ni Andrew. Hindi ko siya matatakasan. Hindi ko alam kung hinahanap niya ako. Hindi ko sinasabi ang lokasyon ko kahit kanino.
I am unwinding inside a mall. Naglalakad-lakad lang ako habang kumakain ng ice cream. Masyado na akong nai-stress sa buhay ko. Baka pumangit na ang maging baby ko. I need to relax. Lately, masyado na akong nagiging emosyonal. Madalas din akong umiiyak. Hindi mawala sa isip ko si Andrew at nakakainis.
Halos mapatalon ako sa gulat nang may marinig akong nagsalita sa likod ko.
"You lose weight," komento ni Ayden. Nilingon ko siya. Sa dinami-rami ng taong makikita sa lugar na ito bakit si Ayden pa? He kindly smiled at me.
"Why are you here?" takang tanong ko. Nakangising napailing sya sa 'kin.
"I am here to buy something pero nakita kita kaya pinuntahan kita. Don't worry. Alam ko na ang nangyari sa inyo ni Andrew. Sinabi ko naman sa 'yo na kapag nagka-problema ka, puntahan mo lang ako," naiiling na sabi niya sa 'kin.
Tiningnan ko siya nang masama. "Bakit hindi mo sinabi sa 'kin ang totoo? Alam mo, 'di ba?" naiinis na tanong ko. He nodded.
"I'm sorry. Ayokong makialam sa inyong dalawa. Huwag mo akong sisihin dahil kasalanan mo rin naman," sabi niya.
"Oo na. Kasalanan ko na dahil tanga ako. Nagpaloko ako," inis na sabi ko. Akmang aalis na ako pero pinigilan niya ako sa braso.
"Where are you staying? Do you like to come to my place? You can stay there," he offered. Kumunot ang noo ko.
"Why should I? What do you want?" inis na tanong ko.
"Don't worry, hindi ko sasabihin kay Andrew. I have a condo unit pero hindi ako nakatira roon ngayon. You're also pregnant. You should take care of yourself. Kawawa naman ang magiging pamangkin ko," he said.
"Paano mo nalaman?" takang tanong ko.
"Nakalimutan mo na ba? Best man ako sa kasal niya noon. At ako rin ang isa sa witness sa kasal-kasalan ninyo. You should know better. Sinabi niya sa 'kin na buntis ka. He's actually happy. Ang problema nga lang, nalaman mo na ang lahat. And he's not being true to himself now. I think, I need to do something," naiiling na sabi niya. Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya.
"Trust me. I will not take advantage of you," he said. He smiled gently. Marami pa siyang sinabi para kumbinsihin ako. Sa huli, hindi ko alam kung bakit nagpadala ako sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang balak niya pero bahala na. Napilitan na rin akong sumama sa pamimili niya. Namili na rin ako ng mga gamit para sa sarili ko. Ihinatid niya ako sa condo unit niya. He gave me the spare keys before he left. Sinabi niya na ako na muna ang bahala sa unit niya. Sinabi niya na bibisitahin lang daw niya ako kapag may oras siya. I sighed. Hindi ko alam kung tama ba ang mga nangyayaring ito. Bukas papasok na ako sa opisina. Sana hindi ko na talaga makita si Andrew pero alam ko namang imposible.
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro