Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Intruder 24

SIDNEY

Kinakabahan ako habang nagluluto ng hapunan namin ni Andrew. Nagpagupit ako ng buhok. Medyo mahaba pa rin ito pero may layers at bangs na. Bagay naman ito sa 'kin. Pati ang kilay ko pinakialaman din nina Ericka kahit ayoko. 

We did some shoppings too because they insisted. Medyo revealing pa ang damit na binili nila para sa 'kin. Those clothes and dresses have their own purpose for our plans. Wala na akong nagawa kundi ang sumang-ayon sa kanila. Gusto ko ring malaman kung mahal ba ako ni Andrew. May checklist silang ginawa para sa 'kin upang malaman ko kung mahal na ba ako ni Andrew. At sisimulan ko na ang plano ngayon.

Nakahanda na ang pagkain sa mesa nang dumating si Andrew. My hands are sweaty because I'm too nervous to face him. Dumiretso siya sa kwarto at hindi ako napansin. Sa tingin ko pagod na pagod siya sa trabaho niya. Siguro maraming problema sa opisina kaya seryosong-seryoso siya ngayon.

Sumunod ako sa silid dahil nag-aalala ako para sa kanya. I opened the door. Natigilan ako. He was sexily taking off his sando. I looked away when he noticed me. Baka akalain niya binobosohan ko siya. Pero asawa ko naman siya kaya ayos lang siguro? I blushed with the thought.

Kumuha siya ng maliit na towel. Sinimulan na niyang punasan ang pawis sa katawan niya. Nilingon ko na siya dahil ang awkward kung iiwas ako ng tingin. Nakakunot ang noo niya habang hindi inaalis ang tingin sa 'kin. He looks at me like there's something wrong with my face. Bigla akong na-conscious sa matiim na pagtitig niya sa 'kin. Siguro dahil napansin niya na may nagbago sa hair style ko.

"M-May problema ba?" nag-aalinlangang tanong ko. Pinagsalikop ko ang mga palad ko at hindi ako mapakali. I play with my fingers. Hindi ako sanay sa mga ginagawa kong ito. I hope that he would say the magic words. I hope plan A already works. Nakakunot pa rin ang noo niya. Kinakabahan na ako dahil baka hindi niya nagustuhan ang itsura ko ngayon.

"Ano'ng nangyari sa 'yo?" takang tanong niya sa 'kin. With his words, I finally stopped holding my breath. Tiningnan ko siya nang masama. I am waiting for him to compliment me. Sabi nina Ericka, kung mahal ka ng isang tao mapapansin agad niya ang mga nagbago sa 'yo at gagawin niya ang lahat para purihin ka. At kahit pangit ka pa, pupurihin ka pa rin niya. Kahit hindi niya nagustuhan ang itsura mo, kahit may kapintasan ka pa, he will do everything to compliment and comfort you kahit alam mong pampalubag loob lang 'yon. Pero iba ang nangyari ngayon. He is asking like he has no idea on what happened to me at all.

"Wala! Paglabas ko kanina sa office bigla na lang boom! Nagka-layers at bangs na ako! Magic!" naiinis sabi ko sa kanya na may kasabay pang pag-irap. Napansin ko na umangat ang sulok ng labi niya. Tila gusto niya akong pagtawanan dahil sa sinabi ko. He was totally amused with what I've said and he was so handsome at the same time.

"Magbihis ka na. Nakahanda na ang pagkain sa mesa," sabi ko sabay labas sa loob ng silid. Naiinis ako. Ayoko nang tumingin sa kanya dahil baka mawala pa ang galit ko. Nakasimangot na umupo ako sa harap ng mesa. Bahala siya sa buhay niya! 

Pakiramdam ko tuloy kalokohan lang ang listahan na ginawa nina Ericka at Vina. Pinagti-trip-an lang siguro nila ako. Siguro pinagtatawanan na nila ako ngayon sa mga isip nila dahil nagpauto ako sa kanilang dalawa. Mas lalo nga akong gumanda sa hairstyle ko pero bakit hindi man lang napansin ni Andrew? May diperensya ba ang mga mata niya?

Nakasimangot pa rin ako nang umupo si Andrew. He wears his sando and shorts. Nakakaloko ang ngiti niya sa 'kin. Inirapan ko siya. He laughed softly. Hindi ko siya pinansin at nagsimula na akong kumain. Hindi ko man lang siya hinintay. Wala akong pakialam sa kanya. 

I wear a long face while eating. My mood is already ruined because the first plan already failed. Muntik ko nang makalimutan na kailangan kong itanong sa kanya kung masarap ba ang luto ko. Ayoko na sanang dagdagan pa ang kahihiyan na naramdaman ko pero nilunok ko ang pride ko at nagtanong sa kanya. 

They said, the way to a man's heart is through his stomach. I cooked my specialty for that purpose. Hindi ko kasi alam kung ano ang paborito niyang pagkain. Tiningnan ko muna siya. Mukhang nagugustuhan naman niya ang kinakain niya. Hindi niya ako tinitingnan at nagko-concentrate siya sa pagkain. I cleared my throat for him to notice me. Nagtatakang tumingin siya sa 'kin nang napansin niya ang ginawa ko.

"How's the food?" mahina at kinakabahang tanong ko. Sana nagustuhan niya. 

Saglit na kumunot ang noo niya. Don't tell me, wala na naman siyang reaction? Na hindi masarap ang niluto ko? Sapakin ko na kaya siya? Titig na titig ako sa kanya na tila nagbabanta. Huwag lang siyang magsasalita nang hindi maganda, baka kung ano ang masabi ko sa kanya. Nahirapan kaya ako sa pagluluto! Sayang naman ang pagod at effort ko.

"It tastes just fine. Just like before," he said plainly. Napansin ko ang pang-aasar sa boses niya. Wala man lang siyang kahit ano'ng reaksiyon sa luto ko kundi fine? Fine!

"Sige. Next time huwag ka ng kumain. Ikaw ang maghugas ng plato ngayon," naiinis na sabi ko. 

Ngumiti lang siya sa 'kin nang nakakaloko. He didn't take me seriously. Akala niya nagbibiro ako. Bahala siyang matigang mamayang gabi. Itinuon ko na ang pansin ko sa kinakain ko. Hindi ko na siya tinanong kung kamusta ang trabaho niya dahil sa inis ko. Nang matapos kumain uminom agad ako ng tubig at nag-walk out. Sinundan niya ako ng nagtatakang tingin pero hindi ko na 'yon pinansin. Seryoso ako. Dapat siya ang maghugas ng pinggan.

Pumasok ako sa banyo. I did my rituals before sleeping. Suot ko na ang pantulog ko nang bumalik ako sa kusina. Andrew is taking care of the dishes. Bigla akong naawa sa kanya. Alam kong pagod siya pero dapat lang sa kanya ang maghugas ng pinggan. Mukhang napansin agad niya ang presensiya ko kaya lumingon siya sa 'kin.

"Why are you acting so strange? Saka bakit ka nagpagupit ng buhok?" tanong niya sa 'kin. Sumimangot ako at umupo sa isang silya.

"Bakit? Wala na ba akong karapatang magpaganda?" irap ko sa kanya. Ibinalik niya ang atensiyon sa hinuhugasan niya kaya hindi ko makita kung ano ang reaksiyon niya sa sinabi ko. Wala na naman siyang reaksiyon. Siguro wala talaga siyang pakialam sa 'kin? Siguro nga, hindi talaga niya ako mahal. Imposible naman talaga 'yon. Wala naman yata talaga akong pag-asa. Tatayo na sana ako pero bigla siyang nagsalita.

"Maganda ka na kaya hindi mo na kailangang magpaganda pa," he softly said. Bigla akong natigilan. My heart skip a beat. Suddenly, it was beating so fast. Pakiramdam ko mamatay ako sa kilig. Tinakpan ko ang bibig ko upang pigilan ang pagre-react. Pinigilan ko ang pagtili. Siguro naman pwede ko ng i-check ang plan A dahil mukhang wagi! Pero dahil sa sinabi niya na maganda na ako, ibig sabihin matagal na siyang nagagandahan sa 'kin? Mabuti na lang nakatalikod siya sa 'kin. Hindi niya mapapansin ang pamumula ng mukha ko. He will surely tease me for that. Walang kahit anong salita na lumabas sa bibig ko. I was dumbfounded.

Nang akmang lilingon na siya sa 'kin, agad akong tumayo at tumakbo sa kwarto. Ayokong makita niya ang reaksiyon ko. Alam kong nagtataka siya sa ginawa ko pero wala akong pakialam. Saka kapag tumingin siya sa 'kin, lalo lang akong maiinlove sa kanya. Lalo lang akong aasa.

I stand in front of the mirror. Halata ang pamumula ng mukha ko at ng tainga ko. Nakakahiya! Humiga na ako sa kama at nagkumot. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Naiinis ako na natutuwa rin dahil binibigyan niya ng kaunting pag-asa ang puso ko. Tiyak na mas masasaktan ako kapag masyado akong naging assuming pero hindi pa rin humuhupa ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Gusto ko nang matulog bago pa siya dumating.

Ilang minuto ang lumipas nang marinig kong bumukas ang pinto. And then I heard the sound of water coming from the shower. Kinalma ko ang sarili ko. Ipinagpatuloy ko ang pagpapanggap na tulog na ako. Pinigilan ko ang gumalaw. I tried to breathe steadily.

Hindi ko alam kung anong oras siya lumabas sa banyo. Naramdaman ko na lang na gumalaw ang kama dahil humiga na rin siya. He wrapped his arms around my waist. He sniffs my hair teasingly.

"Don't pretend. Alam kong hindi ka pa tulog," he said and teasingly bit my neck. I was too shock so I reacted and moved away from him. Seriously? Nakakainis naman! I faced him. He grins at me.

"What do you want?" naiinis na tanong ko. Pinilit kong itago ang totoong nararamdaman sa pamamagitan ng pagsimangot.

"I want you," he said. Hinawakan niya ang ilang hibla ng buhok ko at bahagyang inamoy. He is seducing me. Alam ko naman ang tinutukoy niya. He wants me tonight.

"No. I'm already tired," seryosong sagot ko. He sighed with disappointment.

"Sige. Bukas na lang," he said. Ngumiti ako sa sagot niya. Pero sorry na lang siya dahil hindi rin ako pwede bukas. Kailangan kong magpa-miss para siya na mismo ang umamin ng totoong nararamdaman. I closed my eyes. Hinila na lang niya ako palapit sa kanya at niyakap.

"Pumunta ka nga pala bukas sa office ng alas nuwebe. Nakahanda na ang contract para sa subdivision na itatayo namin. I will discuss the details tomorrow," he said.

Hindi ko inaasahan ang mga sinabi niya. He's giving us the contract for that project? Tinangka kong tumingala sa kanya pero pinigilan niya ako. He holds me more tightly.

"Just sleep," he whispered. "If you're tired then I will let you rest. Don't look or talk to me tonight. I may not be able to control myself," paos na wika niya. I bit my lower lip. I let my head rest on his chest. Sinunod ko ang sinabi niya pero nakaramdam ako ng kilig dahil sa sinabi niya. Kahit alam ko na wala namang espesyal na kahulugan ang mga sinabi niya. He wanted me tonight that's why he said it.

Kinabukasan, paggising ko wala na siya sa tabi ko. I checked the time. It was already eight in the morning. Pupunta pa ako sa office ni Andrew! Kinuha ko ang cellphone ko sa maliit na mesa na katabi ng kama. Agad kong tinawagan si Vina. Sinabi ko na may meeting ako ng alas-nuwebe nang umaga kaya male-late ako.

Alam kong wala na si Andrew. Pumasok na siya sa opisina. Naiinis ako dahil tinanghali ako ng gising. Hindi man lang niya ako ginising! Nakahiga pa rin ako at nakatitig sa kisame. Pakiramdam ko ang bigat ng pakiramdam ko. Tinatamad akong bumangon. Ayaw gumalaw ng katawan ko. Kahit tinatamad, wala na akong nagawa kundi ang bumangon. Pumunta ako sa kusina. He cooked something for me. It was his specialty. Mga pritong pagkain. I smiled. Tamang-tama lang sa breakfast ang specialty niya.

I looked at the food pero pakiramdam ko wala akong gana. May iba akong pagkain na gustong kainin. Pero kahit ayoko sa pagkain, kumain na rin ako dahil kailangan ko ng lakas para makapagtrabaho. Mamaya ko na hahanapin ang mga pagkaing gusto ko.

Naligo ako at nagbihis nang matapos kumain. Tinawagan ko si Andrew na mal-late ako ng ilang minuto. Mabuti na lang malapit lang sa opisina niya ang unit niya. Hindi alam ng mga empleyado niya na mag-asawa na kami kaya ibinigay ko ang maiden name ko sa secretary. Hindi ko rin masyadong ginagamit ang apelyido ni Andrew sa trabaho.

She asked me to wait so I did. Ilang minuto lang ay binalikan na ako ng secretary at ihinatid sa loob ng isang conference room. Nandoon si Andrew at may kasama pang iba. He motioned me to take a seat. Nakakahiya dahil na-late ako ng ilang minuto.

"I'm sorry," apologetic na sabi ko sa kanila. Bakit kasi hindi ako ginising ni Andrew? Ayan tuloy! Na-late ako.

"Good morning. I suppose everyone is already here. Let's start," Andrew said. Siya ang architect ng mga bahay sa ginawa niyang subdivision. May ilan din siyang katulong. He explained the whole deal to all of us. We will design the house according to the buyer's will. Ibig sabihin kapag may client na bumili sa isang bahay, pwede siyang magsabi ng suggestions niya. The subdivision's houses were exclusively for boys only. Lalaki lang ang maaaring bumili pero maaaring bumisita ang mga babae. May ilang stores and bars kasi sa loob ng subdivision kaya tiyak na may mga babaeng empleyado. Sinabi niya na marami na ang nagpa-reserve at natitiyak kong bigatin ang mga taong 'yon. Hindi ipinaliwanag ni Andrew ang dahilan kung bakit lalaki lang ang pwedeng bumili ng bahay sa subdivision. I didn't ask him questions though it was weird for me.

Sinisimulan na ang pagtatayo ng subdivision. We signed a contract after his explanation. Malinaw naman ang lahat kaya walang problema. Matagal pa naman magsisimula ang trabaho. May ilang designer din na kinuha si Andrew mula sa company ko. Halos lahat nagpaalam na sa kanya kaya kaming dalawa na lang ang naiwan sa loob. Malapit na ring magtanghalian.

"I think I should go too. Marami pa akong dapat tapusin na designs," sabi ko. May deadline pa ako kaya nagmamadali ako. He eyed me with a questioning look.

"Aalis ka na agad? Let's eat lunch, first," seryosong saad niya. Tumayo na kaming dalawa.

"Baka may makakita sa 'ting dalawa," nag-aalalang saad ko. Pakiramdam ko pa naman, maraming nagkakagusto sa kanya. Tiyak na mai-issue siya ng mga empleyado niya.

"It's fine. It doesn't matter," he said casually. "But wait," he said. Nagtaka ako nang makalapit ako sa kanya. Nagulat na lang ako nang hapitin niya ang baywang ko at hinila ako papalapit sa kanya. He hungrily kissed me. Hindi na ako nakatutol pa. Naramdaman ko na binuhat niya ako paupo sa mesa. Our position is kind of awkward. Sobrang bilis din ng tibok ng puso ko dahil nag-aalala ako na baka may makakita sa 'ming dalawa.

His kisses are taking my breath away. Ikinawit ko ang mga kamay ko sa leeg niya. I don't care anymore. Pareho kaming natigilan nang bumukas ang pinto. His secretary entered the room at gulat na gulat siya.

"S-Sorry, Sir," she said. Andrew sighed and he doesn't seem to care. Ibinaba niya ako sa mesa. Namumula ang mukha ko at hindi makatingin nang diretso sa secretary niya.

"I'll be out for lunch," Andrew said. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na palabas sa conference room. Nilampasan namin ang natigilan niyang secretary. My cheeks are hot and red. Nakatungo ako habang naglalakad dahil hindi pa rin binibitawan ni Andrew ang kamay ko. Tiyak na pinagtitinginan kami ng mga empleyado niya.

"Hey. Head's up. Pakiramdam ko tuloy ikinakahiya mo ako," he said and laughed softly. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nagtatanong ang mga mata na tumingin ako sa kanya. He just smiled.

"Paano nga kung ikinakahiya kita?" pang-aasar ko.

He frowned. "Then I'll do something to make you be proud of me," he teased. Inirapan ko siya. Alam kong hindi siya seryoso sa sinabi kaya hindi ko masyadong pinansin. Mukhang magaling magpaasa si Andrew. Binitawan lang niya ang kamay ko nang pumasok na kami sa elevator. Dumiretso kami sa parking lot at sumakay sa kotse niya.

"Where do you want to eat?" tanong sa 'kin ni Andrew. Dahil sa tanong niya bigla akong natakam. I'm craving for something and it's weird. I looked at him and told him what I wanted. Kumunot ang noo niya. Akala ko magrereklamo siya pero tahimik niyang pinaandar ang makina. He started to drive the car. I smiled. Mabuti na lang at ayos lang sa kanya.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro