Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Intruder 20

SIDNEY

Ihinatid ako ni Andrew sa airport kanina. Ngayon nasa Palawan na ako. Nasa harap ako ng computer ko at nag-iisip kung ano ang kulang sa design ko. I can't think properly. Laging sumasagi sa utak ko si Andrew.

"Ah!" naiinis na sigaw ko. Hindi ko lubos-maisip na kasal na talaga kami. Bakit? Ano ang nangyari? Parang mali yata. It's funny how he took care of all the documents that fast. Parang gusto ko nang magsisi ngayon. I sighed. Naiinis na lumabas muna ako sa cottage at nagpahangin. Umupo ako sa kawayang upuan sa harapan ng cottage namin.

Nilanghap ko ang sariwang hangin para pakalmahin ang sarili ko. Ngayon lang ako nakapag-isip nang tama. Pero gusto ko naman talaga si Andrew. Kaso parang mali lang dahil sa bilis ng mga pangyayari. Hindi tuloy maiwasan na magsalubong ang mga kilay ko habang tinatanaw ang maalon na dagat.

"Sidney." 

Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. Si Ayden. Namula ang mukha ko nang makita ko siya. Isa siya sa witness ng kasal namin ni Andrew. Napag-usapan namin na ilihim muna sa lahat ang kasal namin ni Andrew. 

"Yes?" nahihiyang tanong ko sa kanya. He sighed. Tumabi siya sa kinauupuan ko. Napansin ko ang seryosong mukha niya. Kinabahan ako.

"I am just wondering. Saan ba kita nakita? Nakakagulat ang nangyari kahapon. Hindi ko alam kung bakit biglaan ang naging desisyon niya," seryosong sabi ni Ayden. Mataman siyang nakatingin sa dagat. I sighed heavily. I should tell him the truth.

"You had seen me in his wedding. Four years ago," I told him. Hinintay ko ang magiging reaction niya. He looked at me. Nakakunot ang noo niya at pilit na inaalala ang sinabi ko. 

Pilit na ngumiti ako dahil alam kong hindi niya maalala ang mukha ko. "I am the wedding intruder.  The one who ruined his wedding," mapait na sabi ko.

Nanlaki ang mga mata niya nang maalala ang mga nangyari. "What? Ikaw 'yon? How come? Where's your child?" gulat na gulat na tanong niya. "Ang naaalala ko, iginigiit ni Andrew na hindi ka niya kilala. Na hindi ka niya nabuntis. Kung ganu'n totoo na may anak na kayo?" sunud-sunod na tanong niya. I laughed nervously. Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong sagutin sa mga tanong niya.

"Totoo na hindi niya ako kilala at hindi niya ako nabuntis. Hindi kami konektado sa isa't isa. Hindi niya ako babae at hindi ako galit sa kanya," sagot ko. Naguluhan siya sa sinabi ko. Kumunot ang noo niya. Halos magsalubong na ang mga kilay niya.

"Then why did you do that? Alam mo bang galit na galit sa 'yo si Andrew dahil sa ginawa mo? Gustong-gusto ka nga niyang hanapin noon para gumanti," diretsong sabi niya. Napangiwi ako. I'm sure he's saying the truth. Mabuti na lang na hindi niya ako nahanap noon. Maswerte pa rin ako.

"I badly need money that time. At 'yon lang ang pinakamadaling paraan para makuha 'yon," mahinang sabi ko. But I don't regret what I did. I am able to save someone important to me because of that mistake.

Hindi makapaniwalang tumingin sa 'kin si Ayden. "How could you do that? He loved his bride so much. You ruined someone else's life just for money?" matalim na wika niya. Yes. I was hurt by his words. Pakiramdam ko sinasaksak ang puso ko dahil sa guilt. Hindi ko naman ginustong gawin 'yon.

"I know for you it's nonsense but for me it means everything. Hindi mo maiintindihan dahil sigurado ako na hindi mo pinagdaanan ang mga naranasan ko. My mother was sick that time. A surgery was needed for her to survive.  Sinasabi ko ito, hindi dahil gusto kong magpaawa sa 'yo. I was wrong and I admit it. Pero hindi ako nagsisisi sa ginawa ko. Kung maibabalik ko man ang oras tiyak na 'yon pa rin ang landas na pipiliin ko. I will surely ruin his wedding again for my mother," I said. I cleared my throat. Mahirap para sa 'kin na balikan ang nakaraan. Ilang buwan din akong ginulo ng konsensiya ko dahil sa ginawa ko kay Andrew. But I endured it. I want to give the best for my family.

Natahimik si Ayden sa sinabi ko. He looked away. Tumingin siya sa malawak na dagat. Ilang minuto lang ay napailing siya.

"I was bothered by Andrew's sudden decision. Ngayon mukhang alam ko na," he sighed. "Be careful. I will warn you. He's not someone you can trust lalo na't may atraso ka sa kanya. Tiyak na galit pa rin siya sa 'yo. Huwag mong itaya nang buo ang puso mo. Sinasabi ko ito sa 'yo dahil nag-aalala ako sa mga maaaring mangyari," sabi niya. Mabigat sa loob niya ang mga binitiwan niyang salita. Parang may alam siyang hindi ko alam. Kinakabahan man ako, gusto ko pa ring mag-isip na maganda ang kahihinatnan ng mga desisyon ko.

"I'll be fine. Alam kong hindi pa niya ako napapatawad. I know that he is just using me. He wants a child to get his father's trust again. He made it clear to me. As much as possible, I'll try not to fall in love with him so bad," I assured him but I'm doubting myself. Tiyak na hindi ko mapipigilan ang sarili ko na mas umibig sa kanya. Narinig ko na naman ang mabigat na pagbuntong-hininga ni Ayden.

"Kung kailangan mo ng tulong ko, tutulungan kita. When things don't went well for the both of you, I will meddle with your affairs whether you like it or not," he said. Tumayo na siya. Marahan niyang ginulo ang buhok ko kaya sumimangot ako. Pero natuwa ako dahil sa kabaitan niya. Hindi na niya hinintay ang sasabihin ko at bumalik na siya sa loob ng hotel.

Muli kong tinanaw ang dagat. Siguradong maninibago ako sa mga susunod na mangyayari sa buhay ko. I must prepare myself to get hurt. Tiyak na hindi madaling paamuhin si Andrew. Bumalik na ako sa loob ng silid ko at nag-concentrate sa pagtatrabaho. Humihingi rin ako kay Ayden ng mga suhestiyon niya tungkol sa designs ko. Nakakatuwa na nagkakasundo kami. Hindi ko na napansin ang mabilis na paglipas ng araw. Nagulat na lang ako nang malaman na Biyernes na at Sabado na bukas. Andrew said that he will come here. I hate to admit it but I'm really hoping that he will come. I want to see him again. Kaso nga lang may problema. Tiyak na maba-badtrip lang siya kapag pumunta siya rito.

~~~

Napaungol ako nang maramdaman kong may tumabi sa 'kin sa kama ko at niyakap ako. The masculine scent is very familiar. Agad na iminulat ko ang mga mata ko dahil alam kong hindi panaginip ang nararamdaman ko. I saw Andrew's face. Namula ang mukha ko nang mapansin na pinagmamasdan niya ako.

"Did I wake you up?" tanong niya. "You can sleep again. Reserve your energy for tonight," he grinned. Namula ang mukha ko. Magsasalita pa sana ako pero isinubsob na niya ang mukha ko sa dibdib niya. "I'm tired too," he whispered. Napansin ko na naging stable na ang paghinga niya. Napangiti ako dahil kahit ang tibok ng puso niya ay naririnig ko rin. I bet he's already sleeping. Hinayaan ko na lang siya. Ipinikit ko na rin ang mga mata ko para matulog. Alas singko pa lang ng umaga. Nag-effort pa talaga siyang kumuha ng maagang flight.

~~~

Nagising ako dahil sa nakakakiliting halik ni Andrew sa leeg ko. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o uungol. Pinigilan ko siya sa ginagawa. Tinakpan ko ng kamay ko ang mukha niya.

"Stop. Baka kung saan pa mapunta 'yang ginagawa mo," sabi ko sa kanya. Inalis ko na ang kamay ko sa mukha niya. He frowned.

"Why? Let's do it now," he said. Para siyang bata sa itsura niya. Pinigilan ko ang pagtawa.

"May monthly period ako ngayon," nakasimangot na sabi ko ngayon. Mas lalo siyang sumimangot.

"Don't joke around. It's not funny," seryosong sabi niya.

"It's true," pang-aasar ko sa kanya. Noong Miyerkules pa. Pero tiyak na last day ko na ngayon pero wala akong balak sabihin sa kanya. Gusto ko muna siyang inisin. Gusto kong malaman kung gaano kahaba ang pasensiya niya para maghintay.

"Kailan pa?" naiinis na tanong niya.

"Kahapon lang," pagsisinungaling ko. He sighed heavily.

"Ano? Bakit hindi mo agad sinabi? Sana next week na lang ako pumunta rito. Hindi na ako makakabalik dito next week. Baka sa susunod na buwan na ulit," sabi niya. Hindi niya magawang ngumiti. Hindi ako natatakot sa itsura niya. Lihim pa nga akong natatawa. Badtrip na badtrip talaga siya.

"Bakit kita kokontakin? Hindi ka nga nagte-text o tumatawag sa 'kin. Hindi ako sigurado kung pupunta ka talaga rito," pagpapalusot ko. I really want to see his frowning face.

He made a face. Naiinis na bumangon siya. "Magbihis ka na. Mamasyal na lang tayo," iritableng sabi niya. Hindi na siya naghintay sa sasabihin ko. Lumabas na siya. Mahina akong tumawa nang sumara ang pinto. Iinisin ko muna siya. Bumangon na ako sa kama. Excited na naligo ako at nagbihis. Blouse at jeans na lang ang suot ko. I still have my period so I don't plan to swim. I brought extra clothes in case of emergency. Pabigla-bigla kasi ang desiyon ni Andrew kaya kailangan kong maghanda.

"Saan tayo?" tanong ko nang makalapit ako sa kanya. He's just wearing shirt and jeans but he's still handsome.

"Kahit saan," naiinis na sabi niya. Mukhang hindi pa rin siya maka-get over sa sinabi ko kanina. Mahina akong tumawa pero tiningnan niya ako nang masama kaya tumigil ako. I stick my tongue out. Nauna na akong naglakad pero sinabayan niya rin ako. He held me in my waist and pulled me closer while walking. I heard him sigh heavily.

"Do you really have your monthly period?" tanong niya pero pabulong. Malakas akong tumawa. Umaasa pa rin ba siya na nagbibiro lang ako?

"I'm dead serious," mapang-asar na sabi ko. Sumimangot siya. Hindi na siya nagsalita pa. Halatang-halata na disappointed siya. Muli kaming bumalik sa El Nido. Nag-island hopping lang kami dahil hindi ako pwedeng lumangoy. Marami pa rin kasi kaming hindi napuntahan. Nag-foodtrip din kami. Nag-check in din kami sa hotel dahil masyadong maliit ang kama ko para matulog siya roon. Napansin ko rin na medyo masakit ang katawan niya. Mukhang subsob talaga siya sa trabaho niya.

Gabi na. Pumasok kami sa loob ng isang bar. Hinayaan ko lang siyang uminom. Kontrolado ang pag-inom niya kaya ayos lang. Hindi naman siguro siya malalasing sa konting alak. Pero nakakailang dahil nakapulupot sa katawan ko ang isa niyang kamay at halos nakayakap na ako sa kanya.

"Nag-usap ba kayo ni Ayden?" he suddenly asked. Seryoso ang tono ng boses niya.

"Tungkol saan?" takang tanong ko.

"About our marriage," he answered. Ibinaba niya ang hawak na bote ng beer sa table. He leaned closer and faced me.

"What did he tell you? May kakaiba ba siyang sinabi?" seryosong tanong niya. I could see that he's bothered about something. Pero hindi ko matukoy kung ano. Inalala ko ang pinag-usapan namin. Wala namang kakaiba. Alam ko naman talaga na galit sa 'kin si Andrew. Hindi na bago 'yon. Ano ba ang gusto niyang isagot ko sa tanong niya?

"Wala namang kakaiba. Sinabi lang niya na mag-ingat ako sa 'yo dahil tiyak na galit ka pa sa 'kin. Hindi naman bago sa 'kin 'yon," sagot ko. Matiim na tumitig siya sa 'kin. Tila inaalam niya kung totoo ang sinasabi ko. He softly touched my cheeks. He leaned closer and claimed my lips. I could feel his tongue inside my mouth. Sexily teasing and wandering inside. Naninibago ako dahil sa kakaibang nararamdaman ko. He pulled me towards him. The next thing I knew, I was already sitting on his lap. Hinihingal na naghiwalay ang mga labi namin. 

Of course, we can't go further because of my period. He sighed and looked at me. He's trying to get a hold of himself. I am impressed by his self-control. Hanggang ngayon, pinipili pa rin niyang magtiis at maghintay. I wonder if he's still angry. Gusto pa rin kaya niyang gumanti? He's confusing.

***


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro